Chapter 5
Chapter 5
"Saan ka galing, Arki? Pagdating ko sa bahay ay wala ka na." Dumalo kaagad si Angelus sa bata at hinawakan ito sa mukha.
Napairap ako. "Paanong hindi mawawala, e, hindi mo naman binabantayan? Imbes na tutukan mo ang kapatid mo, nandoon ka sa kapit-bahay mo at nakikipagharutan sa balon," pagpaparinig ko at sinadyang lakasan ang boses.
Nagtagumpay naman ako nang mapalingon siya sa akin, madilim na ang tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Hindi niya ako sinagot at muli lamang hinarap ang kapatid na inosente lang na nakikinig sa pangaral ng kuya niya habang iniinom ang choco drink.
"Hindi mo ba naalala ang turo ko sa 'yo? Dapat hindi ka nakikipag-usap at lalong sumasama sa mga hindi mo kilala... paano kung kunin ka noon, huh?"
Humalukipkip ako habang pinanonood ang mumunting eksena sa harap ko. I can't believe they are siblings. Then, I remember that little girl back in public market... Isabel? Kapatid niya rin iyon. Ang dami niyang kapatid kung ganoon. At saan nga ba ang mga magulang nito? I saw him doing different kind of job, hindi ba nagtatrabaho ang magulang nila? But then, I remember what Archangel said earlier. His father had already passed away, maybe that explains it... wait... ano naman ang pakialam ko? Bakit ko ba ito iniisip
At higit sa lahat bakit ko ba kinausap iyong bata kanina? E, 'di sana nakauwi na ako at higit sa lahat, hindi ko na makikita itong si Angelus!
I groaned. Ano nga naman kung makita ko siya?
"Kuya, hindi ko naman po nakalimutan. At saka hindi naman po masamang tao si Ate Ganda, mabait po siya!" masiglang sambit nito at nilingon pa ako para nginitian.
Sinuklian ko siya ng hilaw na ngiti dahil pansin ko sa gilid ang paglingon din ng kuya niya sa akin.
Umismid siya kaya tuluyan ko na siyang binalingan.
"Mabait?" he echoed as if he just heard the most unbelievable news. Tiningnan niya ako at naningkit ang mata, naninimbang. "Miss, ano ang pinakain mo sa kapatid ko't naging ganito?"
"Biscuit," pilosopong sagot ko.
"Ate Ganda, kilala mo na po ba ang kuya ko? Pogi po pangalan niya saka pati mukha. Tingnan mo, 'di ba po!" sapaw ng bata.
Napatiim-labi ako at nailing, natawa nang konti bago silipin ang mukha ni Angelus.
Mabilis namang napawi ang ngiti ko nang naabutan siyang nakatitig na sa akin, may multo ng ngiti sa labi.
I cleared my throat and looked at the kid instead. "Uh, I guess." Hilaw akong ngumiti. Guwapo siya, okay? I give him that. Pero mamamatay muna ako bago iyon sabihin sa kaniya. Malay ko ba na lumaki ang ulo ng iyong lalaking 'yon!
Pairap niyang iniwas ang tingin sa akin para kunin na ang kapatid at kargahin. "Iuuwi na kita."
"Paano po si Ate Ganda, Kuya?"
"Ihahatid ko na siya kaya iuuwi na kita sa bahay."
Napakurap ako. Ihahatid? Bakit?
Napasimangot kaagad ako nang maalalang tsuper nga rin pala ang isang ito.
"Puwede po sumama? Pakiusap, Kuya! Gusto ko lang makita kung saan bahay ni Ate!"
"Hindi puwede."
"Ngayon lang po! Hindi na po ako magpapasaway, isama mo lang ako!"
Humikab ako at aksidenteng may nahagip ang tingin sa gilid. Si Malessa ay mukhang papalapit sa amin. Nilingon ko ang lalaki. "Bakit ba ayaw mo na lang isama?" singit ko.
"Hapon na, miss, kaya dapat ay nasa loob na ng bahay ang bata."
"Tss, ang sabihin mo, hindi mo siya maasikaso dahil isasama mo pa ang girlfriend mo sa pamamasada. Eww, date maybe. Typical date of people like you. Cheap."
Narinig ko ang marahas niyang buntonghininga. "Hindi ka ba puwedeng magsalita ng walang halong pang-iinsulto?" malamig niyang tanong.
"O? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Masakit ba?" tukso ko.
"Alam mo? Umuwi ka na lang mag-isa mo."
Napangisi ako pero hindi dahil sa tuwa kundi sa irita. "Sino rin naman ba kasi ang nagsabing ihahatid ako, 'di ba ikaw?" I tsked then proceeded, "Huwag kasi pairalin ang kagunggunggan." Teka, ba't parang ako ang natamaan sa sinabi ko?
Sumulpot ang babae sa gilid. Tiningnan namin siya. "Ihahatid mo ba si Alvea, Angelus? Sama ako."
He sighed. "Sige."
My eyes widened in fraction. Pumayag siya nang gano'n lang? E, 'di ba magkapit-bahay lang naman sila?
Sa kalagitnaan ng biyahe ay nanatili sa mukha ko ang simangot, pero kapag dinadaldal ako ng katabing si Archangel ay tipid ko itong nginingitian. Nakaka-badtrip kasi. Bakit? Sa likod lang naman ni Angelus sumakay si Malessa at ang nakakadiri pa ay nakapulupot ang braso ng babae sa baywang nito. Like, seriously? Is this some kind of romance? Well, if it is, it's awful. Really.
Nang makarating sa harap ng tarangkahan ng mansiyon ay inabot ko na ang 100 pesos kay Angelus, pero nangalay na lamang ako ay hindi niya pa rin tinatanggap
Iritado ko siyang nilingon. "Don't make me wait. Tatanggapin mo ba o kailangan na naman kitang pilitin?"
"Huwag na, pasasalamat ko na lang iyan sa pagtingin mo kay Arki kanina."
Umangat ang gilid ng aking labi nang may
maalala. "No, thanks. Gaya mo, ayaw ko rin magkaroon ng utang na loob sa 'yo sa kahit anong paraan. Why? Simply, because I dislike you," tuya ko at hinampas ang pera sa dibdib niya. Nahulog iyon.
Mukhang nagalit siya sa ginawa ko nang matanaw ko kung paano kumuyom ang panga niya. Ni hindi man lang ako natinag.
Nawala lamang ang atensyon ko sa kaniya nang may humila sa kamay ko.
I was about to let out a violent reaction when I saw Arki's cute face. Ngumuso siya. "Ate, inaaway mo ba ang kuya ko? Huwag po sana... baka iyak po siya mamaya..."
Imbes na maawa sa sinabi niya ay napaismid pa ako at sinulyapan ang kuya niyang matalim ang tinging iginawad sa akin. "Umiiyak ang kuya mo? He looks brave, though."
Nagtagis ang bagang ng kaharap ko, akma na siyang lalapit sa akin kung hindi lang siya hinawakan ni Malessa sa braso.
Umikot na naman ang mata ko sa nasaksihan kaya imbes na panoorin silang ganoon ay yumuko na lang ako para makausap ang kapatid niya.
Nginitian ko siya. "Kinakausap ko lang ang kuya mo. You know, ganoon mag-usap ang matatanda," lusot ko at pinisil ang pisngi niya.
"Uuwi na si Ate, huwag ka na iiyak ulit, ha?Malulungkot ang tatay mo."
Suminghap ang nasa gilid namin. "Ano ang ibig mong sabihin?"
Tumingala ako sa kaniya. "Hindi mo alam kasi hindi mo naman inaatupag itong kapatid mo. Well, let me inform you, umiyak siya dahil naalala niya raw ang papa niya."
Napakurap si Angelus. Hindi ko na ulit siya pinansin at bumaling na lang sa bata.
"Dito ka po nakatira? Ganda po bahay ninyo! Marami siguro pagkain diyan!" Sabay turo niya sa loob ng tarangkahan kung saan may ilaw na daan patungo sa mansiyon na nasa hindi kalayuan.
Ngumiti ako. "Marami..."
"T-Talaga po? K-Kung ganoon ay puwede ba kami makikain sa inyo-"
"Arki, tara na," putol agad ng kuya niya at mabilis siyang hinila at kinarga. Napasinghap ako sa ginawa niya at mabilis ding tumayo.
"Where are your manners? Hindi mo ba nakitang nag-uusap pa kami?" nagpupuyos sa galit na saad ko.
He gritted his teeth. "For someone like you, I don't think you deserve respect," ganti niya naman sa matigas na ingles pagkatapos ay tinalikuran akong hindi makagalaw sa kinatatayuan.
What did I just hear? Talaga bang sinabi niya iyon... shit, that jerk! Pumihit na ako para pumasok na nang bumaba ang tingin ko sa lupa at nakita roon ang pera na hindi niya pala dinampot. Mariin akong pumikit at dinampot iyon nang may galit.
"Hija..."
Napasinghap ako sa gulat nang salubungin ako ni Lola sa tarangkahan. Tipid akong tumango sa kaniya ngunit lumapit siya sa akin para hagkan ako.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, susunduin na sana kita dahil ang tagal mong nakauwi."
Ngumuso lang ako. Why are they treating me like a baby?
Ngumiti siya. "Maiba ako, si Angelus ba iyong naghatid sa 'yo rito?"
Nangunot ang noo ko. "Yes. Bakit po?"
"Buti naman, mapagkakatiwalaan ang batang iyon. Mabait at masipag."
"I don't think so."
"Totoo iyon. At saka malakas ang dating, hindi ka ba nahumaling?" ngisi ni Lola.
Napangiwi na ako. "Lola! No way!"
Marahan siyang humalakhak at hinawakan na ako sa braso para maglakad. "Sigurado ka? Baka mamaya kainin mo lang iyang sabihin mo."
"Busog po ako," pilosopo kong wika.
"Naku, iyang si Angelus? Mana iyan sa kaniyang ama, may taglay na kamandag na walang kahit anumang lunas. Oras na mahulog ka, tiyak na hindi ka na makababangon kaya mag-ingat ka."
Kumunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin, Lola?"
"May babaeng nahulog sa ama ni Angelus noon na kahit nagkaroon na ito ng sariling pamilya ay pilit pa ring bumabalik sa kaniyang nakaraan-sa kaniya. Do you even believe first love stays forever?"
I was suddenly lost for words to answer her question. First love... I do have one. It's Earl. He was my first boyfriend. We were together for almost a year. And I loved him... but unfortunately not enough. Heartless to say, but the break-up for me was nothing. Wala akong naramdaman. Ni alam ko sa sarili ko na wala na rin akong nararamdaman para sa kaniya. Ganoon kabilis. Sa isang kisap, naglaho lahat.
But do I believe first love stays forever?
Umiling ako. I don't think so, instead I answered, "Greatest love can make it leave."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top