Chapter 3

Chapter 3

"Ayaw ko nga makipagkaibigan kaya puwede ba, tantanan mo ako?!" iritado kong sabi sa kaklase kong si Malessa.

"Grabe! Ganiyan ba talaga ka-sungit mga taga-Manila? Nakikipagkaibigan lang naman, hindi ka naman mapapahamak! At pangako, kapag tinanggap mo ang alok ko na maging kaibigan mo ay hindi ka magsisisi!" magiliw pa nitong kumbinsi sa akin.

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan, mataman siyang tiningnan. "I said no."

"I said, yes."

"I said no. Bakit ka ba namimilit?"

"I said yes. Bakit ka ba tumatanggi?"

I exhaled and closed my eyes for a moment. Nang dumilat ako ay wala man lang nagbago sa ekspresyon ng kaklase at magiliw pa rin akong tinatanaw.

I shook my head in dismay. "Narito ako para mag-aral, at hindi para makipagkaibigan," malamig na sabi ko dahilan para unti-unting mapawi ang tuwa sa kaniyang mukha. Kaya ang naging resulta wala ako sa mood buong araw hanggang sa dumating ang oras ng uwian.

Hindi na rin sumubok na lumapit pang muli ang kaklase at iniwasan na ako. I rolled my eyes. Dapat lang, malay ko ba nakikipagkaibigan lang din siya sa akin para gamitin ako. I knew better now.


Pangalawang araw ko pa lang ay may nang-iistorbo na sa akin. Totoong mag-aral na lang nang mabuti at huwag na makipagkaibigan ang plano nang ma-enroll ako.

Sanhi na rin ng naging karanasan sa 'mga kaibigan' ko ay ayaw ko nang sumubok pa at baka mauto at traydurin lang akong ulit. 4th year na rin naman ako sa college at isang taon ay ga-graduate na kaya mabuting pag-igihan ko na lamang. I believe I can survive without friends now...

Or so I thought.

Uwian nang magkaroon ako ng problema. Ano ang sasakyan ko pauwi?! Oo, matanda na ako pero hindi ako sanay mag-commute. Kahapon, hatid-sundo ako ni Lola, pero ngayon hindi ko na alam! I totally forgot asking her earlier!

Napapadyak ako at napaupo sa pavement sa labas ng eskwelahan. Sanay akong may personal driver, pero hindi ako makauuwi kung hindi ako gagawa ng paraan ngayon dahil wala naman na ako sa Manila! Lalo akong napabusangot nang sumagi sa isip na hindi man lang ako naisipang bigyan ng sasakyan ni Daddy kung balak niya naman pala akong paaralin dito.

After contemplating, I decided to stand and just find a damn vehicle so I could go home. Bahala na. Frowning at this moment won't help me.

Sakto namang may pumaradang tricycle sa hindi kalayuan kaya hindi na ako nagsayang ng oras at naglakad na patungo roon. Nang mapaangat ako ng tingin sa tsuper ay kaagad nagbago ang isip ko. "Tss, siya na naman. Huwag na," bulong ko nang makita ko iyong lalaking kinaiinisan ko simula nang pagtungtong ko sa probinsya na ito.

Akala niya ba nakalimutan ko ang harap-harapang pamamahiya niya sa akin-pero wait! Napakurap ako at nilingon siyang muli. Namilog ang mata ko nang may natanto. Goodness gracious... hindi lang pala siya janitor, tricycle driver din siya!

Napailing ako at umatras. His dark brown eyes darted on me. Tinaasan niya ako ng kilay. I gritted my teeth for some unknown reasons.

"Uy, Angelus! Akala ko hindi ka mamamasada ngayong araw, e!" rinig kong sabi ng pamilyar na boses sa likod.

Pumihit ako para lingunin iyon at nakumpirmang si Malessa na naman iyon. I immediately frowned when her eyes found mine. Lumawak ang kaniyang ngiti. "Hi, Alvea! Pauwi ka na rin? Kung wala kang sundo ay sabay na tayo, please!"

Lumipat ang tingin ko sa driver at naabutan siyang suplado ang tingin sa akin. Nagkasalubong ang kilay ko. What the heck is this brute's problem?

"No, thanks," pairap na tanggi ko nang ibalik sa babae ang mata.

"Huh? Baka mamaya wala ng sasakyan diyan, maabutan ka pa ng gabi!"

Ba't ang plastik sa pandinig ko kahit halata namang nag-aalala siya? Ito na ba ang epekto no'ng tatlong bruha?

"Kayen, sumakay ka na. Huwag mo nang pilitin iyong taong ayaw naman."

Kayen? Is that how he calls her? Well, I don't care. Napairap na lang ako nang marinig ang boses ng epal na driver na iyon. Humarap ako sa kaniya at pinasadahan siya ng tingin, I showed him a disgusted face.

Sinuklian niya ako ng madilim na tingin bago inilihis sa akin ang tingin. "Tara na, Kayen."

Pagkasabi noon ay nagkumahog na sumakay ang babae at muli akong nilingon. "Hindi ka talaga sasabay?"

I shook my head, and just like that, they left. I sighed and looked up at the sky, palubog na nga ang araw at wala na akong masyadong makitang sasakyan. Nang ilang minuto pa ang dumaan ay naupo na lang ulit ako sa pavement at pinaglaruan ang daliri. I sighed again. I kinda regretted declining her offer earlier, e 'di sana nakauwi na ako.

Napakagat ako sa labi nang wala na akong makitang mga estudyante, at dumidilim na. Unti-unti na rin akong binalot ng takot sa mga naiisip. Paano kung bastusin o ma-kidnap ako? The thought of it sent shivers down my spine.


"How stupid of you, Alvea Ryss," bulong ko sa sarili habang inuuntog-untog na ang noo sa tuhod. Ni hindi pa ako sinusundo ni Lola... hindi ba siya nag-aalala sa akin? I groaned in bitterness. Malay ko bang wala naman talaga siyang pakialam sa akin.

Napahinto ako sa ginagawa sa sarili nang mapansin ko ang pares ng tsinelas sa harapan ko. Napaayos ako ng tindig at dahan-dahang itiningala ang ulo para makita kung sino ang nagmamay-ari noon.

Napakurap-kurap ako at agarang napatayo nang makita na naman 'tong lalaking ito! What is his name again? Napaismid ako. Of course, I don't know and I shouldn't care! "Ano ang ginagawa mo rito?!" halos pasigaw na tanong ko. Simula talaga ng trato niya sa akin sa palengke at doon sa palikuran ng eskwelahan ay hindi ko maiwasang mairita tuwing nakikita siya.

Hindi siya nagsalita at sinuri lang ang mukha ko. Napatitig ako sa mukha niya saglit at umiwas lang nang maramdman ang init ng pisngi. What's that?! Okay, fine... I wouldn't deny that despite his life status, he's... well, gorgeous? With his fair complexion which complemented his defined features, I find him obscenely attractive especially with his long hair that is absolutely suitable for someone like him. I dreamily sighed. Of all people, bakit siya pa ang may ganiyang katangian? Sayang, hindi ko maharot dahil kahit kamukha pa siya ni Adonis ay mas nangingibabaw ang inis ko sa taong ito.

"Hindi ka pa nakakauwi," pahayag niya na nakapagpabalik sa akin sa ulirat.

Tumikhim ako, nadi-distract sa presensiya niya. "Oh, ano naman ngayon sa 'yo?"

"Ihahatid na kita."

"H-Huh?!"

"Tss. Huwag nang paulit-ulit na para bang hindi mo narinig," aniya at tinalikuran na ako.

"Hey! Bahala ka! Hindi ako sasakay! Sa ganda kong 'to, suwerte mo naman!"

Napansin ko ang pag-iling niya habang nakatalikod hanggang sa tuluyan nang sumakay ulit sa tricycle. Tinanaw niya ako. "Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa sumakay, hahayaan kita hanggang sa maging bangkay ka na lang pagkabukas. Isa..."

Umawang ang labi ko sa narinig. Bangkay? Does it mean... may posibilidad na madawit ako sa isang krimen dito, at ang malala baka ako pa ang maging biktima! Nilukob ng takot ang aking sistema. Sa kagustuhan pang mabuhay ay binaba ko na ang pride at nagmadaling pumasok sa loob ng tricycle.

I heard him chuckle but I was too bothered from what he just said that I remained silent.


Sa gitna ng biyahe ay seryoso lamang akong nakatingin sa daanan nang marinig ko ang tikhim niya.

"Huwag mong asahan na alam ko kung saan ka nakatira."

I gulped and glanced at him. Iirapan ko sana siya kaso seryoso pa rin pala siyang nakatingin sa daanan at salubong ang kilay. Umiwas ako ng tingin bago sumagot, "Sa Madrigal mansion," tugon ko.

Hindi ko naman alam ano iyong specific address namin kaya iyon na lang ang sinabi ko. Sigurado naman ay alam niya iyon, sa pagkakaalam ko ay bilang lang sa kamay ang mga mansion dito sa nayon.

"Madrigal..." he echoed and glanced at me.

Umirap muna ako bago tumango, pagkatapos noon ay hindi na siya nagsalitang muli hanggang sa makarating kami sa tarangkahan ng mansion.

Kumuha ako ng 100 pesos sa wallet at inabot sa kaniya. Tinanggap niya iyon at dumukot sa chest bag niya bago ilahad sa akin ang sukli.

"Keep the change."

Umiling siya at mas nilahad pa sa akin.

Nirolyohan ko siya ng mata bago tumalikod, pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay nabalik ako sa puwesto nang hilahin niya ang strap ng bag ko.

"Sukli mo 'to kaya tanggapin mo," mariin niyang wika.

I tsked. "Can't you just keep it? Hindi ba't dapat magpasalamat ka na lang dahil madadagdagan ang pera mo?"

"Ayaw kong magkaroon ng utang sa 'yo sa kahit anong paraan," aniya sabay kuha sa kamay ko at lagay ng pera sa palad.

Nagkatinginan kami saglit bago siya unang bumitaw. Nang tumalikod na siya ay may pahabol na salita ako, "Ang OA mo, may biyaya na tinanggihan mo pa! Magkaka-utang ka rin sa akin sa susunod, and I'll make sure na hindi mo kaya ang kabayaran!" I didn't mean it, but it somehow alarmed me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top