Chapter 24

Chapter 24

“Hay, salamat at lumabas ka na sa lungga mo! Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Lola exclaimed the moment I went downstairs.

Tipid lang akong tumango. “I’ll just get fresh air outside,” sabi ko. “Daddy hasn’t arrived yet?”

“Hindi ko alam, pero umalis si Mariam at susunduin niya raw sa airport.”

Tumango ako at nilagpasan siya. Lumuwas na naman kasi si Daddy dahil makikipagkita sa kaibigan niyang galing ibang bansa pero uuwi rin siya kaagad dito.

A week passed since he broke up with me. Nilagnat ako dahil sa ulan, walang gana kumain at panay lang ang iyak sa kuwarto. But still life goes on. Nakakapagod pala magmukmok sa kuwarto. I can’t live like that that’s why I decided to finally go outside.

And go to his house.

I won’t give up yet not when I still have a little hope in me.

***

Nakarating na ako sa eskinita nila kahit pa ramdam ko ang pagbaliktad ng sikmura dahil sa masangsang na amoy sa kanal sa gilid.

“Ate Ganda...”

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang dalawang bata na sumalubong sa akin galing sa pavement sa gilid.

“Ba’t kayo nasa labas?” tanong ko pagkatapos ay sinipat ang bahay nila. Saka ko lang napansin na sarado ang kawayang tarangkahan. “Walang tao sa bahay ninyo?” baling ko ulit sa dalawa.

Nakayakap si Arki kay Isabel habang nakatingala sa akin. I sighed at the sight of them and bent to hug them both.

“Kumain na ba kayo?”

Hindi sila umimik kaya tumaas ang kilay ko kay Isabel na kagat-kagat ang labi.

“What’s wrong?”

“Ate... may tao po sa loob ng bahay. Babae po... nakakatakot.”

My lips parted. Babae? Bago pa ako mapakurap ay natagpuan ko na ang sarili na sumusugod patungo sa bahay nila.

Umusbong ang galit sa sistema ko. Isang linggo pa lang kaming naghiwalay, may dinadala na siyang babae! I was about to bang on the door when I heard voices from inside making me stop.

“Napag-usapan na ho natin na hindi na tayo magkikita lalo na rito sa pamamahay ko. Paano kung may makakilala sa ’yo, ha? Si Alvea, baka makita ka niya rito!”

Who. The. F*ck... is he talking to?

I heard a woman’s chuckle making me want to intrude and punch her right on the face. Ano ba ang ginagawa niya kay Angelus? At anong kinalaman no’n sa akin? Ito ba iyong babae niya?

“Ma’am, please. Umalis na po kayo. Hindi ako interesado sa alok mo.”

“Ma’am? Pagkatapos nating paluguran ang isa’t isa ay iyan pa rin ang tawag mo sa sa akin? Sabagay, costumer mo nga naman ako. Galing, ano? First time mo pa lang, pero napakahusay na—”

Tumaas ang dugo ko kaya bago pa matapos ang talipandas na iyon ay padabog ko nang binuksan ang pinto na halos masira iyon sa lakas. Taas-baba ang dibdib ko dahil sa bilis ng paghinga nang sa wakas ay makumpirma ko kung sino ’yon.

And I felt like my world turned upside down the moment the smile on her crimson lips faded.

Nanghina ang tuhod ko bigla. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa; kay Angelus na natulos sa kinatatayuan na para bang nakakita siya ng multo at kay Tita Mariam na parang nahuli siya sa isang krimen.

“What the f*ck did I just hear?!”

No one answered.

“Answer me!” sigaw ko sa kanilang dalawa.

“Alvea dear—”

“F*ck you, durog iyang bibig mo sa akin kapag narinig ko pa ang pangalan ko galing sa ’yo!” Dinuro ko siya. “Ano iyong narinig ko? Paluguran? Were you fucking each other behind my back?!”

Fear passed her eyes. Nanikip ang dibdib ko nang matantong baka tama nga ako. Nandilim ang paningin ko at nanginginig sa galit ang katawan nang magawa ko siyang sugurin. Dahil sa sobrang galit ay malakas ko siyang itinulak sa pader at hinampas sa mukha. Tumili siya at nanlaban ngunit mas nangingibabaw ang lakas ko na halos gusto kong basagin ang mukha niya.

“Alvea, tama na!”

Huminto ako saglit nang marinig iyon, sakal-sakal si Mariam. Hinihingal kong nilingon si Angelus na nakatayo malapit sa amin, nag-aalinlangan kung aawatin ba ako o hindi. I smiled at him bitterly and my tears fell stupidly.

“You fucked my stepmom, Angelus? Your costumer? You fuck now for a living?” punong-puno ng pagkamuhi at pandidiri na pahayag ko.

Hindi siya nakaimik kaya umiling ako bilang tugon, “I’ll deal with you later, you pig,” at muling binalingan ang talipandas na humahangos na. May mga pasa na rin agad akong nakita sa mukha niya.

“Costumer... ano, magkano ang ibinayad mo sa kaniya? At pera ni Dad? Napaka-walang hiya mo. Ang bababoy ninyo... ” I choked on a cry, my grip on her neck tightened. This is insane! How could she do this to me, most especially to Dad who loves her dearly?!

“A-Alvea, mapapatay mo siya—”

“Tang ina, Angelus, manahimik ka kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!” bulyaw ko at sinampal si Mariam para roon ibuntong ang nararamdaman.

Umubo ang babae at pilit na itinatanggal ang kamay ko sa leeg niya. She looked at me pleadingly.

Umagos na ang luha ko habang nakatingin sa namumutla niya nang mukha. “N-Naging mabuti sa ’yo si Dad. Mahal ka niya kaya paano mo siya nagawang lokohin? At kay Angelus pa... boyfriend ko iyan, Tita Mariam. Alam mo iyan.” Nanginig ang buong katawan ko at tuluyan na siyang binitawan. She coughed.

“Alvea, sorry—”

“You can’t undo things with your sorry,” sabi ko at muling lumagapak ang palad ko sa mukha niya. Halos matumba siya sa ginawa ko ngunit alam kong kulang pa iyon.

My boyfriend had sex with my stepmom in exchange for payment.

Sinipat ko si Angelus sa gilid. The man I’ve loved with all my heart...

“A-Alvea... hindi ko alam na—”

Lumapit ako sa kaniya nang mabigat ang puso at lumagapak ang palad ko sa pisngi niya dahilan para hindi siya matapos sa sasabihin. I saw a tear streamed down his cheek, but it’s nothing compared to mine.

“I thought you were the best but you turned into someone I hated most. Nakipaghiwalay ka sa akin dahil dito? Mas pinili mo ang madrasta ko kaysa sa akin na girlfriend mo. At prostitution! Why, Angelus? Of all people, why my stepmom? Ang dami mong puwedeng katalikan bakit ang asawa pa ng tatay ko!” I screamed at the top of my lungs.

Hindi lang ako ang nasaktan niya kundi si Daddy rin. Paano niya nasisikmura iyon?

Ibinuka niya ang bibig para sana magsalita ngunit sinapawan ko kaagad siya.

“At sa kaniya ba galing iyong pinambayad mo sa mga utang? God, Angelus, you are fucking unbelievable.” I drew a breath with relentless tears in my puffy eyes. “Akala ko nadurog mo na ako, pero may mas idudurog pa pala ako. Ilang beses kitang gustong tulungan, pero paulit-ulit ka ring tumatanggi. Tapos ito? Mas pinili mong magpatulong sa kaniya kaysa sa akin? Mas pinili mong maging bayaran! Ano? Bukod ba sa easy money ay may pleasure ka pang makukuha? Mas magandang trabaho ba kaysa maging basurero?!”

Ilang beses niyang tinanggihan ang tulong kong walang kapalit, pero isang alok lang sa kaniya na makipagtalik para magkapera, oo kaagad siya?

Maybe I wasn’t enough. I didn’t try hard to be good that’s why he came to that point. Nasa akin iyong mali kasi iyong sa tingin ko ibinigay ko na ang lahat, para sa kaniya hindi pa pala iyon sapat.

“Wanna hear something, Angelus?” hamon ko. Hindi niya ako nilingon kaya hinawakan ko siya sa panga para tingnan ako kahit pa nandidiri na ako sa kaniya.

“Thank you,” wika ko. “Salamat sa pagtaboy mo sa akin, sa mga sakit na idinulot mo dahil napatunayan mo kung gaano ka ka-basura. And you know how I hate trash, right? Good job. You proved to me you’re not worthy of my love. Salamat dahil sapat na ang rason na ito para hindi manatili sa tabi mo.”

He closed his eyes, but I slapped his jaw to keep his eyes on me. He looked hurt, but not as I am.

“Hindi mo na ako kailangang iwan, Angelus, dahil ako na ang kusang aalis ngayon. I can’t believe I loved you. Nakakadiri ka. Pinagsisihan kong minahal kita, at sana nga ay hindi na rin kita nakilala! Wala akong ibang ginawa kundi ang magpakumbaba, maging mabuti pero ito ang isusukli mo? Ang kapal ng mukha mo, hindi talaga ako makapaniwalang minahal kita. Earl was far more better than you! Actually, walang-wala ka sa kaniya! He never dared ignoring me like you normally did! Sana pala ay nagbalikan na lang kami kaysa pinatulan pa kita.” Tumawa ako at muli siyang sinampal.

“At kung ganiyan ka lang naman pala magmahal ay sa ’yo na iyang putanginang pagmamahal mo. Believe me, Angelus, walang tatagal sa ’yo. Iiwanan ka nila kapag nalaman nila kung gaano ka kaputangina. Tandaan mo, oras na umalis ako rito ay wala na akong nararamdaman sa ’yo kundi ang pagkasuklam.”

“Alvea...”

“Huwag mo akong matawag-tawag! Nangingilabot ako sa ’yo! Ang baboy mo! Magsama kayong dalawa! Hinding-hindi ko kayo mapapatawad, Angelus!”

One last look, I stormed out of that hell. Pansin ko sa gilid ng mga mata ang mga kapit-bahay na nakikiusyuso ngunit hindi ko iyon inalintana nang sumakay ako ng tricycle pauwi. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi pa yata mauubos ang luha ko nang makarating sa mansion.

Mas lalo akong napahagulgol nang makita si Daddy sa loob ng mansyon na mukhang kadarating lang dahil sa paghubad niya ng coat. Hindi ko napigilan at tinakbo ko na ang distansya namin para yakapin siya nang mahigpit.

Hindi kaagad siya nakagalaw dahil sa gulat. Hinaplos niya ang buhok ko at sinuklian ako ng yakap. “Saan ka galing? And why are yoy crying?”

“D-Dad... please, let’s go home. Ayaw ko na rito... iwanan na natin sila, please...” pagmamakaawa ko.

“What, sweetie? Hindi kita maintindihan.” Sinubukan niyang kalasin ang pagkakayakap ko ngunit mas lalo lamang akong kumapit sa kaniya.

“Dad, you promised me you won’t think twice separating us when he hurt me, right? He did. Badly. And Mariam... Dad, leave her, please...” Hindi ko na makilala ang sarili sa labis na pag-iyak, basta ang alam ko lang ay gusto kong malayo kami ni Dad sa kanilang dalawa.

Hindi nagsalita si Dad kaya ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari kanila, lahat-lahat.

“Your then prostitute of a wife was now a costumer, Daddy... And Angelus...” Hindi ko maituloy.

Nagulat ako nang maramdaman kong nabasa ang noo ko dahil sa luha na nanggaling sa mata ni Daddy. Tiningala ko siya at nakita kong umiiyak siya. My chest tightened.

“D-Dad...”

“Shh.” He looked down. “We’ll leave immediately, okay?”

We heard a clicking of heels from the other direction and Mariam appeared. How dare she stepped in here!

Namilog ang mata niya nang makita ako at si Daddy at tumigil nang ilang pulgadang layo bago nag-aalinlangang ngumiti.

Devil!

“H-Honey, you’re back!”

“Yes, and it’s your turn to leave. Now.”

She blinked. “W-What?”

Lola suddenly appeared at the scene. “Ano ang nangyayari rito, Adam?” tanong niya at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming tatlo.

Nakayakap pa rin ako kay Daddy nang lingunin ko siya ngunit hindi nagsalita.

“Mama, pakitapon sa labas lahat ng gamit ni Mariam at palayasin siya sa pamamahay natin,” malamig na sabi ni Daddy.

“A-Adam, anong nangyayari...”

“Ma, please. Palayasin mo na ang babaeng iyan—”

“Adam, honey, whatever Alvea told you—”

“Do you think I’ll believe one single word from you after seeing my daughter like this?” Kumalas si Daddy sa akin at humakbang papalapit sa kaniya.

“Rest upstairs, Alvea. We’ll just talk about our forthcoming annulment,” aniya nang nakatitig kay Mariam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top