Chapter 22

Chapter 22

“Bakit hindi mo sinabi? Ganito na lang ba lagi, Angelus?” malambing kong sabi kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan dahil sa galit. Bakit tuwing may problema siya, itinatago niya sa akin? At kailangan ko pang malaman galing sa iba!

Iniwasan ko siya ng isang linggo dahil kailangan niya iyon! Nagtiis akong hindi siya makita dahil baka ayaw niya sa presensiya ko. Nagpakalunod ako sa pag-aaral para lang mawala siya sa isipan ko kahit saglit.

But I’m utterly available when he needs me! When they need me because the moment I have loved Angelus with all my heart, they also became a family to me.

“Graduating ka na, Alvea. Kailangan mong mag-aral nang mabuti—”

“F*ck you! Alam ko! Nag-aaral ako nang mabuti, pero hindi ko naman ikababagsak kung sabihin mo lang iyong nangyayari sa ’yo!” Hindi ko na napigilan at sumabog na ako sa galit.

Nasa rooftop kami ng hospital at nag-uusap. Nang malaman ko iyon galing kay Earl ay sabay kami ni Malessa na bumiyahe patungo rito. Alam din pala ng huli, pero pinili niya ring huwag sabihin iyon sa akin. I was really mad, but I chose to calm down. Gladly I did.

“Pasensya na. Huwag na natin itong pag-awayan, mas mabuting umuwi ka na—”

Hindi ko napigilan at nasampal ko na siya sa pisngi. My tears rolled down my cheeks in frustration. Isang buwan ko siyang tiniis. Tiniis ko iyong panlalamig niya sa akin dahil alam kong nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng nanay niya! Marami siyang problema at hindi ko siya inabala dahil ayaw kong maging pabigat sa kaniya.

Napapagod na ako ipilit iyong sarili ko. Gusto ko siyang tulungan, but I was never an option!

Was it that hard?

“Tang ina ka, napapagod na ako sa kinikilos mo! Alam kong kaya mong tumayong mag-isa, pero narito ako! Gusto kong kailanganin mo rin ako sa ganitong pagkakataon, Angelus!”

Lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha, pero malinaw sa akin ang dumaang sakit sa mata niya nang tingnan ako. Hindi man lang niya ako inimik.

And now, I doubted him. I doubted everything about him.

Mahal niya ba ako?

Mas lalong bumuhos ang luha ko sa katanungang iyon.

I never heard him say he loves me... but I felt it many times before. Or maybe I thought I did, so it wouldn’t hurt as it should?

Pinalis ko ang luha sa pisngi nang marinig ko ang pag-beep ng cell phone ko sa bulsa ng uniform. Nilubayan ko ang mata niya nang kunin iyon.

From: Daddy

Go home early once you are finished, sweetie. We’re having a dinner any time soon.

To: Daddy

Okay.

Noong isang araw lang ay umuwi na ulit sina Daddy para sa nalalapit kong graduation at birthday.

Isinilid ko na sa bulsa ang cell phone pagkatapos ay hinarap ko siya, medyo magaan na ang pakiramdam dahil sa ginawa at talagang drained din ako para makipag-away pa. “Umuwi ka, Angelus. Magpahinga ka, ako na ang magbabantay kay Arki—”

“Huwag na...” mahina niyang sabi.

I glared at him for cutting me off. Yumuko siya para iwasan ang tingin ko.

Wala akong magagawa kung ayaw ni Angelus. Ganoon naman, kung ano talaga ang gusto niya ay iyon ang masusunod. Kahit pa gaano mo siya pilitin o kumbinsihin. I’ve never convinced him... maybe once. Noong kinulit ko siya para maging kami. I convinced him... or maybe forced him.

Maybe what we have is wrong all along.

But I won’t lose this one.

Not him.

“Okay,” sabi ko na lang at humakbang para paglapitin ang distansya namin. Tumingkayad ako para halikan siya sa labi na parang walang nangyari. Na para bang hindi ko siya sinampal at sinagawan. “Babalik na lang ako bukas.”

***

“Oh, what happened to your eyes, dear? Pinaiyak ka ba ng boyfriend mo?”

Nagtiim-bagang ako. Sa laki ng mansyon ay nakasalubong ko pa talaga ang bruha. “Wala akong panahon sa kalokohan mo, Tita Mariam,” sabi ko at nilagpasan siya para tumungo sa dining hall.

Naghahanda na si Daddy at Lola ng hapunan nang maabutan ko sila roon. Ang kapal talaga ng Mariam na iyon, hindi man lang naisipang tumulong dito. Natigil sa pagbabasa ng story book si Jeirene sa gilid nang maramdaman niya ang nanunusok kong tingin.

Napailing ako. Kung bakit ba kasi kailangang pati iyong dalawa ay umuwi rito!

“You okay, sweetie?” nag-aalala na tanong ni Daddy nang suriin ang mukha ko.

“Yes, just academic stress, Dad,” I half-lied.

“Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo, apo. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan kaysa sa edukasyon,” segunda ni Lola.

Tumango ako at ngumiti. Wala man akong gana ay sinaluhan ko pa rin sila sa hapunan para naman hindi ako lamunin ng lungkot kung iisipin ko lang si Angelus.

“Luluwas nga pala ako ng Manila sa mga susunod na araw, may kaunti lang aasikasuhin bago ako makapagbakasyon nang tuluyan,” Daddy informed while we’re eating.

“Isasama mo ba sila pag-alis mo?” tanong ko, hindi na nag-abalang banggitin ang mga pangalan ng mag-ina.

Daddy frowned at me but answered anyway, “Nope. Babalik din naman ako kaagad at mananatili sila rito dahil gusto ng Tita Mariam mo magbakasyon,” sabay sulyap niya sa asawa na nasa tabi. Matamis na ngiti ang umalpas sa pulang-pula na labi nito.

Umirap ako at tinanggal ang tingin sa kaniya. “Buti hindi nag-request na mag-ibang bansa?” sarkastikong wika ko at natawa. Tumigil lang nang marinig ko ang saway ni Lola.

Tita Mariam laughed softly, almost mocking. “It’s fine, Mama. I know where she’s coming from,” sabi niya kay Lola, pero ang tingin nasa akin.

“Talaga?” I mocked.

Tumikhim si Dad. “Enough with that.” Daddy looked at me. “Where do you wanna celebrate your birthday?”

“In a place without nuisance.”

“I’m serious.”

“Nagbibiro ba ako?”

Lola sighed beside me. Jeirene was just focused on her food while Mariam watching me tauntly.

“Somewhere, Dad. It’s up to you,” I dismissed and got to my feet.

I messaged Angelus before I sleep.

To: Angelus

Sorry for what I did earlier. I hope Arki’s doing fine.

Rest if you can. I love you.

That night, I received nothing in return from him.

***

Dahil cleared na ako sa school requirements at practice sa graduation na lang ang gagawin namin sa susunod na mga araw ay mas malaya na akong gawin ang gusto ko. Wearing a white chiffon dress, I went downstairs with the intent to inform them I’m leaving.

A lazy day for them indeed. Naabutan ko silang lahat sa sofa. Si Lola na nananahi sa isang ottoman. Si Daddy at Tita Mariam na naglalambingan sa kabila—I cringed that my eyes didn’t last for a second before darting it to Jeirene on the carpet, doing whatever she’s doing.

“I’m leaving,” paalam ko at dumaan sa harapan nila.

“Where are you going?” Daddy asked.

I just shrugged and successfully went out of that dull mansion.

Bago ako tuluyang pumunta sa hospital ay dumaan muna ako sa isang mall sa siyudad para bumili ng mga pagkain, prutas at damit para kay Arki. Si Isabel ay nanatili sa bahay nina Malessa.

Sa isang ward lang naka-confine si Arki, and as much as I wanted to get a private room, I didn’t bring it up to avoid heated argument with the brute.

Sa isang maliit na hospital bed, natanaw ko ang batang nakahiga habang kausap ang kuya na nakaupo sa isang stool sa gilid nito. I approached, making them glanced at me. Bago pa mahuli ni Angelus ang mata ko ay lumipad na iyon kay Arki.

My lips quivered at the sight of him. He doesn’t deserve to be in that state. No one does. Bago pa lang lumisan ang ina nila, pero may sumunod na namang problema. I hope Angelus won’t surrender out of pressure. Alam kong ilalaban niya ito hanggang sa maubos siya. Because of his utmost love for them.

Inilapag ko ang mga dala sa bakanteng gilid ng kama at nginitian siya.

“Ate Ganda...” he called weakly, lifting up his hand as if to reach me. Mas lumawak ang ngiti ko at inabot iyon. I squeezed his little, cute hand gently.

“Hello, Arki... kumusta ka? May masakit ba sa katawan mo?” malamyos kong sabi kahit ramdam ko ang tila nanunusok na tingin ni Angelus sa akin.

“Opo...” Ngumuso siya at iniangat ang isang kamay na may nakakabit na dextrose. I sighed, couldn’t do anything to flee this innocent kid from this adversity.

“Magpagaling ka na kaagad, ha? Bibilhan kita ng maraming laruan at pagkain kapag nangyari iyon,” hikayat ko.

He beamed at me. “Talaga po? Makikita ko rin si Nanay ulit?”

My smile vanished. And I was then loss for words. Good thing Angelus interrupted.

“Aalis sana ako...”

I didn’t even bother glancing at him when I answered, “Where to?” Kinuha ko ang isang paperbag at nagsimulang ihanda ang pagkain sa bakanteng puwesto ng kama ni Arki.

“Trabaho...”

Okay. Tumango ako. Wala rin naman akong magagawa kung hindi niya ako pakikinggan, magsasayang lang ako ng oras at lakas sa walang kabuluhan. “Ako ang magbabantay kay Arki?” I confirmed. Ayos na ayos lang sa akin iyon, gusto ko lang marinig galing sa kaniya na kailangan niya ako.

“Oo sana... kung hindi ka busy.” Nahimigan ko ang pag-aalinlangan at ilang sa boses niya na gusto kong ngumisi bilang paghihiganti.

“I’m free today. You can do whatever you want, but before you go, eat first,” maawtoridad na utos ko, nilapag ang isang packed lunch malapit sa puwesto niya pati ang bottled water. Hindi pa rin ako nag-aangat ng tingin sa kaniya nang magsimula naman akong magbalat ng dalanghita at hinanda ang papaya leaf juice para kay Arki. Pagkatapos ay kinuha ko sa isang paperbag ang container naman ng pagkain. A food consists of various vegetables Archangel would surely love.

Tahimik ang puwesto namin nang magsimula kong subuan ng pagkain si Arki. Si Angelus—na kanina ko pa ramdam ang nanunusok na titig sa akin na hindi ko man lang nilingon kahit isang segundo—ay nagsimula na ring kumain.

“Masarap ba?” tanong ko kay Arki na kahit matamlay ay kumakain.

“Opo... ganito rin po ba kakainin ko bukas?” ngumunguyang aniya.

Nginitian ko siya at pinunasan ang baba na may mumo. Pagkatapos kumain ay pinainom ko sa kaniya ang juice bago bigyan ng prutas.

Until I heard him speak.

“Alvea...” maingat na tawag niya.

“Hmm?”

A seconds of silent when he dared to continue, “Salamat... sa lahat...”

Kumunot ang noo ko. Kuryuso sa ibig sabihin ng mga salitang iyon ay nilingon ko na siya. He breathed in relief when our eyes locked. He held my gaze for a moment, sighed, and smiled at me. A smile that didn’t reach his eyes.

“Salamat dahil nanatili ka pa rin kahit...”

Pumikit ako saglit at umiling. I raised my hand to stop him. “I’ll stay for as much as I can, Angelus.”

Then he stood up. Sinundan ko ng tingin ang kilos niya habang pinapakain pa rin ang bata.

“Aalis lang ako, babalik din ako kaagad,” paalam niya. Nagulat pa ako nang abutin niya ako sa pagitan ng kama para lang hawakan ang panga ko para ilapit at patakan ng halik ang noo.

“Sana maging maayos ang lahat pagkatapos nito,” bulong niya sa akin, nagpaalam sa kapatid bago tuluyang umalis.

Napakurap ako. Sa isang patak ng halik na iyon ay naglaho na parang bula ang tampo ko.

That day, he didn’t come back earlier as he promised. Nag-text na lang din ako kay Daddy na baka bukas na ako umuwi at sinabi ang sitwasyon para hindi na siya mag-alala.

Natutulog na nang mahimbing si Arki habang pinanonood ko siya. Too innocent to live in this cruel world. But I’m here, I’ll take care of them for as much as I can.

Lumipad ang isipan ko sa iba pang problema. Financial. Narinig ko kanina sa katabing pasyente na hindi pa sila makakalabas dahil wala pang pambayad ng hospital bills. And I know for sure the longer they stay, the bigger amount they’ll pay.

Alam kong lubog na sa utang si Angelus. Hindi niya man sabihin ay alam ko iyon lalo na sa doble-kayod niya simula nang mawala ang ina. Hindi ko na nga siya halos makita na akala mo sa ibang bansa nagtrabaho. Wala na rin kaming oras para sa isa’t isa, pero hindi naman iyon problema dahil alam kong mas marami pa siyang dapat atupagin kaysa sa akin.

Hindi ko namalayan na madaling araw na ako nakatulog kahihintay kay Angelus, at nang magising ako ay wala pa ring bakas niya.

Dumating si Malessa para bumisita bago pa ako makaimik ay nagsalita siya, “Bago ako pumunta rito ay nakausap ko si Angelus, ipinapasabi niya sa akin na pasensya raw.”

I blinked. Confusion crawled into my head. “Para saan? At nakita mo siya? Umuwi siya sa bahay nila?”

“Oo, hindi mo alam? Mukhang pagod na pagod nga siya kaya sinabi kong magpahinga siya buong araw at tutulungan kitang bantayan si Arki rito.”

Lumipad na ang isip ko para makapagsalita pa. He once again disappointed me. Hindi niya man lang nagawang mag-text sa akin na hindi pala siya babalik dito sa hospital, pero ayos lang dahil, at least, hindi man siya nagsabi sa akin ay alam ko namang nagpapahinga na siya ngayon sa bahay nila.

I asked Malessa to look after Arki for the mean time as I left to freshen up. Nang matapos ay bumalik na rin ako sa patutunguhan.

Habang naglalakad sa hallway ng hospital ay napadaan ako sa billing section. Huminto ako saglit para mag-isip. I know Arki’s hospital bill is large enough for him to pay. It won’t hurt paying it without asking for his permission, right? Besides, hindi naman siya papayag kapag nagpaalam ako.

Bago pa man luminaw ang pag-iisip ko ay natagpuan ko na lang ang sarili sa harap ng cashier, handa nang magbayad sa kung magkano man ang bayarin nang marinig ko na fully-paid na ito at puwede nang lumabas si Arki ng hospital.

Angelus paid it already? Fully! Kailan siya nagbayad? And most importantly... where did he get that big amount of money?

Alam kong nagtatrabaho siya, pero alam ko ring hindi iyon sapat...

Nangutang na naman kaya siya?

I frowned. Angelus is really getting under my skin these days!

Mas pinili niya pang lumapit sa iba kaysa sa akin na... hinihintay lang siyang manghingi ng tulong. Actually, I was already lending my hand to him but he completely refused—ignored to take it!

When everything seemed to be back in normal, I didn’t ask Angelus about anything even when it’s bothering the hell out of me. I just let him do his business.

Besides, he will tell me things if he feels doing so.

It may hurt me, but if it makes him comfortable—shutting me down and don’t tell things at all—then so be it.

They say too much love can be poisonous...

I don’t want to be cured, though.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top