Chapter 21

Chapter 21

“Where is he?” my first word when I arrived at dilapidated door of his house.

Sa labas ng bahay nila ginanap ang lamay dahil masikip sa loob. Pagkalapag ng eroplano ay kay Angelus kaagad ako dumiretso.

Seeing a casket before me broke a part inside me.

I wandered my eyes at the place. May mga taong nagsusugal at nagkukuwentuhan na halos gusto ko nang sigawan at paalisin dahil sa ingay at tawanan. Akala ba nila may entertainment na nagaganap dito? I was really mad and disappointed that I didn’t last a minute outside and just immediately moved to find Angelus.

Nasa bukana na ako nang makitang tumayo si Earl. Halatang gulat na gulat siya nang makita ako ngunit kalaunan ay isinantabi iyon para sagutin ang tanong ko.

“Nasa kuwarto niya.”

Wala akong sinayang na oras at tinawid na agad ang distansya ng kuwarto niya. I didn’t bother knocking and just went inside.

Naabutan ko siyang nakatalikod at nagbibihis at nang makarinig ng yabag ay bumaling siya sa direksyon ko.

He blinked at the sight of me so did I.

His face was pale and there were dark circles under his eyes indicating he had no sleep. He looked really exhausted that I wasn’t able to utter any word when I closed our distance, throwing my arms around his neck for an embrace.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay para na akong kinakapos ng hangin, but when I felt his body’s warmth, my breathing went stable.

“You will be fine... I’ll make you,” bulong ko nang kumalma.

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. Niyakap ko siya lalo hanggang sa maramdaman ko na rin ang yakap niya sa aking baywang na unti-unting humihigpit.

I let out a shaky breath of relief. Sinubukan ko siyang tingalain pero hindi nagtagumpay nang ipinatong niya ang baba sa uluhan ko, obviously avoiding my gaze.

Later on, he gave a strained laugh. “Akala ko hindi ako matitibag, pero pagkita ko sa ’yo, naalala ko na tao rin pala ako.”

Kusang pumikit ang mata ko nang mahimigan ang lungkot at pagdudusa roon. Kung hindi niya lang sinubukang ilihim ito sa akin, hindi siya ganito ka wasak... pero hindi pa naman huli ang lahat para harapin niya ito nang mag-isa.

“You have me now... hindi mo na kailangang magdusa mag-isa dahil dadamayan kita.”

Then he started crying devastatingly.

Seeing him this weak and lost, I couldn’t help but cry and mourn with him. Lahat ng sama ng loob ko sa kaniya—kung bakit hindi niya ako sinabihan tungkol sa nangyayari na kailangan ko pang malaman sa iba—ay tuluyan nang nawasak. Wala na akong intensyong imungkahi pa iyon dahil alam ko na maiintindihan ko siya—magpaliwanag man siya o hindi.

Nakatulog si Angelus galing sa pagod at pag-iyak. He never let go of my hand even when he dozed off to sleep. Pinagmamasdan ko lang siya habang hinahaplos ang mukha gamit ang libreng kamay.

What he’s feeling this moment is beyond my imagination. He kept it all to himself because he didn’t want to bother anyone... especially me.

Wala akong ibang naramdaman kundi kirot dahil sa sinabi niya. He just wouldn’t let me share his vulnerability with me. As if... he could manage to live and endure pain without anyone’s help.

And I hate it to the core.

Because for once, I wanted him to depend on me. I would want to be a shoulder to cry on, a support when everything seems so heavy to carry on and a source of strength when he feels like he’s running out of.

I just wanted to be his everything... in that way, I would feel he loves me utterly even when he doesn’t say it aloud.

Habang pinagmamasdan siya ay napatingi ako sa luhang tumulo galing sa sulok ng isang mata niya. He’s asleep yet the pain didn’t give him a break.

Nanginginig ang kamay kong pinunasan iyon. “You’ll get through this... I won’t leave you,” I whispered as I leaned closer, planting a kiss on his closed eyes.

***

Since we had given a one-week break from school, I’d spent it to Angelus wholeheartedly. Nalaman kong si Arki at Isabel ay pansamantalang kinuha ni Lola nang malamang pumanaw na ang kanilang ina. A great sympathy for these poor innocent kids to lose their parents at such a young age. Nevertheless, still blessed for having a brother—undoubtedly willing to be their knight and angel.

“Thank you for cooking, Lola. I’ll go now, bye.”

Dala-dala ang paperbag—na may lamang mga pagkain na ipinaluto ko kay Lola para kay Angelus—pumara na ako ng trisiklo papunta sa bahay nila.

***

“Angelus...” my voice faded when I found him packing a bag. Fear instantly consumed me. “What the hell are you doing? Saan ka pupunta?”

Inilapag ko sa gilid ang dala para lapitan siya. Saglit na dumapo ang pagod niyang mga mata bago niya iyon binawai at muling nagpatuloy sa ginagawa. “May duty ako ngayon doon sa ginagawang bahay sa malapit. Sayang naman iyong makukuha kong suweldo—”

“Hindi ba puwedeng magpahinga ka muna?” I said softly, tears are threatening to fall seeing his face blank—void of any emotion. Gone the weak and devastated Angelus I had the other day.

He sighed and finally faced me. Nagkatinginan kami at tipid siyang ngumiti. Yumuko siya nang bahagya para halikan ako sa sentido saka nilagpasan.

Kaagad akong pumihit at hinawakan siya sa papulsuhan bago pa man siya tuluyang makalabas ng kuwarto. I looked at him pleadingly. “You’ve done enough. Hindi ka ba napapagod? At least... give yourself a rest, Angelus. You need it.”

“Wala ako sa lugar para mapagod, Alvea... nawalan ako ng mahal sa buhay, pero hindi ibig sabihin ay titigil na rin ang mundo. May mga kapatid pa ako—”

“I know, I know,” masuyo kong agap at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kamay niya at ipinagsalikop iyon sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat parte ng mukha niya bago iyon tumigil sa pinakapaboritong parte ko, kung saan doon lang ako nagkakaroon ng pag-asa sa lahat. His dark brown eyes sparkled.

“I’ll help you, if you would just let me—”

“Salamat pero kaya ko, Alvea.”

I nodded painfully. Alam kong hindi siya kailanman hihingi ng tulong sa akin, and it hurt me so much my heart ache. Kung ayaw niya, wala akong magagawa. Pero  kahit ganoon, hindi ko siya iiwan kahit pa pakiramdam ko hindi niya naman ako kakailanganin.

I won’t leave him, as promise, unless he tells me to do so...

Wala akong magagawa kung iyon ang gusto niya. I want to be great for him, to the point I’ll oblige to whatever he wants me to do.

“O-Okay, I’ll take care of the rest...” Ikinurap ko ang nagbabadyang luha. I’m afraid opposing him... that I won’t even want to imagine the possible consequence if I did.

Tumalikod ako para kunin iyong paperbag. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pintuan, pinanonood ang bawat galaw ko. I tried my best to smile but failed. Sa halip ay inilahad ko na lang ang paperbag. “At least, bring this. Wala ka pang kain kaya kainin mo ’tong sinigang na baka, ha? Si Lola nagluto niyan, huwag mo sayangin.”

Nang hindi niya tanggapin iyon ay inagaw ko ang bag niya at ako na mismo ang naglagay noon sa loob. Bawat galaw ko ay para akong nanghihina. Gusto ko siyang saktan, sigawan at murahin dahil sa pinaparamdam niya sa akin ngayon, pero alam kong mas mabigat ang kaniya na isinantabi ko na lang ang sa akin.

Ngayon lang ito, sa susunod na mga araw babalik din iyan sa dati kaya habaan mo ang pasensya at lawakan ang pang-unawa, Alvea.

Nang ibalik ko sa kaniya ang bag ay tumingkayad ako para halikan siya sa pisngi. “Sige na, magtrabaho ka na roon basta umuwi ka kaagad pagkatapos para magpahinga. At saka pala huwag kang magpapatuyo ng pawis sa likod, uminom ka rin nang maraming tubig dahil paniguradong mainit doon. Huwag ka mag-alala, ako na ang bahala sa mga kapatid mo at dito. Maghihintay ako sa ’yo kaya agahan mo umuwi...”

Tinulak ko na siya papalabas ng bahay nila. Hindi siya umimik at gumalaw man lang sa kinatatayuan ngayon habang nakatalikod kaya naman ako na ang unang umalis at nagtungo sa munting kusina nila na para maghugas ng mga pinagkainan—kahit pa hindi naman ako marunong, pero susubukan ko pa rin para mabawasan lang ang gawain ni Angelus. Buti na lang at nariyan ang iilang kapit-bahay para tumulong sa lamay ng ina.

Malapit na akong matapos sa paghuhugas nang wala man lang lumapit sa akin. Yes, there’s a string of hope inside me hoping he’d go back and at least talk to me yet none of those happened.

Naalala ko iyong pinangako niyang magde-date raw kami pag-uwi ko.

Alam kong hindi iyon ang mas mahalagang bagay ngayon, pero nadismaya lang ako na kahit pag-uusap lang ay ipinagkait niya pa. Or maybe... he needs time and space. Then I would gladly give it to him without question.

***

“Ayos ka lang? Ba’t ka umiiyak?” Nag-aalala akong dinaluhan ni Earl at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Lumulubog na ang araw at tapos na rin ako sa ginagawa ay wala pa rin si Angelus. I just... missed him so much. I feel like we’re now miles away from each other thinking how he acts toward me earlier. But I’ll understand.

I sniffed and wiped my tears off before smiling at him. “Wala lang...”

He obviously didn’t buy it. Ikiniling niya pa ang ulo para mas makita ang mukha ko. Inosente niya akong tinitigan kaya natawa ako saglit nang maalala ang dati. Kung saan tititigan niya ang mukha ko na parang doon niya malalaman kung ano iyong tunay na nararamdaman ko.

“May tulong bang natanggap si Angelus para sa vigil?” pag-iiba ko ng usapan.

Bumuntonghininga siya at nag-iwas ng tingin. “Oo, pero kaunti lang. Naubos nga ang ipon niya sa hospital bills pa lang ni Tiya noong nakaraan kaya ngayon trabaho pa rin ang inaatupag. Gusto ko siyang tulungan sa gastusin, pero hindi naging sapat iyong ibinigay ko sa kaniya... alam mo, mas dukha pa ako,” pabiro pang aniya.

I glanced at his side profile and smiled a bit. How I was so mesmerized by him before, but things changed. I love Angelus now.

“I could definitely help him, you know. Ayaw niyang tanggapin, e...” sabi ko.

Sinulyapan niya ako. “Alam ko, pero alam ko ring hindi siya tatanggap ng tulong galing sa ’yo dahil naaalala niya iyong ginawa ng mommy mo...” Nagkamot siya ng batok na parang ayaw na ipagpatuloy.

“Inaasahan niya rin bang gagawin ko iyon sa kaniya? Na pagbabayarin ko siya sa utang na loob niya sa akin? Tingin niya ba... gaya lang din ako ng mommy ko?”

Maybe I’d told him something before. Na kapag magkautang siya sa akin ay may walang katumbas na kabayaran. But it was nothing now especially after knowing the past. I promise, I won’t be cruel like how my mom was one.

“Hindi sa ganoon, Alvea. Naiintindihan kita gaya ng pagkaintindi ko sa kaniya. Pero bata pa lang kami ay alam ko na ang mga pangyayari sa buhay niya... at nasaksihan ko kung paano naging malupit ang mommy mo. Dati, pinangako niya sa akin na hindi siya kailanman lalapit sa mga Madrigal para manghingi ng tulong kahit pa maubos siya...”

He let out a sigh.

“Ganoon kalalim ang sugat na idinulot nito na habang buhay na yata iyong nakaukit sa pagkatao niya... pero masaya ako na naging kayo. Isa kang Madrigal, at ang malamang may ugnayan kayo sa isa’t isa ay tagumpay.”

I nodded slowly, getting enlightened. Sumandal ako sa balikat niya. He stiffened. Inalis ko ang ulo nang matanto ang ginawa ngunit hinawakan niya iyon at ibinalik sa kaniyang balikat.

I chuckled. “Ang nerbiyoso mo talaga.”

He smiled in return.

“Tayo noon, alam mong Madrigal ako. Hindi ka ba naghinala na kabilang din ako sa Madrigal na taga-rito?”

Umiling siya. “Hindi. Hindi naman kita nakilala noon at saka maraming Madrigal sa mundo,” pagtawa niya.

I poked his cheek playfully.

“Alvea,” tawag niya sa akin.

“Hmm?”

“Mahal mo si Angelus, ’di ba?”

“I do.”

His body moved in relief. “Huwag mo siyang iiwan, ha?” masuyo niyang sabi.

Tuluyan ko nang ibinangon ang ulo at tiningnan siya. “I won’t.”

Kapuwa kami napalingon ni Earl nang marinig namin ang yabag galing sa pintuan. Then I saw Angelus walking inside, silent and cold. Dumapo ang tingin niya sa amin ni Earl bago tipid na tumango.

Tumayo si Earl at lumapit kay Angelus para tapikin ito sa balikat. “Pahinga ka na,” tapos bumaling sa akin, “dito na ako, Alvea.”

Tinanguan ko siya at nang makaalis siya ay ako naman ang lumapit kay Angelus. He looked exhausted as hell. “Angelus—”

Hindi ako natapos nang yumuko siya para halikan ako sa gilid ng aking labi. “Salamat.”

That’s it and he’s back to being cold.

***

Araw ng libing ng nanay ni Angelus sa tabi lamang ng puntod ng tatay niya. Throughout the process, I never let go of his hand. Tahimik lang siya, tiim-bagang na pinanonood ang pagpasok ng kabaong sa loob ng isang semento. Kaunti lang ang dumalo sa paghatid sa huling hantungan niya, hindi gaya noong lamay pa na halos puno ng tao ang labas nila, pero natanto kong naroon lang ang mga tao para sa libangan. Hindi naman talaga sila totoong nakikiramay. And I hate it so, so much.

Nagsiuwian na ang mga tao pagkatapos ng libing at kaunting meryenda samantalang nanatili pa kami ng ilang oras hanggang sa abutan ng hapon. Arki and Isabel were being taken care of.

Tahimik lang kami na nakatanaw sa puntog ng mga magulang niya. Mahigpit na magkasalikop ang kamay nang lingunin ko rin ang puntod ng ina sa hindi kalayuan.

I smiled bitterly. Nang malaman ko iyong ginawa niya ay hindi ko na siya muling binisita. I smiled bitterly. I was mad, but she’s still my mother and I love her.

“Uwi na tayo,” Angelus whispered hoarsely in my ear.

Napatingin ako sa kaniya at dahan-dahang tumango. “Yes, kailangan mong magpahinga.”

Pero hindi naging sang-ayon ang panahon para kay Angelus.

Two months passed, I was just going home—to Angelus—after a week of not seeing him, when I found out from Earl that Archangel was rushed to the hospital last week and was being diagnosed with dengue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top