Chapter 2
Chapter 2
Ang pagkaitan ng kalayaan ay nakasasama ng loob, pero mas nakasasama yata ng loob ang isiping sa probinsya ang destinasyon ng eroplanong sinasakyan ko.
Do I really have to live with grandma? And seriously, sa probinsya? Ano ang gagawin ko roon? Magsasaka? Mag-aararo? Mag-iigib? Mangangahoy para may pangningas?! Plus the fact that I had not-worthy-to-remember memories in that particular province!
Goodness! Iniisip ko pa lang ang posibleng kahihinatnan ko roon ay nandidilim na ang paningin ko.
But one thing’s for sure, I won’t let anyone belittle me anymore. Hindi ako magpapagamit, magpapa-uto at lalong magsumamo para sa bagay na hindi naman dapat ipagsumamo.
“Alvea, bumangon ka na riyan at sasamahan mo akong mamalengke. Bukas na bukas din ay aalis tayo para i-enroll ka sa eskwelahan,” ani Lola isang linggo ang nakalipas simula nang pagdating ko.
“Oh, enroll! May university pala rito?” sabi ko nang may bahid ng sarkasmo.
“Ano ba ang tingin mo sa probinsya, gubat?”
I can’t help but groan. She’ll enroll me in a school tomorrow! 20 na ako… at sasamahan niya akong mag-enroll?! Ano ako? Kinder?!
“Lola, masyado na akong matanda para samahan mo pa mag-enroll!” ngawa ko.
“Hindi mo gamay ang lugar kaya tama lang na dapat may kasama ka.”
“Hello? I have GPS!”
Tumingin siya sa akin at tumawa. “GPS!” manghang sabi niya.
“Why, what’s wrong with it?” inosenteng tanong ko.
Umiling si Lola, bakas sa mukha ang pagkakaaliw. “Ewan ko sa ’yo. Bumangon ka na riyan at mamimili na tayo.”
“Don’t you have servants?”
“Para saan? Bakit ko pa kailangan ng katulong kung kaya ko naman?” Humalukipkip siya at pagod akong tiningnan. “Magbihis ka na at
bumaba.”
Kahit labag sa loob ko ay sinunod ko ang nais niya. Nag-ayos ako ng sarili bago lumabas ng lungga.
“Hindi mo pa rin ba kakausapin ang ama mo? He’s been calling me frequently. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya. Tama ba iyang kinikilos mo, apo?” ani Lola habang inaayos ang gamit na dadalhin sa pamamalengke.
Hindi ako umimik dahil baka sa oras na magsalita ako, I might lose it. I am sulking, alright? Para bang wala na akong karapatan para sa sarili dahil sa desisyon ni Dad. I begged him not to do this, binanggit ko lahat ng bagay na maaaring magpaamo sa kaniya, but to no avail. He’s that consistent to punish me, knowing how I dislike probinsya. An emotional and mental torture, huh?
Busangot ang mukha kong nakasunod kay Lola. Sa laki ng mansyon niya ay wala man lang akong nakitang katulong. Plus the fact na walang sasakyan! Ano ang sasakyan namin? Kariton? Kalesa? O malala ay maglakad kami sa ilalim ng tirik na araw!
“Eww... are we seriously going to ride that thing?” I dramatically murmured as an unpleasant thing pulled over.
“Oh, Nay Cita! Talipapa ba?” ani tsuper sabay baling sa akin at palakaibigang ngumiti. “Oh, magandang dilag ito, ha! Apo mo, Nay?”
Umikot ang mata ko.
“Oo, Dodong. Tara na at naiinip na itong apo ko,” pagtawa namin ni Lola at sinenyasan akong pumasok na.
Wala akong nagawa kundi padabog na pumasok doon sa trisiklo.
Pakiramdam ko hindi ako tatagal sa ganitong lugar. Province supposed to be the kind of place to unwind, but I guess, not at all. Hindi ko pa rin kasi matanggap na wala akong nagawa at talagang pinadala ako ni Daddy rito. Observing the place and the residents… I am accustomed because most of them look cheap and ignorant. I shrugged my thoughts away. Nakakairita lang.
Buong biyahe ay hindi maipinta ang mukha ko. Paano kasi ay parang nakasakay sa kalesa at lubak-lubak ang daan at umiinit ang ulo dahil pati ako tumatalbog. Akala ko pa ay sa mall kami mamalengke, but to my horror... we’re now outside a public, obviously dirty market!
Napapadyak ako sa yamot. “La… do I have to go with you inside? C-Can I just wait for you here?” nag-aalinlangang sabi ko nang suyurin ang paligid at halos bumaliktad ang sikmura ko
sa masangsang na amoy sa kung saan.
“Hindi naman kita dinala rito para tumulala lang. Ano’ng silbi mo? Ikaw ang magbibitbit sa bibilhin natin dahil mahina na ang katawan ko, ano ka bang bata ka.” Hinila niya ako at ibinigay sa akin ang net bag.
I groaned inwardly looking at the thing she gave me. This is maddening. Gusto ko na lang maiyak sa inis sa sitwasyon ko.
Kaya habang nakabuntot ako kay Lola na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa tindera ng mga gulay ay halos irapan ko lahat ng mga taong napapatingin sa gawi ko. Ha! Ngayon lang ba sila nakakita ng kagaya ko? Well, I’m beautiful, and I am confident about it.
“Apo, saglit lang at magpapakudkod muna ako ng niyog. Hintayin mo ’ko rito.”
I shrugged. Uwing-uwi na ako! I’d rather stay in my lifeless room than to be here!
Naistorbo ako nang may marungis na batang humila ng damit ko. Sa gulat ko ay naitulak ko siya. “What the hell, kid?!” bulalas ko at namimilog pa rin ang mata dahil sa ginawa niya. Ang dumi niya, and how dare she touched me!
Halos mapatalon din sa takot ang bata dahil sa ginawa ko. Nailibot ko saglit ang tingin sa paligid nang mapabaling sila sa gawi namin. Shit, am I making a scene? I breathed and cleared my throat before looking down at the little girl again.
“What do you want?” mataray na tanong ko at umatras dahil nandidiri ako sa itsura nito.
“P-Po? Hindi ko po kasi maintindihan… porenjer ba kayo?”
Kumunot ang noo ko kaya nabalisa ang bata. Porenjer what?
“Uh, ang ibig kong sabihin ay…” Luminga-linga siya at napanguso. “N-No English speaking.”
Napairap ako. “Whatever. Ano ba’ng ginagawa mo sa harapan ko?”
Umaliwalas ang mukha niya, marahil ay natantong marunong akong mag-Tagalog. Napairap ulit ako.
Bigla niyang itinaas ang supot na dala. “Bili ka na, ate ganda! Murang-mura, sa halagang sampu dalawang piraso! Suman po!” Sabay naglabas siya ng bagay na tingin ko’y dahon ng saging ang balot.
“Eww, what’s that?”
“Suman nga po, masarap po ito, pangako!”
Umatras ulit ako at umiling. “No, just go find another person to pest.”
Nalaglag ang panga ko nang humakbang ulit ang bata at hinila-hila ang dulo ng damit ko. What the! Sa iritasyon ay mas malakas ko siyang naitulak sa paraan na muntikan siyang matumba.
Umawang ang labi niya at nangilid ang luha, pero tila hindi niya iyon inalintana at nagsalita pa. “Pakiusap po! Pangkain lang namin mamaya nila Nanay!” naiiyak niyang sambit. “Gusto ninyo po ay tatlo, sampu—”
“Isabel!” biglang putol ng isang panlalaking tinig.
“K-Kuya?”
Napalingon ako sa dumating at napangiwi nang direktang pumukol sa akin ang matalim nitong tingin… wait, what? Bakit parang galit siya sa akin?
“Why are you looking at me like that?” masungit kong tanong.
Hinila niya iyong batang babae sa tabi niya at nilingon ulit ako. “Mawalang galang na, miss, pero hindi yata tamang patulan mo ang bata.” Bakas sa boses niya ang iritasyon.
Napaawang ang labi ko. “Excuse me? She’s pestering me and you expect me not to be annoyed? Stupid.”
Marahan itong tumawa. “Hindi pa rin maganda ang ginawa mo dahil isa lamang itong bata.”
“So?”
Napailing siya. “Mga taga-siyudad talaga. Matapobre, mapagmataas at may hindi kanais-nais na ugali,” he uttered before bending a little to talk to the kid. Natahimik ako.
“Isabel, ’di ba’t sabi ko sa ’yo ay itigil mo na ang paglalako?” Bigla ko na lamang nahimigan ang lambing sa tono niya salungat sa galit na tonong ibinahagi sa akin.
“Kuya, gusto ko lang po tumulong.” Yumuko ito.
Bumuntonghininga ang lalaki at hinaplos ang buhok ng bata. “Alam ko, pero hindi mo kailangan. Si Kuya na ang bahala sa lahat, ang gusto ko lamang na gawin mo’y mag-aral nang mabuti. Nagkakaintindihan ba tayo, hmm, Isabel?”
Marahang tumango ang bata at yumakap sa leeg ng kuya niya. “Opo, Kuya.”
Napairap ako sa drama nila. Hindi ko na nagatungan pa ang sinabi kanina ng lalaki dahil dumating na sa harap ko si Lola, at iyong dalawang iyon naman ay basta na lang umalis nang hindi ako nililingon.
***
Dumating ang umaga at walang sinayang na oras ang matanda dahil pagkatapos naming mag-asikaso ay tumulak na nga kami sa lakad namin ngayong araw. Aurelius Colleges.
Pinasok namin ang malawak na eskwelahan. Sa sobrang lawak nito ay umiinit ang ulo ko dahil malayo-layo na ang nilalakad namin. Plus, talagang sinamahan ako ni Lola magpa-enroll!
Napabuga ako ng hangin nang maramdaman ang kagustuhang umihi kaya naman nang nasa pasilyo na kami ng isang gusali ay kinalabit ko si Lola. “I wanna pee. Puwede na ba tayo umuwi?”
She looked at me in disbelief. “Iihi ka lang ay kailangan pang umuwi? Maraming palikuran dito sa eskwelahan!”
“Oh, my goodness! Do you really expect me to use public toilet, grandma?”
Inismiran niya ako. “Tigil-tigilan mo ako sa pag-iinarte. Bilisan mo at para ma-enroll na kita!” May direksyon siyang itinuro sa akin kung saan puwede akong gumamit ng palikuran.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod at maglakad patungo roon. Nasa labas pa lang ako ng nakahilerang pinto ng female’s comfort room nang may namataan akong lalaki sa mahabang sink sa gilid.
I grimaced when I saw what he’s doing. Gamit ang kamay ay kinusot-kusot niya ang maruming basahan pagkatapos pinunasan ang noo gamit ang likod ng kaniyang palad at bumalik ulit sa ginagawa.
Hindi ko na lang iyon pinansin at humarap na lang sa dulong cubicle. Naiihi na ako, pero can I really take million of germs?
Napabuntonghininga ako. Kahit pakiramdam ko sasabog na ang pantog ko ay mas mahalaga pa rin sa akin ang kalinisan. Titiisin ko na lang hanggang mamaya.
“Miss, kung gagamit ka ng kubeta iyong sa kabila na lang. Hindi pa kasi iyan nalilinisan—”
Mabilis akong pumihit para silipin kung sino iyon, at nakumpirma kong ang lalaking nasa harap ko at nakasagutan kahapon ay iisa!
Tumaas ang kilay ko, bigla yatang nawala ang kagustuhan kong umihi. “Oh, it’s you again.”
Kumunot ang noo niya, at sinuri ang mukha ko. “Nagkita na ba tayo?”
“Yesterday. Don’t tell me, you don’t remember this face?” May bahid ng pagkainsulto sa boses ko.
Mahina siyang natawa. “Pasensiya na, miss, pero wala akong makitang kaespesyal-espesyal sa ’yo para maalala kita.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top