Chapter 19
Chapter 19
“Oh, uuwi ka na kaagad? Sabay tayo!” puna ni Malessa nang nagligpit kaagad ako ng gamit pagka-dismissal.
“Yes, ngayon uuwi si Daddy sa Manila kaya pinapauwi niya ako nang maaga. Let’s go,” sabi ko at nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng classroom.
Nasa labas na kami ng campus at nag-aabang ng masasakyan nang may pumaradang trisiklo sa harap namin. Bumaling ako sa driver at magsasalita na sana nang makitang si Angelus iyon.
Awtomatiko akong napangiti at kumaway. “Hello, my love!” pagkanta ko pagkatapos ay umikot patungo sa puwesto niya.
Naningkit ang mga mata niya sa akin. “Mukhang masaya ka, ah.”
“Huh? Masaya naman ako lagi!” tawa ko at pinagmasdan siya. There are sweats forming on his forehead, so I took out my handkerchief and wiped those off.
“Palagi ka kayang nakasimangot, parang ang sama-sama ng loob,” pagpatuloy niya pa.
Ngumisi ako. “Gano’n talaga kapag kulang sa lambing.”
He pursed his lips, stifling a smirk. Pinasadahan niya lang ng haplos ang pisngi ko nang magsalita, “Kapag hindi ka na busy sa pag-aaral, lalambingin kita.”
“Dapat habang nag-aaral ako para inspiration!”
“No. Distraction, Alvea. Baka ako pa maging dahilan para bumagsak ka.”
“I can multi-task!” Hinampas ko siya at hindi na nagsalita nang sumampa sa likuran niya. Oh, shoot! Si Malessa nga pala. Bumaling ako sa gilid at nakita siya roong nakatayo lang. Akma ko siyang tatawagin nang maunahan ako ni Angelus.
“Kayen, sakay na.”
“A-Ah, oo! Sabi ko nga!” tarantang aniya at nagkumahog na sumakay.
I laughed. Ever since she confessed, the awkwardness she feels toward him is unaltered.
Unang hinatid si Malessa bago ako at nang makarating sa tapat ng mansyon namin ay bumaba na ako at inabot sa kaniya ang isang daang piso. There he goes his expression.
“Oh, come on. Pag-aawayan na naman ba natin ’to? Girlfriend mo ako, but I don’t want special treatment lalo na kung kumakayod ka para kumita.” Inirapan ko siya. “At nagseselos nga pala ako, Angelus.”
Nagkatatinginan kami. Hindi niya pa rin tinatanggap ang pera kaya ako na mismo ang naglagay noon sa chest bag nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan iyon.
“Angelus—”
“Nagseselos ka? Sa ano?” nahimigan ko ang pagkabalisa sa boses niya.
Tumango lang ako at itinuloy na ang pagsilid ng pera sa bag. Nang magtagumpay ay tinapik ko ang dibdib niya at nag-angat na ng tingin. Hindi niya na pinansin iyon at mas napukaw pa ang kaniyang atensyon sa huling sinabi ko kanina.
Ngumuso ako. “Paano kasi...” Nilaro ko ang buhok niya. “May nickname ka para kay Malessa, tapos sa akin wala. Ni wala man lang tayo call sign,” reklamo ko. Though, I shouldn’t make a fuss about it, but I am bit bothered by how he calls her Kayen. It sounds so special!
Marahan siyang tumawa at kinuha ang isang kamay ko. He brushed his thumb on my palm to get my full attention. “Salamat...”
Kinunutan ko siya ng noo. “What?”
Umiling siya, nanatiling nakatitig sa akin. “Baguhan ako sa ganito kaya ang malaman ang nararamdaman mo ay mahalaga sa akin. Huwag ka mag-alala, kung hindi ka komportable ay iiwasan ko.”
Unti-unting pumaskil ang ngiti sa aking labi. “Hindi, okay lang naman! Gusto ko lang sabihin.”
“Hindi okay sa akin ang magselos ka, Alvea. At saka madali lang naman iyon, bakit hindi ko gagawin?”
Nagkibit-balikat ako. “Ikaw bahala... by the way, dapat may call sign tayo.”
He nodded and relaxed. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinaglalaruan ito habang naghihintay sa susunod kong sasabihin.
“Hmm, how ’bout baby?” unang subok ko.
Nagsalubong ang kilay niya at bahagyang natawa. Hindi pa siya titigil kung hindi ko lang sinamaan ng tingin.
“May nakakatawa ba?” suplada kong tanong.
“Alvea, ang tanda na natin para iyon ang tawagan. Saka mukha ba akong sanggol?”
I frowned. Hahampasin ko sana siya kaya lang hawak niya ang kamay ko kaya hindi ko na lang ginawa.
“Wala ka talagang ka-romance-romance sa katawan! E, ikaw? May naiisip ka ba?”
Tumango siya kaya nakaramdam ako ng sabik.
“Ano?”
“Ling...” he murmurred to himself, nodded, and looked at me.
“Anong ling?” clueless kong tanong.
Tumitig lang siya sa akin. I tilted my head, observing if he’s kidding me.
“What ling, Angelus? Is it duling? Wala namang duling sa atin—”
“Darling!” sapaw niya.
“Ah... oh, wow. I thought it’s duling or even tililing. Ling... okay naman. Short for darling. Hmm, so sweet of you, huh.” Tumango-tango ako at tuluyan nang hindi napigilan ang pagtawa. Umismid siya at bahagyang pinisil ang kamay ko, naiinis na sa akin.
“Huwag na nga lang. Hindi naman iyan basehan sa relasyon natin at maganda naman banggitin ang Alvea,” napipikon na sabi niya at tuluyan na akong hinigit para yakapin sa baywang.
Tumatawa pa rin ako nang yakapin ko siya pabalik. “Well, okay. Angelus’ fine, too. In fact, I love it. Okay, no need for call sign,” I dismissed.
“Sige na, pumasok ka na at baka hinahanap ka na ng papa mo.”
Kumalas ako nang may naalala. Kinuha ko ang spare phone sa bag ko na balak kong ibigay sa kaniya at inilahad iyon. “Use this.”
Bumaba ang tingin niya roon saka umiling sa akin. “Hindi ko matatanggap iyan, Alvea.”
Sinimangutan ko siya. “Won’t you miss me? I wanna call or text you daily as possible because I miss you always. Ayaw mo ba no’n?”
He licked his lower lip and looked at me with those piercing eyes. I smirked. How I love those eyes looking at me.
“Gusto... pero bibili na lang ako—”
“Bakit ka pa bibili? Sayang lang ang pera! Just accept it, para ka namang ano!”
He sighed and nodded. “Okay.” Kinuha niya iyon at binuksan. I smiled when I saw how his eyes glisten on the screen wallpaper. It was a photo of us with Arki and Isabel in a beach with the changing hues of sky behind us. It was taken during Malessa’s birthday.
“See? You’ll be motivated using that. Bye, love you.” I kissed him on the forehead, cheek, and lips before I ran toward the mansion, giggling like an idiot.
***
“Ayaw mo nang bumalik sa Manila? Parang noong nakaraan ay ngumangawa ka pa sa akin dahil ayaw mo rito sa probinsya. Or is it because of Angelus? Sigurado ka na ba talaga roon, anak?”
“Of course, Dad! What are you thinking? Saka hindi lang ’to tungkol sa kaniya, okay? Si Lola, gusto ko rin siyang samahan dito.”
“It’s just that...” He sighed. “I don’t want you hurt because of him.”
“He won’t hurt me, don’t worry.”
“You know he’s Amos’ son. What if you go crazy over him or he’ll end up leaving you? Just like your mom—”
“Daddy! I’m fully aware about it, and I am sorry if I still chose him given the past. But do you really think history would repeat itself? It won’t. We’re different. I promise you that.”
“But what if you get hurt?”
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko naman naisip na sasaktan ako ni Angelus. Maybe I’ll get hurt over petty things, and it’s okay. It won’t alter my love for him.
“It’s part of loving, right? I think you should know that. I learned from the best,” sagot ko nang maalala ang kuwento nila ni Mommy.
Tumango-tango siya at hinilot ang sentido. “You’re right.”
I smiled and hugged him.
“But, Alvea...”
“Yes?”
He returned the hug and kissed the top of my head. “Oras na malaman kong sinaktan ka niya, I won’t think twice separating you two.”
It made me nervous, but eventually erased the thought. I’m confident it won’t happen because I trust Angelus. He won’t do that.
“By the way, you’re graduating. I’m offering our company for your internship.”
I blinked. “Sa Manila iyon, Dad.”
“Yes, what’s the matter?” tanong niya at nang may natanto ay hinawakan ako sa magkabilang balikat. “Alvea, it’s your studies you should be prioritizing for now. You’re privileged, so be grateful.”
I bit my lower lip. I can’t argue because he’s right.
“Kung mami-miss mo ang lola, puwede mo siyang dalhin sa Manila. And I’m sure Angelus would be perfectly fine. He sees that as a good opportunity for you.”
“I’ll... think about it. Thank you, Dad.”
Nakaabang kami ni Lola sa bukana ng mansyon para sa pag-alis nila. Nasa sasakyan na ang mga gamit nila at nagsimula na rin silang magpaalam sa amin.
“Nice meeting you, Mama, see you soon,” si Tita Mariam kay Lola.
“Ako rin, hija. Mag-ingat kayo sa biyahe.”
I rolled my eyes. Anong see you soon? May balak ka pa pala bumalik!
My gaze darted to Jeirene. Tumaas ang kilay ko nang naabutan siyang nakatingin sa akin, mukhang may sasabihin.
“Ano ang tinitingin-tingin mo?”
“U-Uhm... bye po, Ate,” sabi niya hindi makatingin sa nanunusok kong mga tingin.
Inirapan ko lang siya nang mahuli ako ni Dad at sinita.
“Fine, goodbye.”
“Naku, ikaw talagang bata ka. Mabait naman si Jeirene, bakit mo inaaway?” ani Lola.
I just shrugged and didn’t answer her anymore.
***
“Should I go?” tanong ko kay Angelus nang ikuwento ko sa kaniya ang posibleng internship ko sa kompanya ni Daddy sa Manila.
“Bakit hindi? Magandang karanasan iyon para sa career mo, Alvea. Kahit sino siguro ang mabigyan ng ganiyang oportunidad ay hindi magdadalawang-isip.” He chuckled.
Nagbaba ako ng tingin nang mas malinawan. Tama naman talaga si Dad, hiningi ko rin ang opinyon ni Angelus dahil siya naman din ang dahilan kung bakit parang ayaw ko. “Ayaw ko kaya malayo sa ’yo,” pagdaan ko sa tawa para hindi halatang seryoso talaga ako sa kaniya na ang ideya na magkalayo kami ay parang ayaw ko na kaagad.
I felt him stiffen. Nilingon ko siya at ngumiti nang tipid. Sinuri niya ang mukha ko at ginantihan ang ngiti. He pulled me closer and wrapped his arm around my shoulder.
“You should go. Hindi naman ako mawawala rito at isa pa, pangarap mo iyon. Dapat masaya ka dahil kaunti na lang ay abot-kamay mo na.”
“Sabagay, gustong-gusto ko maging CPA kaya nagsisikap ako, pero dumating ka...”
Umiling siya sa akin. “Huwag mong hayaang may humadlang sa pangarap mo kahit ako, Alvea. Dahil hindi ko iyon hahayaan mangyari.”
Naalala ko ang kuwento niya. Tumigil siya sa pag-aaral noong second-year college dahil sa mahirap na sitwasyon ng pamilya. Sa katunayan ay kaya niyang tustusan ang sariling pag-aaral dahil isa siyang working student noon, pero hindi lang iyon ang naging problema niya. May sakit ang ama na kailangan niyang magdoble-sikap para sa gamot nito dahil isang hamak lamang na tindera ang ina. May dalawa rin siyang maliliit na kapatid na kinakailangang alagaan nang mabuti dahilan para tuluyan niyang talikuran ang pag-aaral at pinasan ang mga responsibilidad na dapat hindi sa kaniya.
Kaya sa edad na 20 ay doon na siya napatutok sa pagtatrabaho. Hindi nakatulong sa sitwasyon nang matuklasang may karamdaman din ang ina. May sakit na mga magulang, at dalawang kapatid na halos musmos pa hanggang sa namatay ang ama, hindi dahil sa sakit kundi dahil sa aksidente.
While he’s telling me those I couldn’t help but got misty-eyed. It made me even more in love with him. Hindi ko alam paano niya iyon nilagpasan na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin siya. I couldn’t be more proud of how great he had become.
Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo ay alam ko na mas malayo ang narating niya sa buhay.
“E, ikaw ba? Kung bibigyan ng pagkakataon, mag-aaral ka ba ulit?”
Napangiti siya sa tanong ko. “Oo. Wala kang ideya gaano ko kagustong magpatuloy sa pag-aaral, pero sapat na rin naman iyon sa akin. At saka hindi naman lahat ng gusto ay nakukuha natin.”
A smile made its way on my lips. “Mag-aral ka kaya ulit? Kauusapin ko si Daddy tungkol dito at tutulungan ka no’n dahil alam niya kung gaano ka—”
“Hindi na kailangan, Alvea. Marami pa akong responsibilidad, at isa pa tumatanda na ako.”
Umismid ako at hinampas siya sa dibdib. “Hindi naman iyon magiging hadlang! Puwede pa gaya nga ng sabi nila na hangga’t may buhay, may pag-asa. Isa pa, 26 ka pa lang! OA mo. Bata mo pa kaya!”
His lips pursed, nakitaan ko nang pag-asa ang mga mata niya. “You think so?”
Umirap ako bilang sagot. Natahimik na ulit kami at pinakikiramdaman lang ang isa’t isa.
“May pangarap ka ba?” pagbubukas ko ng bagong paksa.
Tumingin siya sa kalangitan. Napatingin din ako roon at nakita ang maliwanag na buwan na pinalilibutan ng mga nagkikislapang bituin.
“Hmm, hindi ako sigurado... pero gusto ko gawin ang kahit ano para maging maayos ang kalagayan ng pamilya ko.”
Lumipat ang tingin ko sa mga mata niya na parang hinihintay lang ang atensyon ng akin.
I reached for his cheek and caressed it. “Para sa sarili mo, wala ka bang pangarap?”
Nahihiya siyang nagbaba ng tingin at natawa nang bahagya. Hinuli ko ang mukha niya gamit ang kamay at tinaasan siya ng kilay, binabantaan siya para sumagot.
“Mayroon at natupad na,” tugon niya.
“Ano ’yon?”
“Ikaw.”
Uminit ang pisngi ko. “H-Huh?”
He chuckled and caught my hand to intertwine it with his.
“Ikaw iyong natupad kong pangarap, Alvea.”
“I think it’s the other way around. You are my fulfilled dream. Hindi mo naman ako pinaghirapang abutin!” tukso ko.
Ngumuso siya at natawa. “Sabagay... pero hayaan mo, pagsisikapan ko namang panatilihin ka sa tabi ko.” He kissed my cheek and whispered, “Close to safety and comfort, away from danger and misery.”
Umaliwalas ang mukha ko at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. “Promise ba iyan? You won’t leave me? Ever? Uto-uto pa naman ako!”
He smiled and looked at the shining moon before uttering, “Pangako.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top