Chapter 18
Chapter 18
“Ate Ganda! Hanap mo po si Kuya? Umalis po!”
“Oh... saan daw pumunta? And what are you doing, by the way?” Dumapo ang tingin ko sa hawak niyang uling at baling hanger.
“Magluluto po.”
“You know how? Woah. E, iyan?” turo ko naman sa hawak niya.
“Pangningas po, wala po kasi kaming gas.”
Nagpatango-tango ako at pinagmasdan siya sa ginagawa niya sa harap ng isang abuhan. Kumunot ang noo ko nang magsindi siya gamit ang posporo. Hindi ba delikado na bata pa siya tapos ganito?
I sighed and pulled her hand away from it. Inosente siyang tumingin sa akin na nginitian ko. “Wala ba kayong electric or gas stove?”
Hindi siya sumagot kaya bumuntonghininga ako. Obviously, Alvea. “I’ll purchase you one. Sino ba ang kasama mo sa loob?” Nasa bukana lang kasi ako ng bahay nila. I refused to go inside baka atakihin na naman iyong mama nila dahil sa akin.
“Si Nanay po. Nasa kanila Ate Malessa po si Arki, nakikinood ng TV.”
Tumango ako at kinuha ang cell phone para um-order at ipa-deliver agad ang stove at gas tank. “Bakit? Wala ba kayong TV?” tanong ko habang pumipindot sa cell phone. I saw her shake her head, so I nodded. “Okay, I’ll give you one next time.” Baka kasi atakihin sa galit si Angelus kapag pati TV ay bilhin ko.
Nang matapos ay nilingon ko nang muli ang bata na inosenteng nakatitig sa akin. I bent over and smiled. “Bakit ikaw ang nagluluto? You’re too young for that. Child labor iyan.”
“Gutom na po kasi ako...”
Tumango ulit ako at nilabas ang cell phone para um-order ng pagkain. Nang matapos ay hinarap ko siya. “I ordered, hintayin mo at saglit lang naman iyon, okay?”
“Isabel... nariyan na ba ang kuya mo...”
Napahinto ako at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nagkatinginan kami ng babaeng nasa pintuan. Angelus’ mom! Kaagad akong yumuko nang bahagya para bumati. “Good afternoon...” Hindi pa ako ready! Paano kung atakihin siya? Wala pa naman si Angelus dito!
“Nandito ka na naman?”
Nanlamig ako at mas lalong hindi makatingin sa kaniya. “U-Uhm... wala po akong masamang intensiyon...” depensa ko kaagad. The heck! Baka ako iyong atakihin sa kaba rito!
I heard her sigh. “Pumasok ka.”
I stiffened. Oh, my god! Paano kung utusan niya akong layuan si Angelus? Hindi naman niya ako aalukin ng pera, ’di ba? Bumuntonghininga ako sa natanto. Wala nga naman silang sapat na pera tapos gagastusan pa ako?
“I’ll just talk to your mom. Hintayin mo na lang iyong order at tawagin mo si Arki para kumain kayo, ha?”
Tumango siya kaya inihanda ko na ang sarili nang makapasok na nang tuluyan sa kanilang bahay. Parang kubo lang din iyong bahay nila ganoon pa man ay malinis tingnan. I imagine Angelus cleaning every corner of this house. I grinned inwardly.
Bumalik lang iyong kaba ko nang maabutan ko ang nanunusok na tingin ng ginang. Akma akong uupo sa upuan na nasa gilid nang magsalita siya.
“May sinabi ba akong umupo ka?”
Namutla ako. “Uh... wala...”
“Bakit ka uupo kung ganoon?”
Kasi gusto ko?
I cleared my throat and got irritated a bit. Kairita! Buti na lang mama siya ni Angelus! Kung hindi ay kanina pa ako nagsuplada! Chill, Alvea. She’s your future mother-in-law. Be good and have patience.
Para akong tangang nakatayo lang doon. Ilang minuto na ang lumipas ngunit walang nagsasalita sa pagitan namin. God, sana dumating na si Angelus, please.
“Nay...”
Speak of the angel rather than the devil.
Nanatili akong tuod sa puwesto kahit na gusto ko nang pumihit at magtago sa bulsa ni Angelus. The lady sighed and looked behind me. “Nariyan ka na pala. May bisita ka,” sabi nito at tumayo at pumasok sa kuwarto.
Nang mawala siya sa paningin ko ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Angelus is indeed an angel.
“May lakad ka ba bukas?” tanong ko kay Angelus, nasa cottage kami at nag-uusap.
Tumango siya. “May sideline na inalok sa akin.”
“Oh.” Hindi ko naitago ang pagkadismaya. Nagsalubong ang kilay niya at hinanap ang mata ko. “May problema ba?”
“Wala naman.”
Gusto ko sana siyang yayain bukas sa wedding anniversary ni Daddy at ipakilala. But I want to be his best girlfriend so I have to be understanding. Isa pa, mas importante iyong gagawin niya bukas.
Noong isang linggo pa dumating sina Daddy. Kahit masama ang loob ko tungkol sa wedding anniversary ay pinilit ko iyong isantabi dahil gusto kong bumawi sa ama.
“Can I bring my boyfriend at the event tomorrow? I want you to meet him.”
Gulat niya akong binalingan. “Boyfriend, Alvea?”
Tumango ako at ngumisi.
“Oh, god.” Napahilamos si Daddy sa mukha niya, tila problemado. “You have a boyfriend,” ulit niya na naman. “Is he good? You know, I want someone great for you, sweetie.”
“I know. He’s great. I’m afraid he’s too good for me.” I grinned.
“May bumabagabag ba sa ’yo?”
His voice broke my reverie. Inabot niya iyong isang kamay ko at banayad na hinila para agawin ang atensyon ko. My lips protruded, stifling a smile. “Oo, nababagabag ako sa kagwapuhan mo.”
Umismid siya. Tumawa ako nang subukan kong sundutin iyong pisngi niya ngunit iniwas niya ang mukha. “Arte! Guwapo mo kaya worried ako, marami na akong kaagaw.”
He pinched the side of my waist. “Wala kang kaagaw sa akin, Alvea. Bukod sa hindi naman ako kaagaw-agaw ay takot lang nila sa ’yo,” he smugly whispered on my ear.
Nahinto kami sa paghaharutan nang may magsalita galing sa labas.
“Magandang tanghali po. Sino si Alvea Ryss Madrigal?”
Tinaas ko ang isang kamay. “Me. Why?”
“Ay, ma’am. Iyong in-order ninyo dumating na po.”
“Oh, right.” Tumayo ako at iniwan si Angelus para asikasuhin iyon. Sabay na dumating iyong mga pagkain, stove at iyong tank. Tinanggap ko iyong paperbag ng mga pagkain at ibinigay kay Isabel na nag-aabang pala. I gestured her to go inside and eat with Arki. Nilingon ko iyong nag-deliver ng gas stove at tank. “Can I have it assembled inside? Thank you.” The guy nodded.
I smiled when everything got settled. Hinarap ko si Angelus at unti-unting napawi ang ngiti ko nang makita ang galit sa mga mata niya. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. I’m... doomed.
Napasinghap ako nang hilain niya ako sa braso papasok muli sa cottage. “Angelus—”
“Ano na naman ba itong pakulo mo?”
“Wala! Naabutan ko si Isabel doon sa abuhan ninyo! Bata pa siya at delikado iyon! Paano kung magkasunog? At nagugutom si Isabel kaya binilhan ko ng pagkain! May mali ba sa ginawa ko, ha?” iritado kong paliwanag at binawi ang braso galing sa hawak niya. Alam kong magagalit siya pero pasalamat na nga lang siya na hindi ko pa muna binili ang TV para hindi na makinood ang mga kapatid niya! I’m still considerate, right?
His expression remained the same despite my explanation.
I let out a breath, trying to calm my nerves. “Bakit ba ganito ka? You feel insulted again?! If yes, well, sorry? It’s not my intention...” tumaas ang boses ko tapos humina. Ang hirap naman nito! Gusto kong maging mabuti para sa kaniya, pero kung ganitong sinusubukan niya ang pasensya ko aba’y ewan ko na lang!
Iniwas niya ang tingin sa akin nang hindi sumasagot kaya dahan-dahan kong kinuha ang dalawang kamay niya para kunin ang kaniyang atensyon. Nang hindi pa rin niya ako nililingon ay nagsalita na lang muli ako, “If you’re this upset, then I’m genuinely sorry...” malambing kong sabi. I felt his hold on my hand tighten. “Hindi naman talaga para sa ’yo iyon. Para sa mga kapatid mo. Isipin mo, kung ikaw nasa sitwasyon ko tapos pansin mo na gutom na iyong bata tapos baka mapahamak pa roon sa pagsindi alangan naman na pabayaan ko lang lalo na’t bata? Do you understand my point, Angelus?”
Finally, his gaze darted to me. Ngumiti na ako at pinulupot ang braso sa baywang niya. Tiningala ko siya. “Don’t be bothered by nothing,” I whispered as I planted a kiss on his chest. Hindi nagtagal ay naramdaman ko rin ang pagpulupot ng mga braso niya sa balikat ko.
Hinalikan niya ako sa noo at hindi na nagsalita.
“Oh, I thought you’re bringing your boyfriend? Where is he now?”
“He’s busy, Dad,” sagot ko at inalalayan si Lola papasok sa function room kung saan gaganapin ang anniversary nila. Daming arte ng Mariam! Puwede naman sa mansion, ni-request pa talaga na sa hotel ganapin.
“May nobyo ka ba talaga, hija?” boses pagdududa ni Lola.
Nginisihan ko siya nang sarkastiko. “Lola, mayroon. Baka magulat ka kung sino,” pagyayabang ko.
“Bakit? Sino ba?”
“Si Angelus,” bulong ko pagkatapos ay lumayo para tingnan ang reaksyon niya. Tumawa siya at hinaplos ang buhok ko.
“Si Angelus? Mukhang... hindi ka naman papatulan noon, apo.” She smiled sweetly.
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya, pero nainsulto ako!
“Guess what, Lola? He did.”
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang celebration. Boring celebration. Maraming bisita at halos ng mga iyon ay kaibigan ni Daddy sa business industry, kaunti lang ang din ang mga kamag-anak. They look elegant and sophisticated with their suits and gowns.
“I’ve never seen you in a while, hija! How are you?”
May mga kakilala rin ako dahil minsan akong namalagi sa kompanya para mag-obserba at matuto pa sa mga ibang bagay para sa college course na kinuha ko.
“Good evening, Mr. Reistre. I’m doing fine. I hope you are, too,” nakangiti kong bati sa matanda.
I was busy enjoying my antipasti and lambrusco when Lola urged me to make a message for Daddy and Tita Mariam which I utterly refused to. Pahirapan na nga ang ganapin dito sa probinsya ang anniversary nila tapos paaakyatin pa ako sa entablado para gumawa ng speech? No, thanks. I’d rather get slapped than make a drama in front of the audience.
Cake cutting, ceremonial toast, and pictorial were finally done. Thank God. Buti na lang at nagsimula na ang kainan dahil kung hindi ay kanina pa ako umuwi para makita si Angelus! I can’t message nor call him since he has no phone yet. Bibigyan ko siya, ayaw naman niya. I’ll let him ‘borrow’ instead soon.
Main course was being served. Muntik pang bumaliktad ang tray ng server habang nilalapag ang mga pagkain kaya iritable akong nag-angat ng tingin. And for the love of god, muntikan ko nang maibato ang wineglass nang makita kung sino iyon!
Wearing the server uniform, Angelus looked away when my gaze landed on him. “Sorry, miss,” sabi niya sa mahinang boses at yumuko nang bahagya.
What the hell is he doing here?!
“Angelus—” Bago ko pa siya makausap ay nilagpasan niya na ako para pumunta naman sa ibang table.
Napatayo ako sa inis. What is he doing?! Iniiwasan niya ba ako?! And he’s freaking pretending as if we’re strangers!!! Angelus, you devil!
“Apo, may problema ba?”
Bumaling ako kay Lola at Jeirene na kasama ko sa mesa. Daddy’s socializing around while Tita Mariam—well, I don’t care where the fuck she is!
“I saw Angelus, Lola. I’ll be right back,” sabi ko at dinampot kaagad ang purse para puntahan si Angelus. Nang lingunin ko ang puwesto niya kanina ay wala na siya roon.
“Damn it,” I hissed. Muntikan pa akong matapilok dahil naipit ang dress ko sa upuan! I sashayed along with my long black satin dress to save my face from embarrassment.
Nagkalat ang mga tao kaya hindi ko alam kung saan ko na hahanapin si Angelus dahil kaagad nawala! Why would he do that? Iniisip niya bang ide-deny ko siya?! I groaned. I’m not the old Alvea whose ego is far more important than her love for someone!
Kung alam niya lang talaga kung gaano ako kahulog sa kaniya... I even considered him as my other half already!
Sometimes, being in love is very stressful!
Nasa may parte na ako ng hotel patungo sa comfort room nang matanaw ko si Angelus at Tita Mariam na na mukhang nag-uusap. I don’t know but the sight of them made my head ache, blood boil, and heart palpitate to the core!
“What the fuck is going on here?!” my voice boomed around the corner while my heels are clicking on the floor as I strode my way toward them.
Tita Mariam looked at me with her brow arching. “You looked so angry, dear. What’s wrong?” malambing niyang sabi.
Nandilim ang paningin ko sa boses niya kaya bago pa ako mawalan ng kontrol ay malakas ko nang hinatak ang braso ni Angelus patungo sa akin. “Bakit ka nakikipag-usap sa kaniya?” I asked through my gritted teeth.
“You know him, Alvea?”
Nilingon ko siya. “Hindi ba obvious? He’s my boyfriend so back off, mom,” I responded in sarcastic way as possible, emphasizing the word ‘mom’ that even saying it made my stomach churn in disgust.
I don’t trust Tita Mariam at all!
“Bakit galit ka sa mommy mo—”
“Can you hear yourself, Angelus?! She’s not my mom! I hate Tita Mariam, so stop hanging around her!”
Pagkatapos noon ay opisyal kong ipinakilala si Angelus sa pamilya ko kahit pa iritado ako sa trato niya sa akin kanina!
“Alvea... galit ka ba?” maingat niyang tanong nang mapag-isa kami sa isang malawak na hardin ng hotel.
Umirap ako sa kawalan bago siya nilingon. “Oo, galit ako. Sa sobrang galit ko, nandidilim ang paningin ko sa ’yo.”
He swallowed hard.
“Why did you pretend as if we didn’t know each other?! I am so bothered about it, Angelus!” sigaw ko na halos mapapikit siya. Umirap ulit ako.
“Pasensya na... hindi ko naman alam na ayaw mo pala noon. Nakakahiya naman kasing—”
“Nakakahiya? Kinahihiya mo ako?!”
Pumikit siya at tuluyan nang kinuha ang kamay ko na nanginginig sa galit. Ni hindi ko alam bakit galit na galit ako!
“Hindi, Alvea. Bakit naman kita ikahihiya?” He intertwined our hands together and sighed. “Ako iyong dapat mahiya. Hindi ko naging hiling na ipakilala mo ako sa pamilya mo lalo na dahil sa... ganito lang ako. Wala pa akong maipagmamalaki o ibubuga sa pamilyang mayroon ka. At oo, pasensya na, inasahan kong magpapanggap ka na hindi mo ako kilala sa harap ng mga tao dahil—”
“Oh, god, Angelus. Why would you even think of that? I won’t do that to you!” My eyes watered in frustration.
And I realized what I’ve done to Earl before. I broke up with him because I was ashamed having him as my boyfriend—someone labeled as poor and cheap.
But again, I’m not the old Alvea anymore. I’ll make things right and I’ll do good to make this thing with Angelus stronger and lasting.
Naramdaman kong kinabig niya ako palapit sa kaniya. He kissed my temple and sighed.
My lips quivered as I told him, “Angelus, I love you beyond measures. I’ll be great for you.”
“Salamat, Alvea. Wala akong ibang hiniling sa Panginoon, pero biniyayaan niya ako nang sobra-sobra pa...”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top