Chapter 17

Chapter 17

“Uwi na kami.”

Galing sa pagdadaldal ay nahinto si Malessa at lumingon kay Angelus na handa na sa pag-alis. Suot na ang backpack na naglalaman ng mga gamit nilang magkakapatid, at sa magkabilang kamay naman ay hawak niya ang mga kamay ng kapatid.

Inayos ko ang sling bag ko at humakbang para mapantayan ang puwesto ni Angelus.

“Uuwi na kami,” I corrected, making him glance at me warily. Oh, ano problema nito? Kung makatingin parang may gagawin akong masama.

“Agad-agad?” protesta nito, mas nakuha na namin ang atensyon niya ngayon.

“Alam mo namang walang nagbabantay kay Nanay tapos gumagabi na rin,” paliwanag ni Angelus sabay tanaw sa kalangitan. Napatango ako bilang pagsang-ayon. The sun has already set below the horizon as the moon made its way to shine above.

“Ay, sayang! Alam mo ba narinig ko na uuwi raw si Kuya! Feel ko nga darating iyon mayamaya tapos kunwari gulat ako, ’di ba?” talak niya na sinapawan ko.

“May kuya ka?”

“Oo, nasa Maynila siya, nagtatrabaho!”

Dahan-dahan akong napatango. Magsasalita pa sana ako ng tumikhim si Angelus. Nilingon ko siya at hindi nakatakas sa aking paningin ang pagdududa sa mga mata niya.

“Bakit mo tinatanong, Alvea?”

I smirked and shrugged eventually to tease him more. “Bakit? Bawal na ba ma-curious?” Nilingon ko ang babae at nagpatuloy, “Guwapo ba?”

“Oo naman!”

Napatango ulit ako. I don’t care. Gusto ko lang asarin si Angelus. Panigurado rin namang walang makapapantay sa alindog ng lalaking ito. Nilingon ko si Angelus at naabutan na ang talim ng tingin niya sa akin. Umismid siya at hindi na nagsalita.

Nang matagumpay nang nakapagpaalam ay lumabas na kami sa resort patungo sa highway kung saan kami sasakay pauwi.

“Bakit ka sasabay? Puwede ka namang manatili roon at magsaya,” malamig na sambit ni Angelus habang nakatingin sa kalsada, nag-aabang ng sasakyan.

Napanguso ako, nagpipigil na ngumisi. Hindi naman ako ganoon ka-clueless o manhid para hindi maintindihan ang pagbabago ng mood niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na hawak ang kay Arki. Inagaw ko ang kamay ni Arki at hinawakan iyon sa isa kong kamay saka inabot ang kamay ni Angelus at ipinagsalikop iyon sa akin.

Napalunok ako sa kung anong kulisap na gumambala sa sistema ko. Angelus looked at me, shock and surprise were evident on his face.

Ngumisi ako at inihilig ang ulo sa kaniyang balikat. “Come on, Angelus. Huwag ka na kasi choosy. Tayo na, ah? Para maging valid ang pagseselos mo,” tuya ko dahilan para bawiin niya ang kamay sa akin at umatras para maiwasan ako. Hindi ko na napigilan ang matawa sa kilos niya.

Nang makasakay na kami ng jeep ay kinandong ni Angelus si Isabel at Arki sa magkabilang hita niya na ipinagtaka ko.

“Why don’t you let them sit here?” sabi ko, tinutukoy ang bakante sa pagitan namin.

“Mahal ang pamasahe, Alvea.”

“I’ll pay!” presinta ko. Kawawa kasi tingnan iyong mga bata at mukhang nahihirapan sa puwesto, at lalo na sa lagay ni Angelus. Hindi ba siya mangangalay niyan?

Umiling siya, iyong iling na talagang hindi mo siya mapapapayag sa kahit anong kondisyon pa. “Hindi, ako ang magbabayad.”

“Pero—”

“Alvea, huwag matigas ang ulo.”

Napasimangot ako sa pagsusuplado niya. In the end, wala akong nagawa kundi ang agawin na lamang si Arki at ikandong sa akin para hindi siya gaanong mahirapan. Poprotesta pa sana siya ngunit sinungitan ko na para hindi na siya umangal. Sa gitna ng biyahe, kahit siksikan at naiinitan, ay nakaramdam ako ng antok dahilan para mapasandal ako sa balikat ni Angelus.

“’Sus, mamamatay rin naman, walang forever, uy!” rinig kong sambit ng kung sino. Napairap ako at hindi na lang iyon pinansin.

Nakarating na kami malapit sa bahay nila nang harapin ako ni Angelus. “Ihahatid kita pauwi.”
Umiling ako. “Huwag na, saka mamaya pa ako uuwi.” Unti-unti akong ngumisi. “Dito muna ako sa inyo.”

Mabilis siyang napasimangot, angal na angal sa sinabi ko. Ngunit wala na siyang nagawa nang kargahin ko si Arki at naglakad papasok sa makipot na daan patungo sa bahay nila. Nasa mismong pinto na kami—nakasunod si Angelus at Isabel sa akin sa likod—nang mapahinto kami dahil sa isang hindi inaasahang panauhin.

Naunang pumasok si Angelus at kahit nalilito nang makita ang parang pamilyar na mukha ng lalaki na nakatagilid sa direksyon namin ay sumunod pa rin ako kay Angelus.

The guy stood in front of Angelus and suddenly tapped his back. Mukhang nagulat si Angelus sa presensiya ng lalaki ngunit kalaunan ay niyakap niya rin ito. Nag-usap sila ngunit hindi ko gaanong marinig. Lumalim ang kunot ko habang pinanonood sila.

Nilingon naman ako ng lalaki dahilan para pareho kaming magulat na animo’y nakakita ng multo.

“Alvea?” tila taghoy nang banggitin niya ang pangalan ko.

Hindi ko inaasahan na darating ang araw na ito. Ni nakalimutan ko na siya ngunit nang makita siya ngayon ay unti-unting nanumbalik ang mga alaala. I fell in love with this guy, but not enough for me to protect and be proud of him. I hurt him, I broke up with him because I was ashamed and tired. And I know he didn’t deserve all of those for he only loved me genuinely.

Bumaling ako saglit kay Angelus na ngayon ay pinanonood din ang reaksyon ko. My heart did a flip for a moment when our eyes locked. And this man? I like him, I love him... enough for me to give my all just to have him. And just staring at his soulful eyes, I knew I’ll do anything  to be deserving. I want him. So sudden yet so sure.

Ibinalik ko ang tingin sa lalaki. I finally managed to smile “Earl.”

May pagkakaiba ang pagkakagusto ko sa kanila. Kung noon hindi ko kayang ipagtanggol si Earl sa mga itinuring kong kaibigan, iniwan ko siya dahil sa kahihiyan, dahil mas matimbang sa akin noon ang opinyon ng iba kaysa sa damdamin niya. At ngayon? I won’t do the same mistake again for a guy who deserves the world. I may not have loved Earl deeply before, but I found comfort in him. But with Angelus? I could literally feel anything with him... even by just looking at his eyes. I won’t lose this time. I’ll choose him over and over again. I am willing to change myself for him.

“Ikaw nga. H-Hindi ko alam na narito ka… paano?” Nagkamot ng batok si Earl, mukhang gulong-gulo sa nangyayari.

Napangiti ako. Still the timid Earl. We broke up yet he remained as an important person in my life. My friend. How funny my love life is. Nagkagusto ako noon kay Earl kahit na mahirap siya, hindi ko pa siya tipo pero totoo nga talaga ’yong sinasabi nila na, “if you fall, you fall” kasi iyon ang naramdaman ko. Gaya kay Angelus. Ayaw ko sa kaniya, pero saan ako dinala ng damdaming iyon? Ayon, willing na gawin lahat para sa kaniya, tanggapin niya lang.

“Magkakilala kayo?” Finally, Angelus spoke up.

Nagkatinginan kami ni Earl. Siya ang nagsalita, “Oo. Siya iyong kinukuwento ko sa ’yo dati.”

Muling nagkamot ng batok si Earl at nahihiya akong nilingon. Kumunot ang noo ko. Kinukuwento niya ako? It touched a part somewhere in my heart.

“Iyong… kasintahan mo?” paglilinaw ni Angelus.

Namilog ang mata ko.

“Oo, pero wala na kami. Hindi ko inaasahang dito ko pa siya ulit makikita.”

Tila hangin ang sinabi ni Earl nang hindi man lang ako gumalaw, nanatili ang titig kay Angelus. Baka ano ang isipin niya at mas lalo niya akong ayawan!

“Angelus—”

“Ihahatid na kita, Alvea,” malamig na putol niya sa akin.

Litong nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Earl. Nilingon siya ni Angelus. “Masaya akong makita kang muli. Kaarawan ng kapatid mo ngayon at hinihintay ka noon. Mas maganda siguro kung humabol ka.”

And then realization hit me. Earl is Malessa’s brother!

“Oo, sadyang dumiretso ako rito para iuwi muna ang mga bagahe at binisita ko na rin si Tiya, katutulog niya lang kanina. Ni hindi mo nabanggit sa akin na lumalala na ang sakit niya—”

“Pag-usapan na lang natin iyan sa ibang araw, at nasira ang telepono ni Nanay kaya hindi na kita nakausap noon.”

Hindi na ulit kami nagkaroon ng pag-uusap ni Earl dahil ramdam na rin siguro niya na gusto muna siyang paalisin ni Angelus, at ang huli ay hinila rin ako papalabas. Napasimangot ako. I just unexpectedly met my ex tapos gagawin niya ito!

“I didn’t know you have this side, Angelus! Halata namang gusto pa namin magkausap, gusto mo na agad putulin iyon!”

Matalim niya akong tinitigan. “Bakit? Ngayong nakita mo na siya, muli mo na naman siyang didikitan? At ano, magkakabalikan kayo?”

Natahimik ako sa sinabi niya.

Iritado siyang bumuntonghininga at muli akong binalingan, maamo na ngayon. “Pasensiya na. At kung gusto mo talaga siya makausap…” Bumuntonghininga siyang muli. “Bahala ka, magsama kayo kung ganoon.”

Umawang naman ang labi ko sa sunod niyang mga sinabi. Nahimigan ko na ang paghakbang niya para iwan ako ngunit bago pa siya magtagumpay ay malakas ko nang hinila ang kaniyang braso para harapin ako.

“Anong galawan iyan, Angelus? Nagseselos ka ba? Kanina ko pa ito napapansin, ah!”

Kumalabog ang puso ko sa pinaghalong kaba at sabik sa gustong malaman sa kaniya.

Umismid lamang siya at nag-iwas ng tingin. Nanatili ang higpit ng hawak ko sa braso niya na ramdam kong wala naman yata siyang bawiin iyon sa akin.

“Kung gusto mo ako, tayo na! Bakit pa-choosy ka pa?” iritado pero natatawa kong dugtong.

Hinaplos ko ang braso niya para mas makuha ko pa ang atensyon.

“Angelus, tayo na kasi! Hindi ka na lugi sa akin! Maganda ako tapos… tapos… magpapakabait na ako! Promise!”

Para akong tindera na nangungumbinsi ng mamimili, ang pinagkaiba lang ay hindi pagkain ang ibinebenta ko kundi ang sarili ko mismo.

Napanguso si Angelus, nagpipigil ng ngisi.

“Alvea, magkaka-girlfriend lang ako kung mahal ko.”

Nagalit yata ang sistema ko sa sinabi niya kaya awtomatikong humampas ang kamay ko sa braso niya. “Bakit, hindi mo ba ako mahal?!”

“Hibang ka ba? Masyado pang maaga para mahalin ka.”

Natawa ako. “Maaga? Tanga, gabi na!”

Suplado niya akong inirapan kaya sumimangot ako.

“Angelus, hindi naman mahalaga kung maikli o mahaba na ang panahon ng pinagsamahan, may love at first sight nga, e!” pangungulit ko ngunit hindi pa rin siya kumbinsido kaya nag-isip ako ng mga puwedeng bagay para mapapayag siya.

“Ganito na lang! Aalagaan ko ang kapatid mo, tutal mahilig din naman ako sa mga bata. Sa paglilinis, paglalaba, at pagluluto wala akong alam, pero willing to learn ako para sa ’yo. Tapos magpapakabait na rin ako, hindi kita aawayin. I will love you. Kapag naging tayo, may instant wife ka na rin! At isa pa, kung hindi mo ako mahal ngayon, which I doubt, matututuhan mo rin iyon eventually. I’ll make you! Oh, ano? You’ll take me, yes or yes?”

Pinanonood niya ang pagkibot ng labi ko habang nagsasalita at nang matapos ay bumalik ang tingin niya sa mata ko at marahang natawa.

“Alvea, hindi kita sasagutin para punan ang pangangailangan namin o para maging katulong—”

“Ay, wow! So, ako talaga ang nanliligaw sa atin, ha?”

Hindi na napigilan ay nagpakawala na siya ng halakhak. Sumimangot naman ako kaya mas lalo siyang natawa at napailing na lang.

“Bakit, Alvea? Hindi ba?” pang-aasar niya.

Umirap na ako, iritado. “Fine, whatever! Ako na ang nanliligaw. Sasagutin mo ba ako o hindi?”

Tumaas ang kilay niya. “Binabantaan mo ba ako?”

“Ewan ko sa ’yo! Maghahanap na lang ako ng iba kung ayaw mo sa akin! Babalikan ko si—”

“Mahal mo ba ako?”

Napakurap ako, hindi dahil sa tanong niya kundi sa kaniyang pagputol. And without further ado, I answered, “Oo, siyempre!”

“Sigurado ka ba—”

Hinila ko ang kuwelyo ng damit niya pababa at
siniil siya ng halik. Natuod siya kaya napangisi ako pagkatapos.

“Gusto kita tapos mahal pa, saan ka makakakita ng ganoon, huh? Malaking sayang pa naman ako, Angelus, bahala ka…”

Tinanggal niya ang kamay ko sa kaniyang kuwelyo at hinihingal pa na tumango. He looked at me gently.

“O-Okay… sinasagot na kita.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top