Chapter 16
Chapter 16
“Aminin mo na kasi, Angelus, na gusto mo na rin ako!”
Bugnot niya akong sinipat. “Hindi nga, Alvea, kaya tumahimik ka’t lumamon na lang diyan!” mariin niyang sabi sabay turo sa pagkaing nasa harap ko.
I grunted. Nasa cottage na kami at kumakain. Nang maging ayos na ulit kami ay bumalik na ang sigla ko.
I certainly like him. At ngayon ay ginugulo ko siya. It’s sad thinking my mother was in love with Dad’s best friend at naiintindihan ko kung bakit tila ayaw ni Daddy na malapit ako kay Angelus. He doesn’t need to worry, though. Angelus is a good and harmless man.
But the bottom line here is hindi naman ako gusto nitong si Angelus! I can’t believe na parang ako pa ang naghahabol sa kaniya rito. Psh.
Naantala ang paglangoy ko sa lalim ng pag-iisip nang may ilagay na pagkain si Angelus sa aking plato. I looked at him maliciously then back to my plate.
Is this a puto cheese?
“Kainin mo ’yan, masarap,” he encouraged.
I twisted my lips to hide a smile. Pakiramdam ko talaga may pagtingin itong si Angelus sa akin, pero hindi niya lang inaamin.
“Ayaw ko nga,” pagmamatigas ko.
“E, ’di huwag.”
“Tss, hindi mo ba ako pipilitin?” ungot ko, siniko ko pa siya. Hindi niya ako pinansin at pinagmamasdan lang ang mga kapatid niya na nasa hindi kalayuan.
Sumimangot ako at nilantakan na lang ang puto cheese. Inilibot ko pa ang tingin sa paligid bago ulit kumuha ng maraming piraso ng puto at lumamon ulit. Damn, hindi ko alam na ganito pala kasarap iyon!
Nahinto ako sa pagnamnam nang marinig ko
ang marahang tawa sa gilid ko. Halos mabilaukan ako nang maalala kong katabi ko pala si Angelus at mukhang tuwang-tuwa akong pinanonood! Bakit ko ba siya nakalimutan? Gano’n ba talaga kasarap iyong pagkain?
“Bakit ka tumatawa?!”
Umiling lang siya, huminto na sa pagtawa pero may ngisi pa ring nakausli sa labi. Namula ako sa kahihiyan.
“Naalala ko lang iyong puto cheese na ipinapabigay ko kay Kayen para sa ’yo noon na tinapon mo, at ngayong makita kang sarap na sarap ay nakakaengganyong panoorin.”
Napasinghap ako sa pag-amin niya at nang maalala ang bagay na iyon ay hindi ko napigilang makaramdam ng kahihiyan para sa sarili. Did I really do that? Pagkatapos kong laitin iyong pagkain at tinapon.
Napapikit ako at nang dumilat ay nagkatinginan kami ni Angelus na malamlam akong pinagmamasdan.
My cheeks flushed. “Huwag ka nga ganiyang tumingin at baka isipin ko pang in love ka sa akin!”
Napawi ang ngisi niya at wala nang sinabi pa. Nangapa naman ako.
“Sorry,” I uttered softly. I realized my mistakes. Iyong pang-iinsulto, pangmamaliit ko sa kaniya. Nang maalala lahat ng iyon ay talagang nahiya ako sa asal ko. At ngayong tinamaan na yata ako sa kaniya ay mas lalong ayaw ko na iyong ulitin.
“Ayos na nga, Alvea. Kanina ka pa nanghihingi ng tawad.”
I stared at him intently. I like him, but he doesn’t feel the same. Natanto kong… malayo ang agwat namin. Kung dati tingin ko ay nasa taas ako at nasa baba siya. Mali iyon. Dahil siya ang nasa tuktok na tila kay hirap abutin dahil nasa ilalim lang ako. It’s not about our status in life anymore.
Napanguso ako nang sumagi sa isip na parang… hindi ko yata deserve ang gaya niya. He’s too good for me. Akala ko siya ang hindi ako deserve dahil lang sa mahirap siya but I
proved myself wrong.
Well, he’s mature enough to carry all the responsibilities. He’s the breadwinner of his family. Samantalang ako ay… spoiled brat? Matapobre? Napairap na lang ako sa bansag sa sarili. Malabo niya akong magustuhan lalo na’t may pagka-immature. Baka dagdag lang ako sa problema niya, pero puwede naman ako magbago, ah! I will do great so I’ll deserve a good and responsible man like him!
Hindi ako sanay na hindi naibibigay o natutugunan ang gusto kaya naman noong nagpakita siya ng kawalang-interes sa akin ay ganoon na lang ang panlalait ko sa kaniya para mapansin lang. I scoffed. Why am I justifying my wrong deed? Fine, inayawan ko siya noon dahil nandidiri ako sa kaniya pero mas lumala lang naman ’yon nang sinusungitan niya ako. Hindi naman ako ganoong tao lalo na’t may ex ako na gaya niya rin. Hindi ako tumitingin sa estado sa buhay, oo, pero minsan nagiging requirement ko yata dahil ayaw kong mapahiya sa mga taong nasa paligid ko, but then I realized why should I care? Buhay ko ito kaya dapat wala silang pake!
I sighed dreamily while gawking at Angelus. Gusto ko siya… gusto ko talaga. Mabilis pero sigurado at totoo. I wonder how old is he? His birthday? His favorites? Bakit huminto siya sa pag-aaral?
I smiled when I realized I want to know more about him. No rush. I have a lifetime to do things with him, anyway. Kung ayaw niya sa akin, pipilitin ko!
Nang palubog na ang araw ay nagkayayaan nang maligo kaya naman hindi ko nagdalawang isip na hubarin ang cover-up ko dahilan para lumantad ang puting bikini na suot.
Nang makita ko si Angelus na nakikipaglaro sa mga kapatid niya sa buhangin ay niyaya ko si Malessa na lapitan sila.
Nang makarating doon ay kinalabit ko si Angelus. He looked at me with his forehead knotted. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko at bigla na lang naubo.
Napanguso ako. Na-conscious na tuloy ako sa katawan ko dahil sa reaksyon niya. I am confident with my curves in its right places plus the exact size, pero kung maka-react ang gunggong na ito ay para bang hindi man lang siya namangha.
Tumayo siya at pinagpag ang puti niyang damit. Ang medyo may kahabaang buhok nito ay bahagyang nililipad ng hangin dahilan para mamula ako dahil sa banyagang nararamdaman. Hays, I really like him.
Once again, his eyes traveled from my head to toe. Napatikhim siya, pilit na ngumiwi at binalingan si Malessa na nasa tabi ko.
Napasimangot ako.
“Hey, ano’ng masasabi mo?” wika ko nang pilit niya akong huwag pansinin.
Sinipat niya ako at halos umirap. “Ayos lang.”
I groaned and wrapped my hand around his arm. Hinila ko siya at niyaya ang mga bata at si Malessa roon sa may naglalakihang bato. By now, dapat mahalata na ng babae na kaya hindi siya gusto ni Angelus ay dahil ako ang gusto niya. Napangisi ako nang makita ang pagbago ng kulay sa langit at ang unti-unting pagtago ng haring araw.
“Can you take us a picture, please?”
Ngumisi si Malessa at binigyan ako ng nagdududang tingin. Inismiran ko siya at inabot ang cell phone ko bago hilain si Angelus palapit sa akin.
“Alvea, ano ba ’tong ginagawa mo?” pabulong na aniya.
I smiled at him and snaked my arm around his waist. Bahagya ko ring inihilig ang ulo sa balikat niya. “Remembrance, Angelus. First bonding natin as girlfriend and boyfriend—”
“Ano?!” protesta niya agad, pero mas hinigpit ko ang pag-akap sa kaniya at inutusan siyang tumingin na sa camera. Wala siyang nagawa kundi tumalima. Sunod naman ay tinawag ko ang dalawang kapatid niya para makasama namin sa litrato.
“Family picture,” sambit ko nang makita ko ang nagtatanong na ekspresyon sa mukha ng boyfriend ko.
Boyfriend… I smirked at that thought.
Nagtagal pa ng ilang minuto ang picure taking bago kami tuluyang naligo. I flicked my tongue when I saw him taking his shirt off effortlessly. Nakita ko naman na ang katawan niya, pero ngayong may nararamdaman na ako ay mukhang lumala yata ang pagnanasa ko.
Napangiwi ako sa naisip. Pervert Alvea!
Nang nasa bandang dibdib ko na ang tubig ay tinawag ko si Angelus sa hindi kalayuan na nakikipag-usap sa kakilala. Halata namang ayaw niyang malapit sa akin at nanatili roon.
“May gusto ka ba kay Angelus?”
“Paano kung sabihin kong oo?” hamon ko kay Malessa.
Umawang ang labi niya at dahan-dahang tumango. “Hindi naman imposible. Mabait, masipag at guwapo siya. Ikaw… maganda ka naman kaya hindi malabong gustuhin ka rin niya pabalik.”
Tumaas ang kilay ko at bahagyang natawa. Bitin yata ang pag-describe niya sa akin, ah?
“Sure ka? Baka mamaya kapag kami na, ahasin mo,” panunuya ko.
Namilog ang mata niya. “Grabe ka naman! Masasaktan ako, siyempre, gusto ko siya! Pero hindi naman ako aabot sa puntong iyan, ’no. Kung saan siya masaya, edi okay!”
I shrugged. “If you say so.”
***
Dahil halata namang ayaw lumapit ng lalaki sa akin ay ako na ang nagkusang lumapit.
Umahon ako sa harap niya at nakita ko kung paano siya mag-iwas ng tingin. Lihim akong napangisi nang maramdaman na baka naiilang siya kasi ang ganda at sexy ng girlfriend niya.
Come on, Angelus, hindi ka na lugi sa akin.
“Hindi mo ba talaga ako gusto?” diretsahang tanong ko.
Kumunot ang noo niya sa akin at napansin ko na naman ang pagtulo ng butil ng tubig pababa sa kaniyang mukha tungo sa mapula-pula at bahagyang nakaawang na labi.
“Hindi.”
Umahon ang tingin ko sa mata niya. “Bakit?”
Bumuntonghininga siya na tila nauubos na ang pasensya sa akin. “Gusto mo talagang malaman?”
I nodded.
“Ayaw ko, Alvea.”
“Bakit nga? Dahil ba masama ang ugali ko? Sa ginawa ni Mommy sa pamilya ninyo? E, hindi naman ako iyon at willing akong magpakabait para sa iyo!” It’s more like a negotiation.
“Hindi lang dahil doon.”
“So, ano nga?”
“Mahirap kang gustuhin,” napapaos niyang sabi at bumaba ang tingin sa akin. Lumunok siya bago nagpatuloy, “I can’t meet your standards. Hindi ako puwedeng mahulog sa iyo… dahil masyado kang matayog para abutin...”
Napakurap ako. My heart pounded harshly inside my chest. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako o nasasabik sa susunod niyang sasabihin dahil pakiramdam ko may pag-asa naman.
“Tapos ano pa, Angelus?”
“Tapos na, Alvea, kaya kung pinaglalaruan mo lang ako ngayon, pakitigil na.”
“Paano mo ba nasabi iyan?”
Marahan siyang natawa. “Imposible naman kasing magkagusto ka sa kagaya ko.”
“Pero, Angelus… totoo na gusto kita!” halos pasigaw kong sabi, naiirita dahil tingin niya ay niloloko ko lang siya. Aba, siraulo ito, ah! Nahirapan ako kasi hindi rin ako makapaniwala na gusto ko siya, tapos ito?
“Pero hindi kita gusto.”
Napangiwi ako at ginawa na lang ang sa tingin ko na makapagpapatigil at maaaring makapagpabago sa isip niya.
Humawak ako sa magkabilang balikat niya at inabot ang kaniyang labi para mapatakan ng mababaw na halik.
I licked my lower lip when I noticed he’s stunned with my kiss.
“Fine, then.” I then kissed his jaw languidly and smiled. “You may not like me now, but you will eventually. I’ll make you fall for me...” Nilapit ko ang bibig sa kaniyang tainga. “Harder and deeper, tipong malulunod ka at hindi na makaaahon pa,” I whispered, reminding but more like warning.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top