Chapter 15

Chapter 15

Asal-hayop, really? I just confessed my feelings for him for Pete’s sake tapos ’yon ang matatanggap ko? How dare he! I didn’t even see that one coming. Me confessing to him? Just what in the world had happened, right? He should consider my chance, too!

“Oh, shut up, Angelus! You just kissed me and now ordered me to go? Manigas ka!” tutol ko, hinampas siya sa dibdib.

Hindi siya nagsalita at hinawi lang ako para makaalis na siya ngunit bago pa man siya makahakbang ay hinila ko na ang manggas ng damit niya. He glared at me.

“I won’t go home unless you introduce me to your mother! You just kissed me!”

He flicked his tongue before chuckling. “Hindi ko alam na sentimentalista ka pala?” nahihimigan ko ang sarkasmo roon.

Sa galit ko ay nasampal ko siya sa kaliwang pisngi at padabog na umuna ng lakad.

“Magpapakilala ako sa mama mo! The moment you kissed me, may pananagutan ka na sa akin!” talak ko pa habang tinatahak ang daan patungo sa bahay nila.

I know I act like a child now, but can you really blame me? Pagkatapos kong sabihin na gusto ko siya, ganoon ang sasabihin niya? Dapat nga ay masaya siya dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin iyon! Ni hindi ko nga alam na may gusto ako sa kaniya!

Oh, goodness. Right! I disliked him! Ginagawa ko iyong mga bagay para galitin siya dahil ayaw ko sa kaniya. Tapos ito iyong kahihinatnan? Biglang umamin ako na gusto ko siya? Oh, my— what am I doing?!

Huminto ako at napahilamos sa mukha. Am I doing the right thing? Or am I being impulsive again?

No, I shouldn’t do this...

Fine! I will do this! There’s no turning back.

Besides, ito ang sa tingin ko ang tama. Do I like him? Yes, I really do. Kahit ano pa sigurong pagtanggi ang gawin ko ay mahahalata pa rin! Iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Gusto ko siya. I don’t how, when and why... I just did! Ngayong gabi ko iyon napatunayan.

Goodness, Angelus, what did you do to me? Nababaliw na ako.

May humigit sa braso ko bago pa man ako makapagpatuloy sa balak. Hinarap ko ang madilim na ekspresyon sa mukha ni Angelus.

“Umuwi ka na.”

Inirapan ko siya at inagaw ang braso sa kaniyang hawak. “I kind of heard that the last time I went here, and no. I won’t give you that satisfaction anymore.” I flipped my hair and turned my back on him. Walang paalam kong binuksan ang tarangkahan ng bahay nila at pumasok doon.

Narinig ko ang pagprotesta ni Angelus sa aking likuran pero hindi ko siya pinansin.

“Ate Ganda?”

“Oh, hi, Arki!” bati ko nang may sumalubong sa akin sa bukana ng bahay nila. I crouched down to greet Arki. Aw, I never thought I would miss this kid. Linggo na rin yata ang dumaan nang hindi ko siya nakita.

“Archangel, sino ’yan?” came from a woman’s voice.

Oh, that must be their mother.

Papasok na sana ako sa loob para hanapin siya ngunit hindi na ako natuloy nang ang babae na mismo ang lumapit sa akin. One glance at her,
I already figured she’s not in a good state.

“Sino ka?” kritikal nitong tanong.

Napalunok ako. Bago pa man ako makasagot ay sumabat si Angelus.

“Huwag mo na pansinin, Nay, taga-kanto lang ’yan,” wika niya at mahina akong hinila sa braso para paalisin, pero tinapik ko lang ang kamay niya at ngumiti sa babae.

“Good evening, ma’am. I am Alvea Madrigal...” I glanced at Angelus before continuing. “Girlfriend ni Angelus,” pagtatapos ko at ngumiti ulit sa mama niya.

Pero mukhang hindi yata natuwa sa balita ko. Kumunot ang noo niya at pinanliitan ako ng mata.

“Madrigal?”

Tumango ako. Narinig ko naman ang marahas na buntonghininga ni Angelus sa gilid.

“Kaano-ano mo si Adam Madrigal? Si Evangeline Madrigal?”

“They are my parents.”

Pagkasagot ko no’n ay mas lalong sumama ang timpla nito. Oh, did I say something stupid?
Hindi na siya sumagot at bumaling sa gilid ko. “Angelus, mag-usap tayo.”

“Nay—”

“Angelus!” sigaw ng mama niya at napahawak na sa dibdib. Nabahala kaagad si Angelus at dinaluhan ang ina. Pumasok silang lahat sa loob at pinagsarahan ako ng pinto.

I stood there, speechless. What did just happen?

Lutang ako pagka-uwi. Napagalitan pa ako ni Lola dahil ginabi na raw ako at hindi man lang nagawang magpaalam. Wala akong gana at aakyat na lang sana sa ikalawang palapag para magpahinga na nang tawagin ako ni Lola.

“La, pagod ako—”

“Kakausapin ka ng daddy mo. Bakit kasi naka-block ang numero niya sa telepono mo? Galangin mo ang ama mo dahil siya na lang ang natitira sa iyo,” sabi niya sabay lahad ng telepono.

Umirap lang ako at tinanggap iyon. “Hello?” sagot ko habang nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan.

“Where have you been? Hindi ka naman ba nagpapasaway riyan sa lola mo?”

I groaned. “Don’t worry, ’kay?”

“Fine. By the way, we’re going to celebrate our wedding anniversary there soon,” anunsiyo niya.

Tumigil ako sa paglalakad at saglit na natulala. Nang maunawaan ang sinabi niya ay napasinghap ako.

“What?”

“You heard me, Alvea.”

“I know, Dad! Are you kidding me?!” Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses.

“Your Tita Mariam wants to meet Mama. She never did since we got married here, so basically it would be her first time. She has the right—”

“I don’t care, Dad. Mommy’s here and you’ll bring that girl?! Irespeto mo naman si Mommy!”

“She’s your stepmom, anak. And bringing her there doesn’t mean disrespecting your mom. Besides, it’s my hometown. Bawal na ba kaming tumapak diyan?”

Nagtiim-labi ako. “Puwede kayong pumunta rito kahit kailan ninyo gusto. I don’t care. But wedding anniversary, really?”

Napasandal ako sa dingding sa labas ng aking kuwarto. Nangilid ang aking luha sa kirot na nararamdaman sa dibdib. Una, bakit ayaw sa akin ng mama ni Angelus? Maganda saka mayaman naman ako, magpapakabait na rin. Sunod, si Daddy balak dito i-celebrate ang wedding anniversary nila ng bago niya? This is insane!

Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. I love Daddy! Hindi ko lang matanggap na dahil sa ginawa ni Mommy nasira kami. I wanted our family intact... and then shit happened. Talaga bang may ibang mahal si Mommy?

“Bakit ganoon? We were so happy, Dad!”
Suminghap si Daddy sa kabilang linya. “We were, but it’s not meant to stay that way forever. We can’t be happy forever and that’s life.”

Umiling-iling ako at napahikbi na. “Why? Bakit kayo nagpakasal kung hindi ka niya naman pala mahal?”

“Listen, Alvea… your mom loved me, okay? Nagpakasal kami—”

“Pinakasalan ka lang ba ni Mommy kahit may mahal siyang iba… dahil wala siyang choice?”

Napapikit ako pagkatapos itanong iyon. Ang sakit naman isipin kung iyon nga. Wala nang pag-asa si Mommy sa first love niya kaya nag-settle na lang siya kay Dad?

Natutuhan niyang mahalin, pero hindi gaya ng pagmamahal niya sa nauna.

I hope I’m just mistaking, but after a minute of silence without getting a response I knew it. I am right. Mommy married Daddy because she had no choice but to move on. And it made me doubt Mariam more.

What if she’s just  using my father for money? Dahil ayaw niya nang mag-prostitute? Na nariyan naman si Daddy para tugunan ang pangangailangan nila? That sucks. And this time, I hope she proves me wrong.

“Your mom was in love with my best friend…” he said after a while.

***


First love stays…like yesterday it is certain, like tomorrow it is endless, first love never leaves…

Kagat-kagat ang labi kong pinagkatitigan ang lapida ni Mommy. Her favorite song played on my mind. Naalala ko pa nang ipaliwanag niya kung bakit iyon ang paborito dahil naaalala niya raw taong patuloy niyang minamahal.

Wala iyon sa akin noon dahil alam kong si Daddy iyon, pero nang tumanda ako roon ko lang natanto na para pala iyon sa ibang tao.
Her first love… and it took me time to realize that it’s not Dad but his best friend.

A memory flashed through my mind. Was that the man I caught mother with years ago under the pouring rain? Mom… getting on her bended knees as if begging him not to leave her? Was that Dad’s best friend?

I tried to remember who’s that man, but I really can’t remember. Should I ask Lola? Maybe she knew.

Bago pa ako malunod sa kaiisip ay umalis na ako. Kaarawan na ni Malessa ngayon kaya naman nagbihis na ako bago kausapin si Lola tungkol sa bumabagabag ngayon sa akin.

“La, may tanong ako.”

“Ano iyon?”

“May best friend po si Dad, ’di ba? Saan na po siya ngayon?”

Tumingin si Lola sa akin. “Si Amos ang matalik na kaibigan ng daddy mo. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang pumanaw siya.”

Amos… ama ni Angelus, best friend ni Daddy at first love ni Mommy na hindi niya makalimutan?

May babaeng nahulog sa ama ni Angelus noon na kahit nagkaroon na ito ng sariling pamilya ay pilit pa ring bumabalik sa kaniyang nakaraan—sa kaniya.

Umawang ang labi ko sa natanto at naalalang kuwento ni Lola tungkol kay Amos.

“La… sabi ni Dad… may mahal daw si Mommy na iba.” Nagulat si Lola sa sinabi ko, mukhang hindi yata inaasahan na alam ko na ang bagay na iyon. “Si Amos ba iyon? Ano po ang nangyari noon?”

“Apo, hindi ito ang tamang panahon—”

“Lola, gusto ko pong malaman. Matanda na ako at marunong nang makaintindi,” tunog desperadang sumamo ko.

Walang nagawa si Lola kundi ikuwento ang mga nalalaman niya tungkol sa nakaraan.

“Ang alam ko’y naging magnobyo si Eva at Amos bago pa man sila magkilala ng daddy mo noon sa Maynila. May mga bagay talagang nakatadhana mangyari, iyon ay ang maghiwalay ang dalawa at doon nakilala ng daddy mo si Eva. Naging magkaibigan hanggang sa umabot sa punto na ipinakilala ni Adam si Eva sa amin. Naging maayos naman ang pagsasama ng dalawa nang saglit silang manatili rito kaso muling nagkita si Eva at Amos na may asawa na pala. Nagkagulo, nagkalabuan ang mga magulang mo dahilan para lumuwas agad sila ng Manila.

Ilang taon ang lumipas, umuwi ulit silang dalawa rito sa akin at sa lolo mo nang kasal at may Alvea nang dala-dala.”

Ngumiti si Lola at nagpatuloy, “Masaya ako dahil pamilyado na ang nag-iisa kong anak, mukhang masaya pa silang mag-asawa kaya panatag ako hanggang sa nagtagpo muli ang landas ni Eva at Amos.

May sakit noon ang panganay na anak ni Maria at Amos na si Angelus ngunit kapos sila sa pera para tugunan ang pambayad para sa gamot at hospital… bumida ang mommy mo at inalok si Amos ng malaking pera ngunit tinanggihan niya ito dala na siguro ng pride.

Mahal na mahal ni Adam ang pamilya niya lalo na ikaw na anak, na kahit masakit para sa kaniya ay  hinahayaan niya ang mommy mo na habul-habulin ang pamilyado nang si Amos para lang hindi kayo magkawatak-watak ayon pa sa hininging kondisyon ng mommy mo. Pero hindi roon natatapos ang lahat.

Dahil tumanggi si Amos sa alok ni Eva, si Maria na asawa ni Amos naman ang nilapitan niya na kalaunan ay pumayag na tanggapin ang pera para sa gastusin sa anak na may sakit. Siyempre, sa laki ng nagastos ay hindi iyon basta-bastang mababayaran kaya naging katulong ng mommy mo ang nanay ni Angelus. Malaki ang utang na loob nito kay Eva na kahit anong hilingin nito ay sinusunod niya… maliban sa isang bagay. Ang hiwalayan si Amos.

Hindi pumayag si Maria dahil mahal niya ang asawa at ayaw niyang mawalan ng ama ang mga anak dahilan para ikagalit ito ni Eva. Nagsimula niyang alipustahin at pahirapan ang pamilya Costales. Doon na nakialam ang papa mo. Kinabukasan ay plano niya nang iuwi kayo sa Manila ngunit bago pa man iyon ay nagmakaawa si Eva kay Amos nang gabing iyon na tanggapin siyang muli ngunit hindi nangyari. Kinabukasan ay nagpakamatay rin ang mommy mo. Simula noon naghirap lalo ang mga Costales.

Namatay si Amos dahil sa aksidente samantalang may sakit naman ngayon si Maria. Sinusubukan kong mag-abot ng tulong sa kaniya pero ayaw niyang tanggapin. Ang resulta, pasan-pasan ng anak ang responsibilidad at mga problema. Kaya dapat pakitunguhan mo nang maayos si Angelus. Mabait naman ang batang iyon.”

***


I was crying hard for all the wrong things I did and the pain I inflicted upon those people I’ve wronged. I can’t believe I used to look up to someone who did nothing but hurt and brought affliction to the people around her.

And recalling what I did to Angelus these past few days, I feel like I’m becoming like my mother.

Thinking that she never died because of illness like what they told me before made me angry at her. Nagpakamatay siya dahil kay Amos? Hindi niya man lang ba naisip na may nagmamahal pa sa kaniya para kitilin niya ang sariling buhay? Hindi ko siya nakita pagkatapos ng gabing iyon, basta ko na lang nalaman na wala na siya nang magkaroon ng burol kinabukasan.

Ilang oras akong nakatulala sa kuwarto nang katukin ako ni Lola para ipaalala na may kaarawan pa akong dadaluhan. Sumagi na naman sa isip ko si Angelus. Kung bakit parang ayaw niya sa akin.

Matapobre. Mapagmataas. Asal-hayop.

Iyon ang mga salitang narinig ko galing sa kaniya. My lips quivered when I realized I am just like my mother.

Kaya siguro ayaw rin ng nanay niya sa akin… dahil isa akong Madrigal. Iniisip kaya ni Angelus na gaya rin ako ng ina ko? Siguro.

And Daddy. Gusto ko na lang umuwi kaagad ng Manila para yakapin siya at humingi ng daan-daang tawad sa mga kasalanan ko.

***

“Ayos ka lang ba? Namumugto ang mata mo,” puna ni Malessa nang tabihan niya ako sa dalampasigan. Sa isang beach kasi ginanap ang birthday niya.

Umirap ako at muling ibinaba ang suot na sun glasses habang nakatanaw sa mapayapang paghampas ng alon. “Okay lang ako. Puntahan mo na ang bisita mo roon. Kunwari ka pa, iniiwasan mo lang naman si Angelus—”

“Hindi, ah! Nagkausap na kami at tanggap ko namang hindi niya ako gusto kaya move on na!”

Tumaas ang kilay ko. “Talaga? Paano kung ako pala ang gusto ni Angelus? Lalayuan mo ako ganoon?” subok ko nang hindi siya tinitingnan.

Narinig ko ang tawa niya. “Hindi ako ganiyan, Alvea! Kahit siya pa ang gusto mo ay ayos lang dahil talagang gusto kita maging kaibigan. At hindi ako gagaya sa mga kaibigan mo noon.”

“Oh, shut up.”

“Yie, may bestie na siya!” sundot niya sa tagiliran ko kaya iritado ko siyang hinampas.

“Bumalik ka na nga roon, nagmo-moment iyong tao, e!”

Hapon na at nanatili pa rin ako roon. Hindi ko magawang harapin si Angelus dahil sa kahihiyan.

Muntik na akong mapahiyaw nang may biglang tumabi sa akin. Umawang ang labi ko nang magtama ang tingin namin ni Angelus. Umiwas kaagad ako. What is he doing here? At tinabihan pa ako! E, ’di ba ayaw niya naman sa akin?

Nangilid na naman ang luha ko dahil hindi pa rin ako maka-move on sa mga nalaman. Sari-saring emosyon ang lumukob sa aking buong sistema. Mommy could really hurt us even when she’s not around anymore, huh? I looked at Angelus and was once mesmerized again. Funny how I still like him despite the truth. Ang kapal pa ng mukha ko para gustuhin siya at harapin ngayon gayong malaki ang atraso ng ina ko sa pamilya nila.

Tumikhim ako nang lingunin niya ako. I finally found the courage to speak up. “Kaya ba ayaw mo sa akin dahil… sa atraso ng mommy ko noon?”

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil sa pag-awang ng labi at hindi kaagad pagsagot.

Mahina akong natawa. “Ngayon ko lang nalaman na may nakaraan pala ang mga magulang natin…” Suminghot ako. “At sorry sa mga maling nagawa ng mommy ko pati… sa mga kalokohan na ginagawa ko sa iyo. Pangako na hindi ko na iyon uulitin at kung gusto mo ay lalayuan na talaga kita—”

Umiling siya at bigla na lang akong hinigit palapit sa kaniya. Namilog ang mata ko ngunit kalaunan ay kumalma rin nang maramdaman ko ang pagpunas niya ng luha ko sa pisngi.

“Ayos na, Alvea. Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa kasalanan ng iba pero pinapatawad na kita sa kalokohan mo sa akin basta huwag mo lang maisipang lumayo dahil hindi na yata ako masasanay nang walang gumagambala,” bulong niya at marahang tumawa bago ako binalot sa isang mainit na yakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top