Chapter 14
Chapter 14
Akala niya ba lalayuan ko siya dahil lang sa sinabi niya? Oh, no. Sorry for disappointing you, Angelus. Hindi man lang ako natinag ni natakot sa iyo. Tingnan natin kung saan ka dadalhin ng pakikitungo mo sa akin. Sasagarin talaga kita.
“Neng, daan muna tayo sa elementarya at ihahatid ko lamang itong apo ko,” sabi ng driver, tukoy sa apo niyang nasa likuran niya. Tumango na lang ako at bumiyahe na kami. Lunes na at may klase na naman.
Papalapit na kami sa elementary school nang may nakita akong batang babae na naglalakad. Saktong huminto ang trisiklo malapit sa gate ng eskwelahan ay nagpaalam ako saglit at bumaba. Sinalubong ko ang bata at nakumpirmang si Isabel iyon.
“Ate Ganda! Bakit ka po narito?” magiliw niyang sabi.
Ngumiti ako sa kaniya at yumuko para ayusin ang ribbon ng kaniyang uniporme.
“Naglalakad ka lang? Hindi ka ba hinatid ng kuya mo?” tanong ko.
“Maaga pong umalis si Kuya para raw maghanap ng gamot ni Inay at saka po nasira kasi iyong bike namin kaya naglakad na lang po ako.”
Napakurap ako nang may maalala. “Bike?”
“Opo, nasira raw kasi ni Kuya at wala pa raw
kaming pera para ipaayos. Sa susunod na lang daw po.”
Napatango ako, saglit na nag-isip. Shit, hindi kaya nasira iyong sira nang bike dahil sa pagsipa ko no’n? Boba ka talaga, Alvea! Ang irrational mo kasi na pati bike idadamay mo sa galit mo! Ibinalik ko ang tingin kay Isabel at ngumiti. “May susundo ba sa iyo mamaya?”
Umiling siya.
“Sige, ganito na lang. Ako na lang ang susundo sa ’yo, okay? Hintayin mo ako rito tapos... sama ka sa akin.”
“Saan po tayo pupunta?”
“Bibilhan kita ng bike.”
Nang matapos ang huling subject namin ay mabilis akong nagligpit ng gamit dahil paniguradong kanina pa naghihintay sa akin si Isabel.
“Ba’t ka ba nagmamadali?” si Malessa na kanina pa daldal nang daldal patungkol sa nalalapit niyang kaarawan.
“May lakad ako ngayon, mauna na ako,” paalam ko at halos lakad-takbo na ang ginawa para makalabas na ng eskwelahan. Pagkalabas ay pumara kaagad ako ng tricycle patungo sa eskwelahan ni Isabel.
Nakita ko ang sadya galing sa labas ng gate. Nakaupo siya sa isang pavement sa gilid malapit sa guard house. Pinaglalaruan niya ang palda at nang lumapit ako ay napansin kong umiiyak siya.
“Isabel?” hinihingal ko pang tawag sa kaniya.
Umangat ang tingin niya sa akin at mas lalo siyang umiyak. Umawang ang labi ko nang salubungin niya ako ng mahigpit na yakap. I sighed.
“Ate Ganda... a-akala ko po hindi mo na ako susunduin…” hikbi niya.
Sinuklian ko ang yakap niya sa baywang ko at hinaplos ang kaniyang buhok. “Pasensya na. Ang tagal natapos ng klase namin. Sorry.”
Pinatahan ko muna siya at pinunasan ang luha bago ngumiti. “Babawi na lang si Ate. Kakain tayo sa masarap tapos bibilhan kita ng bike, ayos ba iyon?”
“T-Talaga po? Sige po!”
***
Sumakay kami ng jeep patungo sa siyudad. Hapon na at paniguradong gagabihin kami sa pag-uwi. Alvea, ano ba ang naisip mo at ngayon mo pa naisipang umalis?
“Baka pagalitan tayo ng kuya mo na iyon,” sabi ko sa kaniya sa gitna ng biyahe. “May telepono ba iyon para tawagan na lang natin.”
Umiling siya kaya dismayado akong bumuntonghininga. Wala ring telepono si Malessa kaya hindi ko siya matatawagan. Napaisip ako. Dahil malapit na ang debut niya ay ngayon ko na lang din siya bibilhan ng regalo dahil kahit papaano ay naging mabuti naman siya sa akin.
Nakarating kami sa siyudad at ang laki ng ngiti ko nang makakita ng iilang matatayog na gusali. Wandering around made me miss Manila.
“Ate, Jollibee po tayo! Gusto ko mag-picture kay Jollibee!” Hinila-hila ako ni Isabel habang itinuturo ang estatwa ni Jollibee sa labas nito.
Napangiti ako habang pinanonood ang masayang mukha ng bata. Mababaw lang ang kaligayahan ng mga bata kaya hindi ko mapigilang maawa dahil kahit iyon ay hindi basta-bastang naibibigay sa kanila.
Kaya kahit nahihiya man ay pinagbigyan ko siya sa kaniyang gusto. Nakapuwesto siya sa gilid ni Jollibee at malaki ang ngiti ko siyang kinuhaan ng litrato.
“Tayo rin pong dalawa, Ate!”
Umiling ako. “No,” tanggi ko. That’s too embarrassing.
“Sige na po, please,” nakangusong pamimilit niya.
“Tss, how can I resist that pout?” irap ko sa kaniya at lumapit na roon kay Jollibee at kumuha ako ng iilang litrato. Pagkatapos ay palihim kong sinipa si Jollibee dahil sa kaniya ay mapapasabak pa ako sa kahihiyan bago
kami pumasok doon.
Nag-order ako ng pagkain para kay Isabel at isang bucket ng chicken para naman pag-uwi niya ay hindi siya pagalitan dahil may dala naman siyang pasalubong. Nang matapos kami roon ay nag-ikot na kami. Inuna ko munang bumili ng mga phone.
Hindi ko na pinatagal pa ang pag-ikot namin nang may makita kami ng shop ng bike.
Nagtungo kami roon at pinapili ko na si Isabel ng gusto niyang bike. Tuluyan nang lumubog ang araw at natatakot ako na baka masapak na ako sa mukha ni Angelus kapag nagtagal pa kami rito lalo na’t hindi ko naipagpaalam ang kapatid niya.
“How about this pink?” suhestiyon ko nang mapansing hindi pa siya nakakapili.
Umiling siya sa akin at itinuro ang itim na bike.
“Black?”
“Opo, para po paglaki ni Arki ay puwede niya rin gamitin papuntang paaralan. Kapag kulay rosas po kasi ay baka asarin po siya ng mga tao.”
Napakamot na lang ako sa batok dahil sa pagkamangha sa batang ito. Too pure and kind.
“Sa susunod na tayo ulit bibili ng iba, ha? Gabi na kasi, e, at baka hinahanap ka na.”
Kumislap ang mata niya. “Talaga po? Pupunta tayo ulit dito?”
Tumango ako. Nangangalay na ako dahil bitbit ko sa isang kamay ang pagkaing binili at sa kabila naman ang kamay ni Isabel. Mabuti na lang at hindi na kami nahirapan pa sa pag-uwi.
The staff carried the bike and assisted us outside. Nang makatawag ng taxi ay inasikaso ang karga namin at pumasok na rin kami sa loob.
“Kapag nagtanong ang kuya mo kung saan galing ang mga ito, huwag mo sasabihin ang pangalan ko, ah?”
“H-Hindi ko naman po talaga alam ang pangalan mo. Ano po ba pangalan mo?”
Nasapo ko ang noo. “Alvea, pero Ate Ganda lang itatawag mo sa akin. Basta huwag mong sasabihin.”
“Mapupunta ako sa impyerno po kapag nagsinungaling ako.”
“Hindi ka naman magsisinungaling, hindi mo lang sasabihin,” katuwiran ko.
Nang matanaw ang kanto nila ay sinabihan ko na ang driver. Nagbayad muna ako bago kami bumaba at saka kami tinulungan ng driver na idiskarga ang bike bago umalis.
Huminga ako nang malalim dahil naririnig ko na ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan bakit ako kinakabahan, pero dahil sa katotohanang gabi ko nang inuwi si Isabel nang hindi man lang nagpapaalam. For sure her family is now worried.
Binigay ko kay Isabel ang in-order kanina na tinanggap niya naman. “Ulam ninyo iyan mamaya, okay? Uwi ka na, tapos ipakuha mo sa kuya mo ang bike rito.” Pero siyempre magtatago ako habang binabantayan kung kukunin ni Angelus dahil baka mawala pa, at hindi ko naman hahayaang makita niya ako dahil paniguradong bubuga na iyon ng apoy sa galit.
“Isabel!”
Shit. Saglit na huminto ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tila nangugat ako sa kinatatayuan nang hindi ko man lang napansing nasa harapan na pala namin si Angelus.
Mabigat ang paghinga niya nang dumapo ang mata sa kapatid. Mabilis niya itong hinila para sa isang yakap samantalang ako ay parang bato pang naestatwa.
“Saan ka galing? Alalang-alala ako sa iyo!”
Nakagat ko ang labi nang matunungan nga sa boses niya ang pag-alala.
Sa wakas ay dinapuan niya na ako ng tingin dahil sa pagturo sa akin ni Isabel, pero ngayon ay hinihiling ko na lang na sana ay lamunin na lang ako ng lupa dahil sa tingin niya ay para akong matutupok sa apoy na makikita sa mata niya. Galit siya... galit na galit.
Sinubukan kong ikalma ang sarili para makapagpaliwanag, pero bago pa man ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.
“Hindi ka ba talaga titigil?”
Umawang ang labi ko.
“Parang awa mo na, Alvea.” Naihilamos niya ang palad sa mukha at nag-iwas ng tingin.
“Layuan mo ako, layuan mo na ang mga kapatid ko. Nananahimik kami kaya huwag mo na kaming guluhin pa—”
“I was just helping,” putol ko sa kaniya.
Naglakas-loob akong labanan ang intensidad ng tingin niya. Para kasing ipinapamukha niya sa akin na wala akong ginawa kundi ang magdala ng problema sa pamilya niya.
“Hindi kami nanghihingi ng tulong mo. At kailanman ay hinding-hindi ako lalapit sa iyo para humingi ng tulong,” matigas niyang sabi.
“Angelus—”
“Umalis ka na. Lubayan mo ang kapatid ko.”
Sumulyap siya sa bagay na nasa pagitan namin ni Isabel saka roon sa hawak ni Isabel.
Umigting ang panga niya sa nakita at muli akong hinarap. This time, with his bloodshot eyes.
“Wala ka ba talagang ibang gagawin kundi ang mang-insulto?”
What the fuck. Mang-insulto? Mukha ba itong pang-iinsulto sa kaniya? Well, right! Naiinsulto ang ego niya!
Ngumiti ako para manuya. “Oh, you feel insulted.”
“Sabel, ibalik mo lahat ng iyan sa kaniya at umuwi ka na sa bahay.”
“Pero, Kuya…”
“Isabel…” he warned.
“K-Kuya, bigay ito ni Ate Ganda! Masarap po... ngayon lang tayo makakakain ng Jollibee—”
“Isauli mo na, Isabel!” galit na sigaw ni Angelus sa kapatid na halos magpatalon sa amin sa takot.
Hindi gumalaw sa puwesto si Isabel ngunit kita ko kung paano manginig ang balikat niya at sunod noon ang paghikbi.
Tinaliman ko ng tingin si Angelus bago daluhan si Isabel at hinawakan sa mukha.
“Shh, huwag ka na umiyak. Nagbibiro lang ang kuya mo—”
“Itigil mo iyan, Alvea. Tigilan mo ang pang-uuto sa kapatid ko—”
“Kuya!” sigaw ni Isabel.
Kapuwa kaming napalingon sa bata dahil doon. Tumayo ako nang lumapit siya sa kuya niya. “Bakit mo po inaaway si Ate Alvea? W-Wala naman po siyang ginagawang masama—”
“Isabel, hindi mo maiintindihan. Mag-uusap tayo mamaya, ibigay mo na iyang bitbit mo sa kaniya,” mahinahong sambit niya.
Imbes na ibigay ay mas humigpit ang hawak ni Isabel doon. “Ayaw po… kakainin namin ito ni Inay at Arki.”
“Bibili si Kuya bukas, ibalik mo lang iyan.”
“Maraming beses mo na po iyan sinabi, p-pero nagsisinungaling ka lang naman…”
Natahimik si Angelus sa sinabi ng kapatid.
“Let her, Angelus. Bata lang iyan, pagbigyan mo na. Mas iisipin mo pa ba iyang ego mo kaysa sa kapatid mo?” saway ko at sinipat si Isabel. “Sige na, pumasok ka na.”
“Salamat po sa bigay mo, Ate…” Pinunasan niya ang luha saka niyakap ako sa baywang kapagkuwan ay kumalas.
I smiled. “You’re welcome.”
Hinarap ko si Angelus at humalukipkip.
Nanatili lang ang mata niya sa akin na ngayon ay hindi ko na mabasa. Lumipas yata ang ilang minuto na nasa ganoong kalagayan lang kami.
Bumalik na lang si Isabel at nagulat ako nang
hindi man lang siya lumingon sa gawi namin nang hilain niya ang bike.
Natawa na lang ako, ngunit nang makitang poprotesta si Angelus ay hinila ko siya braso para pigilan sa gagawin. Marahas niyang hinawi ang kamay ko at humakbang papalapit sa akin. Napaatras ako.
“B-Bakit ka ba galit sa akin? Pinasaya ko lang naman ang kapatid mo,” inosente ngunit nauutal kong rason.
“Ang hilig mo talagang mang-insulto, ginagamit mo pa ang kapatid ko.”
“That’s not true! W-Wala akong ibang intensyon.” Nataranta ako sa titig niya lalo na nang mapasandal ako sa pader sa sulok.
“Masaya ka ba sa ginagawa mo sa akin, huh?” bulong niya sa tainga ko. Tinagilid ko ang ulo at napapikit sa kaba. Seriously, ang lapit ng mukha niya sa akin!
“Wala naman akong ginagawang masama, at bakit ba big deal sa ’yo?” Nagawa ko pa talagang sumagot.
“Tigilan mo na itong ginagawa mo,” boses pagsusumamo niya. I clenched my fist when I felt his hot breath on my neck, sending shivers down my spine.
Dahan-dahan akong huminga nang malalim at sinipat na siya. Hindi pa rin siya umiiwas sa akin at bahagya lang iniangat ang ulo para makita ang mukha ko.
Bumaba ang tingin ko sa labi niya bago bumalik sa mata niyang puno na ulit ng emosyon. “Paano kung ayaw ko?” hamon ko.
“Bakit mo ba ito ginagawa?” he fired back.
Napatango-tango ako. Bakit ko nga ba ito ginagawa? Staring at his tempting lips, I found the answer.
Itinagilid ko ang ulo at inabot ang kaniyang labi. Bumilis ang pintig ng puso ko nang maramdaman ang paglapat ng malambot niyang labi sa akin. I closed my eyes and kissed him gently. I’ve got no response like the first time.
Bumitiw ako at tila ba hiningal. Galing sa kaniyang labi ay lumipat ang tingin ko sa mata niya.
“Gusto mo ba ako, Angelus?”
“Hindi.”
“Kung ganoon ay bakit hindi ka umiiwas sa halik—”
Namilog ang mata ko nang hapitin niya ako sa baywang at siniil ng mapupusok na halik. Para akong nilubayan ng kaluluwa dahil sa agaran niyang ginawa ngunit nang makaraos ay unti-unti kong sinuklian ang halik na iyon. To my dismay, he stopped and withdrew.
Tumitig siya sa labi ko bago sa mata nang magsalita, “Now, it’s my turn. Gusto mo ba ako, Alvea?”
Napakurap-kurap ako, hindi inaasahan ang tanong niya.
“Alvea?” tawag niya, naghihintay ng sagot.
Nininerbiyos ako sa kaniya kaya hindi kaagad makasagot lalo na dahil sa sobrang lapit niya na halos magtama na ang aming ilong.
I let out a shaky breath making my lips slightly touch his.
Damn, bakit ba kasi siya biglang nanghahalik? Hindi pa nakatulong ang nanghihina kong sistema!
“Uh…” Napapikit na ako nang tuluyan nang muling dumampi ang labi niya sa akin. Marahan na ang dampi noon sa akin kaya mas lalong nagunaw ang kaloob-looban ko.
Napadilat ako nang bumitiw siya.
“Naiinip ako, Alvea Ryss. Sasagot ka ba o hindi—”
“Oo, gusto kita. Okay na? Gago ka talaga…” nanghihina kong pag-amin.
He smirked. Tuluyan na siyang lumayo at inayos ang sarili. “Umuwi ka na dahil magkaiba naman tayo ng nararamdaman. Hindi ko magugustuhan ang gaya mong asal-hayop.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top