Chapter 13

Chapter 13

“Bilisan mo nang kumilos,” utos ni Lola habang inaayos ko pa sa pagsuot ang sandal ko. “Sa talipapa lang naman ang punta natin at tila may fashion show ka yatang dadaluhan sa suot mo na ’yan.”

I ignored her remark and fixed my long hair into a bun. Sumakay na kami ng tricycle at hindi pa rin talaga ako nasasanay sa usok, alikabok, at palundag-lundag habang nasa biyahe. Umiinit pa rin ang ulo ko ganoon pa man ay unti-unti na ring inaaral kung paano masanay.

But that’s not the point why I looked overdressed. Angelus would surely be here. Iniisip ko pa lang siya ay kumukulo na ang dugo ko. Does he really think I’ll get over with his rudeness to me the other day? Definitely no, I won’t let it slide.

“Bitbitin mo itong bayong, Alvea,” muwestra ni Lola sa hawak niya. Napapadyak ako sa inis dahil ang sosyal ng suot ko tapos pabibitbitin niya ako ng bayong. Seriously!

Busangot ang mukha kong sinundan siya papasok sa puwesto ng mga karne at isdaan. Ugh, bakit ba kasi hindi na lang mag-hire ulit ng katulong para hindi na ako sama nang sama sa mabahong lugar na ito! Daddy’s one of a heartless!

Nasa bahagi kami ng bangusan nang matuod ako sa puwesto dahil sa namataan. This is way too unexpected! I expected to see him, but not right now!

Uminit ang buong mukha ko nang makita ang kabuuan niya. Shirtless and sweaty Angelus.

Okay na sana ngunit nang mapansin ko ang maruming palangganang pasan-pasan niya sa isang balikat ay napangiwi ako.

Ang lakas ng dating niya pero kung titingnan mo nang mabuti ay maaamoy mo rin ang lansa sa katawan niya.

Patungo pa talaga siya sa puwesto namin. “Goodness,” bigkas ko nang may tumalsik na kaliskis sa damit ko. I glared at the vendor but didn’t say anything. Umatras ako nang kaunti dahil mukhang sa gilid ipupuwesto ni Angelus ang bitbit niya. Nang maibaba niya iyon ay roon ko lang napansin na puno iyon ng isda at yelo. Mukhang mabigat.

“Smell so fishy,” maarte kong wika at humalukipkip. Hinihintay kong mapalingon siya sa akin at nang mangyari ang inaasahan ko ay nginitian ko siya nang matamis at nagkunwari na namang nagulat sa presensiya niya. Well, I was kind of. Siyempre, kargador
siya for today!

“Oh, Angelus, you’re here!”

Hindi siya nagsalita at pinasadahan lang ng tingin ang aking suot. Ngumiwi siya nang dumating sa mukha ko ang paningin. I gritted my teeth.

Tinakpan ko ang ilong at kunwaring bumubugaw ng langaw sa ere. “Ang lansa naman,” sambit ko.

“Natural na malansa dahil nasa hilera ka ng isdaan, Miss,” malamig niyang sabi at humarap na roon sa isang tindera. Nag-usap sila saglit hanggang sa abutan siya ng 50 pesos noon. Ibinulsa niya iyon at aalis na sana nang humakbang ako para habulin siya.

“Ang bigat ng dala mo tapos fifty pesos lang ang binigay? So poor,” pang-aasar ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at bumunot ng isang libo. I smiled at him sarcastically. Inabot ko sa kaniya ang pera. “Here, pandagdag.”

Nagtiim-bagang siya, saglit na pumikit bago ako tiningnan gamit ang madilim niyang tingin. “Hindi ko kailangan ng pera mo kaya kung wala kang magandang gagawin ay umalis ka na.”

I pouted. Bumaba ang tingin ko sa bulsa niya at ako na sana mismo ang magpapasok ng pera nang malakas niyang tabigin ang kamay ko na pati wallet ko ay tumilapon. Tila hindi man lang siya nagulat sa sariling ginawa.

Malamig niya akong tinitigan habang ako ay napakurap.

“Timping-timpi na ako sa ugali mo, kapag ako napuno...” hindi niya na itinuloy ang sinabi at umalis na sa lugar.

Umawang ang labi ko sa kinahinatnan.
Nang araw rin na iyon ay naiyak na ako sa pagkabanas sa ginawa ni Angelus dahilan para lalong sumidhi ang galit ko sa kaniya. Kaya naman kinabukasan ay mas lalo lamang akong naging determinado para guluhin siya.

Linggo nang maaga akong gumising para sa misyon ko. Nagpaalam ako kay Lola na lalabas lang saglit pero ang totoo ay pumunta ako sa lugar nila Angelus at susundan ko kung saan siya pupunta ngayong araw.

Nagtago ako sa hood ng suot na jacket nang makita ko siyang palabas sa looban nila. Wearing a white shirt, pants and slippers, Angelus started walking in the opposite direction. Nasa tindahan kasi ako sa hindi kalayuan kaya natanaw ko kaagad siya.

“Hindi ba siya sasakay?” tanong ko sa sarili nang mapansin ang papalayo niyang bulto. Purwisyo nga naman! Tumayo na ako at nagsimula siyang sundan.

Wait...

Am I stalking him?

Of course not! I’m just strolling around when I happened to see him, okay? Yeah, that’s it! This isn’t stalking.

Oh, this is something new. Sinilip ko siya galing sa poste nang pumasok siya sa isang eatery. May inabot ang matanda sa kaniya na apron at sinuot niya ito at nagsimula nang lapitan ang mga costumer.

Woah, Angelus never fails to surprise me, huh?

Ngising-aso akong pumasok sa eatery nang may maisip. Naupo ako sa bakanteng mesa at hinintay siyang lumapit sa akin. Hindi naman niya yata ako nakilala dahil nakasuot pa rin ang hood sa ulo ko nang lapitan niya ako.

“Ano ho ang order ninyo, ma’am?”

Dahan-dahan kong inalis ang hood at tiningala siya. I smiled. “One hot Angelus, please.”

Hindi ko man lang nakitaan ng pagkagulat ang mukha niya at kaagad na malamig na ekspresyon ang ipinakita niya sa akin. “Kung sasayangin mo lang ang oras ko ay umalis ka na.”

Madrama akong napahawak sa aking dibdib. “You’re getting meaner. Lagi mo na lang ako tinataboy, paano naman akong gustong manatili?” Napakagat ako sa labi dahil sa kalokohan.

Marahas siyang napabuntonghininga ngunit walang sinabi.

“Angelus,” seryosong tawag ko.

“Yes, Miss.”

Napanguso ako. Bakit ba miss ang tawag mo sa akin?” Though I won’t complain since it’s kinda sexy.

“Ayaw mo no’n dalagang pakinggan?”

“Dalaga na ako!”

“Tss, as if you act like one,” bulong-bulong niya.

Napakuyom ang kamao ko sa inis. “May pangalan ako.”

“Hindi ko tinatanong,” sagot niya.

“But you called me Alvea that night!” giit ko.

“That night?” taas-kilay niya sa akin. “Kailan?”

“Limot mo na?”

Saka ko naalala iyong sinabi niya kinabukasan pagkatapos ng gabing iyon. Kalimutan na raw namin? Ah, so he’s doing it right now?

“Well, then. I would like to have two orders,” sabi ko na lang, narito na ako kaya bakit hindi ko na lang lubusin? Pinapili niya ako sa menu at nang makapili ay nagbayad bago siya tuluyang umalis.

I was drumming my fingers on the table when a memory flashed on my mind. This eatery… parang nakapunta na ako rito dati.

I was pulled out from my reverie when Angelus approached me with a tray. Inilapag niya ang dalawang plato na may kanin at dalawang platito na may ulam pati na rin ang pitsel ng tubig.

“Saluhan mo ako,” utos ko at itinuro ang upuan sa katapat.

“Ayaw ko.”

“Wala akong pakialam, umupo ka na lang,” iritable kong wika.

Nanatili siyang nakatayo kaya sinipat ko siya.

“Ano, tutunganga ka lang? Sa tingin mo mauubos ko ito?”

“Hindi mo naman pala kayang ubusin, bakit dalawa in-order mo?”

“Where’s the good costumer service, Angelus?” mataray kong tanong.

“Hindi kasama sa costumer service ang pagsalo—”

“No, it is included. Customer service is the
support you offer that helps me have an easy and enjoyable experience. I will enjoy the food if you join me.” I smiled triumphantly.

Pumikit siya nang mariin, tila nauubos na ang pasensiya.

Tumaas ang kilay ko kaya muli akong nagsalita. “And there’s more. Three important qualities of customer service, and in case you don’t know let me inform you,” I added, “professionalism, patience, and a ‘people-first’ attitude. So, ano? Will you join me or join me?”

Hindi niya ako pinansin at dinaluhan na lang ang bagong dating na mga costumer.

Pumikit ako nang mariin. Nagsalin ako ng tubig sa baso at tumayo. Dadaan si Angelus sa mesa ko para igiya sa mesa ang mga bagong dating. Nang saktong dumaan siya ay tinapunan ko siya ng tubig sa damit.

Nakarinig ako ng mga singhap, marahil ay nasaksihan nila ang ginawa ko.

“Oops, hindi ako magso-sorry.”

Kumuyom ang kamao ni Angelus at napahiyaw ako nang marahas niya akong hinigit sa braso at halos kaladkarin papalabas ng eatery.

“Ouch, bitawan mo nga ako!” sigaw ko sa kaniya, pero mas lalo lamang humigpit ang hawak niya sa akin. Halos mabalibag ako nang patulak niya akong binitawan.

Hindi pa ako nakararaos ay kinain na ng hakbang niya ang aming distansiya. Bumaba ang tingin niya sa akin at halos manuyo ang lalamunan ko dahil sa mapanganib niyang boses.

“Hindi mo ba talaga ako lulubayan, ah? Dahil, tangina, sasabog na talaga ako sa kalokohan mo, Alvea.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top