Chapter 12
Chapter 12
A week passed by since that day with Angelus. Simula noon kapag nakikita namin ang isa’t isa ay para lang kaming mga tanga na nag-iiwas ng tingin. At isang linggo na rin simula ang pag-amin ni Malessa kay Angelus.
And I was correct when I presumed she couldn’t face Angelus nor me without feeling awkwardness. Ganoon pa man, she still continued befriending me.
“Alvea, maglakad na lang tayo pag-uwi!” aya niya nang mag-early dismissal.
Inismiran ko siya. “Bakit? May sasakyan naman, ah? Ang sabihin mo nahihiya ka kay Angelus—”
“Hindi, ’no!” tanggi niya kaagad. “Maaga pa kaya saka para makatipid!”
“Makatipid? Mukha ba akong nangangailangang magtipid?”
Ngumuso siya kaya napabuntonghininga ako.
“Tara na nga, bago pa kita masakal.”
Habang naglalakad ay lumilipad ang isip ko sa kung anong bagay. And I’m starting to hate it kasi puro Angelus!
Isang linggo na ang nakalipas ngunit si Angelus ay namamahay pa rin sa isipan ko. Can’t he just get out of my mind? Para akong mababaliw dahil lagi akong walang gana dahil siya lagi ang laman ng isip.
Ano ba ang mayroon sa halik niya at mukhang may kung anong epekto sa akin? I groaned.
“Dito na ako, thanks,” walang gana kong sambit nang makarating kami sa kanto malapit na sa mansion namin. Sa kabilang direksyon pa kasi sila kaya hindi na ako nagpahatid pa mismo sa bahay.
“Sure ka? Hatid na kita.”
“Malessa, kung ano iyong sabi ko, iyon na iyon. Don’t try hard pleasing me.”
Tumango siya at umalis na.
Frustrated, naglakad na ulit ako ngunit nilagpasan ang mansion. I decided to visit Mommy’s grave. Nanumbalik na naman sa isipan ang huling pag-uusap namin ng ama.
Talaga bang may mahal na iba si Mommy? At sino naman kung ganoon?
Bumili ako ng kandila at posporo sa tindahang nadaanan papunta sa puntod ng ina.
Nakatutok lang ako sa daanan hanggang sa makarating doon nang hindi ko man lang namamalayan na may iba pa palang tao maliban sa akin sa lugar.
I wasn’t even surprised yet I suddenly felt nervous seeing Angelus in front of his father’s grave. Tila seryoso siyang nakatutok sa puntod ng ama nang hindi man lang ako napapansin. I looked at him closely.
He was bending on his knees with his closed eyes while murmuring things based on the movements of his lips. Ah, those lips. Pinilig ko kaagad ang ulo sa maaaring sumagi sa isip.
Kalaunan ay napahilamos siya sa mukha at mukhang ang daming problemang pasan-pasan.
I smirked when his eyes landed on me. This time, mukhang mas nadagdagan ang problema niya. That’s it, jerk. You should suffer more dahil kahit hindi naman na kita nakita nang isang linggo ay ginugulo mo pa rin ako!
Binabagabag ako ng buong presensiya mo kaya dapat lang iyan.
Inaasahan kong kakausapin niya ako kahit tanong lang kung bakit ako narito, pero kahit isang salita ay wala akong narinig sa kaniya. Mas lalo lamang sumidhi ang pagkaayaw ko sa kaniya. What a consistent jerk. Okay, panindigan mo iyan. Darating lang talaga ang oras na makakaganti ako sa ’yo. Nangangati na ang dila at kamao ko para saktan ka.
I stayed there for a while staring at Mommy’s grave when I remembered all the things that bothered me. Bumaling ako sa direksyon ni Angelus at mukhang hindi man lang siya natinag sa presensiya ko. Okay, sagarin mo pa ako. Nakakainis na.
“Like the first time we met, and the last time we shared…” Kinanta ko na lang ang chorus ng paboritong kanta ni Mommy para kumalma. “I know that our love is great…”
Natigil ako sa pagkanta nang maramdaman ko ang marahas na pagtayo ni Angelus sa puwesto at mukhang aalis na. Tumayo kaagad ako upang harangin siya sa daanan.
“Saan ka pupunta?” mapaglarong tanong ko.
He looked down at me. Ayan na naman ang malamig niyang tingin sa akin.
“Sa lugar kung saan hindi ko maririnig ang kinakanta mong ’yan.”
I eyed him, confused. “Bakit? Hindi ba maganda ang boses ko?”
Hindi siya sumagot at naglakad na ulit, pero dahil matigas ang ulo ko ay hinigit ko siya sa braso para patigilin.
“Don’t leave me hanging,” banta ko, nakangisi pero banas na banas na.
“Bitawan mo ako.”
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kaniya. “You tell me first. Hindi ba maganda ang boses ko?”
“Hindi maganda ang kinakanta mo,” matalim na sabi niya at hinawi ang kamay ko.
Namilog ang mata ko. Tatanungin ko na sana siya tungkol doon pero kumalas na siya sa hawak ko at nagsimulang humakbang. Hinabol ko siya at muling hinarangan.
May makalawang na bisikleta sa gilid ko at mukhang kaniya iyon pero tinanong ko pa rin siya para sigurado. “Sa ’yo ’to?” He didn’t respond so I took it as a yes.
Inayos ko ang strap ng aking bag; saglit na nilingon ang puntod ng ina bago siya nginitian.
“Screw you for messing up with my mind, Angelus,” huling sabi ko sa kaniya bago ko sinipa ang bike sa gilid dahilan para matumba iyon saka ako kumaripas ng takbo papalayo.
I sighed in relief. Puwede na iyon, at least nakaganti ako kahit papaano.
***
Sabado kinabukasan ay kinausap ko si Lola sa hapag. “La, kapag nainsulto mo ang tao pero hindi sinasadya kasi nadala ka lang ng galit mo. Ano ang gagawin mo?” tanong ko habang pinaglalaruan ang kubyertos.
Sa tingin ko kasi ay hindi ko na ito makakayanan pa. Baka mamatay na ako sa sakit ng ulo kaiisip sa walang hiyang Angelus na iyon. Ang lamig na nga sa akin, ginalit pa ako kahapon! Kaya naman dapat may gawin ako para mag-ayos kami!
“Manghingi ka ng paumanhin.”
Napatango-tango ako pero natigil nang matanto ang sinabi niya. What does it mean? Magso-sorry ako?! Ah, there’s no way in hell I would apologize to him!
“Another option?”
“Iyon lang.”
I twisted my lips. Sinuri naman ako ni Lola kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Sino ba iyang ininsulto mo?”
“H-Huh? I mean...” nangapa ako. “S-Si Malessa!”
She sighed. “Kontrolin mo iyang sarili mo. Siya, bisitahin mo siya sa bahay nila at magdala ka ng mga prutas. Manghingi ka ng tawad sa personal,” payo niya at tumayo sa kinauupuan, nagsimula nang magligpit ng pinagkainan.
Isang oras akong nag-isip kung gagawin ko ba ang payo ni Lola o hindi, pero kung magiging matigas pa ako ay baka tuluyan na akong mabaliw kaya naman ibinaba ko na ang pride at nagbihis. Kumulekta ako ng klase-klaseng prutas sa fridge at inilagay iyon sa basket, nagpaalam kay Lola at umalis na.
***
“Sabel, saan ang kuya mo?” diretsang tanong ko nang makita ang bata sa tindahan pagkababa ko ng trisiklo.
Gulat pa siya nang makita ako at sinuri ang aking kabuuan, saglit iyong huminto sa basket kong dala saka ako nginitian nang malapad.
“Ate Ganda! Narito ka po! Si Kuya ang sadya mo?”
Tumango ako, ngumiti.
“Nasa bahay po siya. Sabay na po tayo, saglit lang po inutusan niya kasi ako bumili ng sabong panlaba,” sabi niya at nagbayad doon sa tindera bago tanggapin ang sachet ng powder.
Sinundan ko siyang dumaan sa masikip na daanan. Gusto kong masuka dahil kanal ang gilid noong dinaanan namin, pero pinigilan ko ang sarili hanggang sa huminto siya sa harap ng kawayang tarangkahan, tapat lamang ng kanila Malessa.
Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang matawa kapag iniisip kong magkita rito si Angelus at Malessa pagkatapos ng confession niya. That would really awkward me to death.
Pagbukas na pagbukas noon ay kaagad kong nahanap ang mata ni Angelus. His eyes filled with surprise by my presence.
“Kuya, may maganda ka pong bisita!” anunsyo ni Isabel at inilahad ang sabon sa kamay ng kaniyang kuya na mukhang na-starstruck yata sa ganda ko.
Nginitian ako ni Isabel at tumakbo na papasok sa bahay nila.
Kumawala ang ngisi sa aking labi nang makita ang kabuuan niya. Angelus wearing nothing but a Spongebob boxer. He’s still hot, though. Bumaba pa ang mata ko sa katawan at bago pa mabusog ng kahalayan ang mata ko ay ibinalik ko na iyon sa mata niya.
Sumeryoso na ako. “Puwede bang takpan mo iyang buong katawan mo? Baka mamaya ay pagpiyestahan ka ng mga kapit-bahay rito!”
Mukhang natauhan siya kaya mabilis niyang hinablot sa sampayan ang tuwalya at
ipinulupot sa kaniyang baywang. He then glared at me.
“Mga kapit-bahay ba talaga o ikaw?” mapanuya ngunit mapanganib na aniya.
Umismid ako. Ang yabang ng lalaking ’to. Lumapit ako sa kaniya at inilahad ang basket na may lamang mga prutas. Bumaba ang tingin niya roon ngunit hanggang doon lamang. Hindi niya tinanggap.
“Ano ang ginagawa mo rito?” he asked instead.
“Visiting you?” sarkastikong sagot ko.
“Umalis ka na kung ganoon. Hindi ako tumatanggap ng bisita.”
“Look, Angelus, I’m so—”
“Umalis ka na.”
“Pero—”
“Umalis ka na,” ulit niya sa mas matibay na boses.
“Angelus...” mahinahon kong tawag.
“Umalis ka na sabi—”
“Oo, gago ka, narinig ko!” sigaw ko na sa galit.
Saglit siyang nagitla sa pagsigaw ko ngunit bumalik sa dating postura.
“Narinig mo pala, bakit hindi ka pa sumunod? Umalis ka na, huwag mong hintayin na kaladkarin pa kita—”
Hindi ko na siya pinatapos at nilapag ko ang basket sa lupa. Huminga ako nang malalim at matapang siyang hinarap.
“You’re being an asshole right now, alam mo ba?” nanggigigil kong pahayag.
“Umalis ka rito kasama iyang dala mo.”
Ginagalit talaga ako ng lalaking ito, ah? Wala akong mapagbuntungan ng galit para sa kaniya dahil wala naman ako sa teritoryo ko para mag-eskandalo kaya naman labag man sa loon ay yumuko ako at tumango.
Tinalikuran ko na siya nang may makita akong paso sa gilid. Dahil alam ko namang hindi ako mapapanatag nang hindi nakakaganti sa kaniya ay sinipa ko iyong paso na may halaman para matumba bago nagpatuloy sa paglalakad.
Narinig ko pa ang ang marahan niyang mura sa ginawa ko bago ako tuluyang nakalayo sa pugad ng lokong iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top