Chapter 11

Chapter 11

Naalimpungatan ako dahil sa sakit ng ulo. Gusto ko na lang umiyak dahil parang mabibiyak na ito. I tried to calm myself and regain my sanity. Nang pakiramdam ko ay kaya ko nang tiisin ay bumangon ako. I was welcomed by the fresh and cold breeze from outside of the window.

“Señorita, may balak ka bang bumangon o nakahimlay ka na lang diyan buong araw?”
Lola’s voice came from nowhere that’s when I realized she’s inside of my room.

“La!” reklamo ko agad nang makitang tinatanggal niya ang kurtina sa bintana. She looked over her shoulder.

“Lalabhan ko ito dahil mukhang wala ka namang balak magpalit! Bumangon ka na at alas onse na! Nakung bata ka, hindi na talaga kita papayagang umalis! Lasing ka pa!”

At doon ko lang naalala ang mga pangyayari. Oh, goodness. Anong klase na naman ng gulo ang pinasok ko?

“Oh? Naalala mo na ba ang pinaggagagawa mo kagabi? Mabuti na lang at maaasahan si Angelus! O siya, bumangon ka na riyan at tutulong ka ngayong araw, huwag mo nang hintayin na kaladkarin pa kita pababa!”

Dala-dala ang mga kurtina ko ay lumabas na
siya ng kuwarto.

Napahilamos ako sa mukha. Damn… si Angelus!

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nang maalala ang huling memorya bago nawalan ng malay. Oh, my gosh. Did I really kiss him last night? Wow, the courage alcohol gives you, Alvea Ryss! I’m proud of you! Note the sarcasm, please.

Mabilis akong nagligpit bago pumasok ng banyo. Binabad ko ang sarili sa bathtub para mahimasmasan ako at sakaling mabura sa isipan ko ang mga pangyayari kagabi.

But unconsciously, I brushed my lower lip, and once again I was drowned with my thoughts. I... didn’t even regret that one.

Oh, my...

Napaahon ako sa tub at muntik pang madulas sa dulas ng tiles nang magmadali akong buksan ang shower at itama ang mukha roon.

Am I starting to... have feelings for him?!

No. No way. Just no freaking way.

Pinagsasampal ko na ang sarili sa naisip. Why would I feel something romantic... at sa kaniya pa talaga? I wonder what did that alcohol do for me to think ridiculous things like this.

Me liking Angelus? No! Never did I imagine liking someone like him... wait what?

Someone... like... him. Ah, right. In case you forgot your waiter ex-boyfriend, Alvea. Grabe, ni ngayon lang siya ulit sumagi sa isip ko. But
whatever! I won’t like Angelus...

But why did I sound so defensive?

Bago pa ako tuluyang mabaliw ay nagbihis na ako at bumaba na. Inikot ko ang buong palapag sa baba para hanapin si Lola, at ngayon ko lang natanto na ang sakit sa ulo kapag ganito kalaki ang bahay. Hindi mo agad mahanap-hanap ang hinahanap mo nang hindi ka nahihilo.

May nakahanda ng pagkain sa hapag sa dining area ngunit wala sa paligid si Lola kaya naman napagpasyahan kong lumabas doon sa backdoor kung saan posibleng naroon ang matanda. Malamang nagdidilig na naman ’yon ng minamahal niyang mga halaman sa likod-bahay.

Ewan ko ba pero puwede nang tawagin itong mansion namin bilang Madrigal’s extensive garden dahil kahit saan ka lumingon may halamang makikita.

Wearing my usual white dress, I strode my way to the backyard to find my Lola’s whereabouts.

Nang makarating sa labas ay nakita ko siyang may kinakausap na lalaki, pero hindi lang bastang lalaki!

Kinusot ko pa ang mata dahil baka namamalikmata lang ako sa nakikita, pero totoo! Crystal clear, it’s Angelus!

Natutop ko ang labi at alistong umatras para magtago sa likod ng palumpong. Anong ginagawa niya rito? Napaayos ako ng tayo nang may sumagi sa isip. Last night, I passed out... e, ’di hinatid niya ako. Hala, how?!

Sumilip ako at mas naaninag ang ginagawa nila. Nakatayo si Lola habang kausap si Angelus na ngayon ay nagsisibak ng mga niyog. Umawang ang labi ko dahil nagkalat sa paligid ang mga buko. Inakyat niya pa ’yan? E, ’di kanina pa siya rito?

Napasampal ako sa braso nang kumati ito. I groaned when I realized I’m hiding and getting bit by mosquitoes. Bakit nga ba ako nagtatago? Perhaps, embarrassed to face him?

Uh, no. Bakit ako mahihiya?

My face lit up when an idea popped in my mind. Kung may mahihiya man sa amin ay siya ’yon. Aba, ni hindi ko nga itinanggi sa sarili na nagustuhan ko naman talaga iyong halik kaya walang parte sa katawan ko ang dapat makaramdam ng hiya.

So with a victorious smile on my face, I walked confidently towards them.

“Good morning, Lola,” malambing kong sabi at lumapit sa kaniya pagkatapos ay kunwaring nagulat ako sa presensiya ni Angelus.

I looked down at him with a fake surprise on my face and eventually smiled. “Oh, Angelus, narito ka pala.”

Inangat niya naman ang tingin sa akin, dumaan pa sa damit ko ang mata bago sa aking mukha. He just looked at me coldly before dropping it on his business.

Confused with his action, I cleared my throat.
“Ano ang ginagawa mo?”

And now, asking an obvious, Alvea? Baliw ka ba? Ah, yes. I have already gone crazy.

“Sige na, hijo, mamaya mo na ’yan ipagpatuloy at magtanghalian muna tayo,” alok ni Lola at sinenyasan ako para pumasok na nang magsalita si Angelus.

“Ayos lang po, Nay. Sa bahay na lang po ako kakain, isa pa, busog pa ako,” simpleng tanggi niya.

“Weh?”

Still, I got no response from him. Wait, why is he acting strange today? I mean, he’s cold towards me but this is something different.

He’s completely ignoring my existence.

“Naku, bawal tanggihan ang grasya. Tara na, pambawi na rin sa abalang gawa ng apo ko sa ’yo kagabi.”

“La, I’ll talk to him. Mauna ka na po sa loob,” pakiusap ko.

Nanliit ang mata ni Lola sa akin na tila ba may ulterior motive ako kay Angelus ngunit kalaunan ay tumango na lang siya at ibinilin sa amin na sumunod agad dahil lalamig na ang pagkain.

Hinarap ko na ang lalaki pag-alis ni Lola. “So, why are you giving me cold shoulder?” halukipkip ko.

Wala pa ring imik at patuloy lang sa pag-aalis noong bunot. Napakagat ako sa labi sa inis, pero baka... nahihiya lang siya? Right! He’s embarrassed from what I did last night!

I bent my knees to level him. Sinilip ko pa ang supladong mukha niya na seryoso sa ginagawa. He seemed distracted, though.

It’s time to make you uncomfortable, Angelus, dahil umagang-umaga ay ginagalit mo na agad ako. Ni hindi pa nga tuluyang nawawala ang hangover ko ay dinadagdagan niya na ako ng sakit sa ulo.

“Why don’t you talk to me, Angelus?” tanong ko, nakatitig sa kaniyang mukha.

Nang wala pa rin akong makuhang sagot ay inangat ko ang kamay para hawakan siya sa panga. That’s when I caught him off guard. “Nahihiya ka ba sa akin?”

Iniwas niya ang mukha sa akin at tuluyan nang tumayo. Tumayo na rin ako habang pinanonood siyang pinapagpag ang dumi sa puti niyang damit.

And finally he looked at me with those cold eyes that I almost shuddered.

“Wala akong panahon para maglaro.”

Nagpakurap-kurap ako, naguluhan sa sinabi niya pero pinili pa ring mang-asar. “Hindi naman kita niyayaya makipaglaro, ah?”

Humakbang na siya papaalis nang higitin ko siya sa braso at seryoso na ngayong tumingin sa kaniya.

“Are you seriously pulling this stunt on me, Angelus?”

Nang nanatili siyang nasa malayo ang tingin ay ikinulong ko na sa dalawang palad ang mukha niya. Alvea, since when did you become so touchy?

Pilit niya itong iniiwas ngunit pinirmi ko ang mukha niya para magkatinginan kami nang diretso. And for the second time, I was mesmerized by his undeniably handsomeness.

Having him this close to me, I realized... it’s not bad to have an attraction. It’s okay to like him. But then...

Nginiwian ko ang sarili. Baka naman nararamdaman ko lang kung ano mang nararamdaman kong ’to dahil sa halik? Baka mamaya mawala rin ito at babalik sa dati na iritado ako sa kaniya lagi. Maybe this is just an infatuation! Tama! Maybe I need a week or two to prove it!

But I am bothered! Bakit ba ganito siya ngayon sa akin? Did I do something that made him treat me like this? Pero bakit nga ba apektado ako? Aba, Alvea, sumusobra ka na! Dahil lang sa halik ay bumabaliko na ang pagtingin mo sa lalaking ’to!

Nang ma-realize ’yon ay ibinaba ko na ang kamay at matapang siyang tiningnan. “Hindi mo talaga ako kakausapin?” I huffed, and as expected he didn’t answer.

“E, ’di sige. After this day, guguluhin kita. And, Angelus?” pabitin kong wika kaya naman nagawa ko na siyang palingunin sa akin.

“Don’t think highly of yourself just because I kissed you. By then, I’ll continue to look down on you like what I usually do.”

“Puwedeng...” nag-alangan siya.

Ah, so nakakapagsalita ka pa pala, ha?

“Puwedeng what?”

He sighed. “Puwede bang ibaon mo na lang sa limot ang mga nangyari kagabi... lalo na ang halik?”

What? I don’t know but it brought a slight pang on my chest. Why is he asking me to forget it?

“Give me one good reason to do that,” hamon ko.

“Hindi ko gusto ang nangyari kagabi.”

I swallowed the lump in my throat. “Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin iyan sa akin, sa iyo ko pa talaga narinig iyan.” And hell, yeah! It stung! Did I get rejected already?!

Tinalikuran ko siya at handa nang umalis ngunit nagbilin pa. “Pagkatapos mong kumain ng tanghalian sa pamamahay namin ay umalis ka na. Bumalik ka na sa lugar kung saan ka kabilang... hampaslupa,” sabi ko, hininaan ang huling salita bago tuluyang maglakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top