Chapter 10
Chapter 10
Nakarating kami sa bulwagan nang nagsimula nang magsaya ang mga tao sa gitna.
Pumikit ako saglit dahil ang sakit sa mata ng disco lights nila, nakakahilo, pati ang music ang sakit sa tainga. Dapat talaga hindi na ako bumalik!
Sumulyap ako kay Angelus na kasabay ko sa paghakbang. Nakatingin siya sa mga nagsasayaw na parang may hinahanap. Napairap ako. Iyong Kayen naman kaya ang hinahanap niya?
Sa pagkainis na sa iba ang atensyon niya ay umuna na ako sa paglalakad. Naupo ulit ako roon sa lamesang pinuwestuhan ko kanina. And there I saw Malessa. I glanced at my back and noticed he’s following me. Dapat lang dahil binilin ako ni Lola sa kaniya.
“Alvea, sayaw tayo, dali!” halos pasigaw na sabi ni Malessa at niyugyog ako. Lumapit ako nang kaonti sa kaniya dahil parang sumasabog ang patugtog nila rito sa sobrang lakas at hindi ko siya marinig nang maayos.
Hindi ba nila naisip na may mga bahay rin sa malapit? Mabubulabog ang mga natutulog sa lakas ng sound system!
“No.”
She pouted. “Sige na, please, my bestie!”
Niyakap niya pa ako kaya napatalon ako sa gulat. What the...
Inagaw kaagad siya ni Angelus papalayo sa akin at hinarap. “Kayen, uminom ka ba?”
pabulong iyon at kahit sobrang ingay ay rinig na rinig ng dalawang tainga ko!
“Uy, Angelus! Mahal na mahal kita, alam mo iyon?”
Namilog ang mata ko sa narinig galing sa babae. At para naman akong nilubayan ng
kaluluwa nang akma niya itong hahalikan.
Ngunit bago pa niya iyon magawa ay hinila ko na siya papalayo sa lalaki.
“What the heck are you doing?!” halos sigaw ko na sa sobrang kaba.
Hinila siya ni Angelus pabalik. Sinipat ko ito. “Bakit mo ba siya inilalayo sa akin?” inis kong tanong.
Hindi sumagot si Angelus at tumitig lamang sa mukha ko. Bumaba saglit ang tingin ko kay Malessa na nakayakap na sa kaniya at nakabaon ang mukha sa leeg niya.
Kusang kumuyom ang kamao ko ngunit nanatili siya sa pagtitig. Ba’t ganiyan siya makatingin?
“Ano’ng problema mo?” sa wakas ay imik niya.
Ako naman ngayon ang natahimik. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang matauhan. Bakit… bakit ganoon iyong inasal ko?! Partida, nasa huwisyo pa ako! The heck is wrong with you, Alvea Madrigal!
To save face, padabog akong naupo sa upuan nang mapansin ang isang beer. Parang nauhaw kaagad ako kaya binuksan ko iyon at tinungga.
Nang lingunin ko ang harap ay nakita ko na lang ang papalayong bulto ng dalawa patungong gitna upang makisabay roon sa mga taong mabangis kung sumayaw.
Damn Angelus! May panahon pa siya mag-disco kaysa umuwi at tulungan ang nanay niya roon! Iba talaga kapag nangingibabaw ang kalandian.
May nag-alok sa akin ng isa pang bote hanggang sa naging dalawa ay hindi pa rin bumabalik ang lintik na Angelus. Ang sabi ni Lola bantay-bantayan niya ako, pero bakit parang siya pa ang hinahanap ng mata ko?!
Aba, kapag may nangyari sa aking masama siya talaga ang sisisihin ni Lola!
Sige lang, Angelus! Unahin mo iyang kalandian mo! The thought of him flirting with Malessa made me piss. Kaya ibinuntong ko na lang ang inis sa pag-inom.
Damn you, Angelus! Saan ka na ba?!
“Miss, tama na ’yan, namumula ka na,” saway ng lalaki sa tabi ko at kukunin na ang bote nang tabigin ko ang kamay niya.
“Huwag mo ’kong pakialaman, okay?” naiiyak, naiinis na sabi ko. Buwisit talagang Angelus iyan!
Matalim ang tingin ko sa mga nagsasayawan. Umuwi na kaya ang isang ’yon? Tapos ni paalam, wala? Ang sama ng ugali! Nanlumo ako nang matapos ko na ulit inumin ang ikaapat na bote ay walang Angelus ang sumulpot.
Bigo akong yumuko sa lamesa at mahinang inuuntog-untog ang ulo roon. Humanda ka talaga sa ’kin, Angelus! Ang landi mo! Inuna mo pa ’yang kalandian mo kaysa bantayan ako! Isusumbong kita kay Lola, lintik ka!
“Israel... nilasing mo?”
Para akong nabuhayan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Medyo nahihilo kong inahon ang ulo para kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko. My lips slowly parted. Ang buwisit na Angelus narito na!
Lumipat ang mata niya sa akin nang mapansin ang pag-angat ko.
Calm down, Alvea. Hindi mo puwedeng basta-basta na lang sugurin ang baliw na ’yan.
Instead, I smiled at him sarcastically. “Tapos ka na bang lumandi? Saan na si Malessa?”
nagtitimping tanong ko.
Bumuntonghininga siya at humakbang nang kaonti patungo sa akin. “Hinatid ko na si Kayen, at ibinilin ko na rin sa kaniya na ako na ang bahala sa ’yo—”
Natawa ako. “Bahala sa akin? Mukha mo! Iniwan mo nga ako rito!”
Sinubukan niya ulit na humakbang pa nang isang beses pero dinuro ko siya. “Huwag kang lumapit sa akin—”
“Iuuwi na kita—”
“No, ayaw ko pa! Mamaya na! Ikaw lang ba puwedeng magsaya, ha? Sige, umalis ka na! Makipaglandian ka na lang at huwag mo na akong bantayan! Patay ka talaga kapag may nangyari sa aking masama!” bulyaw ko habang dinuduro siya.
He sighed again.
“Hindi pa ako lasing, Angelus, kaya umalis ka sa harap ko dahil kumukulo ang dugo ko. Ayaw kong makita iyang pagmumukha mo! Alis na, alis!”
At umalis nga ang buwisit.
I pulled my hair out of frustration. Iiwan niya talaga ako? E, ’di ako na lang mag-isang uuwi? Swear, hindi na ulit ako sasama sa ganito!
Ilang minuto akong naging tahimik sa lamesang ’yon, pinipilit na mahimasmasan.
Nang pakiramdam ko ay maayos-ayos na ako ay tumayo na ako sa kinauupuan.
Totoo bang umuwi na siya?
Inayos ko ang sarili bago nagsimulang maglakad para hanapin siya, nagbabaka-sakali.
“Ah, there you are... jerk!” I muttered when I saw him being dragged. Oh, this is insane... sa’n sila pupunta no’ng babae? And it’s Malessa! Oh, my goodness... akala ko ba inuwi niya na?! Damn it! Tuluyan na yata akong nahimasmasan at sinundan ang direksyon kung saan papunta ang dalawang ’yo.
Nahihilo man ay nagtagumpay pa rin ako.
Nasa gilid at babang parte ng stage sila huminto. Humakbang pa ako para mas matanaw sila, tumigil lamang nang mapansin kong tama na ang puwesto ko para makita at marinig sila.
“Angelus, gusto kita...”
I stood there looking at them with mouth agape.
“Lasing ka lang—”
“Alam ko ang pinagsasabi ko, Angelus! Gusto nga kita!”
“Pasensiya na talaga, Kayen... salamat sa paghanga mo pero hindi tayo pareho ng nararamdaman,” tugon naman ng magaling na si Angelus.
Sinasabi ko na nga ba! May tinatago itong Malessa na ito!
“Malessa, umuwi ka na raw sabi ng mama mo!”
Mahina akong natawa nang may gumambala sa moment nilang dalawa. Buti nga. Pero mukhang ayaw umalis niting si Malessa.
Tingnan natin kung may mukha ka pang ihaharap sa kapit-bahay mo bukas.
“Umalis ka na rito at umuwi!” dikta ko nang hindi na nakapagpigil. Hinila na paalis noong lalaki si Malessa na gulat na nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at hinarap naman si Angelus.
Humakbang ako papalapit sa kaniya. “Ikaw...” panimula ko at nanlalantang dinuro siya sa dibdib. “Ang sabi mo ay inuwi mo na? Bakit may confession pang naganap?”
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako, “At imbes na nagtatrabaho ka ngayong gabi o inaasikaso mo ang mga kapatid mo... ay narito ka’t nagsasaya... at nakikipaglandian!” angil ko sa kaniya at hinampas na siya sa dibdib.
Namumungay ang mata kong iniangat ang tingin sa mga mata niya. He looked down at me with foreign emotion in his eyes. Tila nakaramdam ako ng kirot sa puso nang masaksihan iyon.
“Bawal ba akong magsaya?” mahinang sambit niya. Naputol ang titigan namin nang umiwas siya at ibinaling iyon sa kabilang direksyon.
Napakapit ako sa braso niya nang maramdaman ko nang bibigay na ako dahil sa antok.
“Iuuwi na kita, Alvea.”
I gasped weakly. “You called me Alvea...”
bulong ko sa sarili saka siya naman ang sinulyapan.
Nagtagis ang kaniyang bagang at sinusubukang hawiin ang kamay ko pero mas lalo ko lang hinigpitan ang paghawak sa kaniya sa braso.
Nakakainis siya, ah! Kung makahawi sa akin ay parang diring-diri sa akin!
“Tapatin mo nga ako.” I smirked. It’s unusual of him to call me by my name kaya…
“Nagugustuhan mo na ba ako, ha? Oh, no, boy! I won’t like someone cheap like you!” sigaw ko.
Napakislot siya sa ginawa ko kaya mas lalo siyang lumayo, pero the more na lumalayo siya ay mas lumalapit ako.
“Huwag ka mag-alala... hinding-hindi rin naman ako magkakagusto sa gaya mong high-maintenance.”
Pagak akong natawa. Hindi ko maipaliwanag kung bakit mas lalo ko lamang kinainisan ang naging sagot niya.
“Anong sabi mo...” nagngingitngit sa galit kong hamon at nilapitan siya ulit.
Tuluyan na akong nilubayan ng katinuan nang ilapat ko ang dalawang kamay sa balikat niya at tumingkayad para maglapit ang mukha namin.
Nanatili siyang seryoso at malamig ang tingin sa akin, ni hindi man lang natinag sa lapit naming dalawa.
Napakagat ako sa labi nang mas maaninag ang kagandahan ng itsura niya. Sinuyod ng aking mga mata ang bawat parte ng mukha niya. Ang makahulugang mata ngunit laging malamig ang tungo sa akin, ang matangos na ilong... at ang mapula-pulang labi na bahagyang nakaawang. Hindi naman siya mayaman, pero ang kinis din ng mukha niya. Oh, stop stereotyping, Alvea. Muling bumalik ang mata ko sa labi niya.
“Kunwari ka pa, aminin mo na,” tuya ko.
I tiptoed more to reach him properly as I slanted my head to kiss that tempting lips. Napikit ko ang mga mata dahil sa kaginhawaang naramdaman pagkatapos maglapat ang aming labi. It stayed like that for a seconds until I recovered and slowly moved my lips. He didn’t respond... but he didn’t stop me either! What the hell?
Pakiramdam ko ay huminto ang lahat sa aking paligid. Tanging ang pintig lamang ng puso ko ang maririnig. Humigpit ang hawak ko sa balikat niya at dahan-dahang iminulat ang mata. Bakit kaya ang guwapo niya ngayon sa paningin ko?
I smiled at him. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan at nakatitig lang sa akin. Pakiramdam ko ay pagsisisihan ko ’to bukas, pero ayos lang dahil nasa huli naman talaga ang pagsisisi.
“Not bad, it tasted heaven. How ’bout mine?” mapaglarong bulong ko.
He unconsciously licked his lips.
Napasimangot na lang ako at tuluyan nang inihilig ang ulo sa kaniyang dibdib dahil sa antok at pagkahilo.
“Lasang alak,” tahimik niyang sagot.
I chuckled weakly. Pinakiramdaman ko ang tibok ng kaniyang puso at pumikit na sa kagustuhang matulog na lang.
“You can’t like Malessa, Angelus. Pareho kayong cheap. Similar doesn’t attract, opposite does. Mas bagay tayo,” bulong ko. I then dozed off with lightness in my heart.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top