Chapter 1 (Beginning)
Chapter 1
Tila wala nang bagay ang libre sa mundong ito na kahit kaligayahan ay may kabayaran. Ni hindi ko maintindihan bakit kailangan ko ng kasama o kaibigan para maging masaya. Why can’t I make myself happy? Why am I not contented being alone?
Bakit kailangan kong maging bulag at tanga para lang maramdam ang saya…at na hindi ako nag-iisa?
“Sama ka sa amin bukas? Punta kami shopping mall,” ani Bea.
“Sure,” sagot ko habang inaayos ang backpack, handa nang lumabas ng silid dahil may naghihintay.
My other friends looked at me with so much amusement playing on their faces. Ngumuso si Crystal. “Pasasamahin ka namin basta lilibre mo kami? Mayaman ka naman, e.”
Ngumiwi ako at ang cell phone na naman ang inatupag. There’s a message from Earl. “Nilibre ko na kayo noong isang araw, ah,” sabi ko sabay basa sa mensahe ng lalaki.
From: Earl
Bumili ako saglit ng calamares kaya wala ako sa gate ng school ninyo baka hanapin mo ako. May gusto ka bang kainin?
My lips protruded as I typed in my response.
To: Earl
I don’t eat street foods.
From: Earl
Oo nga pala. Pasensiya na, hindi ko pa kasi suweldo kaya hindi kita mailibre kahit sa fast food chain man lang. Babawi ako sa susunod. Pangako.
To: Earl
It’s fine, you silly.
“Alvea, ano na?”
Napabaling ako kay Mikhaela. “Huh?”
“Sino ba kais iyang ka-text mo at mukhang nawiwili ka?”
“Uhm…” Nangapa ako at kinabahan nang dumapo ang tingin nila sa cell phone ko. Bago pa man ako makapagsalitang muli ay nakiusyuso na sila.
“Oh, my… may boyfriend ka na?”
Nangunot ang aking noo. They looked at me, suspicious. For some reason, I feel embarrassed. Binawi ko na ang cell phone ko bago pa man nila mabasa lahat ng usapan namin ng nobyo.
“Naku, may tinatago ka pala sa amin, ah. Engineering student ba iyan or law student? Sa’n nag-aaral?”
I sighed.
Bea squealed. “Alvea! Big time ba? Pakilala mo naman kami!”
Naningkit ang mata ni Crystal. “Baka pumatol ka sa mga cheap, ah. Tiyak na pera lang ang habol no’n.”
“Oo nga, saka high maintenance ka baka kapag nakita namin boyfriend mo, akalain lang namin na dog lover ka na,” si Mikhaela.
I licked my lower lip as I let their words digest in my system. Umiling ako. “Wala akong boyfriend. It’s just a some random guy.”
“That’s good, then. Nakakahiya sa circle natin na may boyfriend kang—”
“Stop it,” putol ko at sukbit sa strap ng bag sa balikat ko. “I’ll text you tomorrow, sasama ako.” Sabay alis ko.
Nang makalabas ng university ay natanaw ko sa lilim ng puno si Earl. Napailing ako at kinuha ang cell phone sa bag.
To: Earl
Umuwi ka na lang. Kasama ko ang mga kaibigan ko.
Of course, I lied. I can’t believe I am doing this. Para lang hindi mandiri ang mga kaibigan ko sa akin!
From: Earl
Ganoon ba? Sige, mag-iingat ka, Alvea. Sa susunod na lang tayo magkita kung may bakanteng oras ka. Salamat pa rin sa time.
***
Nakarating ako sa isang restaurant na napili. I wandered my eyes around, trying to look for them. Walang bakas nila kaya sa tingin ko ay hindi pa sila nakakarating sa sinabi kong lugar.
Nagtawag na lang ako ng waiter para um-order ng maiinom habang naghihintay. “Can I have a mango shake…” Nabitin sa ere ang mga salita nang makita ko kung sino ang waiter. My lips parted.
“Earl…”
Gaya niya ay may bakas ng gulat at pagtataka sa kaniyang mukha.
“Alvea, ano ang ginagawa mo rito?”
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya na nararamdaman. I stood him up yesterday. Sa lakad sana namin! Pero dahil naapektuhan ako sa mga sinabi ng mga kaibigan kahapon ay dinamay ko pa siya. How pathetic, Alvea.
“Ikaw ang bakit narito? Hindi ba’t sa pabrika ka nagtatrabaho?” sabi ko at nilingon siya saglit. There was a small smile on his lips.
“Pinaalis ako roon, buti na lang may nahanap kaagad akong bagong trabaho…” he chuckled nervously.
Tuluyan ko na siyang tiningnan at kinunutan ng noo. “What’s wrong?”
“M-May nagawa ba ako?”
“What do you mean?”
Nagkamot siya ng batok at awkward na sumulyap sa akin. “Ah, ’di ka kasi nag-reply ka kagabi… baka may mali akong nagawa pero kung busy ka lang, ayos lang. Nagtaka lang talaga ako,” wika niya sa mahinang boses.
Napakurap ako. Iyon ba? Well… sinadya ko iyon dahil ayaw kong makipag-usap sa kahit na sino dahil sa pagkainis sa mga kaibigan lalo na sa sarili. Akmang magsasalita nang may mga boses na sumapaw.
“Alvea, You’re already here! Sinundo pa kasi namin si Miks kaya natagalan!”
“Oh, um-order ka na?”
Tinanggal ko ang tingin kay Earl para kausapin ang mga kaibigan. Wala na rin siyang nagawa kundi ang atupagin ang trabaho. We ended up ordering foods with my boyfriend as the waiter. Iyon na rin ang huling eye contact namin ni Earl nang bayaran ko ang bills at umalis na.
“Nakita ninyo ba ’yong nametag ng waiter kanina? Earl iyong pangalan, iyan yata iyong ka-text ni Alvea kahapon, e.” Tumawa si Bea
dahil sa sinabi niya. They all looked at me. Iyong tingin na parang may binabalak na hindi maganda.
“What?” pagmamaang-maangan ko.
Bea smirked. Hawak ang isang lipstick ay lumapit siya sa akin. Hindi ako gumalaw kahit nang pumunta siya sa likod ko at akbayan ako. She leaned in and whispered, “In-denial? Parang ’di kaibigan, naglilihim ka pa.”
“I don’t know what—”
“Sinungaling talaga nito,” putol ni Crystal at pabirong umirap.
Napalunok ako. Kumalas na rin sa pagkakaakbay sa akin si Bea at umalis sa likod ko. “Hayaan na natin, hindi dapat pinipilit si Alvea. Hindi ba, Miks?”
The latter just shrugged. Napabuntonghininga ako. Nasa counter na kami para bayaran ang mga binili. Nilibre ko na rin sila ng gusto nilang make up para hindi na nila usisain pa ang tungkol kay Earl. Hindi ko alam kong matatanggap ko ba ang paiinsulto nila sa oras na malaman na may kung ano sa amin ni Earl.
“Bathroom muna kami,” paalam ni Bea habang nagbabayad ako.
Tumango ako. Akala ko ay magsasama lang siya ng isa, pero nagulat ako nang silang tatlo ang lumabas. Hindi na lang ako nagsalita nang ibigay na sa akin ang paperbag ng cashier.
Handa na akong lumabas doon nang harangan ako ng security guard. “Patingin po ng bag ninyo, Ma’am.”
Nagtataka man ay sumang-ayon ako at inilahad ang shoulder bag sa kaniya. Gamit iyong stick niya ay kinalkal niya ang bag ko. Mayamaya ay may dinukot na siya kaya bahagya akong naalarma.
May isang lipstick siyang kinuha. Naka-wrap pa iyon kaya ibig sabihin ay hindi ko pa nagagamit.
Tumingin sa akin ang security guard. “Nagnakaw ka.”
Hindi ako makapagsalita sa labis na kaba at gulat. “What? Hindi, ’no!” Ngunit hindi siya nakinig. He’s now already talking to someone on his radio transreceiver. Nanlamig ako.
“Hey, I did not steal!” bulalas ko dahilan para makuha ko ang atensyon ng mga tao. May dumating pa na isang security guard at iyong store manager.
“Nakita ko sa bag niya ’tong lipstick, may nakakita rin sa kaniya kanina,” paliwanag nito sa manager.
Para akong maduduwal sa tindi ng nararamdaman. “That’s not true! Masyado akong mayaman para magnakaw ng tig-limang daan lang!” iritado ngunit nininerbiyos na paliwanag ko sabay kalkal ng bag at labas ng isang libong cash. Gusto ko nang maiyak sa takot, kaba, at kahihiyan. Saan na ba ’yong tatlo?!
“Sa presinto ka na magpaliwanag—”
“I said, I didn’t steal anything!”
“Miss, nakita sa bag mo—”
Iritado kong sinipat ang isang guard. “Bakit? Nakita mo bang pinasok ko sa bag ko iyan?”
“Kabataan talaga, nahuli na ay magpapalusot pa.”
“I’m already 20 years old. I am matured enough to know what’s right and wrong!”
And it went on. Natagalan ako roon at nakalikha na ng eksena kaya dinala ako sa isang opisina. Masyado na akong matanda, pero tinawagan ko pa talaga si Dad para tulungan ako sa sitwasyong ito!
“She’s innocent until proven guilty. Therefore, your claim earlier wasn’t strong enough until this presented footage…” He looked at them. “This clearly proves her innocence. And if you won’t mind, secure these kids and punish them according to law.”
And yes. That’s it. They did it to me and left. I let my blindness and stupidity took over me. I let them use me just so I could have friends to call… so I could be happy. But where did it lead me? To nowhere. Hindi na nga ako naging tunay na masaya, ako pa iyong naging kawawa sa huli. So much for being desperate to have friends, huh?
“Thank you, Dad,” pagod kong sinabi pagkatapos ng walang imikan sa biyahe. It’s obvious he’s mad about what happened.
Tita Mariam appeared in front of us. Umikot nang kusa ang mga mata ko.
“What kind of trouble did Alvea Ryss involve herself in, Adam?” malambing niyang tanong.
Gusto kong masuka, nanindig pa ang balahibo ko sa pandidiri. I can’t believe Dad married this two-faced witch.
Narinig ko ang buntonghininga ni Dad, at sa wakas ay hinarap na rin ako at nagsalita, “Hindi mo pa rin talaga nilulubayan iyang mga kaibigan mo, anak? At patuloy mo pang pinagwawaldasan ng pera.”
Here we go again.
“Pagod na ako sa katigasan ng ulo mo. Ilang beses na kitang sinabihan na layuan mo ang mga iyon dahil gulo lang ang hatid niyan. Tingnan mo, inakusahan ka pang magnanakaw dahil sa kagagawan nila!”
I clenched my fist.
“Maghanap ka ng ibang kaibigan—”
“Sa tingin mo madali lang ’yon? Well, let me inform you, Dad. Pinaghirapan ko pa ang mga iyon para lang may matawag na kaibigan! Kung ’di mo lang kasi binigay ang apelyido natin sa bruhang mag-ina na iyan, e ’di sana walang prob—”
“Alvea Ryss!” galit na niyang sigaw na sa lakas ay halos mayanig ang pagkatao ko.
“Bakit, Dad? Totoo naman! Mag-aasawa ka na nga lang ulit doon pa sa naging prostitute—”
Lumagapak sa aking pisngi ang mabigat niyang palad. Para akong nabingi sa ginawa niya, na pati mukha ko ay muntik na yatang tumilapon. May kung anong gumuho sa kaloob-looban ko.
Pinagbuhatan niya ako ng kamay! Para sa babaeng ito!
Huminga ako nang malalim at nag-angat ng tingin. Halos magdilim ang mukha ko nang makita ang ngisi sa labi ni Tita Mariam. Bago pa man ako sumabog dito ay masama ang loob at galit na galit na akong naglakad paakyat ng hagdanan. Narinig ko pa ang tawag ni Dad ngunit hindi ko siya nilingon. Bago pa ako makapasok sa kuwarto ay nasilayan ko si Jeirene sa tabi lamang ng aking silid, ang anak ng bruha.
“Ate—”
“Shut up, wala akong kapatid!” sigaw ko sa kaniya bago tuluyang pinasok ang kuwarto at padabog na sinara ang pinto.
Hindi ko namalayan na nagpaligsahan na pala sa pagtulo ang masaganang mga luha ko. I screamed frustratedly. Nagwala ako. Pinagtatapon ko ang mga bagay na mahawakan ng kamay ko. Para akong isang halimaw na nakawala sa kulungan. Hindi ko maintindihan ang sarili, pero gusto kong manakit. Throwing things somehow made me feel better.
Hindi pa rin nawawala ang sama ng loob ko sa mga nangyari ngayong araw kaya dinampot lo ang cell phone na maayos pa naman at dumiretso sa group chat namin.
To: Bea, Crystal, Mikhaela
Hi, I just wanna say f*ck you all. May you rot in hell, guys.
Love, your benefactor
And then I left the group and blocked all of them. My anger is still on its peak. I remembered Earl.
Nag-init lalo ang ulo ko. Alam kong wala siyang kasalanan, pero kung sana mayaman lang siya ay hindi na ako nahirapan pang magtago. Bakit ba kasi sa dami ng lalaki, doon pa ako nahulog sa dukhang gaya niya!
To: Earl
Let’s break up. I don’t love you enough to stay. I can’t deal with any bullshits anymore. Sorry.
And it all ended like that. Tomorrow came, my life has started to change. Sadly, I don’t have any idea if it’s for the better or for the worse.
“Alvea, I’ve decided to send you to your grandma and you can’t do anything but agree.”
My jaw dropped. “W-What?”
Tumikhim siya at binigyan ako ng malungkot na ngiti. “You’re going to live with your grandma starting next week. No buts. You need to learn your lesson, and maybe you’ll learn it there. At nami-miss ka na rin ng lola mo kaya magandang ideya na doon mo na rin ipagpatuloy ang pag-aaral. Away from—”
Naalarma ako. “D-Dad! I am not a child anymore! Alam ko ang ginagawa ko, hindi mo ako puwedeng—”
“No. Seeing you like this makes me think you haven’t grown up yet.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top