EPILOGUE
Epilogue
HAJINN’s POV
ISA sa pinakaayaw kong makita ay ang mga babaeng umiiyak. Dahil iyon sa aking ina. I love my mom, so much. She raised me well, even though hindi namin kasama si daddy. Hindi ko naman hinahanap, kasi ayokong maalala ni mommy ang masasakit na alaala.
I know from the start na hindi maganda ang naging relasyon nila ni dad. Kasi kung maayos at okay sila ay buo sana ang pamilya namin. Pero isang babae rin pala ang dudurog sa puso ko.
Sabi nga nila, kapag mahal mo ay palayain mo. Kung may pangarap pa sila na gusto nilang matupad ay hayaan mo sila at suportahan. That’s why nagawa ko ngang palayain ang babaeng una kong minahal.
Nangako ako sa sarili ko na iisang babae lang din ang mamahalin ko. But I was wrong, dumating sa buhay ko si Dhea Avery Lacsamana.
Because of her, I’ve overcome the painful memories of my past. My heart healed, and I fell in love once more, which I thought was impossible.
Tama nga sila, na may mga taong makikilala natin at makakasama natin pero pansamantala lang silang mananatili sa tabi natin. Parang sila ang magiging dahilan kung paano tayo nagiging mas matatag ngayon.
“Son?” tawag sa akin ni mommy, para lang maibalik sa realidad ang pag-iisip ko.
“Hi, Mom.” I approached her and kissed her cheek.
“Tamang-tama ang pag-uwi mo, Haze. Medyo late nga lang sa usual na uwi mo sa bahay.” Napangiti ako nang hinaplos niya ang pisngi ko.
“Ang dami pong pasyente sa hospital, Mom e,” I reasoned out. Iyon naman ang totoo, palagi rin akong nasa emergency room.
“Okay. Umakyat ka na sa kuwarto mo. Magbihis ka na at katakutin mo ang guest room na katabi lang ng silid mo, okay Haze? Sabay-sabay na tayong kakain.”
“Guest room?” nagtatakang tanong ko pa at parang nakalimutan ko kung sino nga ang nasa kuwartong iyon. Na gustong ipakatok ni mommy.
“Ewan ko sa ’yo, Haze. Alam mo naman na may bisita tayo. Si Avey,” aniya na sinabayan pa nang pag-iling. Napakamot naman ako sa batok ko.
“Oo nga po pala. Nakalimutan ko na nandito nga pala ang anak ni Ninong Zerald.” Napangiwi siya sa tinuran ko, na kalaunan ay natawa lang siya.
“Magtatampo niyan sa iyo ang kinakapatid mo, kasi nakalimutan mo siya agad-agad,” wika pa niya.
“Sige po, tatawagin ko siya. Sa kuwarto na muna ako, Mom. Maliligo lang po ako,” paalam ko at mabilis na hinalikan ko ang pisngi niya saka ako nagmamadaling umakyat sa hagdan.
Nang nasa second floor na ako ay napatingin pa ako sa pinto. Napangiti na lamang ako, may bisita nga kami na galing pa sa ibang bansa. I shook my head and went to my room.
After that ay nagtungo ako sa kabila. Kumatok na muna ako, baka mamaya niyan ay natutulog pa siya. Makaaabala man ako pero mas mainam na may laman ang sikmura niya.
Ilang beses din akong kumatok bago ko narinig ang boses niya. “Mom! What happened to my eyes?! Bakit wala akong makita?!”
Sa takot na may nangyari sa kaniya ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumasok sa loob. Madilim sa loob nang makapasok ako kaya hinanap ko ang switch ng ilaw, malapit lang iyon sa pinto.
Naririnig ko pa ang mahihina niyang pagdaing at nang kumalat ang ilaw sa apat na sulok ng silid na iyon ay nakita ko siyang nasa sahig na. Nahulog yata siya mula sa kaniyang kama. Tiyak na nasaktan siya.
Nagmamadaling nilapitan ko na nga siya. Lumuhod ako upang buhatin siya at ibalik sa kama.
“Are you alright?” nag-aalalang tanong ko at sinuri ko pa ang braso niya kung hindi ba siya nagkaroon ng pasa o gasgas.
But she seems fine. Iyon nga lang para nagulat pa siya when she saw me.
“I’m fine, Haze. Thank you,” she said. Nakalimutan ko na hawak ko pala ang braso niya. Tapos nginitian na naman niya ako, na kung bakit bumilis din ang tibok ng puso ko.
“Bakit ka nahulog?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
“B-Bumangon kasi ako. Natakot ako na makitang dilim ang sumalubong sa akin,” pagdadahilan niya. Namula pa ang pisngi niya, halatang nahihiya siya. Tinulungan ko na lang siyang makababa sa kama.
“Go change your clothes. Nakahanda na ang dinner natin,” sabi ko. Kanina ko pa nararamdaman ang parang boltahe ng kuryente.
Ewan ko kung saang nanggaling iyon. Nang bitawan ko siya ay napatingin pa ako sa aking palad.
“Dito ka madalas umuuwi?” she asked. Napakunot naman ang noo ko.
“This is my home. What do you expect?” I asked her back. Hindi naman sa paraan na ma-o-offend ko siya.
“Madalas kasi ay sa condo tumitira ang mga panganay na anak. Especially anak na lalaki. Glad to know na umuuwi ka sa bahay niyo para makita naman kita everyday, Haze,” diretso at walang paligoy-ligoy na sabi niya. Nakabibigla talaga siya, nakamamagha rin at the same time.
Madalin lang sa kaniya ang makipag-usap sa mga taong kakilala pa lang niya.
“Why are you like that?”
“Hmm?” Inaamin kong maganda naman siya. Kahit nga hindi na siya maglagay ng kung ano-ano sa mukha niya ay maganda pa rin siya.
“Nevermind. Sumunod ka na lang sa baba,” I said to her bago ako tuluyang lumabas sa kaniyang kuwarto.
Doon na rin nagsimula na guluhin ni Avey ang laman nang iniisip ko, maging ang tibok ng puso ko ay parang naguguluhan na rin.
Mas matanda ako kaysa sa kaniya, pero parang mas marami pa siyang nalalaman tungkol sa buhay, lalo na ang buhay pag-ibig. Kahit alam kong hindi pa naman yata siya nagkaka-boyfriend, and I don’t know why na pabor pa rin pala iyon sa akin.
Nalaman niya rin na bigo ako sa pag-ibig, and she want me to heal. Tutulungan niya raw ako but I refused.
“I want to help you to forget your first love, Haze,” seryosong sabi pa niya. Honestly speaking ay hindi ko iyon nagustuhan.
She’s innocent at nakatatakot na pati siya ay masasaktan. Ayokong mangyari iyon. Mahalaga rin siya sa buhay ng parents ko. Responsibilidad din namin siya, kasi nagbakasyon siya rito sa amin. Ayokong umuwi siya na bigo at luhaan.
“What do you mean by helping me to forget her?” nagtatakang tanong ko. Curious ako kung sa ano’ng paraan na niya ako matutulungan.
“Gamitin mo ako, Haze. Gamitin mo ako para tuluyan mo na siyang makalimutan. I don’t mind if you use me.” Umiling ako, katulad nang sinabi ko ay hindi ako gagamit ng isang tao para lang makalaya ako sa masakit na alaalang iyon.
No, I won’t do that. Lalo na kung siya ang gagamitin ko. Makakaya kong mag-move on, gagawin ko at nang wala akong masasaktan na inosenteng tao. Nakaya naman ang iba, kaya bakit hindi ko iyon magagawa ng ako lang?
“Hindi ako ganoong klaseng tao, Avey. Para lang makalimot ako ay kailangan kong gumamit ng ibang tao, alang-alang sa kapakanan ko. Don’t do that. Hindi deserve ng mga tao ang gamitin lang. Hayaan mo akong makalimot dahil alam kong makakaya ko iyon nang mag-isa,” seryosong sabi ko at ibinaba ko na ang tinimpla kong gatas para sa kaniya.
Naabutan ko kasi siya sa balkonahe at gising pa. Namamahay siguro siya kaya hindi rin siya nakatulog agad. O kaya naman ay mahaba ang tulog niya kanina. Ganito ang madalas kong ginagawa sa mga kapatid ko. Ako ang nagtitimpla ng gatas para sa kanila.
“In a good ways naman iyon, Haze. Don’t get me wrong. Gusto ko lang na hangga’t nandito pa ako ay matulungan kitang makalimot. Ipasyal mo na lang ako sa mga lugar na gusto mo and let’s enjoy, okay?” she said at talagang wala lang sa kaniya iyon. Napailing na lamang ako. Nahawa na rin sa mga ngiti niya.
***
BAKASYON lang sana siya, pero nagulat na lang ako nang makita ko siya sa hospital na pinagtatrabahuhan ko.
Hindi pa niya ako nakikita at lalapit pa lang siya sa information desk para yata tanungin kung saan niya ako makikita. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kapansin-pansin na ang ganda niya, kahit nakauniporme lang siya.
“Bakit ka huminto, Doc Haze?” tanong ng matalik kong kaibigan. Hindi mo siya sinagot, dahil nakatutok kay Avey ang atensyon ko.
“Avey?” tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa ’kin nang marinig ang boses ko.
“Hi!” she greeted me, nagawa pa niyang kumaway.
Tiningnan ko pa ang suot niya, uniporme iyon ng waitress ni mommy sa restaurant niya. Tumulong yata siya roon, sa halip na mag-relax lang siya.
“May dala po akong lunch,” aniya. Ipinakita niya ang dalang paperbag. May tatak iyon ng pangalan ng restaurant ng mommy ko. Naabala ko pa ang bakasyon niya sa pagdadala niya sa akin ng pagkain.
“Wow, may special delivery ka pa, Doc Haze? Nagmula pa sa resto ng mommy mo at ang ganda pa niya—aw! Namimisikal ka na, ha? Doctor ka pa naman.” Pambihira talaga itong si Andrey.
Sa cafeteria sana kami pupunta para makakain na, ngunit nandito na si Avey.
“Avey, bakit nakasuot ka ng uniporme ng resto ni mommy? Nagtrabaho ka ba roon?” Tinanong ko pa rin siya kahit alam ko na ang dahilan.
Tumango pa siya saka sumagot. “Sinubukan ko lang po.”
“Hi, puwede naman siguro akong maki-share ng pagkain ni Doc Haze, ’no?” singit na naman ni Andrey, na hindi ko pinansin.
“Tapos ka na rin bang kumain?” I asked Avey at nang umiling siya ay nilapitan ko na siya. Kinuha ko ang dala niyang paperbag. “Come. Doon tayo sa clinic ko.”
“What about me, Doc Haze?” habol na naman ng kaibigan ko.
“Sumunod ka na lang kung gusto mo,” balewalang sabi ko saka ako nagsimulang maglakad.
“Come on, kain tayo,” narinig kong pag-aaya niya kay Andrey. Mabait nga siya kahit sa ibang tao.
Sa clinic ko ay sabay-sabay nga kaming kumain. Pinakilala ko na rin sila sa isa’t isa. Friendly rin kasi si Avey. Isa pang tukmol na si Andrey. Tuwang-tuwang pa siyang makipag-usap.
***
Sa mga sumunod na araw ay nagawa ko siyang ilabas, and yes as a date. But in the end nasaktan ko pa rin siya. Kasi noong nalaman kong babalik na sa bansa si Kreza ay nakalimutan kong may lakad kami.
Nahihiya na rin ako sa kaniya, kaya hindi ako umuwi sa bahay. Baka kasi makita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Nang makita ko naman siya ulit ay ’saktong bisita ko si Kreza. Kinumusta lang naman ako nito, pero sa mga mata ni Avey ay alam ko na ang ginawa ko.
Ayokong masaktan siya nang dahil lang sa akin. Naisip ko na may mas deserving sa pagmamahal niya at alam kong hindi iyon ako.
I just want to protect her heart, but it turns out na sobra-sobra ko pala siyang nasaktan.
“Haze, I love you so much...”
Siguro nga mabilis, sobrang bilis nang pangyayari na nagawa niya akong mahalin sa maikling panahon lang. Hindi ko alam ang gagawin ko, noong iniwan ko siya sa airport. Iyak nang iyak, nagmamaakawa siya na huwag ko siyang iiwan doon.
But when she told me how much she loves me, suko na ako. Suko na agad ako, and I don’t want to let her go. Bumalik pa rin ako, binalikan ko siya at hindi na siya tutuloy pa, nang hindi ako kasama.
***
“I love you, Avey. I really do, baby.” Iyon ang totoong nararamdaman ko, kahit pilit kong dini-deny.
“I-Iyong flight ko,” she said. I feel sorry for her, mugtong-mugto na ang mga mata niya.
“No, hindi ka na tutuloy pa roon. Hindi ka na aalis, Avey,” mariin na saad ko. Umawang ang labi niya sa gulat. Na ang bilis din magbago ang isip ko.
“I need to,” mariin na sabi naman niya.
“Not now, Avey please,” pakiusap ko. Hindi ko kayang pakawalan agad siya ngayon.
“W-Where did you taking me, Haze?”
“Sa condo,” mabilis na sagot ko.
“A-Ano naman ang gagawin ko roon, Haze? Bakit doon mo ako dadalhin?” she asked in confused. Babawiin niya sana ang kamay na hawak ko, ngunit hinigpitan ko lang iyon kahit na nagda-drive pa ako.
“Galit si mommy sa akin. Hindi pa ako puwedeng magpakita sa kaniya. Saka na kapag lumamig ang ulo niya,” sagot ko sa kaniya. Alam niya kasi ang ginawa ko sa inaanak niya at alam kong galit na galit iyon.
“K-Kung ayaw mo akong umalis ngayon ay bakit sa condo mo ako dadalhin?” she asked.
“Basta,” tipid na sagot ko lang.
“Naguguluhan pa rin ako, Haze.”
“We’ll talk later, Avey.” Bibigyan ko naman siya assurance para hindi na siya mabahala pa. Ayokong guluhin ang isip niya.
***
“What do you want to drink, Avey?” I asked her nang makarating na kami sa condo ko. Inilapag ko na rin sa center table ang bag niya at kinuha ko ang passport niya. Nakita pa niya na binulsa ko iyon. Hindi nga lang siya nag-react. Nakakunot lang ang kaniyang noo.
“J-Just a water, please,” she answered. I kissed her forehead bago ko siya iniwan sa sala.
Walang laman ang ref ko, maliban lang sa mineral water, energy drink at beer. Hindi ako makakapagluto mamaya.
Nang balikan ko si Avey ay wala na siya roon. Nahanap ko naman siya sa balkonahe.
“Avey, come here.”
“I want it here,” she said. I just nodded.
Naglakad na ako palapit sa kaniya at kumuha ng mauupuan namin. Hindi na siya naghintay pa na ibigay ko ang isang basong tubig. Basta na lamang niyang kinuha iyon.
Nang makaupo kami ay hinawi ko ang buhok niya at doon ko lang napansin na basang-basa siya ng pawis. Dahil na rin siguro sa pag-iyak niya kanina.
“You need to change your cloth, Avey. Basa na ng pawis mo baka magkasakit ka pa,” I said to her and I put my hand on her leg. Tinabig niya iyon. Napanguso ako.
“Hindi pa tayo bati, Haze. I need your explanation,” malamig na sabi niya. I sighed. Nagalit yata siya sa ginawa ko kanina.
“I’m sorry dahil hindi natuloy ang date natin last time, Avey—”
“Dahil sinundo mo ang ex mo, Haze.”
“That’s true.” Nakaramdam tuloy ako ng guilt.
“At sa loob nang dalawang araw na iyon ay dinala mo siya rito, right?” Marahan naman akong umiling. Naduduwag kasi ako na harapin siya. Puro excuse lang naman kasi ang nasasabi ko.
“Of course not. Ikaw pa lang ang dinala ko rito.”
“Bakit biglang nagbago ang isip mo, Hajinn? Nandoon na ako sa airport.”
I caressed her cheek, pero tinabig na naman niya ang kamay ko. Ang suplada naman ng mahal ko. “Dàmn it, baby. I can’t just leave you there while crying and hurting because of me. Habang naaalala ko na iniwan nga kita roon at nagmamakaawa na umalis ka na ay ang hirap-hirap na. Akala ko ay masisiyahan ako sa ginawa ko. But Goddàmn it. I can’t afford to lose you, Avey. Sinubukan ko lang naman kung kaya ko ba pero hindi pala. Niloloko ko lang ang sarili ko. Believe me, Avey.” I took her hand and kissed it.
“But what about your ex? Paano mo naman ipaliliwanag sa ’kin ang nakita ko sa clinic mo, Haze? Ano ang ginagawa niya roon kung hindi kayo nagkabalikan?” Hindi ko akalain na makikita ko ang ganitong side niya.
“She wants me back, that was true. But I refused, Avey. I now realize na hindi na siya ang mahal ko. Paniwalaan mo naman ako na nakuha mo agad ang loob ko kahit dalawang linggo lang kitang nakasama. Avey.”
“Ano naman ang gagawin ko ngayon, Haze?” tanong niya na tila maski siya ay naguguluhan na rin sa gagawin niya.
“Just stay with me, okay?” I pleaded.
“Pero ikaw naman ang nagsabi sa akin na kailangan kong umalis, and besides hindi naman ako rito nakatira.”
“I know that. I’m sorry for hurting you, Avey. Hindi ko intensyon iyon. Forgive me. Ikaw talaga ang mahal ko.” I tried to kiss her, but siya itong umiiwas. Ang pisngi niya lang ang nahalikan ko na ikinadaing ko.
“I’m still mad at you, Haze,” aniya at nang lumingon siya ay saka lang ako nakahalik sa labi niya. It’s too late para umiwas pa siya.
“Forgive me, baby,” I uttered and buried my face on her neck. I love her scent. Natawa na lamang ako nang kinurot niya ang braso ko. “Alam mo ba na sobra akong kinabahan, Avey? Akala ko kasi ay hindi na kita maabutan pa. Ang tànga-tànga ko, ’no?”
“Yeah, you’re so fúcking stúpid,” pagsang-ayon pa niya. Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagmumura. Eh, hindi naman siya ganito.
“At saan ka naman natutong magsalita nang ganyan, ha?” tanong ko at marahan kong pinitik ang noo niya.
“Wala kang pakialam, Haze. Akin na ang passport ko.” Napailing naman ako.
“Akin na muna ito.”
“Bakit mo naman kukunin ’yan? Akin ’yan, Haze.”
“Change your cloth first, Avey.”
Naging maayos naman ang lahat sa amin ni Avey. Nag-leave pa ako sa hospital para lang maihatid siya. Okay lang din sa kaniya kahit maging LDR kami, pero hindi ko lang inaasahan ay ang aksidenteng nangyari sa kaniya.
She lost her memories because of her amnesia. Akala ko kapag tuluyan na niya akong makalilimutan ay hindi niya ako matatanggap bilang boyfriend niya. Ngunit ang suwerte ko pa rin, she chose to stay with me.
Iniligtas ko yata ang mundo sa nakaraang buhay ko kaya ang suwerte ko ngayon sa kasalukuyan. Na may isang babae na kayang suklian ang pagmamahal ko. Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.
***
THE sound of my child’s cries brought me back to reality, reminding me of the precious family I’ve been blessed with.
Napatingin ako sa katabi ko. Sa frustrate na nararamdaman niya siguro ay natanggal na ang kumot sa kaniyang maliit na katawan. Nahubad na rin ang medyas na isinuot sa kaniya ng mommy niya last night.
“Hey, princess. Good morning.” Kinuha ko na siya bago pa man makarating dito ang mommy niya na hinahayaan ko lang siyang umiyak.
She’s our second baby, six months old pa lang siya, and her name is Anais Josephine. Nang nasa bisig ko na siya ay tumigil na siya sa pag-iyak.
Itinayo ko siya sa kandungan ko at pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. She looks exactly like her mom.
May munting luha pa siya. Nang makilala niya ako ay nagsimula na siyang mag-ingay. Inabot pa ng maliliit at matambok niyang kamay ang pisngi ko. I kissed her cheeks bago kami umalis sa kama.
Nang pumasok kami sa banyo ay hindi natigil ang pagbungisngis niya. Kung nakatingin naman ako sa ibang direksyon ay tinatampal niya nang mahina ang pisngi ko. Na parang gusto niyang nasa kaniya lang palagi ang atensyon ko. Oh, I love this little creature of mine.
Hinanap na namin sa labas ang dalawang taong bahagi ng pamilya namin. Ang mommy niya at ang Kuya Rayver niya. He’s only three years old. Siya ang panganay naming anak ng asawa ko.
Apat na taon na nga kaming kasal ni Avey at pinili na niyang manirahan siya rito kasama ko, and now. Dalawa na ang anak namin, and God knows gusto ko pang sundan ang bunso namin.
Nanirahan kami sa isang village, malapit lang ito sa subdivision ng mga magulang ko. Two-storrey house lang ito, ayon sa gusto ni Avey. ’Sakto lang ang laki para naman daw magkikita pa ang mga taong nakatira dito. Ayaw niya rin kasi nang mas malaki.
Pagkababa namin ay ’saktong pumasok naman ang mag-ina ko. Nginitian ko ang aking asawa at ang baby na nasa bisig ko ay mas lalong nag-ingay, nakilala niya rin ang kaniyang ina.
“Gising na pala ang baby natin. Good morning sa inyo,” nakangiting bati niya. Buhat-buhat niya rin si Rayver, na napalingon na sa direksyon namin.
“’Yo, Daddy,” mahina ang boses na bati nito sa akin. Napangiti ako at hinalikan ko ang pisngi niya saka ko siya kinuha. Inilipat ko kay Avey ang bunso namin.
Yumakap ang maliit na braso ng anak kong lalake sa leeg ko. “Bakit nasa labas kayo, Avey?” I kissed my wife’s lips.
“Nagdilig lang kami ng halaman doon. Gusto lang naman ng panganay natin na tumulong sa akin, kahit mukhang inaantok pa siya, e.” Tiningnan ko ang reaksyon ni Rayver. Talagang nakapikit na nga siya.
“I see.”
“Tara na mag-breakfast na muna tayo. Nakapagluto na ako,” pag-aaya niya na tinanguan ko naman.
May kasama naman kami sa bahay, dalawang kasambahay pero madalas ay pinagluluto niya kami ng agahan, lunch na madalas ay nagpapabaon din siya and even dinner.
After I proposed her a marriage at dalawang linggo lang ang itinagal ng preparasyon namin ay naikasal din agad kami ni Avey. Hindi na kasi ako makapaghintay na tawagin siyang asawa ko. I just smirk at that thought.
Ayoko na rin na pabalik-balik siya sa bansa para lang makasama ako. Tinanong ko rin siya dati kung mas gusto niya na manirahan kami sa bansa kung nandoon ang parents niya.
But she chose this country instead. It’s more peaceful, and she doesn’t want me to look for another hospital. My wife is so understanding and I’m lucky to have her.
***
Pinaupo ko na sa tabi ko si Rayver at parang isang pusa na kumikiskis sa akin. Natawa ako sa ginawa niya. Inaantok pa pero bumangon na agad.
May sarili naman siyang kuwarto at kahit tatlong taong gulang pa lang siya ay talagang kaya na niyang matulog na mag-isa.
“Wake up, son. Kakain na tayo ng breakfast.”
“I’m so syeepy, Daddy,” he said to me. I kissed his head.
“Imulat mo na lang ang mga mata mo,” sabi ko.
“Day off mo ngayon, babe, right?” she asked and I nodded. “Bumisita tayo sa parents mo. Na-miss na raw nila agad ang mga bata.”
“Okay. Ako na ang magtitimpla ng gatas ng anak natin. Maupo ka na lang diyan,” wika ko. Madalas na sinasabi niya sa akin na this is her duty as my wife and mother.
Pero kung kaya ko rin naman ay tumutulong ako. Hindi ko naman siya pinakasalan para lang may mag-alaga sa amin.
“Sige. Rayver, bad manners ’yan, anak. Umayos ka na sa pagkakaupo mo. Nagluto ako ng paborito mong agahan, e.”
“Ginisang patatas po?” narinig kong tanong ng anak namin. Iyon talaga ang isa niyang paboritong pagkain. Kahit araw-araw pa niyang kainin ay hindi siya magsasawa.
“Yes, anak.”
Tinapos ko na rin ang ginagawa ko para makakain na kaming lahat. Pagbalik ko ay tinulungan ko si Avey na makaupo ang bunso namin sa feeding chair nito.
Inosente pa niya kaming tiningnan, kung hindi lang siya inabutan ng kuya niya ng baby bread niya ay baka iiyak na. Mas gusto niya yatang
“Good girl,” nakangiting sambit ko at tuwang-tuwang na siya sa kinakain niya.
Naglagay rin doon ng kapirasong prutas ang kaniyang ina at kahit may hawak pa ang isa ay agad-agad niyang dinampot iyon.
“Walang aagaw sa iyo, baby. Sige, kain lang. Para mabilis kang lumaki.” Inasikaso ko na rin si Rayver na nakatingin lang sa kapatid.
“Kain ka na rin, Rayver.”
“Yes po, Daddy,” tugon naman niya na sinabayan pa niya nang pagtango.
Malaking achievement para sa akin na magkaroon ng isang masayang pamilya. Dati akala ko ibang babae ang makakasama ko sa pagbuo ng pamilyang ito. Siya lang pala, ang ina ng mga anak ko.
Pagkatapos naming kumain ay saka lang pumasok ang kasambahay namin na nasa edad na 40 at ang pinakabata ay 34. Hindi naman masyadong mabigat ang trabaho nila.
Madalas din kasi na isinasama ng aking asawa sina Rayver at Anais sa trabaho niya. May nursery room siya na sinadya niyang ipagawa. Iyon ang bagong branch nila ng nakatatandang kapatid niya.
Ayaw niyang kumuha kami ng babysitter, mas gusto niyang maging hands-on sa pag-aalala sa mga bata. Kung kaya’t iisang sasakyan lang kami araw-araw, maliban sa day-off namin pareho.
Sinadya rin yata ni Derman na magpatayo ng business nila na malapit lang sa hospital ng kaibigan ko. Nasa kabilang street lang ito. Kung gusto kong makita ang mag-iina ko ay makapupunta ako anytime I want.
“’By Avey? Mauna na kaming maligo ni Rayver. Come on, son. Bibisita tayo kina Lola Mommy at dad.” Inilahad ko ang kamay ko at mabilis niya itong hinawakan.
“Okay, babe.”
Una kong pinaliguan si Rayver. Dahil nga bata pa ay naglaro pa sa tubig. “Daddy, kaiyan po paya ako puwedeng magskuy?” nakangusong tanong niya.
Nilagyan ko ng bula ang ilong niya. “Saka na kapag five ka na, son,” sagot ko at itinaas niya ang kaliwang kamay niya, tapos nagbilang siya. Mga daliri niya ang itinuturo niya.
“Daddy, two pa?” At ipinakita nga niya sa akin ang maliit niyang dalawang daliri. Tinanguan ko siya.
“Sa ngayon ay makikipaglaro ka muna sa kapatid mo. Para hindi niya hanapin nang madalas ang mommy niyo at nakakapagtrabaho siya.”
“Eh, Daddy. Payagi na yang po tuyog si Anais,” nakasimangot na sambit niya.
“Look oh, bulol ko pang magsalita.” Mas lalo siyang napasimangot.
“Daddy, you’re so bu—” Tinakpan niya ang munting bibig, dahil alam niyang letrang Y pa rin ang mabibigkas niya.
“Baby ka pa, kaya bulol ka pa.” Hinalikan ko ang noo niya. Binanlawan ko na siya at pagkatapos ay binalutan ng bimpo.
“Ganito ka rin po ba, Daddy?” inosenteng tanong niya. Binuksan ko ng isang kamay lang ang cabinet niya para kumuha ng susuotin niya.
“Nope, your Lola Mommy hindi niya ako bini-baby talk,” I answered at namangha siya.
“Wow.” Iyon lang ang nasabi niya.
Pagkatapos ko siyang bihisan at lagyan ng kung ano-ano na nakasanayang ilagay sa kaniya ng mommy niya ay saka lang kami lumabas.
Nagtungo na kami sa kuwarto namin ni Avey at nadatnan namin siya na inaasikaso pa si Anais. Nakaligo na rin ito.
“Need help, wife?” Umiling lang siya.
“I can handle, babe. Maligo ka na roon.” Ininguso pa niya ang pinto sa bathroom.
“Alright.” Ibinaba ko na si Rayver sa kama at kinuha sa kaniya ang laruan niyang nasa bedside table.
“Anais,” malambing na tawag nito sa kapatid.
Hindi rin naman kami nagtagal pa at nang makapaghanda na ay saka kami umalis ng bahay.
Sa labas pa lang kami ng bahay ng parents ko ay nakaabang na silang lahat. Especially my sisters.
“Anais!”
“Rayver!”
As usual ay mag-uunahan silang kunin ang mga pamangkin nila. Lumapit nama kami ng asawa ko kina mommy at daddy. Pareho kaming nagmano at kinumusta agad nila kami.
“Akala namin ay mayamaya pa kayo pupunta rito,” sabi ni dad.
“Maaga po talaga kami pupunta rito para maraming oras mag-bonding ang mag-tita.”
Malapit si Anais sa tatlo niyang tita at kahit iwanan pa namain ni Avey rito sa bahay ay hindi kami niyan hahanapin. Basta ba busog siya at nakatutulog nang maayos.
Sa pamilya namin ay tatlo lang kami nina dad at Rayver ang lalaki. Kaya gusto ko pa talagang masundan namin si bunso. Alam kong mahirap, una ko mismong nasaksihan sa aking ina. Mabuti na lang ay kasama na namin si dad sa mga panahon na iyon.
“Rayver, greet your grandparents anak.”
“Yes, Mom! Hello, Lola Mommy and Lolo Daddy!” Hinalikan niya ang kamay ng mga ito bago siya nagpabuhat kay dad, just to reach my mom’s cheek.
“Hay naku, manang-mana ka talaga sa mommy at daddy mo. Sobrang lambing,” sabi ni mommy.
Totoong aloof ako noong bata pa lamang ako, pero pagdating kay mommy ay sobrang lambing ko raw. Akala ko nga rin ay hindi rin ako mapapalapit kay daddy.
“Come on, let’s get inside. Haze, son. Avey.”
I encircled my arm on my wife’s waist, as I kissed her temple. “Yes, Dad,” she answered. Sinulyapan pa niya ang mga bata na may sarili namang mundo.
“Sa loob na tayo, mga anak,” mother said to my sisters. Tumango lang sila.
Sumunod na nga kaming pumasok na natatawa lang dahil tinig ng bunso namin ang maririnig, hanggang sa makapasok na nga kami sa loob ng bahay namin.
“Manang, pasuyo na lang po ng pagkain,” narinig kong sabi ni mommy. Nasa bisig na niya ang apo niyang si Anais.
Hindi ito nangingilala kung alam niyang malapit sa kaniya ang mga taong bumubuhat sa kaniya. Paminsan-minsan din ay talagang sinusundo pa siya nina dad at mommy para lang makasama siya. Kung hindi naman ang grandparents niya ay ang mga tita niya mismo.
“Avey, kung marunong nang maglakad si Anais ay lalaking apo naman ang ibigay niyo sa amin ni Haze. Kaunti lang ang lalaki sa pamilya natin,” ani mommy. Awtomatikong napataas ang sulok ng mga labi ko at pinagmamasdan ko ang magiging reaksyon ng asawa ko.
Napahalakhak lang ako dahil sa pamumula ng magkabilang pisngi niya. Hinalikan ko ang sentido niya.
“Hmm, we’re gonna try po, Mommy,” nahihiyang sagot niya.
“Sa parents mo nga, anak. Dalawang lalaki rin ang naging anak nila, kami ng Daddy Eujinn mo. Marami nga kaming anak pero biniyayaan lang kami ng isang anak na lalaki,” she said at tumingin pa nga sa ’kin si mommy. “Pero okay lang, panganay naman namin siya.”
“Sa amin naman po, Mommy. Ako lang din ang nag-iisang anak na babae. Kaya ang gusto ko rin po sana ay babae ulit. Right babe?” Nilingon pa ako nito.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan. “Kung ano man ang gender ng susunod na magiging anak natin ay okay lang, mamahalin pa rin natin siya,” aniko at napangiti na lang siya sa sinabi ko.
“Parang hindi lang po yata isa ang gustong susundan ng asawa ko, Mommy, Dad. Gusto pa ho yata ng anak niyo ng dalawa pa, lalaki at babae,” naaaliw na sabi niya.
“Basta kung kaya mo pa, hija. Saka sapat na rin siguro ang dalawa lang, may babae at lalaki na kayo,” sabi naman ni dad. Ako naman ang napailing, kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.
“Kulang pa, Dad. Gusto ko pang maging ate si Anais,” sabi ko at sinulyapan ang anak ko na wala na yatang pakialam sa amin ng mommy niya.
“O siya, kung ano man ang gusto niyo ay pagbibigyan na namin kayo,” he said.
“Anyway, Avey. Kami naman ang magbabakasyon sa inyo. Next week na ang flight namin. Isasama namin ang bunso namin,” si mommy.
“That’s good, Mommy. Para naman po may bagong kakuwentuhan si mommy,” sabi naman ng asawa ko.
Nang dumating na rin ang pinasuyo ni mommy ay sabay-sabay kaming kumain, kahit katatapos pa lang naming kumain sa bahay namin.
Ganito pala talaga ang pakiramdam iyong may sarili kang pamilya at kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Sobrang saya pala talaga.
A/N: Hello, dudes! May special chapter pa po tayo! Wait niyo lang po.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top