CHAPTER 8
Chapter 8: Visited him
“MOM, Dad. Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Ayos na ayos po ako rito. Mabilis lang po ang vacation ko at makasasama niyo naman po ako soon,” sabi ko.
“Of course, we’re worried. But I know you can handle yourself, Avey. Hindi ka naman na bata pa. Tama lang ang mommy mo na hindi ako sanay na hindi ka nakikita rito sa bahay natin,” pahayag pa ni daddy.
“Eh, kahit noong nasa condo po ako ay sanay ka na rin po,” nakangusong sabi ko na tinawanan niya.
“Kasi alam kong narito ka. Hindi riyan sa Pilipinas.” Matagal kaming nag-usap ng family ko bago kami nagpaalam sa isa’t isa.
I checked my wristwatch. Lunch time na. Naisip ko naman bigla si Haze at nang may naisip ako ay saka ko lang pinuntahan si Ninang Hazel sa kitchen niya and she’s wearing her uniform as a chef.
“What do you want to eat, Avey?” agaran niyang tanong nang makita ako.
“Ninang, mga ano’ng oras pong kumakain ng lunch nila si Haze?” sa halip ay iyon ang itinanong ko.
“1 p.m, iyon lang ang break time niya sa ospital. Why?” Lumubo ang pisngi ko sa nalaman kong oras nang pagkain ni Haze.
“Masyado na pong late ang 1 p.m. But puwede ko po bang dalhan ng lunch niya si Haze? Tapos sabay na kaming kumain,” nakangiting pahayag ko at napangiti rin si ninang.
“Of course, Avey. Ako na ang maghahanda sa dadalhin mong pagkain niyo. Just take a sit and wait niyo me.” I nodded. “May juice sa ref, hija. Kumuha ka.” Sumunod lang din ako. Kanina pa nga rin ako nauuhaw.
Kakaibang experience naman talaga ang pagiging waitress ko at energy mo talaga ang mawawala. Now I know the feelings. Nakapapagod din naman ang work ko kung minsan.
Kalahating oras ang nakalipas at naihanda na agad ni Ninang Hazel ang lunch namin ni Haze. Nakalagay na ito sa paperbag.
“Ipapahatid kita sa ospital, Avey.” Umiling ako kay ninang.
“Sasakay na lamang po ako ng taxi, Ninang. Alam ko naman po kung saang hospital nagtatrabaho ang anak niyo.”
“Hay, Avey. Napakabait mo talagang bata. Sige na, lumakad ka na dahil baka hindi mo maabutan ang anak ko. Lumalabas din iyon para kumain ng lunch niya. Kapag may sapat siyang oras ay rito siya mismo nagpupunta kasama ang mga kaibigan niyang doctor,” mahabang saad pa niya at kinuha ko na ang paperbag.
Humalik pa ako sa pisngi niya saka ako tuluyang nagpaalam sa kaniya. Pumara agad ako ng taxi at nang makita ko ang sarili ko ay napatampal na lamang ako sa noo ko.
“Nakalimutan kong magpalit ng damit. Hala,” natatawang sabi ko at mapatingin pa sa akin ang taxi driver nang bigla na lamang akong natawa sa backseat. Nginitian ko na lamang si manong.
Inilabas ko ang phone ko dahil may pera akong nailagay rito. Naka-off ang cellphone ko, kaya naman pala kay ninang sila tumawag hindi sa akin. Nakalimutan ko rin kasing buksan ito.
When I reached the hospital, diretso akong nagpunta sa information desk para itanong kung nasaan si Haze sa mga oras na ito.
“Avey?” Bago pa man ako makalapit sa babae ay narinig ko na ang boses ni Haze.
“Hi!” I greeted him and I wave my hand. Hindi nag-iisa si Haze, dahil may kasama siyang isang lalaki at doctor din ito. Pinasadahan ako nang tingin ni Haze at nagsalubong pa ang kilay niya. Ipinakita ko sa kaniya ang paperbag. “May dala po akong lunch.”
“Wow, may special delivery ka pa, Doc Haze? Nagmula pa sa resto ng mommy mo at ang ganda pa niya—aw! Namimisikal ka na, ha? Doctor ka pa naman.” I chuckled nang bigla na lamang niyang siniko ang lalaki.
Ang mga kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng pants niya pero napahimas siya sa tagiliran niyang nasaktan.
“Avey, bakit nakasuot ka ng uniporme ng resto ni mommy? Nagtrabaho ka ba roon?” kunot-noong tanong niya.
I nodded. “Sinubukan ko lang po,” I answered.
“Hi, puwede naman siguro akong maki-share ng pagkain ni Doc Haze, ’no?” pagsingit na tanong ng lalaki. Wala sa sariling napatango ako. Alam ko rin naman kasi na maraming pagkain ang inihanda si Ninang. Dahil may kabigatan ang paperbag.
“Tapos ka na rin bang kumain?” Umiling ako sa tanong ni Haze. Humakbang siya palapit sa akin at inagaw niya ang paperbag na dala ko. “Come. Doon tayo sa clinic ko,” pag-aaya niya sabay hawak sa braso ko.
“What about me, Doc Haze?” the man asked him and nilingon ko rin siya. Napataas ang sulok ng mga labi ko dahil parang bata kung umasta siya. Ang cute niya lang.
“Sumunod ka na lang kung gusto mo,” tila nagsusungit na sagot sa kaniya ni Haze.
“Come on, kain tayo,” pag-aaya ko at sumilay pa ang maganda niyang ngiti.
NANG nasa clinic na kami ni Haze ay silang dalawa ng kaibigan niyang doctor ang naghanda ng kakainin namin. Ako naman ay abala SA pagsuri ng mga gamit sa loob.
Napakalaki ng clinic niya at puro parts of the body ang mga poster na nakadikit sa pader. May mga certificate rin siya sa pagiging best doctor niya.
“Kinakapatid mo pala siya and she came from abroad?” Napalingon ako sa nagsalita at nang magtama ang paningin naming dalawa ay mabilis niya akong nginitian.
“Avey, he’s Andrey Calelan. One of my friends,” Haze said at napatingin ako sa kaniya.
“I’m Dhea Averay Lacsamana, nice meeting you, Dr. Andrey,” I said and smiled at him.
“Oh, likewise, Miss Dhea,” he said. “Doc Haze, hindi lang pala siya maganda. Mabait din siya,” narinig kong sabi pa niya, dahilan na nakaramdam ako nang pang-iinit sa magkabilang pisngi ko.
Kunot-noong tiningnan din ako ni Haze, bago niya binalingan ang friend niya.
“Bata pa siya, Doc Andrey.” Napanguso na lamang ako sa sinabi niya dahil bata pa rin ang tingin niya sa akin.
“Yeah? Mukhang hindi naman na, ah. Hinahatiran ka na nga niya ng lunch at nakauniporme pa siya,” ani Dr. Andrey.
“Shut up, man. Come on, Avey. Kumain ka na rin at pagkatapos ay ihahatid kita sa resto.”
“Haze, kaya ko nang bumalik na mag-isa pero sige, hindi kita tatanggihan diyan,” nangingiting sambit ko na ikinailing na lamang niya.
“Kung bata pa talaga siya ay dapat nga kuya ang itatawag niya sa ’yo,” ani pa ng kaibigan niya.
“Shut up. Kumain ka na lang diyan,” supladong saad ni Haze at sabay na ibinigay niya rito ang kurbyertos.
Base pa lamang sa gesture nilang dalawa ay mukhang close na close rin sila sa isa’t isa. Natutuwa ako sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top