CHAPTER 7

Chapter 7: Waitress

IN THE next day ay si Ninang Hazel na lamang ang nadatnan ko at inaya na agad niya ako ng breakfast. Dahil kagabi, pagkatapos kong uminom ng gatas na tinimpla ni Haze ay nakatulog agad ako. Napahimbing nga kaya medyo late na akong nagising.

Kaming dalawa na lang ni ninang ang nasa dining. Fried rice, scramble egg and salad ang niluto niya. May hinanda rin siyang cookies.

“Ninang, wala po ba kayong work today?” I asked her.

“Mayroon naman, hija. But I chose to stay at home kasi nandito ka. Busy ang mga anak ko sa school and Haze sa work naman niya. So, ako ang maiiwan sa bahay para may kasama ka. Just tell me kung gusto mong mamasyal sa labas at sasamahan kita,” nakangiting sabi niya at hindi lang talaga maganda si Ninang Hazel.

Napakabait talaga niya at maasikaso siya. May konsiderasyon din siya, pinili niya ang huwag pumasok sa work niya just for me.

“Don’t worry about me, Tita. Medyo pamilyar na rin po ako sa lugar niyo at kaya ko pong mamasyal na mag-isa. Vacation ko po ito at ayoko pong makaabala sa inyo.” Mahinang natawa si ninang sa aking tinuran.

“Hindi ka na ibang tao sa amin, Avey. Gusto ko rin na bago matapos ang bakasyon mo rito ay uuwi ka nang masaya sa inyo. Gusto kong maging memorable ang solo vacation mo sa amin at sana sa susunod ay kasama mo na ang parents mo and your brother Derman,” wika pa niya at napatango ako.

“Thank you, Ninang. Sobrang bait niyo po talaga. No wonder po na sa katulad niyo nahulog so Ninong Eujinn,” aniko na ikinatawa naman niya.

“Yeah, siguro nga, hija. Sige na, kumain ka lang at magpakabusog.”

“Pero, Ninang. Gusto ko pong makita ulit ang resto mo,” munting request ko.

“Dadalhin kita ngayon doon, Avey.”

After the breakfast, I went to the guestroom to change my cloth, since tapos naman na ako naligo. I chose to wear my black halter dress and three inches ankle strap heels. I apply a light make-up in my face. Ang hair ko naman ay hinayaan ko na lang siyang nakalugay sa balikat ko.

Si Ninang Hazel ang nag-drive ng kotse niya at nagtungo na nga kami sa resto niya. Minsan na rin kasi akong nakapunta rito at talagang masasarap ang lahat ng food service nila. My ninang is a good chef too.

“Halos wala pa pong pinagbago, Ninang,” sambit ko at maayos nang nakapag-park ang aking ninang sa parking space.

“Yeah,” tipid niyang sagot at sabay pa kaming umibis mula sa sasakyan.

Agad na humawak sa braso ko si Ninang Hazel at iginiya niya ako papasok sa loob. Maaga pa kung kaya’t iilan pa lamang ang mga customer nila at nang tuluyan kaming makapasok ay mas namangha ako.

“Ang ganda pa rin ng ambiance,” komento ko pa. “Ninang, puwede po ba akong mag-part time job sa inyo?” biro ko and she let out a short laugh.

“Do what you want, hija,” she said.

“Since busy pa si Haze at hindi ko siya makausap ngayon.” Tumango-tango lamang siya.

“Kapag napagod ka ay pumasok ka lang sa opisina ko, Avey. Nasa kusina lang ako,” paalam niya at lumingon siya sa kailang direksyon. “Chea, pakihatid sa staff room nito si Avey. Magtatrabaho siya as a waitress pero hindi siya full time worker. She’s my inaanak.”

“Sige po, chef!” masayang tugon ng babaeng nagngangalan na Chea. Maganda naman siya at mukha ring mabait. “Tara po sa staff room, Ma’am. Para makapagpalit ka na rin ng damit,” pag-aaya nito.

“I’m Avery, just call me Avey,” pakilala ko.

“Rachea naman po ang pangalan ko,” wika naman niya at napangiwi ako.

“Huwag mo na akong i-po, Chea. Same age naman siguro tayo,” aniko at napakamot siya sa pisngi niya.

“Sige, tara dito, Avey.” Nauna siyang naglakad at sumunod naman agad ako.

Black and red ang color ng uniform ng waitress at may cute na ribbon pa sa leeg. Napangiti ako nang makita ko ang sarili ko sa malaking salamin nila.

“Ang ganda ng uniform niyo,” komento ko at ’sakto lang ang haba ng skirt. Iyong tipong hindi ka masisilipan if ever na may mga bastos silang customer.

“Oo. Tara na sa labas para makapaghanda ka na rin,” aniya. Nakatali na ang buhok ko para hindi ito maging sagabal sa akin.

As far as I remember ay hindi ito ang main branch na restaurant ni Ninang Hazel, malayo raw iyon sa mansyon nila at ang best friend niya ang namamahala roon.

Dahil nga na kaunti pa lang ang customer nila ay sa counter ako tumatambay. Habang tumatagal din ay dumarami na sila. Hindi naman na-d-delay ang food na in-order nila kasi mabilis ang service nila.

Hanggang sa tinawag ako ni Ninang Hazel, dahil nasa naka-video call daw ang parents ko. I approached her.

“Hi, Mom, Dad! Where’s Kuya po and Dhelo?” I asked them at nailipat sa kung saan ang camera. Nakita kong nakaupo sa sofa si Kuya Derman. May kung ano siyang tinitipa sa laptop niya at katabi rin niya si Dhelo na sumisimsim yata ng gatas.

“Hi, Ate! How’s the Philippines?” Dhelo asked me.

“Like the usual, Dhe. Buhay na buhay pa rin ang Pilipinas,” sagot ko at nakarinig ako nang tawa na mula sa parents ko.

“I already miss you, Ate. Balik ka na po!” dagdag pang sabi niya na ikinangiti ko.

“After two week, Dhe,” sagot ko at sumimangot siya.

“So, how’s your vacation, Dhea?” my older brother asked me.

“It’s fine, Kuya. Next time ay sumama na raw po kayo sa vacation ko. Hinahanap po kayo nina Ninang Hazel at Ninong Eujinn,” aniko.

“Next time,” sabi na lamang niya.

Muling nakatutok ang camera kina mommy at daddy. “Sigurado talaga ang two weeks vacation mo riyan, anak? Hindi ba masyadong matagal iyan?” tila nalulungkot na tanong naman ng aking ama. Nakahilig sa balikat niya si mommy.

“Mabilis lang naman po iyon, Dad. Right, Mom?” baling ko sa mommy ko.

She shrugged her shoulders. “Ang gusto ko lang ay mag-e-enjoy ka rin diyan, honey. I can wait for you naman. At ang daddy mo, you can’t blame him. Nag-iisa ka lang naming anak na babae. He’s worried at hindi rin siya sanay na hindi ka nakikita sa bahay,” mahabang sabi ng aking ina.

Naiintindihan ko ang parents ko kung masyado silang nag-aalala sa akin but I can handle myself naman. No need to worry about me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top