CHAPTER 6

Chapter 6: Heart to heart

“I WANT to help you to forget your first love, Haze,” I told him and stilled. Kunot-noong nilingon niya ako at nang ma-realize niya kung ano ang pinagsasabi ko ay umiling siya.

“What do you mean by helping me to forget her?” he asked me in confused.

“Gamitin mo ako, Haze. Gamitin mo ako para tuluyan mo na siyang makalimutan. I don’t mind if you use me,” I said but he shook his head.

“Hindi ako ganoong klaseng tao na, Avey. Para lang makalimot ako ay kailangan kong gumamit ng ibang tao, alang-alang sa kapakanan ko. Don’t do that. Hindi deserve ng mga tao ang gamitin lang. Hayaan mo akong makalimot dahil alam kong makakaya ko iyon nang mag-isa,” seryosong sabi niya at humakbang siya palapit sa ’kin sabay niyang inilapag ang mug ng gatas na tinempla niya.

“In a good ways naman iyon, Haze. Don’t get me wrong. Gusto ko lang na hangga’t nandito pa ako ay matulungan kitang makalimot. Ipasyal mo na lang ako sa mga lugar na gusto mo and let’s enjoy, okay?” nakangiting sabi ko at napailing lamang siya. Mayamaya ay napangiti na rin siya.

Ang saya ko dahil napangiti ko siya, kahit na ayaw niya sa idea na magpapagamit ako. Ang ibig kong sabihin doon ay gusto ko siyang pasayahin. Iyong tipong wala siyang ibang iisipin kundi ako lang. Lilibangin ko lang naman siya, eh.

“So, how’s your parents? Derman is your older brother, right? At may isa ka pang nakababatang kapatid.” Tumango ako.

“Ayos lang naman ang parents ko, including my brothers,” sagot ko na ikinangiti niya ulit.

“Kung ganoon. Nag-iisa ka lang na anak na babae ng parents mo,” sabi niya at tumango ako.

“Hindi ba ikaw rin? Nag-iisang anak na lalaki ka rin ng mga magulang mo,” aniko at tumango-tango naman siya. “Kung ganoon ay bagay tayo?” Natawa siya sa huling tanong ko. Ang bilis-bilis nang pintig ng puso ko at napakaganda sa pandinig ko ang halakhak niya na nagmistulang musika. “Sana palagi kang ganyan, Haze,” sambit ko at natigilan siya.

“What?” he asked.

“Minsan kahit gusto natin ang isang bagay ay pansamantala lang natin ito makasasama at darating pa rin ang tamang panahon na mawawala na iyon sa atin. Kaya, Haze. Isipin mo na lang na isang lumang bagay ang pinakawalan mo. Dahil balang araw din ay muli mong mahahanap ang bagay na sa tingin mo na hindi maluluma na mas tatagal pa sa ’yo,” mahabang pahayag ko at nagsalubong lang ang kilay niya. Nginitian ko siya at sumimsim na lamang ako ng gatas.

“May boyfriend ka na ba, Avey?” Pagkatapos nang katahimikan sa pagitan namin ay nagsalita na rin siya. Akala ko nga ay hindi na siya iimik pa at makokontento na siya sa pagmamasid sa ’kin.

Pero nang magtanong siya tungkol sa, kung may boyfriend na ba ako ay hindi ko maiwasan ang mapangiti.

“Single ako since birth, Haze. Bakit liligawan mo ba ako? Puwede naman, papayagan kita na ligawan ako. Baka sagutin pa kita agad,” sabi ko at napailing na lamang siya, ngunit may multo sa mga labi niya.

“Masyado ka ngang straightforward, Avey. Ayoko sa idea na mga naiisip mo dahil baka masaktan kita,” wika niya para ako naman ang matigilan.

“Hindi mo naman ako masasaktan. Hindi mo pa nga nasusubukan,” saad ko at nangalumbaba siya. Diretsong nakatitig ang mga mata niya sa akin.

“As you can see, mukha akong okay but deep inside. Hindi ako okay, Avey. I’m a brokenhearted person at hindi pa buo ang puso ko. Umaasa pa rin ako sa pagbabalik ng isang tao kahit alam kong napakaimposible na. Avey, hindi ka puwedeng magmahal ng isang tao kung alam mong hindi pa siya buo at hindi rin maayos emotionally and mentally. Pumili ka ng mapagkakatiwalaan mo at magbibigay sa ’yo ng kapayapaan sa puso. Hindi ko kayang sakyan ang mga biro mo dahil natatakot akong masaktan ang isang inosenteng katulad mo na wala pang karanasan pagdating sa pag-ibig,” mahabang litanya niya at aminado akong tagos hanggang buto ko ang mga katagang lumabas mula sa kaniyang bibig.

Inaamin ko rin naman na wala pa akong experience when it comes to love. “Tama ka, but Haze. Hayaan mo akong ma-experience ko rin ang love na iyon sa pamamagitan mo,” usal ko at hayon na naman ang mahina niyang pagtawa.

“Avey, nagagawa mong pagaanin ang bigat sa dibdib ko,” he said and I nodded.

“Exactly, Haze. Iyon ang ibig kong sabihin. Pagaanin ang bigat sa dibdib mo, at magawa kong pangitiin ka pero lumabis ang nais ko, dahil nagawa ko ring pasayahin ka. Tumawa ka at alam kong saglit mong nakalimutan ang realidad,” mahabang wika ko pa.

“You know what, Avey?” he asked.

“Hmm?” tugon ko naman.

“Ubusin mo na lang ang gatas mo para makaakyat na tayo sa kuwarto natin,” sabi niya at napangisi naman ako. “Ano na naman ang iniisip mo riyan?” nakataas ang kilay na tanong niya.

“Sige, wait lang. Aakyat na tayo sa kuwarto natin!” pagsang-ayon ko at hayon, natawa na naman siya sa mga biro ko.

Ilang minuto pa ang itinagal namin doon bago kami umalis sa kusina. Siya pa ang naghugas ng mug kahit pinilit ko siya na ako na ang gagawa pero ayaw niyang mag-abala pa raw ako.

Kinabukasan ay hindi ko na naabutan pa si Haze dahil maagaw raw itong umalis. Call of duty, eh.

“Ano ang pinag-usapan ninyo ni Haze kagabi, Avey?” tanong ni ninang. Kami na lang ang nasa kitchen dahil tapos na kaming nag-breakfast.

Pumasok na rin sa school nila ang kambal at ang bunso. Si Ninong Eujinn mismo ang naghatid sa kanila. Ang alam ko rin ay may sariling restaurant si ninang at nagkaroon siya ng branch na malapit lang dito.

“Hmm, about his first love po, Ninang. Binibiro ko po siya at natatawa na lamang po talaga siya. Akala niya ay biro-biro lang iyon, ang hindi niya alam ay makatotohanan ang ibang sinabi ko sa kaniya,” mahabang sagot ko.

“Bumaba kasi ako kagabi para sana uminom ng tubig pero nakita ko kayo sa balkonahe at nag-uusap. Nawala ang pagkauhaw ko sa kaalaman na hindi agad pumasok sa kuwarto niya si Haze at nakikipag-usap pa siya. Dati kasi ay maaga siyang magpapaalam sa amin upang magpahinga. Kahit sinusubukan namin siyang kausapin ng ninong mo ay okay lang ang tanging sagot niya at huwag na raw kaming mag-aalala pa,” pahayag naman ni ninang.

“Mukha lang po siyang okay, Ninang. Pero sabi po niya ay hindi talaga siya maayos. I think po pinipilit niyang magmukhang maayos siya para hindi na ninyo siya alalahanin pa. He told me too po na umaasa pa rin siya sa pagbabalik nito kahit alam niyang imposible na,” sabi ko naman at napatango siya.

“Masakit talaga ang unang pag-ibig, hija. Lalo na kapag maling tao ang minahal mo.” Napailing naman ako sa sinabi ni ninang.

“Hindi po maling tao ang minahal ni Haze, Ninang. Sadyang hindi lang po talaga ito ang nakatakda para sa kaniya. Hindi rin po mali ang magmahal at dahilan nito na nasaktan pa rin tayo sa huli. Binigyan lang po tayo ng lessons at magiging matatag tayo kapag nagmahal tayo ulit ay magkakaroon na tayo ng limitasyon. Ninang, lahat po tayo ay dumaraan sa sakit. Alam kong kayo rin po, tama?” Tumango siya at nakita ko ang pagkaaliw sa mga mata niya. “Ang maling taong sinasabi nila na minahal natin. Sila po mismo ang magbibigay sa atin ng aral. Lahat ng emosyon ay pinaramdam sa atin at katulad pa rin sa mundong ito na wala pa ring permanente. Kasama ng taong iyon na lilisan at maiiwan ang sakit. Nasa atin na kung paano natin maigagamot ang sakit na dinulot niya at tanging tayo lang ang makagagawa niyon. Gusto pa Niyang tumayo rin tayo sa sarili nating mga paa.”

“Hija, ang dami mong alam pagdating sa mga ganyan. Ang ganda nga nang pagpapalaki sa ’yo ng mga magulang mo. Lumaki ka na maraming nalalaman pagdating sa buhay pag-ibig. I wonder kung naranasan mo na ba ang magmahal,” naiiling na wika niya.

“Ninang, nagsimula po sa crush o pagkagusto ang pagmamahal, ’di ba?”  She nodded again. “Alam niyo po na hindi ko lang crush ang anak niyo. Gusto ko rin po si Haze. Kaya noong tinanong niya ako kung mayroon na ba akong boyfriend ay tinanong ko rin siya kung gusto niya akong ligawan. Dahil tiyak sasagutin ko rin po siya,” nakangiting sabi ko at si ninang naman ang nagawa kong patawanin.

“Avey, sa tingin ko nagmana ka sa mommy mo. Gustong-gusto ko rin ang humour niya at talagang kuhang-kuha mo ang ugali niya. Proud na proud ako sa ’yo, hija. Masuwerte ang mapapangasawa mo dahil hindi ka lang maganda. Mabait na bata ka rin at maunawain,” aniya.

“Eh, ’di masuwerte nga po talaga ang anak niyo, Ninang?” She laughed again.

Sa nakikita ko ay may nakuha rin naman si Haze na katangian sa mommy niya.

Napakaganda rin ni Ninang Hazel at siya rin ang inang alam kong napakabait at mapagmahal na asawa. Masuwerte rin si Haze dahil sa kaniyang mommy.

Ganoon din naman ako. Mababait at maalalahanin din ang parents ko. Suportado rin sila pareho. Kailanman ay hindi sila naging hadlang sa nais naming gawin sa buhay. Hindi nila kami pinapangunahan.

Kaya siguro, hindi rin kami naging sakit ng ulo ng kuya ko. Dahil maayos ang pagpapalaki sa amin ng mommy at daddy namin. Hindi sila naging strict.

“Ninang, bibisita ako kay Haze. Doon mismo sa hospital nila,” sabi ko.

“Sure, hija.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top