CHAPTER 4

Chapter 4: Twins

“ANO’NG nangyari sa panganay ko, hija? Nagmamadali masyado at nakita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi niya,” komento niya nang mapansin niya nga ang pagmamadali ng kanyang anak. Sinundan ko nang tingin ang paglalagay ni Ninang ng foods and drinks sa coffee table.

“Ewan ko nga po sa kanya, Ninang, eh.” I shrugged. Wala akong idea.

“Kain ka muna, hija. Tapos magpahinga ka. May jetlag ka pa.” Sinabayan naman ako ni Ninang Hazel.

“Thank you po rito, Ninang. Alam niyo po sa sobrang excited ko na makarating agad dito ay hindi po ako nakatulog sa biyahe,” pagkukuwento ko.

“Nah, tiyak akong babawi ang katawan mo sa pagtulog niyan mamaya. By the way, Avey. Kumusta naman ang parents mo at bakit mag-isa ka lang ang nagbakasyon dito?” mayamaya ay tanong niya.

Paano makakasama ang family ko, eh sa desisyon kong mag-isa ito?

“Okay lang po sila, Ninang. This is my plan po na mag-vacation sa inyo. Wala pa po sa plano nina Mommy at Daddy,” sagot ko.

“Sana ay maisipan din nila. Matagal-tagal na rin noong huli kayong nagbakasyon na buong pamilya. Naka-m-miss ang family bonding natin, Avey.”

“Kaya nga po,” ani ko. Nagkuwentuhan lamang kami ni Ninang Hazel hanggang sa ihatid niya ako sa guest room.

Pagpasok ko sa loob ay sa bed agad ang bagsak ko. Hinubad ko lang ang slippers na suot ko at padapa akong tumalon sa kama. Sa sobrang lambot nito ay nag-bounch pa ang katawan ko.

“Nasa baba lamang ako, Avey. Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiya sa akin.”

“Wala po kayong pasok today, Ninang?” tanong ko at sumilip ako mula sa balikat ko. Nasa pintuan pa kasi siya.

“Mayroon, hija. But I chose to stay at home para salubungin ka sa pagdating mo. Para may kasama ka naman dito. Nasa school pareho ang kambal at ang bunso ko. Ang Ninong mo at so Haze ay nasa trabaho naman nila,” she said. Ang bait-bait niya talaga. Hindi siya pumasok para lang salubungin niya ako.

“Thank you po.”

“Rest for now, Avey.” I nodded and closed my eyes.

Nakatulog naman ako at naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Tinatamad akong bumangon.

“M-Mom, ikaw po ba ’yan?” inaantok kong tanong at umayos ako nang higa. Kumunot ang noo ko sa pagmulat ko ay dilim lang ang makikita ko. Bigla naman akong nakaramdam nang takot. “Mom! What happened to my eyes?! Bakit wala akong makita?!” natatarantang sigaw ko at napabalikwas ako nang bangon. Dahil sa comforter ko na na-stuck sa paa ko ay bigla akong nahulog sa kama.

Napaigik ako sa sakit dahil sa malakas na pagbasak ko. Malakas na bumukas ang pintuan at nakarinig pa ako nang malutong na pagmura mula roon. Nabuksan naman ang ilaw at doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Akala ko pa naman ay nabulag na ako!

Bigla namang umangat pataas ang katawan ko at may bumuhat sa akin. Nagtatakang tiningnan ko ang lalaki. Maingat niya akong ibinaba sa kama at umupo rin siya sa gilid nito.

“Are you alright?” nag-aalalang tanong nito at sinuri ang magkabilang braso ko pataas sa mukha ko. My eyes widened in shocked when I saw him.

Right! Nasa Philippines pala ako at pinili ko ang magbakasyon dito sa Montefalcon family. Hala, nakalimutan ko!

“I’m fine, Haze. Thank you.” Marahan kong binawi ang braso kong hawak niya. Matamis na nginitian ko siya.

“Bakit ka nahulog?” salubong ang kilay na tanong niya.

“B-Bumangon kasi ako. Natakot ako na makitang dilim ang sumalubong sa akin,” nahihiyang sagot ko. Tinanguan niya ako at inalalayan na makababa.

“Go change your cloth. Nakahanda na ang dinner natin,” sabi niya. Mabilis niyang nabawi ang kamay niya nang may maramdaman yata siya. Nagtatakang tiningnan pa niya ang palad niya. Hindi man lang naglaho ang ngiti sa mga labi ko.

“Dito ka madalas umuuwi?” I asked him. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya.

“This is my home. What do you expect?” he asked pero hindi naman siya nagsusungit.

“Madalas kasi ay sa condo tumitira ang mga panganay na anak. Especially anak na lalaki. Glad to know na umuuwi ka sa bahay niyo para makita naman kita everyday, Haze,” I said at umawang pa ang labi niya. May nasabi yata ako na hindi niya nagustuhan.

“Why are you like that?” tanong niya.

“Hmm?”

“Nevermind. Sumunod ka na lang sa baba,” paalala niya at nagtungo na siya sa pintuan para makalabas na rin.

Malaki pala ang guest room, hindi naman siya boring tingnan dahil may mga painting siya at puro nature and flowers ito. Maganda ang structure and furniture, light blue siya and white.

Nagtungo na ako sa banyo para makaligo na rin at makapaghanda sa dinner. Ayokong paghintayin sina Ninong at Ninang.

Pinili ko ang color peach jumpsuit na may sleeveless sa ilalim nito. Tinuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer na nakalagay sa vanity table. Bukas ko na lamang aayusin ang mga damit ko. Kaunti lang naman ito kahit isang buwan ako mananatili rito. May dala kasi akong pasalubong kaya may kalakihan din ang maleta.

Hinila ko ito palabas at napasinghap pa ako nang makita ko ang kamukha ng kambal. Siya siguro ang bunsong anak.

“Oh, ikaw po pala ang visitor namin. Ate Avey, right?” she asked. Ang cute na bata naman nito. Nakatirintas ang buhok niya at nakasuot na siya ng pink niyang pajamas.

“Hello,” I greeted her at binitawan ko muna ang maleta ko para lapitan ang batang babae. “You must be Euza?” I asked her and she nodded.

“I heard a lot about you po, Ate Avey. You used to play with me dati and may naaalala pa even a little,” she said. Aw, mabuti pa siya ay naaalala ako.

“Eh? Ang kuya mo naman ay hindi ako maalala. Why naman ganoon?” nakangusong saad ko. Hinalikan ko sa dalawang pisngi niya si Euza.

“Nice meeting you again, Ate Avey. What’s with your suitcase po? Bakit mo inilalabas ’yan from your room?” curious niyang tanong.

“This is my pasalubong sa inyo. Mga damit and perfume,” sagot ko at napapalakpak siya.

“Oh, I see! Let me help you po!” tuwang-tuwa sigaw niya at bago pa man namin pagtulungan na ibaba ito ay may kamay na ang lumipat sa handle nito saka niya binuhat. “It’s Kuya! Thanks po!”

Hinawakan na lamang ni Euza ang kamay ko at sumunod na kami sa kuya niya na pababa na rin sa hagdanan. Iniwan niya lamang iyon sa living room nila at walang lingon-lingon na pumasok sa kitchen nila.

Sa dining area ay naabutan ko pa na tinutulungan ni Ninong sa paghahanda ng dinner namin ang wife niya. Nakasuot pa nga ito ng white longsleeve na naka-fold hanggang siko nito ang sleeves. Parang kagagaling pa lamang niya from his work. Si Ninang naman ang nakaputing dress. Wala pa rito ang kambal.

“Nandito na po kami, Mom, Dad!” Sabay na napalingon sa amin ang parents niya. Napangiti ito.

“Maupo na kayo.”

“Sina Euzel at Euzen po?” tanong ko at napapitlag pa si Haze nang pinili ko ang umupo sa tabi niya at lumipat naman sa right side niya ang nakababata niyang kapatid.

“Baka nasa kuwarto pa nila. Bababa na rin iyon,” sagot ni Ninong.

“Hi, Haze. How’s your day kanina? Mabuti pala ay hindi ka rin super busy sa hospital niyo, ano?” pangdaldal ko sa kanya. Uminom siya ng tubig.

“Yeah,” tipid na sagot niya lamang.

“Hello, Ate Avey.” Magkasabay na pumasok naman ang kambal at natuwa pa sila nang makitang magkatabi kaming nakaupo ng kuya nila.

“Bagay kayo, Ate Avey, Kuya.”

“Euzen,” mariin na sambit ni Haze sa pangalan niya.

“How come na kilala mo sila sa pangalan, Haze?” nagtatakang tanong ko na ikinatawa ni Ninang Hazel.

“What’s kind of question is that, Avey? Of course, they are my sister.” Mataman kong tinitigan ang kambal at nakangiti ang mga ito.

“Ang hirap nilang kilalanin, eh,” nakangusong katwiran ko.

“Madali lang naman, Avey.” Si Ninong naman ang nagsalita. “Kapag araw-araw mo silang nakikita ay makikilala mo sila. Para sa amin ay mayroon naman silang kaibahan at parang hindi magkamukha,” paliwanag nito. I nodded.

“Gusto ko rin silang makilala by their name.”

“Kung ganoon ay simulan mo na rin hanapin ang pinagkaibahan nila o kung may mapapansin ka sa mukha nila,” wika naman ni Ninang at nangalumbaba ako. Hindi na nila napigilan pa ay natawa na sila nang malakas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top