CHAPTER 35

Chapter 35: A date

“I LOVE you.” Umawang ang labi ko sa gulat. Parang namanhid ang batok ko at ang lakas-lakas nang kabog sa aking dibdib.

“P-Pinagloloko mo lang ba ako, Haze? Dahil hindi ako natutuwa! Don’t play with my feelings please! Pagkatapos mo akong saktan at pagtabuyan!” umiiyak na sigaw ko at malakas na pinalo ko ang balikat niya. Pinagtulakan ko na rin siya dahil talagang hindi ako natutuwa sa kaniya.

“I’m sorry, Averay. Akala ko kasi ay wala lang ito. Na wala lang itong nararamdaman ko para sa ’yo.” Naghahalo-halo ang emosyon ko, ang sakit, inis at galit sa kaniya.

Kahit narinig ko na ang sinabi niya na mahal niya ako ay hindi ko magawang maging masaya. I feel like pinaglalaruan niya lamang ako.

“You’re such a fvcking liar, Haze! After what you did to me?! May pahatid-hatid ka pa sa akin sa airport tapos babalik ka pa roon para lang pigilan ako sa pag-alis? Hindi ba excited ka masyado na makaalis na rin ako rito? Kaya bakit?! Bakit sinasabi mo ’yan sa ’kin lahat, Haze?” umiiyak pa rin na tanong ko at pinagbabayo ko na ang likuran niya.

Narinig ko na rin ang paghikbi niya at ngayon ko lang siyang nakita na ganito. Na umiiyak at ramdam ko rin ang panghihina niya.

“I was in denial with my dàmn feelings! At hindi ko iyon masasabi agad dahil alam ko na hindi rin puwede! Lalabas pa rin na ginawa kitang rebound, Avey! Ayokong isipin mo ’yon! But believe me, mahal kita. M-Mahal kita, Avey.” Umiling ako kasi parang ang hirap paniwalaan ang bagay na iyon.

Yes, he made me feel like I’m a precious to him and he cared for me. But the love? Paniniwalaan ko ba agad siya?

H-How can I trust you for saying that dàmn words, Haze? Pinagtulakan mo ako sa buhay mo,” sambit ko at nasundan ng mga mata ko ang pagdausdos ng mga luha niya sa kaniyang pisngi. Mariin na kinagat pa niya ang labi niya at nagpumiglas ako nang hawakan niya ang kamay ko.

Umawang ang labi ko nang dalhin niya iyon sa dibdib niya. Parang mabibingi rin ako sa bilis nang tibok ng puso ko at may kasama na itong kirot.

“I’m fúcking in love with you, Avey,” mariin na saad niya at pakiramdam ko ay nabuhusan na naman ako ng malamig sa tubig. Nanginig na ang mga kamay ko at nawalan na lang ako nang sasabihin.

H-Haze. A-Ano.” He pulled my arms and hugged me again.

“I love you, Avey.  I really do, baby.” Huminga ako nang malalim.

Ito na iyon, ’di ba? Ito na iyong pinangarap ko na sana masuklian niya rin ang pagmamahal ko. Pero wala akong maisip na sasabihin sa kaniya. Dahil nabigla ako.

“I-Iyong flight ko,” tanging iyon lang ang nasabi ko.

“No, hindi ka na tutuloy pa roon. Hindi ka na aalis, Avey.” My lips parted again.

Bakit ang bilis magbago ng isip niya? Parang kanina lang ay gustong-gusto na niya akong umalis pero ngayon ay ayaw na naman niya.

“I need to,” mariin na sambit ko.

***

NAPAPAILING na lang ako, dahil iyon nga ang nangyari after akong ihatid ni Haze sa airport. Hindi ako natuloy nang araw na iyon at dumiretso kami sa condo niya. Kasi galit na galit ang mommy niya sa ginawa niya sa akin.

I was about to leave the restaurant nang mapatingin ako sa entrance at nagmamadaling pumasok doon si Hajinn.

“Ano kaya ang ginagawa niya rito? Nalaman ba niya na kinausap ko ang ex-girlfriend niya?” confuse na tanong ko sa aking sarili.

Hinayaan ko na muna siya kahit parang may hinahanap siya. Ang ekspresyon ng mukha niya ay worried na worried. Sa katitingin niya kung saan-saan ay nagtama na ng aming mata.

Ngumiti ako sa kaniya at kumaway, lumapit naman siya sa akin. Mas lalo tuloy akong napangiti kasi nagawa niya akong yakapin sa dami ng customer na nandito ngayon. Nakatingin na nga ang mga ito sa amin. Naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko.

“Avey,” malambing na sambit niya sa pangalan ko.

“Sinabi ba sa iyo ng kambal na nakikipagkita ako sa ex-girlfriend mo, Haze?” tanong ko sa kaniya na ikinatango niya nang marahan at saka siya humiwalay sa ’kin.

Umupo lang siya sa tabi ko at tinitigan ang mukha ko. Hinawakan niya ang aking kamay at kinantalan niya ito ng halik.

“Nag-aalala sila na baka mawalan ka na naman nang malay kapag nakita mo si Kreza. Alalang-alala ako,” he said. I cupped his jaw at humalik din ako sa pisngi niya.

“Pero late ka namang dumating. Kanina pa nakaalis ang ex mo,” naiiling na sambit ko.

“Nagdadalawang-isip kasi ang mga kapatid ko. Kung sasabihin na ba nila sa akin o hindi na, takot silang magalit sa iyo.”

“Hindi naman. Malaking tulong ang ginawa nila para sa akin, Haze. Anyway, bago tayo umalis dito. Puwede bang kumain na muna tayo? Kanina ko pa naaamoy ang masarap na pagkain nilang sini-serve sa customer.” Napatingin pa ako sa kabilang table. Masaganang kumakain ang isang pamilya. “And besides, nakahihiya naman ang umalis dito nang hindi man lang ako nakapag-order. Tubig lang ang ininom ko.”

Napahalakhak nang mahina si Haze at inabot na niya sa akin ang menu. “Ikaw na ang mag-order ng para sa ’kin, Avey,” nakangiting sambit niya at nagtawag siya ng waiter.

Kinuha ko naman sa mga kamay niya ang menu at tiningnan ko ang special dish nila. Nang makapili na ako ay ibinigay ko ang menu sa waiter.

Pinagsiklop ko ang aking mga kamay na nasa ibabaw ng mesa. Ramdam na ramdam ko naman ang tingin sa ’kin ng boyfriend ko.

“So, Haze? Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit nakipagkita ako kay Kreza?” I asked him. He licked his lips before niya ako sinagot.

“Sasabihin mo lang sa akin kung gusto mo,” he said.

“Ewan ko kung bakit nati-trigger niya ang memories ko. Makita ko lang ang mukha niya ay mayroong alaala ang pumapasok sa isip ko,” pagsisimula ko at hinawakan niya ang kamay ko. Round table ito kaya okay lang kahit nakaupo siya sa tabi ko.

“And then?”

“Sabi mo ay huwag kong i-pressure ang sarili ko, but I’m eager to retrieve my forgotten memories, particularly the ones we shared, Haze,” I said to him.

“I love you, baby.” Natawa lang ako sa sinabi niya. Napaka-sinsere, nakikita ko ang pagkislap ng mga mata niya. Especially naaalala ko na nga ang simula ng relasyon namin.

Ako mismo ang nagsimula no’n. Ako ang unang gumawa ng paraan para makalapit sa kaniya.

“Haze, do you think we have the power to create our own destiny?”

“Doesn’t God control our destiny?” he asked me back. I chuckled softly.

“Binigyan lang tayo ng chance na mabuhay sa mundong nilikha Niya. Ang paniniwala ko ay hindi Siya mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Gumagabay lang Siya sa atin. God gives us the freedom to choose what makes us happy, and guides us along the way. But if we make wrong choices, we’re responsible for them. God has sovereignty over our lives, knowing the exact timing of our life’s end. It’s on us to make things happen, Haze. Our destiny is in our hands. We can create the life we want, babe.”

Umawang ang labi niya sa sinabi ko, nagulat man siya pero mayroon pagkamangha.

“Kaya ako nahuhulog sa ’yo palagi, dahil sa magaganda mong salita. Nagbalik na ba ang girlfriend ko na dinaig pa ako sa laki ng pananaw niya sa buhay?” Halos mapunit na ang ngiti sa mga labi ko. Ang pakiramdam na ito ay nag-uumapaw na sa saya. Parang ang hirap na ring kontrolin. “In that case, ako na ang bahala sa susunod.”

Nang mai-serve ang food namin ay kumain na rin kami at nagkuwentuhan. Sinabi ko lahat kay Haze ang naalala ko ngayon-ngayon lang

Kaya naman pala hindi siya nagi-guilty sa pang-iiwan niya sa akin sa airport, kasi naman binalikan niya ako at inuwi pa sa condo niya. Ako na nga yata ang pinakamasuwerteng babaeng nabubuhay sa mundong ito.

***

MONTHS had passed, I can say na naka-recover na ako mula sa amnesia ko. Pero may gamot pa rin naman akong iniinom, and also my vitamins. Salamat sa pagkakaroon ng boyfriend na doctor na palagi akong pinaalalahanan sa lahat nang oras.

Today is our 6th month of love. Haze, my boyfriend decided to celebrate or special day. Kahit na alam kong super busy niya.

Naglalaan naman siya ng time for me, lalo na pabalik-balik ang biyahe ko at ganoon din si Kuya Derman. Sa kaniya na ako sumasama. May inaayos na papers ang aking kuya.

Magpapatayo raw kami ng bagong brance here sa Philippines, and I’m excited for that. Kasi puwede na raw akong manatili rito nang mas matagal.

Suot ko ang dirty white kong sleeveless dress and a pair of white stiletto. Pinakulot ko ang dulo ng buhok ko para mas maging maganda siya.

Dahil kasa-kasama ko naman si kuya ay sa mansyon kami tumutuloy. Kaya susunduin ako ni Haze around 7 p.m.

Naabutan ko si Kuya Derman sa sala namin. As usual ay may laptop siyang hawak-hawak. Ang dami niya ring papers na nasa center table.

“May library naman tayo rito, kuya. Bakit hindi ka roon mag-work?” I asked him nang makalapit ako sa kaniya.

“Mas komportable ako rito at alam ko kung kailan ako hihinto. Tinatawagan ako lagi ni mommy. Alam mo na ayaw niyang nagiging workaholic tayo,” mahabang saad niya.

“Workaholic ka na, kuya. At alam na po iyan ni mommy, kaya ka palaging kinukulit,” komento ko at napatingin naman siya sa ’kin.

“Mukhang handa ka na para sa date niyo, ah,” he said and I nodded.

“Baka nga po ay on the way na si Haze,” aniko at sumandal ako sa balikat niya.

“Parang handa ka na ring pakasalan siya, ah.”

“Hindi na po bumabata si Haze, kuya. Dapat mag-settle down na rin siya at ikaw rin. Wala ka pang naipakilala sa amin na girlfriend,” sabi ko. Kinurot niya lang ang pisngi ko at ibinalik ang tingin sa kaniyang ginagawa.

Nakontento ako sa pananahimik niya until nakarating na nga si Haze at nagpaalam siya sa nakatatandang kapatid ko.

Parehong white ang coat at longsleeve ni Haze, black pants naman pababa. Ang hair niya ay parang sinuklay lang ng mga daliri niya, but maayos namang tingnan. Guwapo pa rin siya. Kahit ano’ng ayos ay ganoon pa rin naman.

Inalalayan pa niya akong makasakay sa kotse niya at siya rin ang nagkabit ng seatbelt ko. May pa-kiss pa nga na tinawanan ko.

“Saan pala tayo pupunta, babe?”

“Naalala mo ang a fairytale green house?” I nodded. Kasi iyon ang place ng first date namin ni Haze.

“Yes of course. So, doon tayo kakain ng dinner?” He just nodded to my question.

“It’s good to be there as a couple,” he uttered.

“All right,” I said.

***

Gusto ko rin naman balikan ang place na ito, ngayon nga na natuloy na. Unexpected pa nga, plano lang ito ni Haze.

“Wow, walang pinagbago sa place na ito, babe. Maganda pa rin, and don’t tell me ni-rent mo na naman ito nang isang gabi?” I asked him.

“I want the best for you, Avey.”

“Lol.”

It feels like déjà vu, but super happy na naman ako kasi nagpunta kami rito na hindi lang sa special day namin. That because in a relationship na rin kami.

Katulad nang dati ay nakahanda na ang pagkain namin. I think on our way pa lang kami ay tumawag na siya to serve our dinner. Ganoon kahanda ang isang doctor na ito.

“Just like you, maganda pa rin.” Napailing ako at pabiro kong hinampas ang braso niya.

“Sige bolahin mo pa ako, doc,” aniko.

***


GRILLED steak, shrimp and lobster, a seafood with roasted vegetables and a side of garlic butter. Herb-crusted lamb chops with roasted potatoes and steamed asparagus. Grilled Wagyu beef with roasted root vegetables and a side of wasabi mashed potatoes. May champagne pa, pero grabe naman sa daming pinahanda ni Haze. Puro gulay.

Iyan lang naman ang kakainin namin ngayon, sa dami nito ay paniguradong hindi namin mauubos.

“Iyong totoo, Haze. Bakit puro damo itong in-order mo?” nagbibirong tanong ko at pinanliitan niya ako ng mata.

“Hindi iyan damo. Gulay ’yan, pampahaba ng buhay,” sagot niya at kumindat pa siya sa akin.

“Ewan ko sa iyo, Haze. Ang dami mong alam.”

Pinagmamasdan ko pa siya, akalain mo ay nagbunga rin pala ang paghihirap ko dati na makuha ang buong atensyon niya.

Ako ang madalas na nag-e-effort para lang talaga mapalapit ako sa kaniya. Pero ngayon ay siya na rin mismo ang unang gumagawa ng mga hakbang.

Habang kumakain kami ni Haze ay sinasabayan din ito ng malamyos at magandang kanta.

“Puwede na ba, Avey?” Mayamaya ay nagtanong naman siya, but I’m clueless. Hindi ko agad na-gets.

“Ano ang puwede na, babe?” balik na tanong ko at sumimsim ako ng champagne.

“Puwede na ba tayong bumuo ng pamilya?” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at mabilis kong naibaba ang wineglass ko.

“Ha? Nagpo-propose ka na ba sa akin, Hajinn?” seryosong tanong ko. Kasi kakaiba ang marriage proposal niya. But on second thought ay same lang naman ito sa normal na proposal.

Ngunit iyong nasa kalagitnaan pa kami nang pagkain?

“If ever na mag-propose nga ako,” tumatangong sabi pa niya at inirapan ko siya.

“Kumain na muna tayo, Haze. Ang dami mong sinasabi riyan at kung gusto mong mag-propose sa akin ay sige gawin—h-hey!” Napasigaw na lang ako sa sobrang shock na shock sa ginagawa ng aking nobyo. “Haze.”

Tumayo kasi siya at lumapit sa kinauupuan ko. Naglahad siya ng isa niyang kamay.

“Come on, baby.”

“Saan naman tayo pupunta, babe? Hindi pa tayo tapos kumain. Ang sasarap pa naman ng food na ito,” wika ko. Hindi siya nagpatinag at hindi na rin nakapaghintay pa.

Siya na mismo ang humawak sa aking kamay kung kaya’t nagpatianod na lamang ako sa kaniya.

Dinala niya ako sa garden na makikita na naman ang daming paruparo na lumilipad. Kahit gabi na ay hindi ka mabibigong makita sila.

“Tumingin ka sa itaas, Avey,” marahan na utos niya at hinaplos pa niya ang baywang ko. Tumingala naman ako para makita kung ano ang gusto niyang ipakita sa ’kin.

“Wow!” Namamanghang pinagmamasdan ko ang mga bituin sa itaas at napakaganda nila. Bakit parang malinaw sila kung pagmamasdan dito?

Tiningnan ko ulit si Haze na nahuli kong nasa mukha ko rin siyang nakatingin. Muli kong naibalik ang aking atensyon sa itaas at napangiti na lamang ako, dahil may mga balloons na pinalipad.

Binitawan ni Haze ang kamay ko at may hinabol siya na isang balloon, color red ito pero heart ang shape nito.

Nangingiting binalikan niya ako at ibinigay ang balloon na nakuha niya. Hindi ko naman sinasadyang mabitawan ito at nang tingnan ko ito ay nasilaw ako sa liwanag nito. Mga kamay ko na ang pumilit na kumuha no’n.

Nang mapagtanto ko kung ano iyon ay napatingin na ako sa kasama ko, na ngayon ay nakaluhod na sa tapat ko.

Well, seryoso nga si Haze sa marriage proposal niya at kaya niya ako tinanong kung handa na ba akong bumuo kami ng pamilya, dahil ito ang malaki niyang plano.

“You weren’t always my first priority, and I hurt you before, but you ended up being the one to mend my heart. I never thought my heart would open up again to new love. Avey, thank you so much for coming into my life.”

Hindi ito ang singsing para sa proposal niya, ang singsing mismo para sa amin at sa araw iyon ng aming kasal na maisusuot.

“Haze.” Sa mga salitang binitawan pa niya ay nagiging emosyonal na ako. Ang lakas nang kabog ng aking dibdib at nag-uumapaw na naman sa labis na kasiyahan.


“I don’t want to make promises, Avey. But there’s one thing I’m sure I can do right; to love you, care for you, and treat you like a delicate yet frighteningly fragile treasure. Please let me be a part of your life until my very last breath. Will you marry me?”

Ibinigay ko agad ang aking kamay, senyales na tinatanggap ko ang inaalok niyang pagpapakasal. But mens need a straight-up answer, no mixed signals.

“Yes, Haze. I’m ready to be part of your life as well, for the rest of our lives, babe.” When he put on my ring, he even kissed my hand before standing up. He held my cheeks and sealed our love with a kiss.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top