CHAPTER 34
Chapter 34: Healed
SINCE okay naman na ako at collapse lang ang nangyari ay nakalabas din ako sa hospital. Madi-discharge naman ako agad, kasi nga hindi malala ang nangyari.
Si Haze naman ay nag-half day lang siya sa work niya para lang ihatid ako pauwi sa amin.
Pinauwi na kasi niya ang parents ko, siya na raw ang bahala sa akin. Si Kuya Derman lang ang hindi nakapunta kasi kasama niya ang bunso naming kapatid.
My memories are coming back, but I’m stuck on what happened after the airport. Parang may higit pa akong dapat na maalala at ang eksenang iyon talaga. Ako lang naman ang puwedeng gumawa ng paraan. Para tuluyan na akong gumaling.
“I told you not to force yourself, Avey,” paalala na naman sa akin ni Haze. Napansin niya kasing nananahimik na naman ako. Alam niya kapag ganito ako ay mayroon akong iniisip.
“Kulang pa ang naaalala ko, Haze. ’Di ba sabi ng doctor ko ay kailangan daw ma-trigger ang amnesia ko?”
“Avey, sinabi rin ng doctor mo na paunti-unti naman babalik ang alaala mo. Hindi naman iyon magtatagal. Just wait for it, hindi iyong pinapahirapan mo pa ang sarili mo.” Nakakunot na ang kaniyang noo.
Talagang hindi niya nagustuhan ang ginagawa kong pressure sa aking sarili. He seems mad because pinipilit kong makaalala.
“Ayokong maghintay lang. Gusto kong may ginagawa rin ako para tuluyan na akong makaalala,” giit ko pa na ikinabuntong-hininga niya.
Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko at hinalikan ang aking noo. “Sige, mukhang talo naman ako. Wala akong laban, e. Hindi ka naman nakikinig sa mga sinasabi ko. Kaya sige, gawin mo kung ano ang gusto mo. Basta kung hindi mo na kaya at nahihirapan ka na ay huwag kang magdalawang-isip isip na huminto, okay?” Tumango lang ako bilang tugon. Ngumiti na siya sa akin at ginantihan ko rin iyon.
Umupo ako sa couch pagdating namin sa bahay. Sinalubong agad ako ng kapatid ko at niyakap. Nakangiting hinagod ko ang kaniyang likuran.
“I heard what happened, ate. I’m worried,” sabi niya. Bakas nga sa mukha niya ang pag-aalala.
“Hindi naman malala ang nangyari sa akin, Dhelo. Ayos lang naman ako,” aniko, nang hindi na siya mas mag-alala pa.
Napatingin ako sa kuya namin na ngayon ay magkausap na sila ni Haze. Mabilis na napasulyap pa sa amin si kuya.
“Inaabala ka na masyado ng kapatid ko, Haze,” narinig kong sabi nito. Napanguso ako. Nagiging pabigat na kaya ako sa kaniya?
Umayos na sa pagkakaupo si Dhelo at mas pinili niya ang kausapin ako. Umupo naman sa kabilang banda namin ang dalawa.
Umaasa ako na bibigyan ulit ako ng hint ng memories ko, pero lumipas lang ang tatlong araw ay wala namang nangyayari. Hanggang sa malapit na rin kaming umuwi.
Pero naisip ko ulit si Kreza. Nang makita ko siya ay saka lang ako na-trigger. What if kaya kung makipagkita ako sa kaniya?
Napagdesisyunan ko na ngang i-meet siya in person, but of course hindi ko na muna sasabihin kay Haze. Kailangan ko ang kambal, sila ang magdadala sa akin sa ex-girlfriend ng kuya nila. Bakasakaling alam nila ang bahay nito o kung saang agency ito nagtatrabaho.
May klase nga lang sila, so dumiretso na ako sa university nila. Mayroon naman akong contact number nila. Matagal ng naka-save sa cell phone ko. Sa mga panahon na hindi pa siguro ako naaksidente.
I just texted Euzen na nasa labas ako ng school nila. Hindi ko na tinawagan kasi mamaya niyan ay nasa oras pala sila nang klase. It’s good na may waiting shed sila sa gate. Doon na muna ako naghintay.
“Ate Avey!” Napangiti ako nang makita ko na silang dalawa. Malapad din ang kanilang ngiti. Masaya silang makita ako rito.
“Hello, twins. Ang laki at napakaganda pala ng university niyo,” sabi ko at tinapik ko ang upuan na nasa aking tabi.
“Nagulat ako nang mag-text ka, ate. So, okay na ba ang pakiramdam mo? Umalis din kasi kami agad sa hospital.” Kung hindi ako nagkakamali ay si Euzel ang nagsasalita. Mas malambing siya kung magsalita.
“Oo, okay na ako,” tumatangong sagot ko.
“Pinaalis din kami ni kuya. Alalang-alala siya sa ’yo. Maski nga kami ay natakot din sa biglaan mong pag-collapse,” nahahabag na paliwanag ni Euzen.
“Salamat sa concern, Euzen at Euzel. Anyways, kaya pala ako nandito ay gusto ko lang humingi ng favor.” Napapisil ako sa aking palad at napatitig sa kanila.
“Ano po iyon, ate?” Hindi na muna ako nagsalita at huminga ako nang malalim.
“Paano ko ba mami-meet si Kreza?” Pareho silang nabigla sa aking tanong at naguguluhan na nagkatinginan pa sila sa isa’t isa. Kahit parang labag sa kalooban nila ay sinagot pa rin nila ang tanong ko.
***
Ayon sa kambal ay kababalik ng babae sa bansa. Hindi nila alam kung lumipat na raw ba ng condo o sa kung agency ito makikita. But binigyan nila ako ng phone number nito.
Noong isang araw kasi, iyong magkasama kami ay nagpalitan sila ng contact number, kaya sa pamamagitan niyon ay makakausap ko na siya.
Tinawagan ko siya para sigurado na makikipagkita siya sa akin. Doon din mismo sa restaurant na pinuntahan namin nina Euzel at Euzen.
Nauna akong nagpunta roon at siya na lang ang hinihintay ko. Sa tuwing bumubukas ang entrance ng restaurant ay napapatingin ako roon. Umaasa na siya na iyon, pero masyado siyang matagal.
Ilang beses ko nang tiningnan ang relo kong pambisig. Kanina pa pabalik-balik ang waitress kung mag-o-order na ba raw ako. I told her na may hinihintay akong kaibigan.
“Darating ba siya o hindi?” I asked myself. Napapitlag naman ako nang tumunog ang ringtone ng cell phone ko.
When I checked it ay si Haze ang tumatawag. Kapag nalaman niyang nakipagkita ako sa ex niya ay alam kong hindi siya magdadalawang isip na puntahan ako rito at ayokong mangyari iyon. Mas mabuti na wala na muna siyang malalaman.
Hindi ko na sinagot ang kaniyang tawag. Hinayaan ko na lang mag-ring ito, naka-silent mode na ito para hindi masyadong maingay.
“Am I late?” Napaayos ako nang upo nang marinig ko na ang pamilyar na boses ng taong kanina ko pa hinihintay.
“Wala naman akong sinabi kung ano’ng oras tayo magkikita. I just told you na that I wanted to meet you in person,” casual na pahayag ko sa babae. Hindi siya nagsalita at bahagya lang umangat ang isa niyang kilay. “Have a sit,” anyaya ko pa sa kaniya.
“I was surprised na tinawagan mo ako ngayon at gusto mo ngang makipagkita sa akin. I’m curious kung ano ang pag-uusapan natin,” she said.
I stared at her beautiful face. Aminado akong magandang babae nga si Kreza, maganda ang katawan niya na bumagay sa kaniya ang blue off-shoulder dress niya. Dahil na rin sa mababa ang neckline ay kitang-kita ang cleavage niya.
Kahit siguro hindi siya mag-make up ay mangingibaw pa rin ang kaniyang ganda. She looks sophisticated.
“I believe na unang beses tayong nagkita noon ay sa clinic ni Haze, right?” She remained silent at parang sinusuri pa niya ang mukha ko.
Ewan ko sa sarili ko kung bakit tila nawawalan ako ng self-confidence habang pinagmamasdan ko lang ang maganda niyang mukha.
Okay naman ang suot ko ngayon. Naka-baby blue asoot blouse ako at pinarisan ko ito ng white pants. Ankle strap heels naman ang suot kong panyapak. Ang wavy hair ko ay hinayaan ko lang nakalugay sa may likuran ko. Nag-apply rin ako ng light make-up.
Dahil siguro sa kaalaman na ganitong type ng babae ang gusto ng boyfriend ko at minsan na niya itong minahal.
“Yes, ikaw ang babaeng hinatid noon ni Haze. So, may kailangan ba tayong pag-usapan and it’s important? Parang seryoso mo rin kasi, e,” sabi niya.
Wala naman akong nahihimigan na sarcastic ang pagkakasabi niya. Just like me ay causal din ang kaniyang pakikipag-usap.
“Mayroon lang akong gustong patunayan,” marahan na sagot ko sa kaniya at tinitigan ko pa ang mukha niya. Hindi katulad nang una ko siyang makita ay na-trigger nga ang amnesia ko. It seems panatag ang loob ko at wala akong nararamdaman na kirot sa aking ulo.
“Naalala ko na nag-collapse ka pa that day. Takot na takot ang mga kapatid ni Haze. So, kung siya nga ang pag-uusapan natin. Let’s start the conversation, Miss. I’m Kreza Aragon, ex-girlfriend na ako ni Hajinn at kung ano man ang narinig mo last time ay totoo iyon. But rest assured na wala ng namamagitan sa amin ni Haze. We’re over four years ago and besides, closure na lang ang hinihingi ko sa kaniya,” mahabang sambit niya. Ako lang talaga ang nagiging negative. Never ko namang pinagdudahan ang feelings sa akin ni Haze.
“I’m Dhea Averay Lacsamana, Haze’s girlfriend,” pakilala ko naman sa aking sarili. Naglahad ako ng kamay sa kaniya. Tiningnan pa niya iyon bago siya nakipagkamay sa ’kin.
“I see, ikaw pala ang dahilan kung bakit ayaw na rin niyang makipagkita sa akin. I think malaki nga ang nagbago sa kaniya,” komento niya, na sinabayan pa nang pagtango.
“Gusto ko lang malaman kung bakit ka nakipagkita sa kaniya noong kababalik mo lang sa bansa,” sabi ko at doon ko lang siya nakitaan nang pagkagulat.
Sumandal pa siya sa likuran ng kaniyang inuupuan at huminga nang malalim.
“Selfish akong tao, kaya nagawa kong piliin ang pangarap ko kaysa sa lalaking mahal ko. Nang bumalik ako, alam ko naman na napakaimposible na ang mabawi ko pa siya. Kahit ang sabi niya noon sa akin ay hihintayin niya ako. I tried na bawiin siya, but I’m too late. Kahit naguguluhan pa siya sa mga oras na iyon, sa feelings niya para sa akin kung mayroon pa ba o sa babaeng paunti-unti na niyang pinapasok sa puso niya. Alam ko na ang sagot at hindi ko na pinilit pa ang gusto ko. Masakitan sa parte ko, ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi na talaga puwede?”
Gumaan ang bigat sa aking dibdib, dahil sa haba nang sinabi niya at mababakasan ang sinseridad. Namamangha ako kasi siya iyong tipong ex-girlfriend na hindi na naghahabol pa sa lalaking mahal na niya. Kahit alam niyang may pag-asa pa, kasi hangga’t ikaw ang past ay siguradong may pusang ka pa sa puso niya.
Maibabalik ang dating nararamdaman kung pagsisikapan mong makuha ang loob ng isang tao.
Pero siya? She tried nga, but she chose to stop kasi alam niyang wala na. Wala ng pag-asa. Isa nga siyang nakamamanghang babae. That’s what we called, maturity.
“That time, hindi ko pa alam ang totoong nararamdaman ni Haze. Akala ko kasi ay mahal ka pa niya,” mahinang sabi ko.
“Mahal ko lang si Haze, pero ayokong maging kontrabida sa love life niya. I’m just his past at hanggang doon na lang din kami. Kilala ko na siya, kapag nagmahal siya ay ginagawa niya ang lahat. Hindi siya selfish na tao, pero baka sa iyo ay magiging selfish siya.” Kumunot naman ang noo ko. I didn’t get it.
“What do you mean by that?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Iba ang pagmamahal noon sa akin ni Haze at ikaw, ikamamatay pa yata niya kapag nawala ka.”
NAGING maayos ang pag-uusap namin ni Kreza at hindi kami nagpalitan ng maaanghang na salita katulad ng mga napapanood ko sa movie.
Magaling din talagang pumili ng babae ang doctor na iyon. Napailing ako at napangiti. Kahit papaano ay wala na akong alalahanin pa.
Nang pumikit ako ay parang isang himala ulit na nakikita ko na naman ang eksenang iyon.
***
You can do this, Avey. Magagawa mo naman siyang kalimutan agad, ’di ba?
I did everything I can para lang pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko at panay ang paghinga ko nang malalim.
Nang aabutin ko na sana sa babae ang passport ko nang may mabilis na kamay ang umagaw niyon at kasabay nang paghawak nito sa aking kamay. Nagulat ako at lilingunin ko pa sana iyon nang hinila na ako nito palayo roon. Nabitawan ko ang hawak kong maleta dahil siya na ang bumitbit niyon.
Tila bumagal ang oras nang dahan-dahan kong nilingon ang lalaking humihila ngayon sa ’kin palabas ng airport.
“H-Haze?” gulat na sambit ko sa pangalan niya. Lumipat sa baywang ko ang braso niya at siya ang umalalay sa akin. Naguguluhan ako na kung bakit binalikan niya ako rito.
Nagpatianod lamang ako hanggang sa makarating kami sa parking space. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Kahit gulong-gulo ako sa pangyayaring iyon ay hindi na lamang ako kumibo pa. Mabilis din siyang nakasakay at pinaharurot na niya ang kotse niya. “Haze, s-saan mo ako dadalhin?” namamaos ang boses na tanong ko sa kaniya at sumisinok pa ako. Masakit nga ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak ko kanina at magang-maga ang mga mata ko.
Pinahinto niya ang sasakyan niya sa tabi ng isang café at humugot nang malalim na hininga.
“I’m sorry, Avey. Dàmn it,” he said. Tinanggal niya ang seatbelt sa katawan niya at nagulat din ako sa biglaan niyang pagyakap.
“Haze, ang flight ko. M-Ma-li-late na ako,” sabi ko. Humigpit lalo ang pagyakap niya. Na halos mapisi na ako.
“No, hindi ka na aalis. Dito ka na lang. I’m sorry. Fvck, I’m so sorry, Avey.” Natulala ako nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig niya at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. “I’m sorry, baby. H-Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya na mawala ka.”
Hindi ko maintindihan si Haze. Kanina lang ay hinatid pa niya ako sa airport para tuluyan na akong makaalis at makabalik sa pinanggalingan ko.
Atat na atat siyang paalisin ako pero bakit ngayon ay ayaw na naman niya akong umalis? At ano naman itong pinagsasabi niya na hindi niya kaya?
“Haze, a-ano. . . Ano ang ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ko kay Haze. Gulong-gulo ang isip ko at ayaw magproseso nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top