CHAPTER 33

Chapter 33: Closure

“I MISS you, Haze! You don’t have any idea how much I’ve missed you!” masayang sabi ko. He’s one of the reason kung bakit gusto kong magbakasyon dito. Gusto ko ulit siyang makita. “I wait this for happen! And finally, nagkita na rin tayo! I am so happy to meet you again, Haze!” Sa sobrang saya nang nararamdaman ko ay hindi na ako nakapag-isip pa nang matino. I kissed him on the lips and he stilled. “Haze?”

He shook his head to collect himself.
“You shouldn’t do that, you know,” malamig na sabi niya.

“The what?” kunot-noong tanong ko naman.

“That kiss,” he answered. Napanguso ako. “T-That’s not what I mean, please don’t get me wrong. You can kiss me but not in front of the crowd.” Kilala ko rin si Haze. Pinaka-hate niya sa lahat ay ang nakikitang umiiyak ang mga babae. Ewan ko rin kung ano ang dahilan. Mabait siyang tao, eh. Kaya iyon ang nagustuhan kong pag-uugatan niya. “L-let’s go? My parents are waiting for you at home,” nakangiting pag-aaya na niya sa akin and I can’t help too at ngumiti na rin ako. Niyakap ko ang braso niya at napatingin siya roon.

Bitbit na rin niya ang maleta ko sa isa niyang kamay. Huminga siya nang malalim saka kami nagsimulang maglakad.

This is it! Nagkita na nga talaga kami ng crush ko! At tiyak akong magiging masaya ang vacation ko sa kanila. Dahil makakasama ko na siya for real!

Mainit na klima at maingay na pagbusina ng mga sasakyan ang sumalubong sa amin paglabas namin sa airport. Mainit nga siya.

***

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi. Dahan-dahan ko nang ibinuka ang aking mga mata at inaasahan ko na ang puting kisame ang makikita ko. Hindi nga ako nagkamali.

Pinakiramdaman ko rin ang aking sarili, lalo na ang ulo ko. Wala na akong nararamdaman na kirot at mukhang maayos na rin ang pakiramdam ko.

Tiningnan ko ang katabing nakaupo sa hospital bed at bumungad sa ’kin ang magandang mukha ni mommy. May hawak siyang puting panyo, na parang pinupunusan niya ako. Nanlaki ang kaniyang mata nang makitang nagkamalay na ako.

“Gising ka na pala, anak ko. Pinag-alala mo naman kami, Avey,” tila maiiyak na sambit pa ni mommy. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

“Sorry po, mommy. Pero okay na po ako ngayon,” marahan na saad ko. Nang sinubukan kong bumangon ay pinigilan niya ako. May pinindot si mommy ng kung ano sa hospital bed ko at dahan-dahan nang umangat ang nasa bandang likuran nito.

“Gusto ko bang uminom ng tubig, Avey?” I nodded for response. Bago siya nagtungo sa mesang nasa loob ng silid ay hinalikan pa niya ang aking noo.

Pinagmamasdan ko lang si mommy na nagsasalin ng tubig at nakangiting bumalik na siya sa akin.

“Salamat po, Mommy,” pasasalamat ko sa aking ina.

“Walang anuman iyon, anak. Dito ka lang, tatawagin ko lang si Haze,” paalam niya at natigilan pa ako nang banggitin niya ang pangalan ng boyfriend ko. Wala naman akong sinabi pa at bahagya lang akong tumango.

Umiinom na ako ng tubig nang makalabas na si mommy. Naubos ko na ang laman, kasi ngayon ko lang na-realize na nauuhaw nga pala ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas na muli ang pinto. Ang nakangiting mukha ni mommy ang bumungad sa akin. Kasunod niyang dumating ay si daddy. Nakangiti na rin ito nang makita ako, ngunit hindi naman sila lumapit.

Si Haze naman ang sunod na pumasok. Malalaki pa ang bawat hakbang niya para lang makalapit siya sa kinaroroonan ko.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang kirot sa aking dibdib. Lalo na naalala ko na ang kahibangan ko noon sa kaniya.

Isang buwan talaga ako nag-stay sa mansion nila. Para lang din makasama ko siya nang mas matagal. Oo nga, naaalala kong dinadala niya ako sa isang magandang lugar. Maganda naman ang pakikitungo niya, kahit parang hindi na niya ako naaalala.

Hinding-hindi ko makalilimutan na pinaasa niya rin ako sa date namin noon.

“Avey,” he uttered my name. Kinuha niya mula sa akin ang walang laman na baso at inilapag iyon sa bedside table.

Nang bumaling na siya sa ’kin ay kasabay nang pagtaas ng aking kanang kamay. Malakas na dumampi ang palad ko sa kaniyang pisngi.

Sa sobrang lakas niyon ay pati ang kamay ko ay nanakit, subalit hindi ko na ininda pa ’yon. Napasinghap din ang parents ko sa nakita nilang ginawa ko kay Haze.

“Anak. . .”

Tila may sariling isip ang aking kamay kaya nagawa ko siyang sampalin. Nakaramdam din ako nang galit sa kaniya, pero hindi naman gaano kalaki. Basta parang pagtatampo lang naman.

“Ang mabuti pa, hon. Ewan na muna natin sila. Mukhang maayos na ang lagay ng ating anak,” narinig kong sabi ni dad at kahit nakaawang pa ang bibig ni mommy, sa gulat ay nagawa naman siyang hilahin nito at saka sila tuluyang lumabas.

“Avey, para saan naman ang sampal na iyon? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo? Mga bagay na hindi mo nagustuhan?” naguguluhan na tanong ni Haze. Diretso kong tinitigan ang kaniyang mga mata. Nandoon ang pagsusumamo.

Bumaba pa ang tingin sa kaliwang pisngi niya. Namumula na iyon, bakas ang aking palad mula sa pagkakasampal. Maski ako ay talagang nabigla sa ginawa ko.

“Mayroon,” mariin na saad ko at matalim ang tingin ko sa kaniya. Huminga siya nang malalim at akmang hahawakan ang kamay ko ay mabilis kong iniwas iyon.

“Please, tell me, Avey. Huwag mo akong gawin na manghuhula. Ano ba ang ginawa ko sa iyo para magalit ka sa akin nang ganito?” nagsusumamong tanong niya at nang magawa na niyang hawakan ako ay wala na akong nagawa pa.

Pambihira nga naman, sa isang pakiusap niya lang ay nagawa na niyang pakalmahin ngayon at sa hitsura pa lang na punong-puno ng pagsusumamo ay lumambot lang ang puso ko.

Napahinga ako nang malalim. “Kanina nakita ko ang ex-girlfriend mo,” pagsisimula ko at kumunot ang noo niya.

“Si Kreza? Bakit? May sinabi ba sa iyo na hindi mo nagustuhan?” nag-aalala na namang tanong niya. Umiling ako at muling bumuntong-hininga.

“Narinig ko na makikipagkita ka sa kaniya at nagpa-reserve ka pa raw sa restaurant na iyon. Ang totoo, Haze. Ano ba talaga ang relasyon mo sa ex mo? Hindi pa ba kayo hiwalay?” may hinanakit na tanong ko at hindi naglaho ang pagtataka sa kaniyang guwapong mukha.

“Una sa lahat, Avey. Matagal na kaming tapos ni Kreza at hindi na kami nagkabalikan. Oo, tama ka sa narinig mo na mag-uusap dapat kami ngayon. Ibibigay ko lang ang closure na hinihingi niya at wala na akong balak na bumalik pa sa taong minsan na akong iniwan. Alam mo iyan, Avey. Saka ikaw na ang girlfriend ko ngayon. Ikaw na ang mahal ko,” mahabang paliwanag niya at nagsasabi nga siya ng totoo. Nagawa pa niyang halikan ang likod ng aking palad.

“Ang tagal na, Haze. Bakit ngayon pa lang kayo mag-uusap tungkol sa closure na sinasabi mo? O baka may iba ka pang dahilan?” I asked him.

“Nakalimutan mo ba na wala akong masyadong oras para sa ibang bagay? Alam ko na kailangan namin pareho ang closure, pero sadyang hindi na iyon mahalaga sa akin. Sa iyo lang naman umiikot ang mundo ko,” sabi niya at umikot lang ang mata ko, na ikinatawa niya.

Napapikit pa ako nang halikan niya ang aking noo. “Haze.”

“Nag-alala ako kanina nang tumawag si Euzen. Hinimatay ka raw nang dumating na lang bigla si Kreza. Siya ba ang dahilan kung bakit ka nawalan nang malay?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Paano mo naman nasabi na ang ex mo ang dahilan kaya ako nag-collapse kanina, ha?” supladang tanong ko at napangiti lang siya.

“Okay ka na nga, kasi nagsusungit ka na ngayon sa akin,” he said to me. I rolled my eyes again. “Sabihin mo na lang sa akin ang dahilan na kung ano ba talaga ang nangyari sa ’yo kanina?”

Wala na yata akong choice pa kundi ang sabihin sa kaniya ang totoong nangyari. Para naman mabawasan iyong alalahanin siya. Mas kawawa kasi siyang tingnan.

“Okay fine, sasabihin ko na iyo ang dahilan. Nang makita ko kasi ang ex-girlfriend mo ay naisip ko na baka na-meet ko na siya. Because she’s familiar. Habang tinititigan ko nga ang mukha niya ay nagsimulang nanakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa unti-unti kong naalala ang lahat,” paliwanag ko sa kaniya. I stared at his face. Hindi talaga nawawala ang pagwo-worry niya sa ’kin. Nandoon din ang tila nagulat siya sa sinabi ko.

“And?” Napatingin ako sa aming kamay. Magkasiklop na ang mga ito.

“Basta may naalala ako at doon nagsimula ang pananakit ng ulo ko. At saka naalala ko rin ang ginawa mo noon, lalo na ang paghatid mo sa akin sa airport. Ikaw pa mismo ang nagtulak na umalis sa buhay mo. Halos pinagtulakan mo na ako,” naiinis na saad ko.

Sa halip na ma-guilty siya ay parang wala lang sa kaniya. Kasi ang lapad pa rin ng ngiti niya.

“I see, si Kreza nga ang nag-trigger ng memories mo. Kasi dati ay talagang pinagselosan mo siya. I’m happy for you, baby. Pero hindi mo pa ba naaalala na pagkatapos ng eksena natin sa airport?” he asked me. Ako naman ang natigilan.

Nagsalubong ang aking kilay at pilit kong inalala ang pagkatapos ng eksenang iyon. Ngunit wala na akong maalala pa. Hanggang Doon na lang yata ang aking naaalala.

“Ewan ko. Nananakit lang ang ulo ko. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari,” naiiling na saad ko.

“Don’t force yourself, Avey. Ang importante ay paunti-unti mo lang naalala iyon,” pag-aalo niya sa akin. Mabilis pa niyang hinalikan ang labi ko bago niya ako maingat na niyakap.

“Tama, sinabi niyo noon sa akin na hinatid mo pa ako. Pero bakit nakikita ko ang aking sarili na umiiyak nang ganoon? Nagmakaawa na ako sa iyo lahat-lahat, but in the end. Iniwan mo pa rin talaga ako, kahit nagmumukha na akong baliw roon. Imagine? Nagmakaawa pa ako, na ako lang ang piliin mo at huwag na si Kreza? Ganoon ba ako magmahal? Halos wala nang itinira para sa sarili ko?”
Kumunot ang aking noo kasi naririnig ko ang pinipigilan niyang halakhak. “Haze! Huwag mo nga akong tawanan! Hirap na hirap na nga ako, e!”

Sa inis ko ay nagawa ko siyang hampasin sa kaniyang likuran. Napadaing lang ako, dahil nanakit ang kaliwang pulso ko. Kung saan nakakabit ang IV ko.

“Chill, baby. Sa ating dalawa ay ako ang mas patay na patay sa iyo. Ako ang hulog na hulog sa iyo. Kasi kahit sa ibang bansa ay naihatid pa kita. Hindi ko kasi kayang umalis ka nang mag-isa. I’m worried, kaya sumama na lang ako sa iyo. Sorry kung iyon pa na masasakit na alaala ang bumalik sa iyo. Ngunit alam kong babalik din ito nang buo. Basta huwag mong i-pressure ang sarili mo. Magiging maayos din ang lahat.”

Panatag na ako sa sinabi niya. Isinandal ko na lamang ang aking ulo sa dibdib niya at dinig na ring ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Napangiti ako. Pareho lang ang tibok ng aming mga puso.

“Bati na ba kayo? Ayos na?” Naabutan na nga kami ng both parents namin sa ganoong sitwasyon. Hindi naman ako nahihiya.

Sanay na silang makita kami na ganito ni Haze. Dikit na dikit na parang natatakot kami na maghiwalay o kaya naman ay may aagaw sa akin. Eh, madalas ang boyfriend ko ang may ayaw na lumayo ako.

“Ninang, Ninong. Unti-unti na pong nakaaalala si Avey,” sabi ni Haze saga magulang namin at napatango naman ako.

“Malinaw ko na pong naalala ang kahibangan ko noon sa kaniya. Imagine po na gusto kong isang buwan akong magbabakasyon dito?” tila hindi pa makapaniwalang tanong ko at pareho silang natawa. Masaya rin sila dahil sa pagbabalik ng memories ko. Kahit kulang pa ang mga alaalang iyon ay ayos na sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top