CHAPTER 32

Chapter 32: Memories

RIGHT, sa clinic nga. Doon ko siya unang nakita. But before that, una kong naalala ay ang suggestion ko na maging rebound ako ni Haze, and he’s brokenhearted.

“I want to help you to forget your first love, Haze.”

“What do you mean by helping me to forget her?”

“Gamitin mo ako, Haze. Gamitin mo ako para tuluyan mo na siyang makalimutan. I don’t mind if you use me.”

“Hindi ako ganoong klaseng tao na, Avey. Para lang makalimot ako ay kailangan kong gumamit ng ibang tao, alang-alang sa kapakanan ko. Don’t do that. Hindi deserve ng mga tao ang gamitin lang. Hayaan mo akong makalimot dahil alam kong makakaya ko iyon nang mag-isa.”

Totoong busilak nga ang puso niya, hindi siya nag-take advantage sa akin, kahit ako na mismo ang nag-volunteer na gamitin niya.

“In a good ways naman iyon, Haze. Don’t get me wrong. Gusto ko lang na hangga’t nandito pa ako ay matulungan kitang makalimot. Ipasyal mo na lang ako sa mga lugar na gusto mo and let’s enjoy, okay?”

Sadyang mapilit lang ako o ganoon ko lang talaga kagusto si Haze? Na handa akong maging rebound niya lang para lang makalimutan niya ang ex-girlfriend niyang nagpapahirap sa kaniyang kalooban.

Totoong si Haze din talaga ang parang nag-alaga sa akin noong nagbabakasyon ako sa mansyon nila.

Pero may mga pagkakataon din ay hindi ako ang first priority ni Haze. May pagkakataon na parang balewala lang ako sa kaniya.

“Haze? Saan ka pupunta, anak?”

“May pupuntahan lang ako, Mom.”

“Haze, hindi ba may date tayo ngayon?”

“I’m sorry, Avey. Mamaya na lang.”

“Siguro nagkaroon sila ng emergency sa hospital, hija. Ganyan din naman siya madalas, e.”

“I understand po, Ninang.”

“Hintayin mo na lang siya mamaya. Babalik naman iyon agad.”

Naintindihan ko naman ang biglaan na pag-cancel ni Haze sa date namin, but in the next day ay hindi na maganda pa ang nangyari after that.

Naabala ko ba kayo, Haze?”

“Avey, I’m sorry.”

“Naghintay ako noong isang araw, Haze. Umasa ako na babalik ka. Na kahit hindi na matutuloy pa ang date natin ay sana umuwi ka. I need your explanation, Haze. Huwag namang ganito. Iyong pinapaasa mo ako.”

“Avey. Look I’m sorry. N-Nakalimutan ko lang—”

“Nakalimutan mo ako dahil sa ex-girlfriend mo, Haze. Hindi mo naman talaga ako maaalala agad. Kasi bumalik na siya at siya lang din ang inaalala mo.”

“I’m sorry, Avey. Hindi ko intensyon na saktan ka.”

“Kahit sa phone mo ay hindi kita matawagan.”

“Avey. . .”

“Alam kong alam mo na ang totoo kong nararamdaman, ’di ba Haze?”

“Haze, answer me. Alam mong mahal kita, ’di ba?”

“I know that, Avey but. . . I don’t know what—I’m sorry.”

“Haze, akala ko ay puwede na. Akala ko ay kaya ko na siyang palitan diyan sa puso mo pero bakit bumabalik ka pa rin sa kaniya? Hindi ba sinaktan ka na niya? Bakit—nagkabalikan na ba kayo, Haze?”

“Haze.”

“I’m sorry, Avey. I’m so sorry.”

Iyon nga ang kauna-unahang pagkakataon na nakilala ko ang ex niya. Nagawa niya among kalimutan noon kahit may date pa kami. Kasi bumalik na nga si Kreza, ang first love niya.

Kahit pala ilang taon siyang iniwan nito ay nagawa pa niyang hintayin at mahal pa rin niya ang babae. Hindi nga nawala sa puso’t isipan niya.

Naalala ko pa ang mga araw na ako talaga ang naghahabol sa kaniya. Na sa una talaga ay hindi na ako gusto ni Haze.

Simula pagkabata ko pa lang yata ay may crush na ako sa kaniya. Sa mga panahon na nagbakasyon din kami sa mansion nila.

Pinapaalis mo na agad ako, Haze. Ang bad mo naman. Pagkatapos mo akong hindi siputin ay ganito na lang? Pagtatabuyan mo na agad ako?”

“I can’t promise you for that, Avey. I’m sorry. Let’s go. Ako na lang ang maghahatid sa ’yo pauwi.”

Kitang-kita ko pa sa mga mata niya noon ang awang nararamdaman para sa akin. Talagang hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kaniya.

“Ako na lang ang uuwing mag-isa. Salamat na lang, Haze.”

“Avey!”

 “I’ll take you home, Avey.”

“Please, huwag ka munang magsalita, Haze.”

Kaya siguro nagawa niya rin akong ihatid noon pauwi sa mansyon nila.

“Ate Avey!” Dinig ko naman ang sigawan sa paligid ko. Alam ko ang kambal na iyon ang tumatawag sa aking pangalan. Pilit nila akong ginigising.

Ewan ko na rin kung nasaan na ako o ano na ba ang nangyayari sa akin. Parang lumulutang ang katawan ko at bumabalik sa nakaraan ang aking isipan. Particular na unti-unting bumabalik ang alaala ko.

Pero ayoko pa talagang gumising, gusto ko pang malaman ang lahat. Gusto ko pang balikan ang memories ko. Para mas malinaw na sa akin ang lahat. Gusto ko ring malaman kung minsan ay minahal ba ako ng boyfriend ko, hindi lang dahil naaawa siya sa akin. Ayoko pang gumising, please.

“Ate Avey! Please, wake up!”

“Bakit ang tagal ng ambulance?!”

“Ate, please! Gising!”

I’m sorry, twins...

Huli kong naalala ay ang nasa airport na kami. Si Haze pa mismo ang may gusto na umuwi na ako sa amin. Para siguro hindi na ako maging hadlang para sa kanila ni Kreza.

MAHIGPIT na yumakap ako kay Haze at ayokong iwanan niya ako rito sa airport.

“Please... Haze. I don’t want to go. D-Dito na lang ako, please? Haze...” naiiyak na sambit ko.

Ang mga luha ko ay wala nang tigil sa pagbuhos. Sumisikip ang dibdib ko at parang mariin na pinipiga ang puso ko.

“Please, Avey. Just go. This is for your own good. Masasaktan lang ako kapag nasa tabi mo ako. A-Ayokong makita ka na umiiyak, Averay. Pumasok ka na,” walang emosyon na saad ni Haze.

H-Haze...please, huwag mo n-naman akong pagtabuyan... I want to stay with you, please... I love you.”

He removed my arms on his waist and he turned his back on me. He started to walk but I hugged him from behind.

H-Haze, I love you! A-Ako na lang... please, a-ako na lang... ang mahalin mo. H-Huwag na si K-Kreza. ’Di ba, iniwan ka niya? A-Ako na lang Haze, ako na lang... H-Hindi k-kita iiwan dito. Mahal kita... Hajinn.”

“I love her, I waited for her so long, now she’s back. Puwede na naming ipagpatuloy ang naudlot naming pagmamahalan, Avey,” mariin na saad niya.

“P-Paano naman ako, Haze? Paano na ako?” tanong ko at lumalakas na ang hikbi ko Kung kaya naman ay maraming mga tao ang nanonood sa amin, ramdam ko ang mga tingin nila. Halos lahat nang atensyon ng mga tao sa airport ay nasa amin na talaga.

“Avey, before Kreza you are not existing in my life. From the beginning, walang Averay ang nagmamahal sa akin and I can’t love you back. Just go, Averay. Mas masasaktan ka kung makikita mo kaming magkasama ng babaeng mahal na mahal ko.”

“M-Mahal mo ba talaga siya? K-Kahit minsan ba, Haze. M-Minahal mo ako?” punong-puno ng emosyon na tanong ko.

“I...don’t and never.” Sa sinabi niya ay bumaba ang mga braso ko pababa at binitawan ko na siya. Mariin na napapikit ako at umiyak na lang.

“Haze...” tawag ko sa kaniya. “Haze...” Hindi siya kumibo at hindi niya ako pinansin. “Haze!” sigaw ko pero naglakad na siya palabas ng airport at hindi na rin niya ako pinansin pa. “Haze! Haze! Come back here please! Haze, I love you! D-Don’t forget to remember... How much I love you!”

Napausdos na lamang ako sa sahig at humagulgol. Hinayaan ko na lamang ang mga luha kong bumuhos lang sa aking pisngi. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko.

I guessed, I don’t have any choice, but to let go at iwanan na lang ang lalaking mahal ko. Ginawa ko na nga ang lahat, nagmakaawa at umiyak mismo sa harap niya. But there’s nothing happened, mas nanaig ang kagustuhan niyang umalis na lamang ako.

Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ako. Humugot nang malalim na hininga at tiningnan ang pintuan ng airport kung saan hindi mo na nakita pa si Haze. Mapait na napangiti ako at nag-uunahan na namang nahulog mula sa mga mata ko ang mga luhang wala ng bukas.

“Haze, I love you so much...” I whispered and I turned my back and started to walk.

Here it is, I need to do this. i decided to let him go. I just wished for him a happy life.

Iyon ang ’saktong eksena at mga katagang naalala ko. Isa sa pinakamasakit na nangyari sa akin, dahil sa pagmamahal ko sa isang lalaking may iba pa palang minamahal.

At kung titingnan ang sitwasyon namin ngayon ay ang labong mangyari na ako pa rin ang pinili ni Haze. Na mahal niya ako, subalit iyon naman ang totoong nakikita ko sa kaniya.

Ang pagkislap ng kaniyang mga mata at sayang nakikita ko sa kaniya sa tuwing ako ang kasama niya. Ang nararamdaman niya ay hindi ko dapat pagdudahan.

Nararamdaman ko ang sensiridad niya, pero sa natutuklasan ko sa mga nawala kong alaala ay naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Ate Avey! Gumising ka na po, please!” Naulinigan ko na ang boses ng isa sa kambal. Hindi ako siguro kung sino sa kanila.

Nararamdaman kong nakahiga na ako at hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. Nang sinubukan kong imulat ang aking mga mata ay hindi ito malinaw. Parang umuulap din.

“Uhm,” daing ko, dahil ramdam ko pa ang pananakit ng aking ulo. Parang binibiyak pa rin siya ng kung ano. Ang sakit-sakit.

“Ate? Okay ka na ba?” tanong pa nito sa akin. Halata sa kaniyang boses ang pag-aalala. “Ate Avey.”

Ilang beses ko pang kinurap ang mata ko. “N-Nasaan tayo?” mahinang tanong ko, hindi ako sure kung narinig ba niya ang boses ko. Masyado rin kasing mahina.

“Sakay na po tayo ng ambulance, Ate. Ako lang po ang sumama sa iyo, pero nakasunod na po sa atin si Zen. Alam na po ni Kuya Haze ang nangyari sa iyo. At doon na po siya maghihintay sa hospital. Ate Avey, ano po ang masakit sa inyo?” Si Euzel nga ang kasama ko sa mga oras na ito.

“M-Masakit ang ulo ko, Euzel. P-Parang sasabog sa sobrang sakit,” mahinang sagot ko. Pinisil pa niya nang marahan ang aking kamay at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon binibitawan.

“Kung ganoon magpahinga ka na muna, ate. Malapit na po tayo sa hospital,” sagot niya. Kahit papaano ay tila hindi na siya umiiyak pa sa labi na pag-aalala sa kalagayan ko.

Maski kasi ako ay hindi ko inakala na ganito ang mangyayari sa akin. Na mati-trigger ang memories ko nang makita ko si Kreza, kahit hindi rin naman iyon sinasadya. Siguro pati siya ay nagtataka na rin.

“Euzel?” I uttered her name. Sapat na siguro iyon upang marinig niya ako.

“Bakit po, ate?”

“Huwag ka nang mag-alala pa sa akin. Okay na ako,” sabi ko lang at nang muli akong pumikit ay tuluyan na akong nakatulog o muling nawalan nang malay.

Sa sunod na alaala ko ay hindi ito ang masakit na eksena, dahil ito mismo ang simula.

“Magbabakasyon po sana ako, Dad.”

“Gusto mong hanapan kita ng lugar? Beach resort or out of town?” he suggested.

“I want to have my vacation in the Philippines, Dad,” diretsong sagot ko na ikinahinto niya sa pagkain. Maski si Mommy ay natigilan at napatitig sa akin.

“You know that na kapag sa Philippines ay sabay-sabay tayong nagbabakasyon there, sweetheart. Mag-isa ka lang doon at wala kang kasama,” Mommy said and I shook my head.

“Doon po mismo sa house nina Ninong Eujinn at Ninang Hazel po,” sabi ko na ikinatango niya.

“One or two weeks ka lang doon?” tanong ni Daddy.

“One month, Dad.”

“Anak, ang tagal naman. Kung ganoon ay hindi ka namin makikita sa bahay sa loob ng isang buwan?” Napatawa ako sa remarks ng aking ama.

“You can’t go on vacation if you’re alone, Ate. Just wait for our closing sa school then I’ll come with you,” sabi naman ni Dhelo. Inakbayan ko siya.

“I can’t wait any longer, kiddo. Gusto ko na talagang magbakasyon doon,” ani ko.

“Okay, anything you want ay pagbibigyan kita, anak. Sasabihan ko ang kumpare ko. How about you, son? What if samahan mo na lang ang kapatid mo?” tanong ni Daddy kay Kuya Derman.

“Kahit gugustuhin ko po, Dad. Alam niyo na gusto lang din ni Avey na mag-isa lang siya,” tumatangong saad ng aking kuya. Kilalang-kilala niya talaga ako.

“Nadale mo, Kuya,” ani ko.

“See, Dad?”

“Okay then. Just take care of yourself there, sweetheart.”

***

Mag-iingat ka roon, Avey. Alam kong hindi ka naman magiging sakit ulo nina Ninong at Ninang. Siguro sa panganay nilang anak. Alam kong crush mo iyon,” nakangiwing saad niya. Napangisi ako kasi nahalata pa talaga niya iyon.

“I will po, Kuya. Don’t worry too much. I’ll be alright,” wika ko at hinila niya ang braso ko saka ako mahigpit na niyakap. He kissed my temple.

“I love you, take care, Avey.”

“I love you too, Kuya and I will po!” Hindi agad umalis si Kuya hangga’t hindi natatawag ang flight ko. “Bye, Kuya! Love you!” Nag-flying kiss pa ako sa kanya at natatawang sinalo niya ito saka pabirong dinala sa dibdib niya.

***

Sa excitement na nararamdaman ko ay hindi ako natulog buong biyahe sa eroplano. Mas na-excite ako nang mag-announce ang pilot na safe nang nakalapag ang airplane.

May ngiti sa labi ko nang bumaba na rin ako at sumabay sa maraming pasahero. Maingay sa loob ng NAIA.

Ang sabi ni Daddy ay may susundo raw ako pero hindi ko naman inaasahan na si Haze pala ang makikita kong nakahawak sa placard na may full name ko.

Walang nagbago sa hitsura niya at kung mayroon man ay siguro dumoble lang ang kaguwapuhan niya.

Ang guwapo niyang mukha na hindi nakasasawang pagmasdan, maganda ang uri ng mga mata niya at nakahahalina ito. Matangos ang ilong at malapad ang panga. Ang lips niya na kasing kulay ng mansanas.

Dark blue ang coat niya at black naman ang longsleeve nito sa ilalim, gray trouser and black shoes.

Side parted ang hairstyle ng buhok niya, na parang mahigit isang oras ang ginugol niya sa pag-aayos ng buhok niya.

I approached him. “Haze Montefalcon?” Hajinn V. Montefalcon ang buo niyang pangalan. Haze is just his nickname.

“That’s me,” he answered and nagtama ang mga mata namin.

“I miss you, Haze! You don’t have any idea how much I’ve missed you!” masayang sabi ko. He’s one of the reason kung bakit gusto kong magbakasyon dito. Gusto ko ulit siyang makita. “I wait this for happen! And finally, nagkita na rin tayo! I am so happy to meet you again, Haze!” Sa sobrang saya nang nararamdaman ko ay hindi na ako nakapag-isip pa nang matino. I kissed him on the lips and he stilled. “Haze?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top