CHAPTER 31

Chapter 31: Kreza

ISANG linggo rin kami sa vacation house namin, and this time ay sabay-sabay na kaming umuwi lahat. Diretso na nga lang akong hinatid ng boyfriend ko sa mansyon namin dito sa Pinas.

Ngayon ko lang nalaman na may mansyon pala rito sina mommy at daddy. Sabagay, bago sila nag-decide na manirahan na lang kami for good sa abroad ay talagang dati kaming nakatira dito. Na mukhang wala na akong babalikan pa roon kapag pinili ko rin na makasama si Haze.

“Ang laki ng bahay niyo,” komento niya nang makababa na kami sa sasakyan at nasa tapat na namin ang mansyon. Modern type siya at maganda nga talaga.

“Yeah. Pamilyar sa akin.”

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa baywang ko. “Dito ka raw kasi lumaki bago kayo nagtungo sa ibang bansa. Mabuti na lang ay hindi binenta nina Ninong at Ninang,” aniya na sinang-ayunan ko naman.

“Tama ka. Para na rin siguro may matutuluyan kami rito kapag gusto naming magbakasyon,” nakangiting saad ko. Humalik siya sa sentido ko.

“But you chose our house to stay,” he uttered. Mahinang natawa lamang ako.

“Siguro grabe ang pagkahumaling ko sa iyo dati. Kaya ganoon.”

“Yeah, ganoon nga,” sabi niya. Tapos napasimangot ako nang makita ko ang ngisi niya sa labi.

“Nagyayabang ka na naman, Hajinn?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

“Hindi ah. Don’t worry, baby. Pareho lang naman tayo na patay na patay sa isa’t isa,” wika niya sabay kindat. Kinurot ko siya sa tagiliran niya.

“Ang corny mo, doc,” natatawang sabi ko. Na sinabayan niya rin nang halakhak.

Ang parents ko ay napapailing lang sa amin, kasi nakikita na naman nila ang harutan namin.

“Let’s get inside,” pag-aaya niya at siya na ang nagbitbit ng luggage ko. Yumakap lang ako sa braso niya.

“May spare room naman siguro kami.”

“You mean guest room?” I nodded.

“Dito ka na mag-stay mamayang gabi. Alam kong pagod ka sa pagda-drive kanina. Ang haba rin kaya ng biniyahe natin,” aniko. Ngumiti lang siya tapos naiiling.

“Gusto mo lang naman ako na makita palagi, e. Ano ang gusto mo? Pakasal na tayo?” pabirong tanong niya at ginalaw-galaw pa niya ang kaniyang kilay. Ako ang natatawa sa reaksyon niya. He’s so cute.

“Sige ba, para wala ng kawala,” matapang na sagot ko. Huminto kami sa paglalakad, dahil sa paghila ko sa kaniya. Nag-tiptoe ako upang maabot ko ang mukha niya saka ko siya hinalikan sa pisngi.

“Halik pang-kinder naman iyon,” saad niya. Ibinaba niya ang gamit ko at nakulong sa malaking palad niya ang magkabilang pisngi ko.

Alam kong hahalikan niya ako, kaya agad akong pumikit. Iyon nga lang bago pa dumampi ang lips niya ay may tumikhim na. Napadilat ako at tiningnan kung sino ang tumikhim.

Si Kuya Derman ang nakita kong nakatayo sa gitna ng hagdanan. Nakakrus ang kaniyang mga braso.

“Kuya, isturbo ka,” nakangusong sambit ko.

“Bawal ipakita iyan dito sa tahanan namin, Haze,” babala nito sa kasama ko. Umikot lang ang aking mata at muli ko nang hinila si Haze. Mabilis na kinuha rin niya ang bag ko.

“Sa kuwarto natin gawin, babe,” sabi ko sabay irap sa kuya ko. Haze chuckled softly.

Natulog lang naman kami, ako nga lang ang naunang nagising kasi alam kong napagod sa pagda-drive kanina si Haze. Nakangiting pinagmamasdan ko pa siya. Sana lang ang bumalik ang nawala kong alaala. Dahil gusto kong malaman kung paano talaga kami nagsimula.

But he said, kahit huwag ko na raw balikan pa ang alaala ko. Basta ang importante raw ay masaya na kaming dalawa. Na nagawa ko pang tanggapin si Haze sa buhay ko, kahit tila estranghero na lang siya sa akin.

I admit naman na pamilyar si Haze, and I know deep inside ay mahal ko siya. Hindi titibok nang ganito kabilis kung hindi, right?

Dumukwang ako para halikan siya sa pisngi. Hinaplos ko pa ’yon at umisa pa ako ng kiss and this time ay sa lips na niya.

Naramdaman ko na lamang na tumutugon na siya sa mga halik ko hanggang sa pumulupot na ang isa niyang braso sa aking baywang at nagawa niya akong inihiga. Pinagsaluhan namin ang matamis na halik, na kahit kinakapos na ng hangin ay patuloy pa rin kami sa ginagawa.

Mauunang uuwi ang parents ko at ang aking nakababatang kapatid. Si Kuya Derman ay magpapaiwan para sabay na raw kami. Mamaya niyan daw kasi ay ihahatid na naman ako ng boyfriend ko at malaking abala na ’yon.

Ika pa nga ni Hajinn ay ayos lang naman kung ihahatid niya ako, and I can feel the déjà vu.

Okay na sana ang lahat, hinihintay ko na lang na yayain ako ng aking nobyo na magpakasal. Yes, inaasahan ko na ang bagay na iyon. Pero sa hindi ko inaasahan na pagkakataon ay may mangyayari pala isang araw.

Kasama ko ang kambal ngayon, dahil inaya nila akong lumabas since nasa hospital pa ang kuya nila. Tapos ’saktong wala silang pasok.

“Zel, okay naman kung doon na tayo sa resto ni mommy. Bakit lumayo pa tayo?” nagtatakang tanong ni Euzel sa kaniyang twinny. Abala na ang isa sa pagpipili ng kakainin namin sa menu.

“Para maiba naman, Zel. Don’t get me wrong, ha? Masarap naman ang luto ni mommy at pinaka-the best iyon for me. Pero gusto ko lang naman ipatikim kay Ate Avey ang ibang special dish ng ibang resto,” paliwanag naman ni Euzen.

Sa tagal ko na silang nakasasama ay kahit papaano ay paunti-unti ko silang nakikilala. Sabi nga ng nakatatanda nilang kapatid na si Haze ay magkamukha nga ang kambal, pero kapag tinitigan mo sila nang mabuti ay makikita mo raw na may pinagkaiba pa rin sila.

“Okay lang naman sa akin kahit saan niyo ako gustong dalhin. Basta ba, pakakainin niyo ako. Nakagugutom kasi ang gumala buong araw,” sabat ko sa kanila na pareho silang napangiti.

“Alam mo, ate? Bagay na bagay talaga kayo ni kuya. At nang ikaw ang naging girlfriend niya ay nakikita ko na kakaiba ang kislap sa kaniyang mga mata,” sambit naman ni Euzel, nangalumbaba pa nga siya at tinitigan ako nang diretso sa aking mata.

“Me too, kahit wala akong naaalala tungkol sa pinagsamahan namin ay masaya naman ako. Mahal ko ang kuya niyo, ang isip ko lang talaga ang nakalimot. Ewan ko ba,” naiiling na saad ko.

“Noong sila pa ni Ate Kreza ay halos mawalan na rin ng oras sa amin si kuya. Lalo na noong naghiwalay na sila, palagi na lang siya malungkot.”

“Ano ka ba naman, Zel? Bakit mo pa binabanggit ang pangalan na hindi naman dapat inaalala pa? Mahiya ka naman kay Ate Avey. Siya na ang current girlfriend ni kuya. Kalimutan mo na iyon,” suway ni Euzen. Alam ko naman na magkasundo silang magkapatid. Hindi lang maiwasan ang minsan ay magkasagutan sila. Pero halata naman na hindi sila nagkakainitan ng ulo.

“Kaya nga, sis e. Past is past, wala namang masama ang magsabi ng opinyon ko at saka si Ate Avey naman iyan. Siya ang future wife ni kuya.”

“Ay ewan ko sa iyo.” Umirap pa nga si Euzen.

“Hay naku, tama na ’yan. Much better kung mag-o-order na tayo ng kakainin natin,” aniko para hindi na sila mag-away pa. Ganoon yata sila maglambing.

A few minutes later ay nai-serve na ang food namin. Pinili namin ang seafood.

Sa kalagitnaan nga nang pagkain namin ay may lumapit sa amin sa isang babae.

Maganda siya and she looks sophisticated. Dahil na rin sa suot niyang mamahalin na accessories and shades.

“Euzel, and Euzen, right?” Kumunot pa ang noo ko kasi kilala niya ang mga kapatid ni Haze.

Si Euzel ang unang nag-angat nang tingin, kasi ’saktong sumusubo pa si Euzen. Pero nang marinig niya ang boses ng nagsalita ay nailuwa niya ang kinakain niya.

“Ate K-Kreza?!” sabay na sambit nila sa pangalan ng babae. Ako naman ay biglang bumilis ang tibok ng puso. Kasi pamilyar sa akin ang pangalan na binanggit ng twins.

“Hindi nga ako nagkamali. Nakilala ko pa rin kayo kahit matagal tayong hindi nagkita. Wala kayong pinagbagong dalawa. Maganda pa rin kayo pareho.” Ang boses ng babae ay sobrang lambing na bagay na bagay talaga sa maamo niyang mukha.

“A-Ah, ah. Paano na ’to?” Parang nataranta naman sila.

“Ano po pala ang ginagawa mo rito?” pormal na tanong ni Euzen.

“May reservation ang kuya niyo rito at balak nga naming mag-usap. Kayo? Sino pala ang kasama niyo?”

Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito na mag-uusap sila ng boyfriend ko, tapos may reservation pa. Kaya naman mataman kong tinitigan ang mukha niya.

She’s familiar at isa lang ang natitiyak ko. Dati ko na siyang nakita. Napahawak naman ako sa aking ulo nang makaramdam na naman ako nang kirot. Parang nahahati na naman siya.

Pero ang tingin ko sa babae ay hindi ko inihiwalay. Pilit ko siyang inaalala, kung saan ko ba siya unang nakita. Kasi may pakiramdam ako na hindi ito ang unang beses na nagkita kami.

“Wait, kilala kita. Ikaw ang babaeng nakita ko sa clinic ni Haze, right?” tanong nito at doon pa lang ay tila binigyan na ako nang pagkakataon upang balikan ang alaala ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top