CHAPTER 30
Chapter 30: Lake
HINDI ko na hinintay pa si Haze. Dahil nagpunta na akong mag-isa. Yayain ko sana ang kambal, pero nasilip ko ang kuwarto nila na tulog na tulog pa sila. Ano kaya ang ginawa nila kagabi at parang napuyat sila?
Itinuro lang ni kuya kung saang banda ang lake at didiretso lang ako sa paglalakad ay makikita ko naman daw. May dala pa nga akong bimpo, in case na lamigin ako roon.
Akala rin yata ni kuya ay kasama ko ang aking boyfriend, pero hindi. Solo ko muna sa ngayon ang lake.
I thought malayo siya, but no. Malapit lang siya kasi nakikita pa ang bubong ng vacation house namin. Matatayog na punong kahoy rin kasi ang nakapalibot dito.
Dahil solo ko nga at alam kong wala namang tao ang dadayo sa place na ito ay naghubad na ako. Iniwan ko lang iyong black underwear ko.
Napasinghap ako nang lumubog ang aking katawan sa malamig na tubig ay tumayo agad ang balahibo ko. Maligamgam naman ang tubig at parang naka-re-relax.
Kahit nag-iisa lang ako ay nagawa kong mag-enjoy. Ilang beses akong pabalik-balik sa kalalangoy.
Napaigtad lang ako nang may matitipunong mga braso ang yumakap sa aking baywang. Ramdam ko agad ang kaniyang mainit at matigas na dibdib sa likod ko.
“Haze?” gulat na sambit ko sa kaniyang pangalan at hindi nga ako nagkamai. Si Haze nga ang nakayakap ngayon sa akin, kahit hindi ko siya lingunin.
“I told you na sabay tayong pupunta rito. Nang-iiwan ka naman, Avey. At pumunta ka pa talaga rito nang mag-isa? Paano kung may masamang tao ang dumaan dito? Gusto mo yatang mamatay ako nang maaga, Avey?” Napabungisngis ako sa sinabi niya.
“Sabi naman ni kuya ay safe naman daw ang place na ito, Haze. Malayo ito sa kabihasnan. Ang naririto lang ay iyong caretaker namin at siguro naman ay walang mangyayaring masama sa ’kin. Ang overacting mo naman, babe,” naiiling na saad ko at hinarap ko na siya. Ang magkabilang braso niya ay nasa aking baywang pa rin.
Napangisi ako, dahil half-naked na siya. Sumalok ako ng tubig at ibinuhos ko iyon sa malapad niyang dibdib. Naramdaman ko ang paghigpit nang yakap niya at higit niya akong hinapit palapit sa kaniya.
“Don’t tease me, Avey,” mariin na bulong niya sa aking tainga. Hind ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Nang sinulyapan ko siya ay nagtatagis na ang kaniyang bagang.
I cupped his jaw at marahan kong sinapo iyon. Dahan-dahan nang bumaba ang kaniyang mukha, bago pa man dumampi ang labi niya sa ’kin ay mabilis ko nang iniwas ang mukha ko. Napa-tsk siya sa ginawa ko.
“Maligo na tayo,” pag-aaya ko na lang.
“God, sinimulan mo tapos ganito lang ang gagawin mo sa akin? Seriously?” iritadong tanong niya. I just pouted na kalaunan ay kinindatan ko lang siya.
“Iniwan mo ba roon ang best friends mo, Haze?” I asked him.
“Kaya nilang mabuhay na wala ako.” Iba naman yata ang sagot niya sa aking katanungan.
“Ang sungit mo naman, doc,” komento ko na sinabayan ko pa nang pag-iling.
Gustuhin ko mang lumayo sa kaniya ay hindi ko naman magawa. Nakayakap nga siya, tapos wala siyang balak na pakawalan ako.
Hindi na nga ako nakagalaw pa nang hinalikan niya ako sa labi ko at pinagbigyan ko na lamang siya. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya, tumugon sa mainit at malalim niyang halik.
Naramdaman ko ang paggapang ng isa niyang palad sa tagiliran ko at pababa pa iyon sa pang-upo ko. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniyang kamay. Napaungol ako nang pisilin niya ang hips ko at pakiramdam ko ay kakapusin na agad ako nang hininga.
Pinagapang ko rin ang aking kamay, ngunit bago pa man mas lumalim ang halikan namin nang makarinig na kami nang sunod-sunod na pagtikhim.
Mabilis na naghiwalay ang aming labi at ako ay napapikit pa. Sumandal ako sa katawan niya. Parang mabubuwal ako mula sa kinatatayuan ko. Nanlalambot kasi ang mga tuhod ko.
“Fúck. What the hell are you doing here?” malamig na tanong ni Haze.
“What? Maliligo rin kami. Hindi kayo puwedeng magsolo. Baka makagawa kayo ng baby na wala pa sa plano. Right, Derman? Ayaw mo naman sigurong mabuntis agad ang kapatid mo, right?” Boses iyon ni Domein. Ako ang nahihiya sa ginawa namin ni Haze.
“Tss.” Iyon lang ang narinig ko mula kay Kuya Derman.
“Pinagsasabi mo, Domein? Lunurin kaya kita? At teka lang! Diyan na muna kayo!” Nagulat naman ako nang bahagya niya akong inilublob sa tubig na umabot hanggang leeg ko.
“What are you doing?” confuse na tanong ko naman.
“Stay still, Avey,” mariin na utos niya at nagbabanta yata siya. Sumunod din sa kaniya ang mga kaibigan niya, maliban sa kuya ko at hindi iyon nakaligtas kay Haze. “I told you na hindi pa kayo puwede rito, e,” inis na saad niya.
Sinundan ko lang nang tingin ang pagmamadali niya, kinuha niya lang ang hinubad niyang t-shirt at binalikan niya rin naman ako.
Hinawakan niya ang braso ko at itinayo. Alam ko na ang gagawin niya kaya hinayaan ko na lamang siya.
Isinuot niya lang naman sa akin ang t-shirt niya at kahit malaka ito ay ayos lang sa kaniya. Basta lang matakpan ang na-expose kong katawan.
“Possessive. As if naman aanuhin namin iyang si Avey, ha,” singit ni Andrey at sinabuyan pa niya kami ng tubig, kaya mabilis na gumanti naman si Haze.
Ako na lang ang napailing sa pagiging isip bata nila. Ang alam ko ay doctor si—nanlaki naman ang aking mga mata nang maalala ko na tinawag kong doctor kanina si Andrey. Kahit hindi ko naman alam kung ano talaga ang profession niya, ngunit nasabi ko talaga iyon.
“What’s wrong, baby? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya at hinaplos pa niya ang pisngi ko.
“I think good news ito, Haze.” Kumunot ang kaniyang noo, hindi agad na-gets ang sinabi ko.
“Ang alin? What’s the good news?” he asked.
“Hindi naman sinabi ni Andrey kanina na doctor siya, ’di ba? Pero in-adress ko siya sa profession niya. I think magandang senyales na ito na babalik na ang alaala ko,” natutuwang sabi ko at maski siya ay iyon din ang nakikita ko.
“I’m proud of you, baby. But no pressure, alright?” I nodded.
“Wow. Mabuti pa ang profession ko ay naalala mo, Avey. That’s good. Kailangan mo na rin yata ma-meet ang doctor mo or dalhin mo na lang siya sa hospital ni Dervon, dude,” suggestion ni Andrey.
“Soon, dadalhin ko siya roon,” ani Haze.
“Maaalala mo na rin ang ginawa sa iyo ng kaibigan namin, Avey. Doon mismo sa airport,” nakangising sabi naman ni Psyche at awtomatikong napatingin ulit ako sa boyfriend ko.
Alam ko naman ang tungkol doon, pero parang may na-miss pa yata si Haze na ikuwento ang tungkol doon.
“What is it, babe?” I asked him.
“I already told you that, right? Huwag mo nang pansinin pa ang lalaking iyan. Papansin lang iyan sa iyo, Avey,” aniya at inilayo niya ako roon para yata hindi na ako kausapin pa ng kaniyang mga kaibigan.
Ang kukulit naman pala talaga nila, e.
“But I’m curious, Haze. May hindi ka pa ba ikinukuwento sa akin, hmm?” He shook his head at mukhang hindi rin naman siya nababaha. So, hindi iyon big deal?
Binibiro lang kami ni Psyche, just like his name. Psh. Kainis na talaga ang isang iyan. Ginugulo na niya ang isip ko.
“Huwag mo nang masyadong intindihin iyon. Kung may bumabagabag pa sa iyo ay tanungin mo lang ako.” Tumango na lamang ako bilang tugon at naglalambing na yumakap na ako sa kaniya. Hinalikan pa niya ang ibabaw ng aking ulo.
“I love you, Haze,” I uttered.
“I love you too, baby,” he whispered and kissed my cheek. Napapikit naman ako nang sinabuyan na naman nila kami ng tubig and this time ay kasama na ang aking kuya.
“Kuya naman!” sigaw ko.
“Tama na ang lambingan. Kaunting respeto naman diyan. Wala kaming partner dito. Baka naman puwedeng i-save na lang iyan?” Boses naman iyon ni Andrey. Hindi ko na sila tiningnan pa, dahil nga sa tubig. Ilang beses nila kaming sinabuyan.
Akap-akap lang ako ni Haze at pilit niya akong tinatakpan. “Mga inggitero kayo,” Haze murmured. I almost laugh.
“Hey, mga kuya! Puwedeng pa-join?!” Sukat naman doon ay napahinto na sila sa kanilang ginagawa.
Dumating ang kambal na kapatid ng nobyo ko. Maliban sa bunso nila na malamang kasama rin ang bunso kong kapatid.
“What the heck?! Sino naman ang nagsabi sa inyo na ganyan ang isusuot niyong dalawa?!” sigaw niya sa kambal. Kasi naman naka-onepiece bikini rin sila.
Ako naman ay nangingiti. Paano kasi mga nakatalikod na ang kasamahan namin. Si kuya nga ay kulang na lang ilubog pati ang kaniyang ulo sa tubig. Para lang hindi siya makatingin sa unahan.
“Wala namang bawal dito, kuya,” pangangatwiran ng isa sa kambal.
“Ano’ng walang bawal?” salubong ang kilay na tanong ni Haze.
“Hindi na rin kami puwedeng magpalit kasi pumunta kami nang nakaganito lang,” ani naman ng isa pa. Ang talino talaga nila mangatwiran.
“Ate Avey, hubarin mo na iyang damit ni kuya. Mabigat iyan kapag lalangoy ka.” Mas lalong napasimangot ang katabi ko at hindi na talaga maipinta pa ang mukha niya.
“O kayo riyan, mga kuya? Bakit naman kayo lumalayo? Parang hindi na kayo sanay sa nakikita niyo, ah.”
“Euzen,” mariin na sambit ni Haze sa pangalan ng nakababatang kapatid niya.
“Si kuya naman. Mag-focus ka na lang po kay Ate Avey. Maligo na lang po tayo.”
Iyon na nga ang ginawa namin, kahit hindi na komportableng maligo ang iba riyan. Binabantayan din kasi sila ng kaibigan nilang overprotective sa mga kapatid.
Mabuti na lang ay may dala silang bimpo kaya diretso na ang tingin nina kuya, Psyche, Domein at Andrey.
Iyon nga lang masyadong clingy ang kambal. Kumakapit kina Pschye at Domein. Kaya hinahatak sila pabalik ng kanilang kuya.
Ako naman ay sinabayan ko sa paglalakad ang aking kuya. Inakbayan niya rin ako at dahil malamig ay sumiksik ako sa kaniyang katawan.
“Ikaw ba, kuya. Kailan mo naman ipapakilala ang girlfriend mo?” I asked him.
“Wala akong girlfriend,” sagot niya lang at pinagtaasan ko siya ng kilay. “I swear.”
“Mauunahan pa kita, kuya. Maghanap ka na rin po ng babae mo,” suggestion ko at marahan niyang kinutusan ang aking noo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top