CHAPTER 3

Chapter 3: Blush

I OWNED the DheAvey’s Clothing Line, business partner kami ni Kuya at siya naman ay malaking fashion show company, his DeLarkin’s Company. Si Kuya Derman ay isa ring fashionist. Well, pagdating sa mga outfits ay expert siya. Babae man o lalaki, minsan ay napagkakamalan siyang gay dahil lang doon but straight naman ang kuya ko.

Minsan ay nagiging coach siya lalo na kung may catwalk ang mga modelo niya. He’s good with that, and also dress designer din ako.

I was born on December 25, yes, a Christmas. 24 years old na ako at si Kuya ay 28 naman siya. Four years lang ang age gap namin. Napatitig ako sa naka-side view na mukha ni Haze.

Kasalukuyan na kaming lulan ng puting BMW niya at focus siya masyado sa pag-d-drive. At ako naman ay wala akong ibang ginawa kundi ang pinagmamasdan lamang siya. Tumatagal lang iyon sa mga kamay niyang maugat.

He is a surgeon doctor pero ganito ang kamay niya?

“Staring is rude, Miss,” mariin na sabi niya na mahinang ikinatawa ko. Mabilis niya akong sinulyapan.

“Hindi mo ba ako naaalala, Haze?” I asked him.

“I thought anak na lalaki ni Ninong Haze ang darating. Babae pala and yes, hindi kita naaalala,” honest na saad niya. I pouted.

“Grabe naman. May short term memory ka pala. Akala ko pa naman ay na-excite ka rin nang makita ako,” malungkot na sabi ko.

“I am sorry. I was just busy sa hospital. How old are you again?” he asked.

“I am 24 years old,” sagot ko na tinanguan niya.

“Then call me, Kuya. Four years ang tanda ko sa ’yo.” Kaedad niya lamang ang Kuya Derman ko.

“Ayaw ko nga,” tanggi ko kahit na I used to call him like that.

“You will,” giit niya and I shrugged.

“Crush kita at hindi kita puwedeng tawaging ganoon,” diretsong sabi ko na ikinahinto niya sa pagmamaneho. Muntik na akong sumubsob sa dashboard ng kotse niya. Mabuti na lamang ay may seatbelt pa ako.

“You are so honest and transparent. Seriously, Averay?” Bahagya pang tumaas ang kilay niya.

“Call me Avey, please...”

“Okay, sorry about that.” He started to maneuver his car again.

Pumasok sa isang pamilyar na subdivision ang sasakyan niya at ilang minuto lang ang nakalipas ay huminto na rin ito sa katapat ng malaking mansion. I smiled again.

I didn’t wait for him to open the door. I stepped out from his car at napatitig sa magandang mansion na nasa harapan ko ngayon.

Kinuha niya ang maleta ko sa compartment at naglahad ng kamay para mauna akong pumasok. Sumunod din naman siya sa akin at sa main door pa lamang ay nakita ko na ang pamilya na mukha ng isang magandang ginang.

“Ninang Hazel!” I called out her name at patakbong lumapit ako sa side niya. She opened her arms para salubungin din ako kaya mahigpit akong niyakap.

“Welcome back, Avey,” she said at humalik sa ibabaw ng ulo ko.

Mabait at maasikaso ang wife ni Ninong Eujinn. Magkasundo sila ni Mommy. Ang suwerte rin kasi nila sa isa’t isa. Maski si Ninong ay mabait din naman. No wonder na sa kanila magmana ang panganay nilang anak na si Haze.

“Thank you po, Ninang. Na-miss ko po kayo,” ani ko at humalik sa magkabilang cheeks niya.

“I miss you too, Avey. Tara na sa loob. Anak, Haze. Dalhin mo muna sa guest room natin ang maleta ni Avey. Pinalinis ko na iyon kahapon.” Magkahawak kamay kami ni Ninang Hazel nang pumasok sa loob ng mansion nila.

Sa may living room nila ay nandoon ang kambal na kapatid ni Haze. Sina Euzel and Euzen. Magkamukhang-magkamukha talaga sila at mahirap kilalanin.

As I recall ay 20 years old pa lamang sila at baka nag-aaral pa ang dalawang ito. May isang batang babae rin na parang kaedad lang din ng little brother ko na si Dhelo. Siguro siya rin ang bunso.

Napatingin ako sa hagdanan nila dahil may isang matangkad at guwapong lalaki ang pababa. Nakilala ko agad ito at katulad nang ginawa ko sa asawa niya ay patakbong lumapit ako para mayakap ko rin siya.

“Thanks God that you are safe from your trip, Avey. Welcome back,” he said. Ang noo ko naman ang hinalikan niya. Parang second parents ko na rin sila pero gusto kong maging future ko ang panganay nilang anak. I silently giggled sa naisip kong ganoon.

Kumalas din ako mula sa pagkakayakap namin sa isa’t isa ni Ninong Eujinn. Dumaan pa sa tabi namin si Haze para dalhin ang luggage ko sa guest room nila.

“Thank you for letting me stay in your house, Ninong, Ninang,” I told them with a smile.

“Siyempre, welcome na welcome ka rito, hija. Euzen, Euzel. Naalala niyo ba ang Ate Avey niyo? Anak siya ng Ninong Zerald niyo. Kinakapatid niyo rin siya.” Tumitig sa akin nang matiim ang kambal saka sila sabay na tumayo. Nagkatitigan pa silang dalawa at mahinang humagikhik.

“Of course, Mom. Paano naman po namin na makalilimutan ang babaeng may crush ka kay Kuya Haze?” tanong ng isa sa kambal. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil naalala pala talaga nila iyon.

“Yeah, tandang-tanda ko po iyon, Mom. Hi, Ate Avey. We’re so happy na pinili mong mag-stay rito sa amin.” Niyakap ako nito pero hindi ko talaga siya makilala sa pangalan niya. “Euzel po ang pangalan ko. In case na nalilito ka, Ate,” natatawang saad niya. Nag-beso-beso pa kami at sunod naman si Euzen.

Pareho nila akong iginiya sa coach at pumagitna na sila sa akin. “Kukuha lang ako ng drinks mo, Avey. Stay here with my twins,” paalam ni Ninang Hazel.

“Anyway, Avey. Feel at home, hija.” Si Ninong Eujinn naman ang nagpaalam.

“Working po?” I asked and he nodded. Humalik siya sa pisngi ng asawa niya.

“Mag-iingat ka, honey,” malambing na sabi nito. Pati ang kambal ay humalik sa pisngi ng daddy nila bago ito tuluyang lumabas.

“Kuya! Dito ka muna kay Ate Avey!”

“May klase po kami!” Hinintay ko ang pogi nilang kuya.

“May trabaho rin ako,” narinig kong saad nito. Hindi ko muna siya nilingon.

“Bahala ka na, Kuya!”

“Bye, Ate Avey! Magkita na lamang po tayo mamaya! Mag-b-bonding pa tayo!”

“I like that,” tumatangong saad ko. Umupo naman si Haze sa single-sofa at nakatutok ang atensyon niya sa hawak niyang cellphone.

Kinuha ko ang pillow at inilagay ko iyon sa lap ko saka ako nangalumbaba.

“So, ilang araw ang bakasyon mo?” kaswal na tanong niya.

“Hindi araw, one month ako rito,” pagtatama ko. He licked his lower lip at napatitig ako roon.

“What do you do for living, Averay?”

“Please, call me Avey,” ani ko.

“Okay, Avey.”

“I owned the DheAvey’s Clothing Line in Europe, may branch ako sa Singapore and Malaysia,” I said at nakita ko ang pagkamangha.

“At the age of 24?” he asked and I nodded.

“Business partners ang company namin ng Kuya Derman ko,” pagbibida ko. Isa si Kuya ang gumabay sa akin noong baguhan pa lamang ako sa pagpapatayo ko ng clothing line ko.

“Oh, I remember your brother.” I snorted.

“Ikaw lang yata ang hindi nakaalala sa akin,” malungkot na sabi ko at nagsalubong pa ang kilay niya.

“Sorry, mahina lang talaga ang memorya ko pagdating sa mga tao,” he reasoned out.

“How come na naging doctor ka pa,” mahinang bulong ko.

“What did you say?” tanong niya sa mahinahon na boses.

“Sabi ko ay ang guwapo mo namang doctor,” sagot ko at mabilis siyang nag-iwas nang tingin sa akin na parang nahihiya siya. Kitang-kita ko kung paano mamula ang magkabilang pisngi niya. Hala, ano ba iyon? Nag-blush siya?

He cleared out his throat. “Bakit ang tagal ni Mommy?” wala sa sariling tanong niya at hindi na siya mapakali pa mula sa kinauupuan niya.

“Doc, may sakit ka ba? Bakit pulang-pula ang pisngi mo?” inosenteng tanong ko na akala mo naman ay hindi ko alam ang dahilan.

“Shít!” malutong na mura niya at napatayo siya, ’saktong bumalik na rin ang kanyang ina na may dala ng tray.

“Oh, saan ka na pupunta, anak?” tanong nito sa kanya.

“Aalis na po ako, Mom. Ako na po ang susundo mamaya kay Euza sa school nila.” Humalik siya sa pisngi nito at hindi na siya tumingin pa sa akin. Nagmamadali na siyang lumabas.

“Bye, doc! Ingat ka!” sigaw ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top