CHAPTER 29
Chapter 29: Meeting his friends, again
INALALAYAN akong umupo ni Haze at inayos pa niya ang aking roba. Para yata hindi ako lamigin lalo. Iniwan na nga rin naman doon si kuya. Kasi alam ko naman na pagkatapos niyon ay sa kaniyang laptop na naman siya magbababad.
Puro work lang talaga siya, kahit may tauhan naman siyang pinagkakatiwalaan niya. Kung sabagay malaking kumpanya ang mayroon si kuya.
“Bukas na tayo pupunta sa lake, Haze?” tanong ko sa kaniya na ikinatango niya. Tinitigan pa niya ang mukha ko, kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Yes, don’t worry. Gigisingin agad kita bukas na bukas,” aniya sabay kindat niya. Napailing na lamang ako sa gesture niya.
Inunahan ko na siya sa pagkuha ng kutsara at tinidor. Siya naman ang kumuha ng gusto kong kakainin ngayon. Nakagugutom naman talaga ang maligo sa pool.
“Palagi ba tayong ganito, babe?” I asked him. Sobrang sweet niya kasi sa akin, tapos grabe pa ang pag-aasikaso niya.
“Paanong laging ganito, hmm?” balik niyang tanong. Sinapo pa niya ang pisngi ko at sinubuan pa niya ako ng pasta.
Nginuya ko na muna iyon bago ko siya sinagot, “Palagi mo akong inaasikaso. Hindi ka ba nagsasawang alagaan ako?”
“At bakit naman ako magsasawang alagaan ka? Hindi ka naman ibang tao sa akin. Girlfriend kita,” aniya sabay halik niya sa sentido ko.
“Baka nga naman ay mapagod ka na sa akin. Magsabi ka lang,” aniko. Natatawang pinisil niya ang aking pisngi at ilang beses pang hinalikan ang gilid ng labi ko. Kinurot ko ang tagiliran niya. “Kumakain pa ako, Haze. Huwag kang malikot diyan.”
“Yes, Ma’am,” tugon niya at napairap na lamang ako. Aagawin ko na sana ang fork para ako na ang kumaing mag-isa, but inilayo naman niya iyon.
“Haze,” nagbabantang sambit ko sa pangalan niya. Sinubukan ko pa ring kunin iyon mula sa kaniyang kamay. Umiiwas nga lang siya.
“Susubuan na kita,” aniya ngunit umiling ako.
“Okay na, ako na lang,” aniko. Pinukulan ko pa siya nang masamang tingin kaya ibinigay niya rin iyon.
Habang kumakain ako ay yumakap lang siya sa akin. Balewala na sa kaniya kung mababasa man siya. Maging ang suot kong roba ay nabasa na rin kasi.
“I love you, Dhea Averay,” bulong niya sa aking tainga, kaya mariin akong napapikit. Nakikiliti ako sa mainit niyang hininga.
“I heart you,” sabi ko lang at humigpit ang pagyakap niya sa aking baywang.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay tapos na akong kumain kaya inaya na niya akong pumasok sa vacation house namin. Para makapagpalit na raw kami.
Hindi nga lang kami hinayaan na matulog sa isang kuwarto, kahit wala naman kaming gagawin ni Haze. Kilala ko na ang boyfriend ko, even though hindi ko pa siya naaalala.
Gentleman siya, hanggang halik at yakap lang ang ginagawa niya. Isa iyon sa nagustuhan ko na pag-uugali niya. Masyado rin siyang loyal.
“Ayos ka na rito, baby?” Tumango ako.
“Matulog ka na rin sa kabila. Bawal kang tumabi sa akin,” nakangising sabi ko. Sumimangot siya at humilig sa ’kin, hinalikan niya ang noo ko. Inayos pa niya ang kumot ko sa aking katawan.
“Good night, Avey,” he whispered.
“Good night, babe,” sambit ko at saka ako pumikit. Ilang sandali ko pang naramdaman ang pagtitig niya at muli pa siyang humalik sa noo ko bago ko narinig ang footsteps niya.
Ang pagbukas-sara ng pinto ng kuwarto ko at tuluyan na rin akong nakatulog.
AKALA ko ay makapupunta na kami ni Hajinn sa lake, katulad nang sinabi niya kahapon. Ngunit hindi nangyari, dahil maaga pa lang ay abala na siya sa pakikipag-usap niya sa mga kaibigan niyang dumating noong madaling araw.
“Come here, baby,” marahan na utos niya nang makita niya ang paglabas ko. Nasa labas nga silang lahat at nandoon din ang kuya ko.
Tumayo pa siya para salubungin ako. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming umupo. Nasa aming harapan ang mga kaibigan niya, na titig na titig pa sa akin. Si Kuya Derman naman ay kahit sumisimsim ng kaniyang kape ay nakatutok din ang atensyon niya sa ’kin. Napairap pa ako sa kaniya, kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.
“Ang aga-aga ay ang suplada mo na,” komento niya at natawa ang tatlong lalaki.
“Bakit kasi ganoon ka makatingin, kuya?” nakangusong tanong ko.
“Hello, Miss Dhea. We heard the incident happens,” sabi ng isang lalaking, na naka-red v-neck shirt.
Casual lang ang outfit nilang tatlo, pero ang lakas pa rin ng sèx appeal nila at talagang napakaguwapo rin. Habang pinagmamasdan ko sila ay pamilyar din ang face niya. Na parang na-meet ko na rin sila before.
“Yeah,” sabi ko lang at ginantihan ko naman sila nang ngiti. Kasi panay nga ang pagngiti nila.
“Sabi ni Haze ay wala kang maalala. But actually nag-meet na talaga tayo,” sabi ng pangalawang lalaki. Napaka-friendly ng ngiti niya.
“Oo, e. Pero pamilyar naman kayo sa akin,” nakangiting saad ko at pareho silang napatango.
“Magpapakilala ulit ako. I’m Psyche Chan Sanchez, Miss Dhea.”
“Ang unique ng name mo, Psyche,” namamanghang sambit ko. Ang cute lang ng name niya, Psyche.
But wait a minute. Bakit parang pamilyar din sa akin ang eksenang ito? It’s like déjà vu.
“Ganyan din ang sinabi mo sa akin last time, Miss Dhea,” ani Psyche. Umawang ang labi ko sa gulat.
“Kaya naman pala na-f-feel ko rin,” saad ko na sinabayan pa nang pagtango.
“I’m Andrey Calelan, Miss Dhea,” pakilala naman ng isa. Sa tatlo sila ay siya yata ang may mas soft na ekspresyon ng mukha.
“Nice to meet you again, Dr. Andrey. Just call me Dhea or Avey.”
“Kahit pala nawalan ka ng alaala ay katulad ka pa rin nang dati, Avey,” aniya. “Heto naman si Domein Domingo.”
“Hi, Avey. Ngayon ko lang nalaman na nakababatang kapatid ka pala ni Derman,” sabi nito sabay tapik sa balikat ng kuya ko. Naguguluhan na tiningnan ko silang dalawa. I’m confuse. Magkakilala rin yata sila? It seems they’re close kasi.
“Magkaibigan sila, Avey.” Si Haze na katabi ko ang sumagot sa katanungan na nabubuo sa aking isipan.
“Ah, I see,” I just said.
“Sige na, mag-breakfast ka na rin. Mamaya na tayong pumunta sa may ilog.” Tumulis ang labi ko.
“Bakit mamaya pa?” bulong na tanong ko sa kaniya.
“Basta mamaya na okay?” malambing na saad pa niya. Napapikit pa ako nang dumampi ang malambot niyang labi sa noo ko.
Nang lingunin ko ang kaniyang mga kaibigan ay nasa amin na naman ang kanilang atensyon.
“Avey, bakit nagpauto ka sa kaibigan namin? Dapat hindi mo siya sinagot,” sabi ni Psyche at napailing siya. Mukhang nang-aasar naman siya.
“Shut up, Psyche. Gusto mo yatang makatikim ng sapak diyan?” naaasar na tanong ni Haze. Ako ang natawa sa naging reaksyon niya.
“Kumain na nga lang tayo, babe. Huwag mo nang patulan ang sinabi ni Psyche. Parang nagbibiro lang naman siya tapos naiinis ka na agad diyan,” naiiling na sambit ko. Nagkibit-balikat lamang sila at inasikaso na lamang niya ako.
Nakipagkuwentuhan na rin ako sa kasamahan namin at nakikisabay naman si kuya sa pang-aasar niya kay Haze. Kaya madalas ko siyang sinusungitan.
Tuwang-tuwa naman ang magaling kong boyfriend kasi kinakampihan ko siya. Ayos na rin para hindi naman siya maasar lalo. Kawawa naman, kasi pinagkakaisahan siya. But natutuwa naman ako sa samahan nila, ang friendship nila ay kakaiba sa lahat.
Iyong tipong may asaran kayo, tapos normal lang din sa kanila ang maasar. Na ilang sandali lang ay matatawa na sila sa kalokohan nila.
“Sayang, Avey. Hindi mo pa na-meet si Dervon. Busy kasi iyon sa pagiging tanga niya sa girlfriend niya,” ani Domein. Kung kausapin nila ako ay tila close rin kami. Magaan din kasi silang kausap.
“Ano’ng girlfriend?” salubong ang kilay na tanong ni Haze at tinakpan niya ang aking tainga kaya napatingin ako sa kaniya. Nasundan ko nang tingin ang labi niya na sinambit ang salitang kabit.
“Hayaan niyo nga siya. Nahihirapan na rin iyon sa asawa niya,” ani Andrey.
“It’s true na may kabit ang kaibigan niyo?” curious na tanong ko. Natigilan silang lahat sa aking tanong.
“Walang silbi iyong pagtakpan mo ng kaniyang tainga, Haze,” ani naman ni kuya.
“Well, that’s life,” Psyche said. “Kung hindi kayang mahalin ni Dervon ang asawa niya ay marami namang gustong sumalo riyan. Isa ka na, Andrey, tama?”
“Tumigil ka. Nananahimik ako at nagsasalita ka naman diyan, psh. Pero ano naman ang masama kung maraming sasalo kay Aurora?” nakataas ang kilay na tanong ni Andrey.
Another Haze, nakikita ko sa katauhan niya ang isa sa ugali ng aking nobyo. Mabait at talagang ayaw rin nila sa mga taong nagpapaiyak sa babae.
“Ayos lang sumalo, Andrey. Pero kaibigan mo naman ang makalalaban mo. At malay mo naman magbabago pa rin siya?” aniko.
“Hopeless na ang isang iyon, Avey. Imposible nang magising pa. Hibang na iyon sa first girlfriend niya,” naiiling na saad niya.
Poor woman, makararanas pa nang sakit na dulot ng kaniyang asawa. Pero alam ko naman na magiging masaya pa rin siya, kapag pinili niya ang sarili niya. Na mahalin niya muna ang kaniyang sarili bago ang iba at kahit asawa pa niya ito.
Ngunit malay din nila na may sariling happy ending pa rin ang kaibigan nila kasama ang wife nito, right?
Basta, naniniwala ako sa happy ending nila. Kahit nga kami ni Haze ay wala pang kasiguraduhan kung kami pa rin hanggang sa huli.
Wala lang akong maalala, but still nararamdaman kong mahal ko siya. At sigurado na ako sa nararamdaman ko. Wala na rin naman akong nakikita na ibang lalaki na makasasama ko habang-buhay. Kundi siya lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top