CHAPTER 28
Chapter 28: Vacation
“BAKIT ngayon ka lang, Haze?” Tumalon pa ako mula sa kama upang salubungin siya nang mahigpit na yakap. Agad naman niya akong sinita, na huwag ko raw gagawin iyon.
Natatakot siya na manakit na naman ang ulo ko. Katulad nang ginawa ko sa pagtalon ko sa aking kama. Malay ko naman kasi na mangyayari iyon, ’di ba?
“Puwede na tayong sumunod sa parents niyo, Avey. Doon sa vacation house niyo. Pupunta rin naman doon sina mommy at dad, pati na ang mga kapatid ko. Pero mauuna muna sila. Magpapaiwan tayo,” sabi niya at tiningala ko siya. Nakita ko ang maliit niyang pagngiti.
“Bakit naman? Hindi ba puwedeng sabay-sabay na lang tayo pumunta roon?” nagtatakang tanong ko. Sinapo pa niya ang aking pisngi at matamis akong nginitian. Sumilay ang magandang bagay sa kaniyang magkabilang pisngi.
Hinalikan niya ako sa noo. “Basta. Gusto ko ay tayong dalawa na lang ang bibiyahe,” giit niya.
“Ano’ng basta ha? Magpapaiwan tayo rito sa house niyo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Natatawang pinisil niya ang pisngi ko at ilang beses akong hinalikan sa lips ko.
“I love you,” he uttered. Oh, darn it! Kinikilig na naman ako! “Hey, I said. I love you.”
Wala talaga sa oras ang pagsasabi niya ng “I love you.” Iyong tipong hindi ako handa. Hindi naman talaga ako palaging handa.
“Opo, narinig ko naman. Hindi naman po ako bingi, doc. Huwag nang paulit-ulit, ha?” sabi ko at naningkit ang aking mga mata. Siya naman ay napasimangot.
“Hindi mo ba ako sasagutin?” Napahimas ako sa pisngi ko at tiningala ko siya. Sa tangkad niya ay nahihirapan akong abutin siya.
“Bakit? Nagtatanong ka ba?” I asked him in confused. He shook his head at ginulo niya ang buhok ko, pero inayos din naman niya kalaunan.
“I love you.”
“I heard that,” sabi ko and he chuckled.
“I love you, so much baby.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay siniil niya ako nang mariin na halik.
Pumulupot naman ang mga braso ko sa leeg niya at napapikit na tumugon ako sa mga matatamis niyang halik. Ang sarap sa pakiramdam iyong ganito.
Kahit pala hindi ko siya maalala ay magaan ang loob ko kay Haze. Kampante rin ako sa presensiya niya at talagang hindi ako nababahala.
Napadaing ako nang marahan niyang kinagat ang pang-ibang labi ko at ang isa niyang kamay ay nasa batok ko na. Hinapit pa niya ako sa baywang, kaya parang mapipisa ang dibdib ko na nakadikit din sa kaniyang katawan.
Naramdaman ko na lamang ang malambot na kama sa likod ko at bumaba ang halik niya sa panga ko, pababa pa sa aking leeg. Binigyan ko siya ng access at napapikit ako, dahil sa nararamdaman kong tensyon.
Bakit parang biglang uminit sa loob ng guestroom na tinutuluyan ko? Kahit na naka-on naman ang aircon, ’di ba? Ano’ng nangyayari?
O baka dahil lang ito sa ginagawa namin ngayon?
Napaigtad naman ako nang lumipat ang kamay niya sa kaliwang dibdib ko at naramdaman niya ang pagkabigla ko.
“I should stop,” he said under his breath. I nodded. Pinagdikit pa niya ang noo namin saka siya humiga sa tabi ko.
Habol-habol ko ang paghinga ko at bayolente pa nga ang pagtaas-baba ng dibdib ko. Ganoon din siya.
“Ang likot talaga ng kamay mo, babe,” nangingiting sambit ko. Natawa siya at hinila na naman niya ako. Ang tigas talaga ng braso niyang nasa baywang ko at isinubsob pa niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Kahit nakikiliti ako sa mainit niyang hiningang tumatama roon ay hindi na lamang ako nagkomento pa.
“Yeah, sorry about that,” mahinang usal niya. Ginawa kong unan ang dibdib niya at pinakinggan ko ang mabilis na tibok ng puso niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at nagulat siya nang inilapat ko iyon sa aking dibdib. Nang nakuha niya ang ibig kong sabihin ay hindi na siya nakaimik pa. He even stared at my face.
“Kahit siguro hindi ko na sabihin pa, Haze. Halatang ikaw ang dahilan kaya ito tumitibok nang ganito kabilis, ’di ba?” nakangiting tanong ko. Gets ko naman ang tinutukoy niya kanina, na kung bakit hindi ko siya sinasagot.
“Ang suwerte ko naman. Dati-rati ay ako ang naghahabol na mahalin din ako at gawin akong priority niya. Kaya noong dumating ka na sa buhay ko ay parang ikaw lang ang hiniling ko.” Nanikip ang dibdib ko. Ayokong maranasan niya ang ganito. Na nasasaktan siya dahil hindi siya ang first priority ng taong minahal niya dati.
Napag-usapan na rin namin na bago ako ay nagkaroon siya ng girlfriend. Iyon daw ang first love niya. I asked him na kung bakit sila naghiwalay. Hindi na niya sinagot pa, kasi hindi naman daw iyon mahalaga pa. Dati pa naman niyang naikuwento, ayaw niya lang balikan.
Huminto na lang ako sa pagtatanong, ayaw naman niyang ikuwento, and besides wala akong nararamdaman na may duda ako sa kaniya. Mahal niya ako at ramdam na ramdam ko pa rin naman iyon.
“Why? Hindi ka ba minahal ng first love mo?” I asked him. Ang tànga naman ng babaeng iyon kung hindi niya pinahalagahan ang feelings ni Hajinn.
“Eh, ’di sana pinili niya ako. Ayoko namang pigilan siya kapag pangarap niya ang mas pinili niya. Pero iyong walang kasiguraduhan na kung may hihintayin pa ba ako ay iyon ang mas nakatatanga talaga,” mariin na saad niya at tumitig pa sa mga mata ko. Hindi na siya apektado pa. Nakikita ko iyon. “But you. You choose to stay with me kahit na iyong nararamdaman ko sa iyo noon ay hindi pa sigurado.”
“Alam mo, Haze. Hindi naman ibig sabihin na pinili niya ang pangarap niya ay hindi ka na niya mahal. May mga tao pa rin na mas inuuna ang sarili nilang pangarap, na ayos lang maging selfish sila kahit alam nilang may maiiwan sila at may masasaktan. Ang pagpili sa sarili mo ay oo, masasabi mong napaka-selfish mo naman, pero hindi iyon masama. May mga bagay lang na kailangan mo talagang isuko; ang taong mahal mo na para lang natupad ang minimithi mo o ang pangarap mo? Minsan kasi ay iyon ang gusto ng mga puso natin. Ang piliin ang kung ano’ng nagpapasaya sa atin. Alam kong minahal ka pa rin niya,” mahabang sambit ko. Napasinghap na lamang ako nang kinagat niya ang ilong ko.
“Amnesia girl, ang galing mo pa rin sa mga ganyan,” sabi niya at pinaulanan na niya ako ng mga halik sa pisngi niya. Kainis naman! Ano’ng amnesia girl?! Grr!
“Tandaan mo ito palagi, babe. Na kahit itong isip ko ay hindi ka maalala. Dito.” Dinala ko uli ang malaking palad niya sa dibdib ko. “Pakinggan mo lang ang heartbeat ko at alam kong malalaman mo kung sino ang sinisigaw nito,” malambing na sabi ko at ako naman ang humalik sa kaniyang pisngi. Namula rin ang cheeks niya at maging ang tainga niya. Kinikilig yata ang babe ko.
“Yeah,” he said at bumaba ang kaniyang ulo. Para yata pakinggan ang tibok ng puso ko. Gamit ang aking mga daliri ay hinaplos ko ang malambot niyang buhok.
“I love you, doc babe.”
“Dàmn it. Binibigla mo naman ako!” sigaw niya at talagang nagreklamo pa.
***
“BAKIT ngayon lang kayong dalawa, ha? Noong isang araw pa kami dumating dito at ngayon niyo lang naisipan na sumunod sa amin? Dapat kahapon pa kayo bumiyahe rito,” ani Ninang Hazel.
Narinig ko rin ang pagtawa ng parents ko.
Tama, ngayon lang kami pumunta sa vacation house namin at sumakay lang kami ng kotse ng boyfriend ko. Nasa isang probinsya ito at nakatulog na nga ako along the way. May baon naman kaming snack. Bago kasi kami umalis sa house nila ay bumili pa siya ng food sa resto.
“May surgery po ako sa isa kong pasyente kahapon, Mom,” sagot ni Haze at humalik sa pisngi ng mommy niya. Ako naman ay gumaya rin nang hindi niya binibitawan ang kamay ko. Kahit mamawis pa ito ay ayaw niyang bumitaw.
Namangha naman ako sa laki ng vacation house namin. Ang ganda, tapos ang laki at malawak pa ang swimming pool. Narinig kong may malapit na lake raw ito. Safe namang tingnan dahil matataas ang gate nito.
Kumakain na sila ng meryenda nila nang dumating kami. Si Kuya Derman ay nakaharap na naman siya kaniyang laptop. Hindi talaga pagbabakasyon ang ginawa niya rito. Maging dito sa Pilipinas ay tinatawag pa rin siya ng trabaho niya.
Kung sabagay nga naman, siya na ang humahawak sa business ko. Kasi nagpapahinga pa ang brain ko ngayon. Kidding aside.
Lumapit na rin kami sa parents ko para batiin sila at saka kami umupo ni Haze. Napatingin pa ako sa pool. Parang gusto ko nang magbabad agad sa tubig. Nandoon kasi si Dhelo. Kasama niya ang bunso ng ninang at ninong ko. Pati na ang kambal na panay ang selfie.
“Gusto ko na agad maligo,” aniko.
“Try niyo muna ang lake. Masarap ang tubig doon, ’sakto lang ang lamig niya kapag nasa ganitong oras. Sa umaga naman ay parang hot-spring din iyon,” suggestion ni mommy at parang na-excite agad ako.
I looked at my boyfriend. Nag-puppy eyes pa ako sa kaniya para pagbigyan niya ako sa gusto ko. Alam ko kasi na uunahin niya muna ang pagpapahinga ko, dahil na rin sa haba nang naging biyahe namin.
Ika niya, bawal akong mapagod. Ang sweet talaga niya, ano?
Ang suwerte kong girlfriend niya kung ganoon.
“Paano kita matatanggihan kapag ganyan ka?” I chuckled. I kissed his cheek.
“Pampawala na rin po ng pagod sa biyahe, babe. Tara na? Punta na tayo?” pag-aaya ko. Hinila-hila ko pa ang braso niya.
“Kumain ka muna.”
“Busog pa ako. Kumain tayo kanina, ’di ba?”
“Ayaw mo talagang ipagpabukas iyan?” Umiling ako bilang tugon. “Fine. Pero ako muna ang kakain. Nagutom ako. Tinulugan mo ako kanina.” I pouted.
“Sorry po.” Nagawa ko pang nag-peace sign sa kaniya. Pansin ko na pinapanood kami ng parents namin, pero tila may sarili rin kaming mundo. Kasi naka-focus lang ang atensyon namin sa isa’t isa.
“We’ll go after I eat, okay?” malambing na paalala niya na agad kong tinanguan. Hinalikan pa niya ang sentido ko.
Hinayaan ko na muna roon si Haze. Kahit na sinundan pa niya ako nang tingin.
“Ate ’lika! Maligo tayo!” pag-anyaya ni Dhelo.
“Gusto ko roon sa lake,” sagot ko sa aking kapatid at bumaling ako sa nakababatang mga kapatid ni Hajinn. “Hi!”
“Hello, Ate. Akala namin ay susunod na kayo kahapon sa amin. Pero ngayon lang kayo dumating.” Hindi ko alam kung sino ang nagsalita sa dalawang kambal. Ngumiti lamang ako sa kanila at nakipagkuwenguhan din ako sa kanila. Hanggang sa nakalimutan ko na nga ang pagpunta sa lake.
Maski ang magaling kong nobyo ay hindi na niya pinaalala pa. Kaya ang ending ay sa pool pa rin ako naligo. Goods na rin.
Nang umahon na ako mula sa tubig ay may naglahad na ng kamay para sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Pinunasan ko ang tubig sa aking pisngi at ibinalot ni Haze sa katawan ko ang roba. Sando and shorts ang suot ko. Inayos pa niya ang tali sa bandang dibdib ko.
“Ikaw po, doc babe? Ayaw mo bang maligo? Masarap ang tubig,” aniko.
“Bukas na. Ayos na sa akin na makita kang nag-enjoy roon,” sabi niya. Pinisil ko ang kaniyang pisngi.
“Ikaw talaga. Palaging ako na lang. Dapat ikaw rin, mag-enjoy ka sa vacation mo, babe,” aniko.
“Nag-e-enjoy naman ako. Kasama ka,” aniya at napapitlag ako nang may tumalon sa pool, kaya tumalsik pa ang tubig sa amin. Nang makita ko ang culprit ay napasimangot ako. “Kuya naman, e! Nambabasa ka!” sigaw ko sa kaniya.
“Ay sorry,” nakangising sabi niya. Inaya ko na lang si Hajinn na umalis doon at nakaramdam na ako ng gutom.
“Gutom na naman ako, Haze,” sabi ko.
“What do you want to eat? Marami pang pagkain o kung gusto mo ay ipagluto kita.”
“Hindi na. Ayos na ako sa nakahanda. May pasta ba? Iyon ang gusto kong kainin.”
“Yes, mayroon.”
Wala na roon ang parents namin. Nagpapahinga na nga sila. Kami lang ang naiwan dito. Maliban kay Kuya Derman na nasa swimming pool nang nagda-dive.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top