CHAPTER 26

Chapter 26: Long distance relationships



SINCE okay naman na ako ay nagawa ko nang pauwiin sa Pilipinas si Haze. Doctor siya at alam ko naman na busy siya. Mas importante ang career niya, kahit ilang beses pa niyang sabihin sa akin na mas mahalaga ako.



“Ayos lang sa iyo na umuwi na ako? Hindi mo na ako makikita araw-araw,” sabi niya, tapos tumutulis ang labi niya. Kaya pinitik ko iyon.




“Kailangan mong umuwi, Haze. Kahit mami-miss kita ay ayoko namang mawalan ka ng career. Hindi mo nami-miss ang parent mo? Ang mga kapatid mo, ha? Ako na lang ba palagi ang inaalala mo?”



Matiim niya akong tinitigan sa mukha at napabuntong-hininga. “Kung ganoon, magiging long distance relationship na tayo. Gusto mo ba iyon? Phone calls na lang ang komunikasyon natin?” tila nanghahamon na tanong niya.





“Basta we’ll keep in touch para hindi mawala ang communication natin sa isa’t isa. Kahit nga hindi LDR ay kapag wala nang ganoon ay magtatapos na agad ang relasyon ng dalawang tao. Kaya nga, babe. Kahit hindi pa kita naaalala ay pinili kong i-keep ka. Kasi po, ayokong matulad sa iba. Na nakalimot lang ang isa ay agad-nang tapusin ang relasyon nila? Na kesyo estranghero naman, pero hindi na puwedeng kilalanin ulit?” mahabang pahayag ko na ikinahalakhak niya.




“Tama ka, Avey. Sa ating dalawa ay ako talaga ang pinakamasuwerte. I love you,” he said. Ipinikit ko ang mga mata ko nang inilapit niya ang mukha niya sa akin. Pero nang maramdaman ko na dumampi ang malambot niyang labi sa noo ko ay napanguso ako. Disappointed.




Malakas na natawa siya sa naging reaksyon ko. Dumampi pa sa tungki ng aking ilong ang halik niya, pero kalaunan ay napangiti na rin ako nang sa lips ko na nga siya humalik. Buong puso kong akong tumugon sa mga halik niya.



I’m gonna miss him too.




Si Kuya Derman ang naghatid sa kaniya sa airport. Gustuhin ko mang sumama ay hindi niya ako pinayagan. Ayaw niya raw kasing umalis kung alam niyang nandoon ako.




In short, the thought of iiwan niya ako ay hindi niya kakayanin. Baka raw kasi magbago ang isip niya at makalimutan niya ang career niya, na ako ang pipiliin niya. Hay naku, Haze. Ang cute mong kurutin sa cheeks at panggigilan, e.





Nasa living room kami ng kapatid ko at siya ay naglalaro na naman sa phone niya. Ako naman ay nanonood ng TV, but naghihintay talaga ako sa text message ng boyfriend ko.




I told him na mag-text siya kapag dumating na sila sa airport at kung nakarating na rin ba siya sa Pilipinas ng safe.




Nang marinig ko ang ringtone alert ng phone ko ay mabilis kong kinuha iyon sa coffee table. Napatingin pa sa akin si Dhelo. Nakakunot ang noo.



“Don’t mind me, brother,” sabi ko. Nangingiting ibinalik niya ang atensyon niya sa pinagkakaabalahan niya.





Si mommy ay nasa garden niya, nagdidilig siya ng mga halaman niya roon. While dad, baka nasa kumpanya niya.




Lumapad ang ngiti ko nang makita ko na galing kay Haze ang message.





From: My Haze.

“Nasa airport pa lang ako, pero miss na agad kita.”





Napahalakhak ako and nakaramdam din ng kilig at the same time. Naks, parang teenager pa rin ang peg ko, ha.






I typed my reply for him. “Nasa airport na kayo ni kuya?” When I hit the send button ay ilang seconds lang ay tumawag na agad siya.



“Hey, baby. Nasa airport na nga ako, umalis na kanina ang kuya mo. Naghihintay na lamang ako ng flight ko. Ano pala ang ginagawa mo ngayon?” tanong niya sa kabilang linya. Ang sarap sa pakiramdam na kausap siya, kahit over the phone pa.

“Heto, kasama ko si Dhelo. Nasa sala kami at nanonood ako ng TV. Actually, kanina ko pa hinihintay ang text message mo. I thought ite-text mo ako kapag safe ka nang nakarating sa Philippines,” sabi ko.


“Hmm, mamaya ulit ite-text kita. Kung iyan nga ang gusto ng girlfriend ko.”

“Gawin mo, okay? Para hindi ako mag-alala sa iyo. Kung nakalimutan mo ay bahala ka. Hindi kita papansinin, maski sa message. Bahala kang mangulit sa akin.”


“Duly noted, Ma’am. Hindi ko dapat makalimutan iyan.”

Hindi na panonood ang ginawa ko, dahil pinili ko na lang na katawagan ko si Haze. Ang kapatid ko nga ay napapansin ko na lang ang ilang beses niyang pag-iling. Tapos kung maaabutan ko siyang nakatingin sa ’kin ay mabilis niya ring iiwas ang tingin. Ang cute lang kapag nahuhuli na siya.

Hindi agad ako nakatulog, hangga’t wala akong natanggap na message. Kaya pinagpuyatan ko iyon. Nang makita kong mayroon na ay saka lang ako tuluyang nakatulog.

Sa ibang araw na siyang nakatawag sa akin, kasi hindi ko na na-accept ang call niya.

“Baby.” Urgh, kahit boses niya ay na-miss ko rin!


Bumangon ako at isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama. “Hello. Sorry kung ngayon ko lang na-accept ang tawag mo. Tulog po kasi ako, e.”

“It’s okay, Avey. I understand. Pina-check nga kita sa kapatid mong si Dhelo. I’m worried na hindi ka na rin sumasagot sa mga tawag ko. Iyon pala ay nakatulog ka na rin,” he said.

“Hindi kasi ako makatulog kung alam kong nasa biyahe ka pa. Hangga’t hindi ko nababasa ang message mo na safe ka nang nakarating,” pag-amin ko, dahil iyon naman talaga ang totoo.

Narinig ko tuloy ang marahan na halakhak niya at pinakinggan ko lang iyon nang mabuti.

“Tama nga talaga, na ako ang mas masuwerte sa ating dalawa, dahil nagka-amnesia na ang girlfriend ko pero ako pa rin ang inaalala. So, fair na tayo ngayon. Don’t worry, mag-w-work itong relationship natin. Hahayaan ko ba na masayang ito at mawala ka na lang nang ganoon-ganoon? Hèll no, baby.”

“Hmm, kilala na agad kita. Patay na patay ka sa akin, kaya hindi mo talaga ako hahayaan na mawala sa buhay mo.” Napuno lang nang tawanan ang buong pag-uusap namin ni Haze. Masaya na ako dahil doon.

“Right. Itatali na lang kita sa baywang ko kung ganoon.”



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top