CHAPTER 25

Chapter 25: Home

PINASADAHAN ko nang tingin ang buong paligid. Ganito pa rin naman ang mansyon namin na naaalala ko. Malaki siya at maganda.

“Welcome home, honey,” ani mommy. Yumakap pa siya sa akin. Ngayon ay nakalabas na talaga ako sa ospital. Kaya naman kami na lang ng boyfriend ko ang umuwi sa bahay namin.

Kinuha na lang ni Haze ang schedule ko para sa therapy at check up ko. Wala pa rin siyang balak na umuwi sa kanila. Okay na rin iyon para mas maalala ko siya kapag palagi ko siyang kasama.

Ngunit alam ko na kailangan niya rin talagang umuwi. Hindi ko naman siya pipigilan.

“Thank you po, Mom. Parang na-miss ko po agad ang bahay natin, ah,” komento ko. Hinila ko sa kamay si Haze at umupo kami sa sofa.

“Yeah, pati ang bahay natin ay na-miss ka.” I let out a chuckle. “May gusto ka bang kainin, hon? Or something to eat?” I shook my head.

“I wanna check my room, Mom,” I said to her and stood up. Of course, nahatak ko na naman ang boyfriend ko at parang wala naman iyon sa kaniya, kahit ilang beses ko pa rin siyang nahihila.

Ayoko rin naman na matulad kami sa iba, iyong nagkaka-amnesia ang isa. Nakalimutan na niya ang tungkol sa boyfriend or girlfriend nila, tapos doon na magtatapos ang relationship nila. Ayoko ng ganoon, kaya kahit hindi ko naaalala si Haze ay gusto ko pa rin na magpatuloy.

Na ituloy ang relationship namin, besides nararamdaman ko pa rin na mahal ko siya. Kasi hindi titibok nang ganito ang puso ko kung hindi.

“Okay,” narinig kong sabi ni mommy. Tingnan ko siya at kinawayan.

Pinagsiklop ko ang mga daliri namin ni Haze nang paakyat na kami sa itaas. Nararamdaman ko rin ang matagal niyang pagtitig sa akin at hinahayaan ko lang siya na gawin iyon.

“Where is my room, babe?” I asked him. When I looked at him ay nakataas na ang isa niyang kilay.

“You never call me that, Miss.” I shrugged my shoulders.

Binuksan ko ang isang pinto at pumasok kami roon. Napangiti ako dahil pamilyar ang atmosphere sa loob ng silid na ito.

“This room is mine,” I uttered. Binitawan ko ang kamay niya at narinig ko ang pagdaing niya na tila hindi siya sang-ayon sa ginawa kong pagbitaw. Padapa akong tumalon sa kama ko, pero natigilan ako nang isang matinis na ingay ang naririnig ko, kasabay nang pagkirot ng ulo ko. “H-Haze...”

Narinig ko ang malakas na pagmumura niya, pero iyong nakaiiritang tunog ay nasa magkabilang tainga ko pa rin at ayokong marinig iyon. Sumasakit lang ang ulo ko.

“Baby, baby...” Bahagya niyang iniangat ang kalahati ng katawan ko at dinala niya sa dibdib niya ang ulo ko. Ang isang kamay ko ay pilit na tinatakpan ang aking tainga, nang sa gayon ay hindi ko na marinig pa iyon.

“Haze,” tawag ko sa kaniya. Tila may mga nakikita na akong eksena sa isip ko, pero ayokong makita iyon.

“It’s okay, baby. Calm down.” Tinanggal niya ang kamay ko at marahan niyang pinisil-pisil iyon. Naririnig ko na rin ang paghikbi ko. “Everything is gonna be alright.”

Matagal yata bago ako nahimasmasan. Namalayan ko na lamang na nasa loob na pala ang parents ko at nag-aalala sila nang makita ang nangyari sa akin.

“Kumusta na siya, hijo?” tanong ni daddy. Nanatiling nakayakap na lamang ako kay Haze.

“Okay na po siya, Ninong. Nagmala-sirena po kasi ang anak niyo, e,” sabi ni Haze na ikinanguso ko.

“She hit her head ba?” my mother asked him.

“Yes po, it’s normal. May mga memories ang pilit na pumapasok sa isip niya, kaya po ganoon ang nangyayari. Hey, Avey.” Hinawakan niya ang pisngi ko, kaya tiningala ko siya. “Huwag mong ipilit ang sarili mo na makaalala, okay? Take it easy, and no pressure.” I nodded.

Hinalikan niya ang pisngi ko at inalalayan niya akong makaupo, but ang buong bigat ko ay sinasalo niya. Inabot niya rin ang baso na may laman na tubig.

“Be careful next time, anak. Pinag-alala mo naman kami,” ani mom. I feel guilty.

“Sorry po, Mom,” paghingi ko nang paumanhin.

“It’s good na doctor ang boyfriend mo. Masuwerte ka, anak. Dahil kung hindi ay baka sinugod ka na namin sa hospital,” naiiling na sabi ni daddy.

Totoo, masuwerte talaga ako kasi ni hindi niya ako iniwan na mag-isa. Palagi siyang nandiyan at kahit clingy pa siya ay hindi ako naalibadbaran doon. Mas nagustuhan ko iyon at natuwa pa ako.

“Ako po ang masuwerte, Ninong. Kahit pinaiyak ko po siya noon ay pinili niya rin po ako na patawarin.” I stilled when I heard that.

“Really? Napaiyak mo na ako dati?” tanong ko at nang marahan siyang tumango ay napataas ang isa kong kilay. “Parang wala sa hitsura mo ang nagpaiyak sa akin. Alagang-alaga mo ako tapos malalaman ko na pinaiyak mo pala ako?”

“Oo nga,” sagot niya at mahinang pinisil ang tungki ng ilong ko. “Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna. Lahat kami ay pinag-alala mo.”

Inayos naman niya ang pagkakahiga ko at kinumutan pa ako. Napapatingin ako sa parents ko, kahit papaano yata ay nawala na ang kabang nararamdaman nila.

“Sorry po ulit, Mommy, Daddy,” aniko.

“It’s okay, honey. Ang mas mahalaga sa amin ngayon ay ang kalagayan mo. Sige na, mag-rest ka na. Lalabas na muna kami ng daddy mo. Haze, hijo. Ikaw na ang bahala sa anak namin, ha?” habilin pa ng aking ina.

“Opo, Ninang,” Haze uttered.

“Rest, baby.” I nodded at agad akong pumikit. Hinaplos niya ang pisngi ko at dahil doon ay bumigat ang talukap ng mga mata ko, hanggang sa makatulog na nga rin ako.

Nagising lang ako nang makaramdam ako nang gutom at ang akala ko ay nag-iisa na ako sa room ko, but nope. Nandito pa rin si Haze. Nakatulog nga lang siya sa tabi ko.

Nakangiting tinitigan ko ang guwapo niyang mukha at nang hindi ko na rin napigilan ang sarili ko ay nagawa kong halikan ang labi niya. Ni hindi siya gumalaw, siguro nga ay napuyat siya sa kababantay sa akin sa hospital.

Wala siyang matinong tulog at ngayon lang siya bumabawi. I caressed his jaw at ilang beses kong hinalikan ang pisngi niya. Kaya nang magising siya ay mahigpit niya akong niyakap.

Matulin lumipas ang mga araw, hindi na ulit ako nakarinig nang matinis na tono na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top