CHAPTER 23
Chapter 23: Jealous
DAHIL sa naging reaksyon ko ay natahimik sila bigla. Hanggang sa nagsabi na ang doctor ko na muli akong susuriin.
Isinalang nila ako sa MRI scan para mas malinaw nilang makikita kung mayroon ba talaga akong brain damage.
Kinakabahan man ako sa malalaman ko ay pinili ko ang manahimik na lamang. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko ang guwapong lalaki. Walang ekspresyon ang mukha niya, pero kapag nagtatagpo ang paningin namin ay lumalamlam ang mga mata niya. Iyong concern ay halatang-halata.
Hindi ko alam kung bakit ang bilis nang tibok ng puso ko. Kinakabahan din ako sa presensiya niya.
Si Kuya Derman ang umaalalay sa akin nang makabalik kami sa private room ko. Napansin ko naman na parang may nagbago sa kaniya.
“Kuya, nag-matured ka,” komento ko at natigilan siya. Masuyo niyang hinaplos ang buhok ko. Titig na titig ako sa mukha niya.
“Hindi na tayo estudyante, Avey. Ikaw ay may sarili ng boutique. Ako, nakapagpatayo na ako ng clothing lines ko. Si Dhelo na lang ang estudyante nina Dad at Mommy,” marahan na paliwanag ni kuya. Wala sa sariling napatingin ako sa lalaking nagsasabi kanina na boyfriend ko siya.
Hindi siya umalis at madalas nakikita ko rin ang lungkot sa mga mata niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang malungkot siyang ngumiti. Tipid na tipid pa. I faced my brother again.
“Eh, iyong lalaki po. Totoo po bang boyfriend ko siya?” mahina ang boses na tanong ko. Para lang hindi ako marinig ng lalaking iyon. Nahihiya kasi ako.
Tiningnan pa ng kuya ko ang tinutukoy ko. Napatango-tango pa siya. “Yeah. Mahigit isang buwan kang nagbakasyon sa Pilipinas. Kasi patay na patay ka sa anak ng ninong at ninang natin. Kaya noong umuwi ka ay kasama mo siya, ang sabi mo ay hinatid ka lang niya. Nagbakasyon ka na single pero bumalik ka na may boyfriend na. Hindi ko alam kung paano mo napikot si Haze,” naiiling na paliwanag niya. Napanguso ako. Magtatanong pa sana ako nang bumukas ang pinto at muling pumasok ang doctor ko.
“The result of her MRI scan is already here. As I mentioned earlier, she indeed suffered brain damage. Based on our observations of the patient, she tends to recall past memories. She has retrograde amnesia,” paliwanag agad ng doktora. Unang nag-react ang lalaking boyfriend ko raw.
“Retrogade amnesia?” tanong ni Dad. Namumutla na rin siya at alam kong kinakabahan na siya.
“Retrograde amnesia is a type of amnesia where a person forgets events, people, or experiences that occurred before the onset of amnesia. She’s experiencing memory loss, where her memories are stuck in the past, and she’s unaware of her current circumstances, except for the accident,” dagdag pang paliwanag nito.
“Doktora, is there a possibility that our daughter will recover from her amnesia?” my mother asked the doctor.
“Yes, there is. Recovering from this type of amnesia requires patience, perseverance, and support. The patient has been prescribed medication and therapy as well,” she answered.
Mayroon pang mga tanong ang parents ko na mas pinili nila ang lumabas. Sumama si Dhelo pagkatapos niya akong ngitian. Tama nga. Ang laki na ng bunso namin at si Kuya Derman ay hindi na siya halatang teenager pa.
“Ilang taon na po ulit ako, Kuya?” Huminga nang malalim ang kuya ko bago niya ako sinagot.
“24 years old ka na ngayon, Avey.” Umawang ang labi ko sa gulat. Parang naumid ang dila ko.
Akala ko ay nasa taong— Bayolenteng napalunok ako. Malaki nga ang impact nitong aksidente ko dahil marami akong nakalimutan sa current event. Hindi na nga talaga ako estudyante pa.
Nanginig ang mga kamay ko. Masakit ang ulo ko kapag sinusubukan kong alalahanin iyon at blangko rin talaga ang makikita ko. Napasinghap ako at may umalpas na luha sa aking pisngi. Nataranta naman si kuya.
Napalingon ako sa lalaki nang lapitan na niya kami. “Can I talk to her, Derman?”
“Sige. Ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Avey, lalabas lang ako.” Pipigilan ko sana siya pero hindi ko man lang magawang magsalita kasi napako na ang atensyon ko sa lalaki.
“Do you want to drink a water?” malamyos ang boses na tanong niya. Napatitig pa ako nang matiim sa guwapo niyang mukha.
Hindi naman maikakaila na malakas talaga ang sèx appeal niya. Tapos parang ang bigat-bigat ng aura niya, pati na ang presensiya niya.
Siguro nga una kong nagustuhan ay ang mukha niya?
His nose is strong and defined. He has striking eyes, his eyebrows are thick and expressive, and his eyelashes are bold and masculine, and a strong jawline. His body is athletic and powerful, exuding confidence and masculinity.
That’s wow, he looks perfect. Napapitlag naman ako nang pinunasan niya ang gilid ng labi ko. Napaatras ako. Nasa akin na pala ang atensyon niya.
May hawak na siyang basong tubig. Ibinigay niya iyon kaya kinuha ko na. Napatitig pa ako sa mga mata niya. Nang tipid siyang ngumiti ay nag-iwas na ako nang tingin.
Umupo siya sa tool, na kinauupuan kanina ng kuya ko. Habang umiinom ako ay ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Napanguso ako kasi hindi niya rin tinanggal ang titig sa mukha ko.
Naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa ibabaw ng ulo ko. Suot ko pa ang cotton bonnet.
Nang maubos ko ang laman ng baso ay walang salitang namutawi sa bibig niya na kinuha niya iyon. Inilapag niya sa bedside table.
“What’s your name again?” I asked him. Nakaiilang na kasi masyado kapag magpatuloy ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“I’m Hajinn Montefalcon, and I’m your boyfriend,” he answered. Ginanap niya ang kamay ko, ramdam ko ang init at boltaheng kuryente na dumadaloy sa sistema ko.
“What do you do for a living?” I asked him again.
“I’m a surgeon doctor in Philippines. You already know that but. . .” Hayan na naman siya. Malungkot na naman ang ngiti niya. Pinanood ko lang ang paghalik niya sa likod ng kamay ko. Mabilis ding nangilid ang mga luha niya.
“A surgeon doctor,” I uttered and he nodded. Kaya naman pala siya ang unang nag-react nang sinabi kanina ng doctor ko na may amnesia ako. Kasi alam niya agad ang ibig sabihin no’n.
“Siguro karma ko na ito, right? I hurt you before.” My lips parted.
It was true? Sinaktan niya ako dati? But he looks kind naman. He’s so gentle.
“Paano kita naging boyfriend kung ganoon?” muling tanong ko. Aminado akong pamilyar naman siya. Bumibilis nga ang tibok ng puso ko. Mahal ko kaya siya? So, ganito rin ang heartbeat ko? Na parang nagwawala rin?
“At first, bisita ka lang namin sa bahay kasi nagbakasyon ka lang. You knew back then that I hadn’t moved on from my ex-girlfriend, but you helped me forget her. In those moments, let’s just say it seemed like I used you to get over my first love. Noong una ay ayokong umasa ka rin sa akin dahil natatakot ako na hindi kita kayang mahalin pero na-realize ko na hindi pala kita kayang pakawalan,” mahabang sabi niya. Wala akong maramdaman na tila ba nagsisinungaling lang siya. Sincere ang pagkakasabi niya at ramdam ko na ramdam ko iyon. “I didn’t court you because I wanted you to be my girlfriend,” he added.
“Really?” iyon na lang ang nasabi ko. Bahagya siyang tumango at hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
“I love you, Avey. Maghihintay ako na maalala mo basta huwag mo lang akong hiwalayan, ha?” nagsusumamong tanong niya. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko ang malungkot na pagkislap ng mga mata niya.
“Takot ka ba na hiwalayan kita? To be honest, parang isa ka ring estranghero. Hindi kita kilala, pangalan mo lang na kasasabi mo lang kanina,” aniko. Humugot siya nang malalim na hininga.
“Just don’t break up with me, Avey. Hindi ko na kakayanin iyan kung sa pangalawang pagkakataon ay masasaktan na naman ako,” mahinang sambit niya.
“Let’s see,” sabi ko lang. He still sad, kasi nanatiling nakatikom na lang ang bibig niya. “Uhm, just please be patient with me.”
By what I said ay sumilay na ang ngiti niya, hindi na malungkot. Ilang beses niyang hinalikan ang kamay ko. Tapos umupo siya sa gilid ng hospital bed ko.
I couldn’t utter a word when he hugged me tight. I leaned against his chest and heard the rapid beating of his heart. Wow, katulad din ito ng puso ko. Masarap pakinggan, lalo na ang mainit niyang yakap ay nagugustuhan ko.
Nakita ko na lang ang sarili ko na mahigpit din siyang niyakap. Naramdaman kong nag-relax din ang katawan niya.
Matagal din kaming nasa ganoong posisyon, hanggang sa bumalik ulit ang parents ko na may dala ng pagkain.
Iyong guwapong boyfriend ko ang umasikaso sa akin. Halos subuan na rin niya ako pero kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman paralisado ang kamay ko.
“You’re a doctor. So, dapat busy ka right?” I asked him.
“Yes, pero nang tumawag ang kuya mo na naaksidente ka ay nag-file agad ako ng leave sa hospital. Don’t worry, hindi naman ako masisisante dahil kaibigan ko ang may-ari. Marami namang doctor doon, hindi naman ako kawalan,” paliwanag pa niya. When he mentioned the word kaibigan ay naalala ko ang nag-iisa kong best friend. Si Nero. “What’s on your mind, Avey?”
“Naalala ko lang si Nero. Alam na ba niya na naaksidente ako? Pinuntahan na ba niya ako rito?” umaasang tanong ko.
Si Nero Altaraza, mabait iyon at maalalahanin. Guwapo rin, tapos mayaman. Sa katunayan ay siya ang first crush ko pero binusted niya ako. Sinabi ko sa kaniya na hindi ako titigil—
Napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko ang pag-igting ng pangalan niya. Parang bigla ring dumilim ang ekspresyon ng mukha niya.
“Naalala mo ba siya?” tanong niya. May diin ngunit malambing.
“Why? Magseselos ka ba?” bigla ay tanong ko. Nanlaki pa ang mga mata ko.
“Of course. Magseselos ako,” sagot niya. Nasupil ko ang ngiti sa mga labi ko. Natuwa rin ako bigla at nang mapansin niya iyon ay nagtaas siya ng kilay.
Oh, dàmn. Nagseselos nga talaga siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top