CHAPTER 22

Chapter 22: Accident

“THIS is my working place, Haze,” I told him. Dinala ko siya rito para makita niya ang working place ko.

I own a four-story building, where I operate as the lead designer, supported by my team. The first floor features my designer dress collection, while my office is located on the fourth floor.

Si Haze ay namamangha pa siya sa mga nakikita niyang design ko. “You’re incredibly talented, baby. I’m so proud of you.”

I gave a brief “Thanks” and gently pulled him toward the elevator. “Marami akong staff dito.”

Kanina nga ay binati nila ako. Napatingin agad sila sa kasama ko. Sinabi ko lang na boyfriend ko.

Bumukas din ang elevator at nasa floor na kami ng office ko. Mannequins adorned with my stunning creations stand tall, showcasing intricate details and precision craftsmanship. Delicate silks, luxurious velvets, and vibrant cotton fabrics dance in the light.

“Hmm, ang ganda. Maganda rin kasi ang owner nito, eh.” I chuckled.

In the center, a spacious worktable holds sketches, fabrics, and works-in-progress, giving a glimpse into my creative process. Inspirational mood boards, pinned with fabric swatches and design notes, line the walls.

Nilapitan niya ang isang nakatayong mannequin na suot ang one-shoulder silky dress.

“Gusto mo ba ng coffee, Haze?” I asked him. Nagtungo ako sa kitchenette ng opisina ko. Kapag nasa work ako ay kompleto ang mga gamit ko rito, puwede kang magluto. May fridge din kasi ako.

“Yes, please. Thank you,” sagot niya. Umupo siya sa swivel chair ko at kumuha ng isang sketching pad ko saka niya iyon isa-isang tiningnan.

Nang buksan ko ang fridge ko ay punong-puno ang laman no’n. Last time I check ay wala na itong laman. Baka si Kuya Derman ang nag-grocery nito.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ni Haze ay nilapitan ko na siya. Ibinaba niya ang hawak niya at kinuha ang cup.

Hinila pa niya ako kaya napaupo ako sa lap niya. Ipinatong ko ang braso ko sa balikat niya as he sipped his coffee.

“Kailan ka uuwi, Haze?” I asked him.

“I’ll stay here for one week,” he answered. “Are you okay with us being in a long-distance relationship? We won’t see each other, no kisses, no hugs. We’ll just text and call each other, but don’t forget to send me your pictures. Or we can do video calls. Just don’t miss me too much.” I nodded.

“Ikaw, huwag mo rin akong mami-miss ng super duper.” Napahalakhak na naman siya sa sinabi ko.

“Uh-huh, let’s see.” Sinabayan ko na siya sa pagtawa niya.

TOTOONG one week lang dito si Haze. Sumasama siya sa company ko at nanonood ng fashion show doon sa building ni Kuya Derman, and of course nag-date rin kami rito.

Pagdating niya nga sa Philippines ay sa airport pa lang ay tumawag na siya. Alam kong super busy ng mga doctor pero madalas pa rin akong tinatawagan ni Haze. Kaya nagkakaroon siya ng breaktime.

Katulad na lang ngayon, na naka-video call kami. Nakauniporme pa nga siya.

“Avey, napansin ko lang. Wala ka bang kaibigan?” tanong niya. Naalala ko naman ang nag-iisa kong best friend. May communication pa naman kami pero hindi kami madalas na nag-uusap.

“Oh, mayroon. Nag-iisa lang siya. Nasa ibang bansa nga lang siya,” sagot ko at lumapit pa siya sa phone niya kaya kitang-kita ko ang guwapo niyang mukha. “Si Nero ’yon. Last year lang ang huling bonding namin. His company work is keeping him busy.”

“Wait—what? Lalaki ang kaibigan mo, Avey?” Mabilis akong tumango.

“Nag-iisa lang siya, hindi sa mapili ako. Why? Bakit ganyan ang reaction mo, Haze?” naaaliw kong tanong. Hindi niya yata nagustuhan iyon. Na mayroon nga akong lalaking kaibigan.

“Nothing. Nagulat lang ako,” sagot niya na sinabayan pa nang pag-iling.

Ilang minuto pa kaming nag-usap na dalawa bago siya nagpaalam dahil may ooperahan pa siyang pasyente niya. Inabala ko na rin ang sarili ko sa pagtatrabaho.

Hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdaman na kaba. Na LDR lang kami ni Hajinn tapos nasa bansa na iyon ang ex-girlfriend niya. May tiwala kasi ako kay Haze kaya ganoon.

Ang bagong design ko ay wedding gown. Magkakaroon kami ng fashion show sa company ng kuya ko kaya iyon ang pinaghandaan ko.

Before I headed home, I texted my boyfriend that I was on my way. I thought he wouldn’t reply, but I later saw his message saying, ‘Take care, baby.’

I smiled. Isa-isa na ring nagpaalam ang mga staff ko. Pinaalala ko pa sa kanila ang fashion show the next two weeks and excited din sila.

Paglabas ko nga lang ay napansin kong umuulan na. Maganda pa ang sikat ng araw kanina pero ngayon ay dumidilim na rin ang paligid. Na isa pa ay malapit ng mag-5 p.m.

“Miss Avey, may typhoon po yata,” sabi ng isa sa mga staff ko. I nodded. Karamihan sa staff ko ay galing din sa Pilipinas.

“Hindi ’to maganda. Umuwi na rin kayo para hindi kayo abutan ng ulan sa daan,” habilin ko sa kanila.

“Ikaw rin po, Miss Avey,” sabi niya.

May dala naman akong sasakyan. Kaya hindi na rin ako nagtagal pa. Nakatutok lang sa daan ang atensyon ko. Pero naabutan na nga ako ng ulan kasi bumuhos na ito. Halos mapuno na ng tubig ulan ang windshield nito.

Nakararamdam na ako nang kaba. Sana pala ay nag-stay na muna ako roon sa office ko. I have a room there but mag-w-worry lang ang parents ko kapag nag-stay ako roon.

Focus na focus na nga ako pero hindi ko inaasahan ang kotseng sasalubong sa ’kin. I tried my best para makaiwas doon but wrong move pa rin dahil may isang kotse ang nasa tabi nito at doon ako bumangga.

Sa lakas nang impact nito ay nauntog ang ulo ko sa bintana ng kotse ko. Napapikit ako nang sumisid ang sakit nito.

I feel myself losing consciousness as darkness closes in. The sounds of cars surrounding me fill my ears. My body shakes, and my left shoulder na bahagyang bumigat. Parang tinatakasan na rin ako nang lakas. I gasp for air. Haze’s face is the last thing I recall before everything goes black.

NAGISING ako na parang mahahati sa dalawa ang ulo ko. Sobrang sakit nito kaya hindi ko napigilan ang mapaiyak.

“Avey, oh my God! Gising na ang anak ko!” Nagmamadaling lumapit sa ’kin si mommy. May kung ano siyang pinindot. Tapos parang natatakot din siyang lapitan ako. Sa huli ay ginawa rin naman. Umiyak ako sa dibdib ni mommy.

But later on ay kumalma rin ako kasi may i-inject ang doctor sa ’kin. Sinuri niya rin ako.

“Doc, how’s our daughter?” my mother asked her.

“Currently, she is okay. Her vital signs are okay too. But we still need to observe her closely, especially since she suffered a bit of brain damage. We’ve seen some signs that could indicate brain damage, but from what we can see, it seems she still has some memory,” paliwanag ng doctor.

Napatingin ako sa parents ko na halatang nag-aalala pero teka nga lang. “A-Ano pong nangyari sa akin, Mom?” I asked her.

“Oh, dear. Naaksidente ka habang pauwi na sa bahay natin. We are so worried about you, anak.”

“Naaksidente? K-Kailan po ako naaksidente?” nagtatakang tanong ko.

“Wala ka bang maalala, anak?” tanong naman ni daddy.

“W-Wala po, Dad. A-Ang alam ko po ay pauwi pa lang ako from school. Kasama ko po si Nero,” sagot ko. Umawang ang labi ni daddy.

Tama, naalala ko na ihahatid ako dapat ni Nero. Galing kami sa school. Pero nakauwi rin naman agad ako. So, paano ako naaksidente?

“Doc. . .”

Magsasalita pa sana ang doctor nang marahas na bumukas ang pinto na parang nagmamadali rin ang taong papasok sa loob.

Sa bilis nang pangyayari ay nakita ko na lang ang sarili ko na yakap-yakap ng lalaki. Nagulat ako dahil doon ay nagpumiglas ako.

“Avey,” sambit niya sa pangalan ko. Dahilan nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nang ikulong ng mga palad niya ang pisngi ko ay napatitig ako sa mga mata niya. Pamilyar ang mukha niya pero halos hindi ko rin siya maalala.

“Sino ka? B-Bakit mo ako niyayakap?” tanong ko sa kaniya na maski siya ay nabigla rin. Tinanggal ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. Tiningnan ko ang mommy at daddy ko. “Mom, Dad?”

Nandoon din si Kuya Derman, seryoso lang ang ekspresyon ng mukha niya pero sa mga mata niya ay nandoon din ang concern.

“Avey, it’s me. It’s Haze, I am Hajinn,” he uttered. I shook my head.

“H-Hindi kita kilala,” sagot ko.

“Avey, paanong hindi mo ako kilala? It’s me your boyfriend, Avey,” pamimilit niya at ako ang umiiwas.

“No, you’re wrong. I’m still 18, bata pa ako para mag-boyfriend. ’Di ba, Kuya? Sabi mo sa akin ay saka na kapag may boutique na rin ako? And I don’t think so na magkakaroon ako ng boyfriend kung hindi si Nero,” sabi ko pa. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag-igting ng panga niya.

“Hindi na ito nakatutuwa, Avey,” he said, coldly. I’m not joking naman kasi! Wala talaga akong maalala.

Ngunit totoo na hindi ko siya kilala. Hindi talaga. Maybe familiar siya but— Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot na naman ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top