CHAPTER 21
Chapter 21: Their arrival
“ARE you tired?” tanong ni Haze sa akin nang safe na lumanding ang eroplanong sasakyan namin. Bitbit na niya ang bagahe ko at ang hindi kalakihan niyang duffle bag ay nasa ibabaw ng maleta ko.
Magkasiklop ang mga daliri namin at hinawakan ko rin ito gamit ang kaliwang kamay ko.
“Hmm, a bit,” sagot ko at humilig siya nang bahagya sa akin at hinagkan ako sa gilid ng ulo ko. “Haze, baka mabigla ang parents ko kapag pinakilala kitang boyfriend ko. Ni hindi ka man lang nanligaw, eh.”
“Alright I will court you, kung iyan ang inaalala mo. But for me, you’re still my girlfriend,” he answered. Pinisil ko lang ang braso niya. Ipinilit pa rin ang gusto niya.
“Bahala ka, Haze.” I just shrugged my shoulders at mahinang natawa lamang siya.
We just grab a taxi para ihatid kami sa village kung saan ang mansyon namin. “Mas gusto mo ba rito na manirahan tayo?” tanong na naman niya.
“Haze, masyado pang maaga para pag-usapan ’yan,” naiiling na sabi ko.
Inilapit niya ang mukha sa akin at nang hindi ako kumibo na tinitigan ko lang siya ay siniil niya ako nang mariin na halik. Napanguso ako pagkatapos niyon.
“Sa tingin mo ba ay hahayaan pa kitang maging dalaga pa? Aasawahin kita, Avey,” nakangising sabi niya at nag-init ang pisngi ko.
“Ewan ko sa ’yo, Haze. Baka mamaya niyan ay hindi pa matutuloy ang plano mong pakasalan ako.” Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.
“Bakit naman hindi matutuloy?” malamig niyang tanong. Ngumiti lamang ako.
***
“Hello! I’m home!” masayang bulalas ko pagkapasok namin sa loob ng aming bahay. Napatayo ang pamilya ko nang makita nila ako, especially Mom na mukhang maiiyak na rin.
Siya ang unang lumapit sa kinaroroonan namin ni Haze at mahigpit akong niyakap. Hinagod ko ang likod ni mommy.
“Oh, darling! Hindi mo naman sinabi na ngayon ka darating! Ni hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka na!” I let out a short laugh.
“This is surprise, Mommy,” I uttered at sunod na yumakap sa ’kin si dad na tumingin pa sa bandang likod ko. Hinalikan pa niya ang sentido ko. Sunod naman ay si Kuya Derman at Dhelo.
“Mom, kasama ko po si Haze,” aniko at sinulyapan ko ang kasama ko.
“Good afternoon po, Ninong, Ninang,” magalang niyang bati at nagmano siya sa parents ko. Nakipagkamay lang din siya sa kuya ko at hinawakan niya sa ulo ang nakababatang kapatid ko.
“Hijo, hindi ko naman inaasahan na sasama ka pala sa anak ko.” Si Dad na halatang natuwa sa arrival ni Haze.
“Opo, Ninong.”
“Welcome sa bahay namin, hijo.” Si Mommy naman ay nakangiti rin bago nila ako tiningnan.
“Hinatid niya lang po ako rito, Mom, Dad.” Sa sinabi ko ay halos malaglag ang panga nilang lahat.
“H-Hinatid?” Si Mommy na hindi makapaniwala.
“Tama po kayo, Ninang. Hinatid ko lang po rito si Avey. Ayoko pong mag-isa siya sa flight niya,” paliwanag pa ni Haze at si Kuya Derman ay nagsalubong na ang kilay niya.
“He’s my boyfriend po kaya niya ako hinatid,” sabat ko naman at napasinghap si mommy. Napatutop pa siya sa bibig niya.
Nang yumakap ako sa braso ng boyfriend ko ay mas nagulat lang siya. Natatawa na ako sa reaksyon ng aking ina.
Sa huli ay pinaupo na muna nila kami sa sofa at naghanda si mommy ng meryenda namin. Nakasandal ako sa headrest nang inuupuan ko at busy naman ang tatlong lalaki sa pagkukumustahan.
Si Dhelo ay nasa tabi ko rin pero nakatutok sa IPhad niya at may ginuguhit siya roon.
Si Hajinn kahit nakikipag-usap siya sa daddy ko at kuya ay hawak niya ang kaliwang kamay ko. Hinahaplos ng hinlalaki niyang daliri ang palad ko.
Bumalik si mommy na dala na ang meryenda na hinanda niya, kasama niya ang katulong namin. Unang pinansin ng aking ina ang kamay namin ni Haze.
Sa mga nakikita ko ay pabor naman sila sa boyfriend ko and I think hindi naman sila magkakaroon ng problema. Kasi kilala naman na nila si Hajinn.
“Ilang araw ka ba rito, hijo?” my mother asked him.
“One week po, Ninang,” sagot naman ni Haze at pinisil-pisil na niya ang kamay ko. Napanguso ako dahil napapansin nila ’yon lahat. Samantala itong katabi ko ay parang natural na niyang ginagawa ’yon.
“Haze, pinikot ka ba ng kapatid ko? Alam kong matagal ka ng crush ni Avey. Pero paano ka niya naging boyfriend?” nakangising tanong ni kuya na ikinasimangot ko.
“Uhm, well. She’s very kind and beautiful. Hindi mahirap mahalin ang kapatid mo. Aside from that ay madaldal siya at masaya siyang kausap. Hindi nauubusan ng topic,” pag-d-describe pa niya at humilig ako sa balikat niya. Napangiti si mommy sa narinig at napatango-tango naman si dad. “Alam ko pa na maikling panahon lang kaming nagsama ni Avey. Pero seryoso po ako sa anak niyo,” he added.
“I believe in you, Haze. Thank you” ani daddy.
“Oh, siya. Kumain na muna tayo ng meryenda,” pag-aaya ni mommy. “Dhelo, stop na muna ’yan, son.” Nginitian ko ang kapatid ko at pinisil ko ang pisngi niya.
Kinain na lang namin ang strawberry cake and juice na hinanda ng mommy ko. Kitang-kita na naman nila kung paano ako asikasuhin ni Haze.
***
Umupo ako sa kama at tiningnan ko pa ang paligid. “Ayos ka na ba rito, hijo?”
“Opo, Ninang,” sagot ni Haze. Dinala kasi namin siya sa guestroom. Katabi lang nito ang kuwarto ni Kuya Derman sa second floor. Sa gitna iyong akin at kasunod ay room na ni Dhelo.
Fourth floor ang bahay namin, rooftop na ang nasa dulo. Tapos sa third floor ay puro mga gamit namin ang nandoon. Sa first floor naman ang kuwarto ng parents ko.
“Kapag may kailangan ka ay huwag kang mahiyang magsabi sa amin. Nandiyan din si Avey. Sige na, maiwan ko na kayo. Rest muna kayo dahil mayamaya ay kakain tayo ng dinner.” Tinapik pa siya nito sa balikat. Ngumiti lang din si mommy bago siya lumabas.
Ibinaba ni Haze ang duffle bag niya sa sahig at naglakad palapit sa akin. “Gusto mong tulungan kitang maglagay ng damit mo sa closet, Haze?” I asked him. He shook his head.
“Ako na ang gagawa pero mamaya na lang,” sagot niya at hinawi niya ang kumot saka niya iyon tinapik. “Come here. You need to rest.” Hinubad ko ang slippers ko at agad akong sumunod sa inuutos niya.
Tinanggal niya ang unan ko nang tumabi siya sa ’kin. Ipinalit niya ang braso niya at hinagkan pa ako sa noo ko. Yumakap ako sa baywang niya at idinikit ko ang pisngi ko sa kaniyang dibdib. Inamoy pa niya ang buhok ko at humihigpit din ang yakap niya sa aking baywang.
Nakatulog ako sa mga bisig niya and when I woke up ay wala na siya sa tabi ko. Wala na rin ang duffle bag niya sa sahig. Akala ko ay nananaginip lang ako na baka hindi totoong sumama si Haze. Buy I saw his wristwatch and his phone sa bedside table.
Nang bumangon na ako at bumaba sa kama ay nilapitan ko iyon. Pinindot-pindot ko lang ang screen ng phone niya at bumukas iyon.
“Hala, kailan niya kaya ginawang lock screen wallpaper ang picture ko?” Napanguso ako dahil stolen shot iyon noong first date namin. Hindi ko ito alam, ah.
Napailing na lamang ako and I decided na lumabas na lang. Nagtungo ako sa kuwarto ko at naligo ako nang mabilis.
Isinuot ko lang ang puting tank top ko and pink na pajama bago ako lumabas at hinanap kung nasaan na ba si Haze. Hindi ko na napatuyo ang buhok ko sa pagmamadali.
Si Dhelo ang naabutan ko sa living room namin at nanonood na siya ng TV. “Dhelo, nasaan si Haze?” I asked him at tumabi ako sa kaniya. Hinalikan ko pa ang pisngi niya.
“Nasa pool, Ate. Naliligo po kasama si Kuya Derman. Umiinom sila kanina ng wine,” sagot niya. Humalik pa ako sa pisngi niya at iniwan ko na siya roon.
Nandoon nga silang dalawa at nag-iinuman. Nang makita ako ng kuya ko ay napailing siya, kung kaya’t sinundan ni Haze ang tinitingnan niya.
He smiled at me and I wave my hand before I approached them. Inilahad niya agad ang kamay ko at nang tinanggap ko ’yon ay iginiya niya ako paupo sa kaniyang tabi. Kuya licked his lips.
“Clingy,” he uttered. Pabirong inirapan ko siya.
Walang suot na t-shirt si Haze pero nakasampay ang tuwalya niya sa balikat niya. Basa rin ang board shorts niya at ganoon din ang ayos ng kuya ko.
“Maiwan ko na nga kayo rito. Haze, mauna na ako,” paalam ni Kuya Derman na tinanguan lang ni Haze.
Gamit ang mahahaba niyang mga daliri ay sinuklay niya ang buhok ko. “Basa ang buhok mo,” komento niya.
“Nagmamadali kasi ako,” sagot ko naman at inabot ko ang wineglass niya na may laman pa. Kusa naman niyang inabot ’yon at sumimsim ako. Tequila ang wine na iniinom nila ni kuya.
Nang maubos ko ang laman na iyon ay nagsalin pa ako ng isa. “Stop drinking too much, baby.” Nangingiting tinabig ko ang kamay niya. He shook his head at idinantay na lamang niya ang braso niya sa likod ng likuran ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top