CHAPTER 20

Chapter 20: A home

SINUOTAN ako ni Haze ng jacket niya bago kami umalis ng condo niya. Muli niyang binitbit ang maleta ko na kung naging tao lang ay baka nahilo na siya, and his arm possessively snaked around my waist. He guided me to get in the car and fix my seatbelt.

“Are you sure na hindi ka pa gutom, Avey?” Umiling ako sa tanong niya. Kanina pa siya.

“Doon na lang tayo sa house ninyo, Haze at puwede bang hinaan mo muna ang aircon ng kotse mo?” request ko kasi nanginginig ako sa lamig ng aircon niya.

“Are you sick?” he asked me. Lumubo lang ang pisngi ko at muli akong napailing.

“Don’t mind me at huwag mo akong masyadong kausapin dahil hindi pa tayo bati. Bilhan mo ulit ako ng plane ticket,” sabi ko at napabuga siya ng hangin sa bibig.

“Parang kanina lang ay ayaw mong umalis ng bansa at ngayon naman...” Bumuntong-hininga pa siya.

“Parang ikaw rin naman kanina, ah.” Inirapan ko siya at nagawa pa niyang pisilin nang mariin ang pisngi ko bago siya sumakay sa kotse niya.

Dahil hindi maganda ang pakiramdam ko ay nakaidlip pa ako at halos wala na akong namalayan pa sa biyahe namin. Ang naramdaman ko lang ay binubuhat na ako ni Haze at naglalakad na rin siya.

“Nasaan na tayo, Haze?” I asked him sa mahinang boses pa.

“Nasa bahay na tayo, Avey,” he answered m

“Oh, my God! What happened to Avey, Hajinn?” mariin na tanong ni Ninang Hazel. Iyon ang bumungad sa amin pagkapasok lang namin sa mansyon nila. Base sa tono ng boses ni ninang ay hindi siya natutuwa.

“She’s fine, Mom,” narinig kong sagot naman ni Haze at gusto ko sanang lingunin si ninang but hindi kaya ng mga mata ko. Sobrang bigat ng talukap nito.

Malambot na bagay ang sumalo sa aking katawan at mainit na comforter ang bumalot sa akin pagkatapos niyon. Umuga ang kama sa may gilid ko at nang nagawa kong magmulat ay ang nag-aalalang mukha ni Haze ang bumungad sa aking paningin.

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. “Masyado ba akong naging malupit sa ’yo, Avey?” tanong niya sa namamaos na boses. Humilig siya para magdikit ang aming noo.

Nalalanghap ko ang amoy mint na hininga niya at parang kinikiliti rin nito ang balat ko. Mararahan na halik ang pumatak sa labi ko.

Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pintuan. “Kuya! Bakit daw dinala mo sa room mo si Ate Avey?!” At kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Euzel.

“Wala naman itong pinagkaiba sa kuwarto, Zel,” sagot niya sa kapatid niya.

Maraming yabag ang narinig ko na pumasok sa kuwarto niya kaya naman sinubukan kong bumangon sa tulong na rin niya. Sumandal ako sa headboard ng kama at nagawa kong ngitian ang parents niya at mga kapatid sa namumungay na mga mata ko.

“Wala? Talaga?” nakaismid na tanong ni Ninang Hazel at nakangiting hinaplos ni Ninong Eujinn ang braso niya.

“Mom, I’m sorry, okay? Hindi na iyon mauulit pa,” sambit ni Haze. Nasa boses niya ay tila suko na rin.

“Dapat lang, Haze. Pinalaki ka namin nang maayos ng daddy mo. May takot at respeto, hindi ang manakit ng isang babae. Ang dami mong mga kapatid na babae kaya isipin mo naman sila kung sila ang nasa sitwasyon ni Avey,” malamig at seryosong sabi pa ng mommy niya. Ako naman ay lihim na napangiti. His mother approached us kaya naman ay umalis si Haze sa tabi ko. Dinaluhan ako ni ninang. “How are you feeling, Avey?”

“I’m fine naman po, Ninang. Don’t worry about me,” sagot ko at hinalikan niya ang pisngi ko.

“Mukhang natauhan na ang anak ko, hija,” sabi niya at dumaing sa pagkairita niya si Haze. Pinukulan siya nang masamang tingin ng kaniyang ina. “Daldan mo ng pagkain si Avey, Haze. Huwag kang tumunganga riyan.”

“Mom, you’re so harsh to me,” reklamo niya at tinapik lang ng daddy niya ang balikat niya bago siya lumabas ng room niya para yata sundin ang inuutos sa kaniya ni ninang.

“Namamaga ang eyes mo, Ate,” komento sa akin ni Euzen. Yeah, If I’m not mistaken ay siya naman si Euzen.

“Yeah, this is because umiyak ako,” sagot ko at hinaplos ng ninang ko ang pisngi ko.

“Tatawagan ko muna ang mommy mo, hija. Hindi ko kasi nasagot ang tawag niya kanina.” I just nodded for my respond.

“Take a rest first, Avey,” ani naman ni Ninong Eujinn bago siya sumunod kay ninang na lumabas.

Naiwan ang kambal at bunso. “Kainis talaga ’yang si kuya, Ate Avey.” Natawa lamang ako sa reklamo ni Euza.

“Ayos lang ako, Euza. Sige na, lumabas na kayo. Huwag niyo na akong alalahanin pa,” aniko at tumango lang din ang kambal.

“Pahirapan mo ’yang si kuya, Ate. Huwag kang magpapadala sa kaniya,” habilin ni Euzel. Sa totoo lang ay isa-isa ko na ring nalalaman ang pinagkaiba ng kambal.

Si Euzen ang mas mukhang friendly at mabait. Mabait din naman si Euzel, pero parang suplada rin at maiki ang pisi ng pasensiya niya.

Hindi rin naman nagtagal si Haze ay nakabalik na rin siya na dala ang tray sa kamay niya. Ngumiti pa siya nang makita niya ako at nanatiling nakatikom ang bibig niya.

“Are you still mad at me, Avey?” he asked as he sat down on the bed beside me.

“What do you think?” I fired back at bumagsak ang tingin ko sa pagkain. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.

He took a deep breath. “I’ll fed you,” he said. Hinayaan ko na lamang siya.

“Are you sure na hindi kayo nagkabalikan ng ex mo?” usisa ko.

“Hindi,” maiksing sagot niya lamang. Paminsan-minsan ay pinupunasan niya ang gilid ng labi ko.

“Eh, bakit nasa clinic mo siya at dalawang araw kang hindi nagpakita sa amin?” seryosong tanong ko pa.

“She’s just visiting me at hindi ko siya sinundo sa airport nang malaman kong uuwi na siya. I tried to talk to her sana pero may kasama siyang iba. Nasaktan ako sa nakita na pinalaya ko siya para sa pangarap niya pero babalik siya rito na may kapalit na siya sa akin? Well, that’s my ego,” paliwanag niya pero hindi pa ako kumbinsido. Nag-d-doubt pan rin ako sa kaniya.

“And?” tanong ko pa.

“Wala na talaga, Avey. Pinalaya ko na siya. Believe me.”

“How can I trust you, Haze? Iba ka kanina sa airport,” usal ko at bumuntong-hininga ulit siya.

“I love you, okay? Iyon ang mas mahalaga, Avey. Ang malaman mo ang tunay kong nararamdaman. Ubusin mo na ito para makapagpahinga ka na.”

“How about my flight, Haze?” curious kong tanong.

“Nagpa-book na ako. Sasama ako sa iyo sa Europe.” Nagsalubong ang kilay ko.

“Ha? Bakit naman?” gulat na tanong ko.

“Ihahatid lang naman kita.”

“Ha?! Why would you do that?”

“Basta,” sagot niya lamang at pinisil ang pisngi ko. “Don’t look at me like that, Dhea Averay. Just eat, baby.” Hinampas ko ang kamay niya nang bigla na lamang niyang hinalikan ang labi ko.

AKALA ko ay nagbibiro lang si Haze na sasama siya sa akin sa Europe. Kinabukasan nga ay naghanda na agad siya. Hindi na galit sa kaniya ang mommy niya. Natuwa pa ito sa nalaman na ihahatid ako ng anak niya.

“Take care of her, Haze,” paalala ni Ninong Eujinn kay Haze.

“Yes I will, Dad.” Nangingiti tuloy si ninang at nakikita ko ang kasiyahan sa mga mata niya.

“Nakapag-usap na kami ng mommy mo, hija. Pero hindi nila alam na uuwi ka na rin ngayon,” sabi niya.

“Well, para na rin po masurpresa sila,” nakangiting sabi ko.

Isa-isa silang nagpaalam sa amin ni Haze at noong makatayo na kami sa airport ay humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Naramdaman niya na parang na-t-tense ako kaya naman pinagsiklop niya ang mga daliri namin at hinahalikan ang sentido ko.

Kahit noong nasa upuan na kami ay hindi pa rin ako kampante. Nanlalamig ang mga kamay ko at hinihimas iyon ng thumb niya.

Hanggang sa ihilig niya ako sa balikat niya at napahawak ako sa braso niya. “Are you scared na iiwan kita rito?” he whispered and I nodded. “Don’t be. Kasama mo naman ako, Avey.” Hindi ako kumibo at kahit noong mag-announce na sila na lilipad na rin ang eroplano ay tahimik lamang ako.

Pero doon lang naman ako nakahinga nang maluwag. Napahalakhak pa si Haze kaya Pinukulan ko siya nang masamang tingin.

“You’re not funny, Hajinn,” mariin na sambit ko. Kinurot ko pa ang braso niya at wala siyang ibang ginawa kundi ang pagtawanan ako.

“On leave ako sa trabaho ko, Avey. Pinakiusapan ko si Andrey na ipagpaalam ako kay Dervon. Busy ang gàgo na iyon sa ibang bagay. Pero five days lang ako mananatili sa Europe. Ipakilala mo na rin ako sa parent mo bilang boyfriend mo,” mahabang sabi niya at napataas ang kilay ko sa huling sinambit niya.

“Kailan kita naging boyfriend, Haze?” nakataas pa rin ang kilay na tanong ko.

“Kahapon lang, Avey.” Napalitan na ng pagsasalubong ang kilay ko. “May gusto ka bang kainin?” I shook my head.

“Iyong soda lang. Nauuhaw ako,” sagot ko. Private seat ang kinuha niya kaya may pagpipilian talaga kami sa gusto naming kakainin at drinks.

“If I ask you to come home with me again. Sasama ka ba, Avey?” tanong niya bago niya ibinigay sa ’kin ang soda. Napaisip naman ako sa tanong niya.

Ang naisip ko lang noon ay masuklian ang pagmamahal ko kay Haze. Pero ang bagay na binanggit niya at hindi.

“Nasa Europe ang business company ko, Haze. My family,” sagot ko na ikinabuntong-hininga niya.

“Yeah. I want to marry you, Avey.” My heart skips a beat. Ngumiti pa siya. “Pero kung gusto mo talagang manirahan tayo sa Europe ay okay lang naman iyon.” Wala akong nakita sa face niya na nagbibiro lamang siya. He’s serious.

“Paano naman ang trabaho mo bilang doktor, Haze?” curious kong tanong.

“I can work abroad, Avey. Kung kinakailangan na mag-aaral pa ako roon at kumuha ng board exam para lang qualified ako na magtrabaho sa hospital ay gagawin ko. Kung nasaan ka ay dapat nandoon ako,” sabi pa niya at nawalan na ako nang sasabihin. Gulat na gulat ako kasi hindi ko naman talaga inaasahan ito.

Ang maging seryoso siya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top