CHAPTER 19

Chapter 19: Madness

NAKAPAGPALIT na rin ako ng damit ko. Puting t-shirt ang suot ko at naka-pants pa naman ako pababa. Si Haze ay lumabas ng kuwarto niya kanina. Ako naman ay kinuha ko ang phone ko.

Nasabi ko na kasi sa mommy ko na may flight ako ngayon. So, sasabihin ko ulit na hindi ako matutuloy. Ayokong mag-alala sila kasi inaasahan na nga nila ang pagdating ko.

“Hello, Avey. Ang kuya mo na ang susundo sa ’yo,” agaran na sabi ng mommy ko.

“Hindi po ako natuloy, Mommy,” wika ko.

“What happened, darling? May problema ba?” my mom asked me, worriedly. I sat down on the bed. Inabot ko pa ang picture frame ni Haze sa bedside table niya at napangiti ako nang makita ito. Ang guwapo niya kahit sa picture.

“Nasa airport na po sana ako, Mommy. Pero pinigilan po ako ni Haze. Kaya po hindi ako natuloy,” sabi ko at nakarinig ako nang pagsinghap mula sa kabilang linya.

“Don’t tell me pinigilan ka niyang umalis, Avey?!” gulat na tanong niya na ikinatawa ko naman. Iyon na nga po ang nangyari, eh.

“Yes po, Mom. I was confused at that time. Kasi siya pa ho ang naghatid doon sa akin but to my surprise po ay bumalik siya,” I stated at nagkaroon ng interes ang aking ina sa pagkukuwento ko.

“And now? Ano na ang nangyari? Nasaan na kayong dalawa?” she asked.

“Nasa condo po niya kami. Dito niya po ako dinala. Kasi hindi raw po puwede roon sa bahay nila. His mother ay galit po sa kaniya,” aniko at ibinalik ko ang frame ni Haze.

“Marami ka ngang dapat ikuwento sa akin pagbalik mo, Avey. Anyways, namamaos ang boses mo. May iyakan na naganap?” I nodded even though hindi naman ako makikita ni mommy.

“Sobra po ang iyak ko, Mommy. Nagulat nga rin po ako sa biglaan niyang pag-confess,” sabi ko pa. Napanguso pa ako nang maalala ko iyon. I didn’t expected that.

“The important is masaya ka naman. But you need to go home, darling. Miss na miss ka na namin.” Nasa boses pa ni mommy ang lungkot at pagkasabik na ikinangiti ko pa.

“I miss you too. Uuwi po ako, Mom. Huwag po kayong mag-alala,” pagbibigay ko ng assurance.

“Baka kasi ay itatanan ka na agad ni Haze, anak.” Natawa ako sa sinabi niya.

“Hindi po ’yan mangyayari, Mom. I’m still mad at him sa pagpapaiyak niya po sa ’kin,” wika ko at humiga ako sa kama. Biglang bumigat din ang talukap ng mga mata ko. Ramdam ko ang pananakit ng lalamunan ko. “Mommy, can I rest po? Tawagan na lang po ulit kita. Inaantok po kasi ako.”

“Oh, baka lalagnatin ka, Avey. Kapag umiiyak ka pa naman at pinagpapawisan ay madali kang magkasakit,” nag-aalalang wika ng mommy ko. I took a deep and nodded. Totoo iyon. Kaya marami talaga ang nawewerduhan sa akin. Kaya nga isa lang ang naging kaibigan ko at ilang taon ko na ring hindi nakikita.

“I’ll be fine, Mommy. Magpapahinga lang po ako,” aniko.

“Okay, darling. I love you.”

“I love you too, Mommy.” Inilagay ko lang sa tabi ko ang cell phone ko at ipinikit ko ang mga mata ko.

May kumatok sa pintuan pero hindi ako nag-abala na tingnan iyon o sumagot man lang. Narinig ko lang ang pagbukas nito at footsteps niya.

“Avey,” tawag ni Haze sa akin. Umungot lang ako at hindi nga ako gumalaw mula sa kinahihigaan ko. Bumigat ang kama sa gilid ko at hinarap ko siya.

Malamlam na mga mata niya ang sumalubong. “Bakit?” mahinang tanong niya.

“What do you want to eat for lunch? I can’t cook dahil walang laman ang ref ko. So, mag-o-order na lang ako ng pagkain sa labas.”

“Kahit ano lang, Haze,” I answered and closed my eyes. Tinalikuran ko siya at humiga naman siya sa tabi ko. He hugged me from behind at hinawakan ko naman ang kamay niyang nasa bandang tiyan ko.

Hinalikan pa niya ang balikat ko bago siya sumiksik sa leeg ko. “Are you okay, Avey?” he asked.

“Yeah, I’m good.”

“Bakit ang tamlay mo?” makulit niyang tanong.

“Inaantok lang ako,” sagot ko pa. Humigpit ang yakap niya at nakakulong na talaga ako sa mga bisig niya. “Haze, huwag mong higpitan ang yakap mo. I can’t breath na,” reklamo ko.

Bahagya niya nga akong pinakawalan at pinaharap niya ako sa kaniya. Ginawa niyang unan ang braso niya at naramdaman ko rin ang paghila niya sa kumot.

Nanuot tuloy sa ilong ko ang perfume niya at nakaramdam ako nang kapayaan.

“Let’s call mom then,” he said. Ang narinig ko lang ay ang pag-r-ring ng phone niya. Ilang beses na dumikit ang labi niya sa noo ko at hinahaplos niya rin ang buhok ko.

Gising na gising ang diwa ko ngunit parang ang bigat ng mga mata ko at hindi ko man lang ito magawang idilat.

“Haze? Where is Avey?!” sigaw ni Ninang Hazel. Nagulat pa ako nang iyon agad ang bumungad. “Ang sabi ng kasambahay natin dito ay umiiyak si Avey nang hinila mo siya palabas na bitbit ang bagahe niya! Pinauwi mo ba agad siya, Haze?!”

“Relax, Mom. Kasama ko po si Avey,” pagpapakalma niya sa mommy niya at parang nakikita ko na rin ang reaction nito. She’s worried about me.

“So, where is she? At saan mo ba talaga siya dinala? Nalaman din namin na may binili kang plane ticket to Europe, Haze! Malaman ko lang na may ginawa ka na naman na hindi maganda sa kinakapatid mo ay kalilimutan ko talaga na anak kita!” Nagawa kong magmulat ng mga mata sa narinig na sinabi ng aking ninang. I bit my lower lip kasi parang mas mahal pa ako ni ninang kaysa sa anak niya.

“Mom, calm down. Nasa condo kami ni Avey. No need to worry about her. Nasa mga bisig ko siya ngayon, and what? Kinakapatid? She’s gonna be your daughter-in-law, Mommy.” Nagsalubong ang kilay ko at tinitigan ko ang mukha niya. Nakatitig din siya sa mata ko. Namumungay ang mga iyon.

“What do you mean by that, Haze?” clueless na tanong ng mommy niya. Halatang natigilan din ito.

“Alam ko pong nasaktan ko ang inaanak mo, Mom. Pero seryoso na po ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Mahal ko po si Avey,” may sensiridad ang boses na sambit niya. Napapikit pa ako nang pinagdikit niya ang aming noo. Ramdam ko ang init na nagmumula roon

“Ibigay mo kay Avey ang phone mo. Gusto ko siyang makausap.”

Itinapat lang ni Haze ang cell phone niya sa labi ko. Tumikhim ako. “Hello, Ninang,” mahinang sambit ko at napahinga pa siya nang malalim.

“Avey, hija. Are you okay? Wala lang bang ginawang masama sa iyo ang anak ko?” nag-aalala niyang tanong.

“There is, Ninang. Iniwan niya po ako sa airport,” I told her the truth.

“What?! Hajinn Montefalcon!”

“Mom, binalikan ko naman po si Avey sa airport! Chill, okay? Okay na po kami,” sabat ni Haze sa usapan namin ng kaniyang ina.

“Then go home, Hajinn! Baka kung ano pa ang gawin mo riyan kay Avey!”

“Promise wala naman po akong gagawin sa kaniya. We’re good, Mom.”

“I won’t believe you, Haze. May atraso ka pa sa kaniya, remember?”

“Ang kulit niyo naman po, Mommy. Fine, uuwi po kami mamaya. Nagpapahinga pa si Avey. I think.” Hinipo ni Haze ang noo ko at pababa sa leeg ko. “Lalagnatin yata ang baby ko, Mom.” Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa narinig na sinabi niya at itinawag niya sa ’kin. “Dahil po yata ito sa pag-iyak niya kanina. Tell me, Avey. May masakit ba sa ’yo?” tanong niya at umiling ako bilang sagot.

“Wala. Ayos lang ako. Antok lang ito at pagod dahil nga iniwan mo ako kanina. Umiyak ako nang sobra,” pahayag ko at narinig namin pareho ang pagmumura ni Ninang Hazel.

“Iuwi mo si Avey ngayon din, Hajinn!” Nailayo niya ang cell phone niya at napangiwi pa. I just smirked.

“Lagot ka kay ninang,” pananakot ko pa.

“Bye, Mom. Mamaya na po,” paalam niya sa mommy niya. “Take a rest first, Avey. Sa bahay na lang tayo kumain.” Agad na akong pumikit. “I love you.”

Ang sarap pakinggan ang mga katagang iyon mula sa bibig niya. Pinangarap ko nga na sana ay marinig ko rin iyon mula sa kaniya at ngayon, malinaw na malinaw pa.

“I still hate you, Haze,” I uttered at dumaing na naman siya na parang nasasaktan. Kung hindi lang ako nakapikit ay baka mag-roll eyes lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top