CHAPTER 18

Chapter 18: Confessions

HALOS mawalan ako nang balanse dahil sa panginginig ng mga binti ko. Ang sikip-sikip pa rin ng dibdib ko at ayaw talagang tumigil ang mga luha ko.

Ganito naman pala talaga kasakit ang magmahal. Iyong pinaasa ka lang sa una at akala mo ay masusuklian din ang pagmamahal na iyon. Pero uuwi ka rin pala na talunan at nasasaktan.

Tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi kaya mabilis kong pinunasan iyon. Pumila na rin ako at mahigpit pa ang hawak ko sa passport ko pati na sa plane ticket ko.

You can do this, Avey. Magagawa mo naman siyang kalimutan agad, ’di ba?

I did everything I can para lang pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko at panay ang paghinga ko nang malalim.

Nang aabutin ko na sana sa babae ang passport ko nang may mabilis na kamay ang umagaw niyon at kasabay nang paghawak nito sa aking kamay. Nagulat ako at lilingunin ko pa sana iyon nang hinila na ako nito palayo roon. Nabitawan ko ang hawak kong maleta dahil siya na ang bumitbit niyon.

Tila bumagal ang oras nang dahan-dahan kong nilingon ang lalaking humihila ngayon sa ’kin palabas ng airport.

“H-Haze?” gulat na sambit ko sa pangalan niya. Lumipat sa baywang ko ang braso niya at siya ang umalalay sa akin. Naguguluhan ako na kung bakit binalikan niya ako rito.
Nagpatianod lamang ako hanggang sa makarating kami sa parking space. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Kahit gulong-gulo ako sa pangyayaring iyon ay hindi na lamang ako kumibo pa. Mabilis din siyang nakasakay at pinaharurot na niya ang kotse niya. “Haze, s-saan mo ako dadalhin?” namamaos ang boses na tanong ko sa kaniya at sumisinok pa ako. Masakit nga ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak ko kanina at magang-maga ang mga mata ko.

Pinahinto niya ang sasakyan niya sa tabi ng isang café at humugot nang malalim na hininga.

“I’m sorry, Avey. Dàmn it,” he said. Tinanggal niya ang seatbelt sa katawan niya at nagulat din ako sa biglaan niyang pagyakap.

“Haze, ang flight ko. M-Ma-li-late na ako,” sabi ko. Humigpit lalo ang pagyakap niya. Na halos mapisi na ako.

“No, hindi ka na aalis. Dito ka na lang. I’m sorry. Fvck, I’m so sorry, Avey.” Natulala ako nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig niya at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. “I’m sorry, baby. H-Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya na mawala ka.”

Hindi ko maintindihan si Haze. Kanina lang ay hinatid pa niya ako sa airport para tuluyan na akong makaalis at makabalik sa pinanggalingan ko.

Atat na atat siyang paalisin ako pero bakit ngayon ay ayaw na naman niya akong umalis? At ano naman itong pinagsasabi niya na hindi niya kaya?

“Haze, a-ano. . . Ano ang ibig mong sabihin?” nalilitong tanong ko kay Haze. Gulong-gulo ang isip ko at ayaw magproseso nito.

“I love you.” Umawang ang labi ko sa gulat. Parang namanhid ang batok ko at ang lakas-lakas nang kabog sa aking dibdib.

“P-Pinagloloko mo lang ba ako, Haze? Dahil hindi ako natutuwa! Don’t play with my feelings please! Pagkatapos mo akong saktan at pagtabuyan!” umiiyak na sigaw ko at malakas na pinalo ko ang balikat niya. Pinagtulakan ko na rin siya dahil talagang hindi ako natutuwa sa kaniya.

“I’m sorry, Averay. Akala ko kasi ay wala lang ito. Na wala lang itong nararamdaman ko para sa ’yo.” Naghahalo-halo ang emosyon ko, ang sakit, inis at galit sa kaniya.

Kahit narinig ko na ang sinabi niya na mahal niya ako ay hindi ko magawang maging masaya. I feel like pinaglalaruan niya lamang ako.

“You’re such a fvcking liar, Haze! After what you did to me?! May pahatid-hatid ka pa sa akin sa airport tapos babalik ka pa roon para lang pigilan ako sa pag-alis? Hindi ba excited ka masyado na makaalis na rin ako rito? Kaya bakit?! Bakit sinasabi mo ’yan sa ’kin lahat, Haze?” umiiyak pa rin na tanong ko at pinagbabayo ko na ang likuran niya.

Narinig ko na rin ang paghikbi niya at ngayon ko lang siyang nakita na ganito. Na umiiyak at ramdam ko rin ang panghihina niya.

“I was in denial with my dàmn feelings! At hindi ko iyon masasabi agad dahil alam ko na hindi rin puwede! Lalabas pa rin na ginawa kitang rebound, Avey! Ayokong isipin mo ’yon! But believe me, mahal kita. M-Mahal kita, Avey.” Umiling ako kasi parang ang hirap paniwalaan ang bagay na iyon.

Yes, he made me feel like I’m a precious to him and he cared for me. But the love? Paniniwalaan ko ba agad siya?

“H-How can I trust you for saying that dàmn words, Haze? Pinagtulakan mo ako sa buhay mo,” sambit ko at nasundan ng mga mata ko ang pagdausdos ng mga luha niya sa kaniyang pisngi. Mariin na kinagat pa niya ang labi niya at nagpumiglas ako nang hawakan niya ang kamay ko.

Umawang ang labi ko nang dalhin niya iyon sa dibdib niya. Parang mabibingi rin ako sa bilis nang tibok ng puso ko at may kasama na itong kirot.

“I’m fúcking in love with you, Avey,” mariin na saad niya at pakiramdam ko ay nabuhusan na naman ako ng malamig sa tubig. Nanginig na ang mga kamay ko at nawalan na lang ako nang sasabihin.

“H-Haze. A-Ano.” He pulled my arms and hugged me again.

“I love you, Avey.  I really do, baby.” Huminga ako nang malalim.

Ito na iyon, ’di ba? Ito na iyong pinangarap ko na sana masuklian niya rin ang pagmamahal ko. Pero wala akong maisip na sasabihin sa kaniya. Dahil nabigla ako.

“I-Iyong flight ko,” tanging iyon lang ang nasabi ko.

“No, hindi ka na tutuloy pa roon. Hindi ka na aalis, Avey.” My lips parted again.

Bakit ang bilis magbago ng isip niya? Parang kanina lang ay gustong-gusto na niya akong umalis pero ngayon ay ayaw na naman niya.

“I need to,” mariin na sambit ko.

“Not now, Avey please,” nagsusumamong sambit niya at bumitaw na siya mula sa pagkakayakap namin. Muli siyang nagmaniobra ng sasakyan niya.

“W-Where did you taking me, Haze?” I asked him.

“Sa condo.” Nabigla naman ako sa sagot niya.

“A-Ano naman ang gagawin ko roon, Haze? Bakit doon mo ako dadalhin?” naguguluhan na tanong ko at ginanap niya ang kaliwang kamay ko. Nang subukan kong bawiin ito ay humigpit lang ang hawak niya.

“Galit si mommy sa akin. Hindi pa ako puwedeng magpakita sa kaniya. Saka na kapag lumamig ang ulo niya,” sagot niya at kumunot na lamang ang noo ko.

“K-Kung ayaw mo akong umalis ngayon ay bakit sa condo mo ako dadalhin?” I asked him.

“Basta,” tipid na sagot niya lamang.

“Naguguluhan pa rin ako, Haze,” I told him at mabilis pa niya akong sinulyapan.

“We’ll talk later, Avey.”

HININTO niya ang sasakyan niya sa tapat ng isang malaking condominium at mabilis siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Tinanggal ko agad ang seatbelt ko at inalalayan naman niya ako.

Kinuha na muna niya ang maleta ko saka kami naglakad papasok ng condominium. Iyong kamay niya ay nasa baywang ko na at nakaalalay talaga siya sa akin dahil mabagal ang paglalakad ko. Malaki ang unit ni Haze at kompleto ang mga gamit niya roon.

“What do you want to drink, Avey?” he asked me nang makaupo na ako sa sofa. Inilapag niya ang handbag ko sa center table at nakita ko pa ang pagkuha niya sa passport ko. Basta na lamang niya iyon binulsa.

“J-Just a water, please,” nauutal na sambit ko pa. Bago niya ako iniwan doon ay hinalikan pa niya ang noo ko.

Hinihintay ko na makabalik si Haze. Dahil ayokong mainip dito ay tumayo ako at naglakad-lakad lang. Hanggang sa mapadpad ako sa balkonahe ng condo niya at kitang-kita ang kabuuan ng City mula sa kinatatayuan ko. Nasa ika-10th floor ang unit niya. Kaya talagang napakataas nito. Presko rin siya dahil may kalakasan ang hangin.

Napahinga ako nang malalim. Akala ko ay matutuloy na ako sa pag-alis ko kanina. But pinigilan naman ako ni Haze. He confessed his feelings too.

“Avey, come here.” Napapitlag pa ako nang marinig ko ang boses niya. Nilingon ko siya na nasa may pintuan.

Sa right side ng balkonahe niya ay mayroon siyang round table at dalawang upuan.

“I want it here,” sambit ko lang at tumango siya. Bago niya ako nilapitan.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala roon sa mauupuan namin. Kinuha ko ang basong tubig na dala niya at saka ako uminom. Naramdaman ko ang paghawi niya sa buhok ko.

“You need to change your cloth, Avey. Basa na ng pawis mo baka magkasakit ka pa,” sabi niya at tinabig ko ang kamay niya nang hawak niya ang hita ko. Ibinaba ko ang baso na may laman pa ng tubig.

“Hindi pa tayo bati, Haze. I need your explanation,” malamig na sabi ko at bumuntong-hininga siya.

“I’m sorry dahil hindi natuloy ang date natin last time, Avey—”

“Dahil sinundo mo ang ex mo, Haze,” sabat ko sa kaniya.

“That’s true,” malalim ang boses na pag-amin niya.

“At sa loob ng dalawang araw na iyon ay dinala mo siya rito, right?” I asked him. Marahan siyang umiling at inakbayan ako kaya tinanggal ko iyon. He groaned.

“Of course not. Ikaw pa lang ang dinala ko rito.” I shook my head.

“Bakit biglang nagbago ang isip mo, Hajinn? Nandoon na ako sa airport,” mariin na sambit ko pa.

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko pero muli kong tinabig ito. “Dàmn it, baby.”

“I can’t just leave you there while crying and hurting because of me. Habang naaalala ko na iniwan nga kita roon at nagmamakaawa na umalis ka na ay ang hirap-hirap na. Akala ko ay masisiyahan ako sa ginawa ko. But Goddàmn it. I can’t afford to lose you, Avey. Sinubukan ko lang naman kung kaya ko ba pero hindi pala. Niloloko ko lang ang sarili ko,” seryosong sabi niya at nakikita ko na naman na sincere siya. “Believe me, Avey.” Hinawakan pa niya ang kamay ko at hinagkan niya iyon.

“But what about your ex? Paano mo naman ipaliliwanag sa ’kin ang nakita ko sa clinic mo, Haze? Ano ang ginagawa niya roon kung hindi kayo nagkabalikan?” wala pa ring emosyon na tanong ko.

“She wants me back, that was true. But I refused, Avey. I now realize na hindi na siya ang mahal ko. Paniwalaan mo naman ako na nakuha mo agad ang loob ko kahit dalawang linggo lang kitang nakasama. Avey,” nagsusumamong sambit pa niya at ako naman ang huminga nang malalim.

“Ano naman ang gagawin ko ngayon, Haze?” tanong ko.

“Just stay with me, okay?”

“Pero ikaw naman ang nagsabi sa akin na kailangan kong umalis, and besides hindi naman ako rito nakatira.”

“I know that. I’m sorry for hurting you, Avey. Hindi ko intensyon iyon. Forgive me. Ikaw talaga ang mahal ko.” Lumapit ang mukha niya at bago pa man niya ako mahalikan ay umiwas na ako.

Dumampi lang ang labi niya sa kanang pisngi ko at napadaing siya sa inis.

“I’m still mad at you, Haze,” sabi ko at nang pinihit ko ang ulo ko sa kaniya. Mabilis na kinintalan niya ng halik ang labi ko at tinulak ko siya sa dibdib. I even glared at him.

“Forgive me, baby.” He buried his face on my neck at naramdaman ko ang pagsinghot niya. Mariin kong kinurot ang braso niya at narinig ko lang ang paghalakhak niya. “Alam mo ba na sobra akong kinabahan, Avey? Akala ko kasi ay hindi na kita maabutan pa. Ang tànga-tànga ko, ’no?”

“Yeah, you’re so fúcking stúpid,” mariin na saad ko.

Marahas na kumalas naman siya at gulat na napatitig siya sa mukha ko. “At saan ka naman natutong magsalita nang ganyan, ha?” Pinitik pa niya ang noo ko kaya nakatikim lang siya nang malakas na hampas sa dibdib niya.

“Wala kang pakialam, Haze. Akin na ang passport ko,” sabi ko at umiling lang siya.

“Akin na muna ito.” Nagsalubong ang kilay ko.

“Bakit mo naman kukunin ’yan? Akin ’yan, Haze.” Ngumiti lamang siya at hinagod ulit ang likod ko.

“Change your cloth first, Avey,” he said at hinawakan niya ako sa siko. Kinuha pa niya ang baso at tinungga ang laman no’n.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top