CHAPTER 15

Chapter 15: Paasa

NAGTATAWANAN lang ang tatlong kapatid ni Haze. Nagsasabuyan kasi sila ng tubig sa isa’t isa. Ako naman ay nakalubog na sa pool.

Si Haze naman ay nanatiling nakaupo at natatawa rin siya habang pinapanood niya ang mga ito.

“Ayaw mo bang maligo, Haze?” tanong ko sa kaniya kasi ang mga paa niya lang ang nakalubog.

Yumuko siya para tingnan ako. Hinawakan niya lang ang ulo ko. “Malamig, eh,” sagot niya lamang. Napailing ako.

“Bahala ka,” sabi ko na lamang. Kasi parang wala rin naman siya sa mood na mag-swimming. Itinaas ko ang kamay ko para sana magpaalalay sa kaniya para makaupo ako sa tabi niya.

Hindi naman siya nagdalawang-isip isip at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Akala ko nga ay iyon lang ang hahawakan niya pero naramdaman kong pati pala sa baywang ko. Kahit basang-basa ako ng tubig ay nararamdaman ko pa rin ang init na nagmumula sa kaniyang kamay.

Pagkaupo ko ay inabot niya ang towel bago niya pinatong sa magkabilang balikat ko. Inayos ko naman iyon.

“Ako naman ang maliligo,” sabi niya.

“Grabe, kanina niyaya kita ay sabi mo malamig. Tapos noong nandito na ako ay saka ka naman maliligo,” naiiling na sabi ko sa kaniya. Napasimangot pa ako.

Mahinang humalakhak lang siya at pinisil ang kanang pisngi ko bago siya tumayo. Hinubad niya ang t-shirt niya mula sa collar na nasa likod niya.

Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang magandang pangangatawan ni Haze. Talagang alaga siya sa work out niya. Hindi halatang doctor, eh.

“Come on. Join us again,” pag-aaya niya at tinanggal ko agad ang bimpo sa likod ko. Bago pa nga lang ako makalusong sa tubig ay naglahad na siya ng kamay. Napangiti ako at tinanggap ko iyon. That’s the best bonding na kasama ko ang Montefalcon siblings.

***

IN THE next day ay naka-ready na ako para sa date namin ni Haze. Whole day naman kami lalabas kaya 8 a.m pa lamang ay naghanda na rin talaga ako. I wore my purple halter dress and my white sneakers.

“Enjoy kayo sa date niyo, ha?” sabi ni Ninang Hazel. Tumango ako.

“Excited na nga po ako, Ninang,” nakangiting sabi ko. Nasa sala kami ng mansyon nila ngayon at nandito rin si Ninong Eujinn.

“Puwede pa bang i-extend ang vacation mo, hija?” tanong ng ninong ko. Umiling ako.

“Kahit gusto ko po ay hindi na puwede, Ninong. Tawag nang tawag sa akin si mommy. Miss na raw nila ako,” sagot ko at napatango naman siya.

“I can’t blame them, Avey. Nag-iisa kang anak na babae ng mga magulang mo. Kahit nga si Haze ay sinasabihan ko na kapag hindi naman kailangan ay huwag na siyang manatili pa sa condo niya. Dito muna siya hangga’t hindi pa siya ikinakasal,” pahayag naman ni Ninong Eujinn.

Nakikita ko talaga ang pagmamahal niya sa panganay nilang anak at palagi niya itong iniintindi.

“Tama ho kayo, Ninong,” tumatangong usal ko pa at napatayo ako nang makita ko na si Haze. Nakaligo na rin siya pero bakit kaya parang nagmamadali siyang bumaba mula sa hagdanan?

“Haze? Saan ka pupunta, anak?” tanong ni Ninang Hazel nang magtungo ito sa pintuan.

“May pupuntahan lang ako, Mom,” sagot niya at bago pa man siya makalabas ay tinawag ko siya.

“Haze, hindi ba may date tayo ngayon?” I asked him.

“I’m sorry, Avey. Mamaya na lang,” sagot niya lamang at nagmamadali na talaga siyang umalis.

Saan naman kaya siya pupunta?

Hinawakan ng ninang ko ang balikat ko. “Siguro nagkaroon sila ng emergency sa hospital, hija. Ganyan din naman siya madalas, eh.” I sighed.

“I understand po, Ninang,” sagot ko.

“Hintayin mo na lang siya mamaya. Babalik naman iyon agad,” ika pa niya at wala naman akong nagawa kundi ang maghintay kay Haze.

Sinabi naman niya kanina na susunduin niya ako. Kaya umaasa ako na matutuloy ang date namin ngayon.  Hindi na nga rin ako nagpalit ng damit.

Nasa guestroom lamang ako naghintay at lumalabas naman ako para lang tumingin sa gate. Noong lunch time na ay si Euzel ang nagluto at tinawagan ko pa si Haze pero cannot be reach naman ang phone niya.

After ng lunch namin ay nag-stay muna ako sa kitchen para makipag-chit-chat sa kambal.

Ginawa ko na rin ang lahat para hindi ako masyadong mainip sa kahihintay kay Haze pero umabot na talaga hanggang gabi ay hindi siya dumating.

Inaya na ako ng kambal na kumain at kami lang din kasi ang naiwan sa bahay.

“Never naman naging paasa si Kuya Haze, Ate. Nasa hospital na siguro siya. Baka bukas ay itutuloy na niya ang date nito,” pagpapalubag loob na sabi sa ’kin ni Euzel. Tipid lang akong ngumiti.

Hinagod naman ni Euzen ang likod ko. “Sasabihan ko agad si Kuya, Ate. Hindi niya dapat pinaghihintay ang isang babae,” wika naman ni Euzen.
Natutuwa ako kino-comfort nila ako. Ang babait naman talaga nila.

“Thank you. Nag-aalala rin kasi ako. Cannot be reach ang phone niya. Uuwi kaya siya ngayon?” I asked them.

“Hayaan mo muna siya, Ate Avey. Mag-rest ka na lang po. Bukas na nating problemahin si Kuya Haze,” ani Euzel at hinila pa niya ako upang makatayo.

Wala na naman akong nagawa pa. Paiyak na nga sana ako kasi umasa ako kay Haze. Lahat naman nang sinasabi niya ay pinapaniwalaan ko.

But nalaman ko na hindi siya umuwi kagabi. Si Ninang Hazel ay nag-sorry na naman siya sa akin.

Still, naghintay pa rin ako sa paliwanag ni Haze. Ngunit umabot ng dalawang araw ay hindi ko na siya nakita pa.

To be honest, last day na rin ng vacation ko pero hindi ako bumili ng plane ticket ko kasi ’di pa ako ready na umuwi. Gayong hindi pa kami nakapag-uusap ni Haze. Until I decided na pumunta na lang ako sa hospital kung siya naka-duty.

Since alam ko na kung saang floor any clinic niya ay dumiretso na ako roon. Kinakabahan pa ako kasi baka kung ano pa ang malaman ko tungkol sa dahilan niya na hindi na kami natuloy sa date namin. Dalawang araw na rin siyang hindi umuuwi.

When I reached his clinic ay kumatok muna ako sa pinto niya. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Nandito kaya siya?

“Come in,” narinig kong sabi ng taong nasa loob at kilala ko ang boses na iyon. Sure ako na si Haze na nga iyon.

Walang pagdadalawang-isip na binuksan ko na ito at bumilis lang lalo ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Napatayo pa siya sa gulat at nagtama ang mga mata namin.

“Hi. H-Hindi ba kita naabala, Haze?” tanong ko sa kaniya at naglumikot agad ang mga mata niya.

“Avey,” sambit niya sa pangalan ko.

“May pasyente ka ba, Haze?” Napalingon ako sa kabilang direksyon dahil mayroong nagsalita at boses iyon ng babae.

My lips parted nang makita ko ang babae. Halos manginig ang binti ko. Inaayos niya ang butones ng puting blouse niya at wala pa siyang suot na panyapak.

“Let’s talk outside, Avey,” sabi ni Haze at nilapitan niya ako.

“Who is she, Haze?” the girl asked him.

“We’ll talk later, Kheza,” he told her at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig.

Kheza? Hindi ba pangalan iyon ng ex-girlfriend ni Haze? Kung ganoon ay bumalik na si Kheza? Kaya rin ba nagmamadali nang isang araw si Haze? Kasi dahil iyon sa babaeng ito?

Hinawakan niya ako sa siko ko at iginiya palabas. Hindi naman ako makikipag-argumento pa sa kaniya at nagpaubaya ako.

Dinala niya ako sa bench at doon niya ako pinaupo. Nakayuko lamang ako at siya ay nakatayo lamang.

“Naabala ko ba kayo, Haze?” mahinang tanong ko na sapat na para marinig niya iyon.

“Avey, I’m sorry.” Namasa agad ang mga mata ko. Iyon ang madalas na sinasabi ng mga taong nagpapaasa lamang.

“Naghintay ako noong isang araw, Haze. Umasa ako na babalik ka. Na kahit hindi na matutuloy pa ang date natin ay sana umuwi ka. I need your explanation, Haze. Huwag namang ganito. Iyong pinapaasa mo ako,” hinaing ko at nang tumulo ang luha ko ay mabilis kong pinunasan iyon.

“Avey. Look I’m sorry. N-Nakalimutan ko lang—”

“Nakalimutan mo ako dahil sa ex-girlfriend mo, Haze. Hindi mo naman talaga ako maaalala agad. Kasi bumalik na siya at siya lang din ang inaalala mo,” sabat ko pa at napasinghot na ako. Sumisikip na ang dibdib ko.

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan niya ang nanginginig kong kamay.

“I’m sorry, Avey. Hindi ko intensyon na saktan ka,” sabi niya at nang makita ko ang mga mata niya ay nakikita ko naman ang sinseridad. Pero bakit kaya nagbago agad ang emosyon na nababasa ko ngayon sa kaniya?

“Kahit sa phone mo ay hindi kita matawagan,” sabi ko pa at sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko.

“Avey. . .”

“Alam kong alam mo na ang totoo kong nararamdaman, ’di ba Haze?” I asked him at tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata niya. Nagbaba siya nang tingin at bumuntong-hininga. “Haze, answer me. Alam mong mahal kita, ’di ba?” pag-uulit ko.

“I know that, Avey but. . . I don’t know what—I’m sorry,” he said at wala agad siyang nasabi tungkol doon.

“Haze, akala ko ay puwede na. Akala ko ay kaya ko na siyang palitan diyan sa puso mo pero bakit bumabalik ka pa rin sa kaniya? Hindi ba sinaktan ka na niya? Bakit—nagkabalikan na ba kayo, Haze?” He remained silent. “Haze.”

Hahawakan ko na sana ang magkabilang pisngi niya nang agad siyang dumistansya at tumayo. Nasaktan lang ako sa ginawa niya.

“I’m sorry, Avey. I’m so sorry,” he uttered at alam kong talo na agad ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top