CHAPTER 14
Chapter 14: Girls bonding
12 DAYS na rin ang nakalipas since my vacation and somehow, nagiging malapit na nga kami ni Haze. Napapansin na niya ako nang madalas and I’m happy for that.
Ngayon ay weekend na. So, kasama ko ang kambal at ang bunso nila. Inaya nila ako kanina, na mag-bonding daw kami sa swimming pool.
Nagluto ng snack namin si Ninang Hazel at sila naman ni ninong ay pinili ang mag-date. Busy kasi sila kapag hindi nila iyon gagawin ngayon. Kanina lang din sila umalis.
Nakaupo ako sa poolside at nakalubog ang dalawang binti ko sa tubig. Ang sarap nga sa pakiramdam.
“Euzen, right?” tanong ko nang dumating ang isa sa kambal na may dalang champagne. Umupo siya sa tabi ko at si Euza naman ay lumalangoy na sa pool. Wala pa rito si Euzen kasi siya ang tumulong sa mommy niya na maghanda ng snack namin.
“Change the letter N to L, Ate Avey.” Nanulis ang labi ko.
“Unfair. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayo kilala as your name,” nakasimangot na sabi ko at ngumiti lang siya.
“Madali lang po silang kilalanin, Ate Avey,” sabi ni Euza.
“But still I failed,” nakangusong sabi ko pa.
Ang suot lang namin ay top bikini at naka-white shorts kami lahat. Red iyong top ko, ang kambal ay same color ng red tapos si Euza ay yellow.
“Euza, kunin mo muna roon ang cookies. Naiwan ko,” sabi ni Euzen at agad akong nagtaas ng kamay.
“Ako na lang ang kukuha. Ako itong walang ambag sa bonding natin,” sabi ko at agad nang tumayo.
“Hay naku, Ate. Bisita ka namin dito, ’no? Hayaan mo na kami na pagsilbihan ka. Two days na lang ay uuwi ka na,” ani Euzen. Nagmana sila sa parents nila na mabait. Walang duda.
At nalungkot naman ako dahil two days na lang ang itatagal ko rito sa kanila at babalik na rin ako sa pamilya ko.
“Ako na lang, wala naman akong ginagawa rito.” Iwinasiwas ko pa ang kamay ko at naglakad na ako patungo sa pinto saka ako dumiretso sa kitchen.
“Ate Avey! Magtitingin lang po ako sa sketch pad mo, ha!” paalam ni Euzel.
“Sige lang!” sigaw ko.
Hinanap ko ang pinaglalagyan ng cookies. I know naman kung saan iyon nakalagay. Nang makita ko na katabi lang iyon ng cupboard ay nagmamadaling na akong lumapit doon.
Nang akma ko nang kukunin iyon ay may isang malaking kamay rin ang umabot ng jar at itinaas niya ito. Naramdaman ko rin na may dumikit na matigas na bagay sa likuran ko at nang lumingon ako ay ang sideview ng face ni Haze ang bumungad sa ’kin.
“Haze naman, eh. Bakit mo itinaas ’yan?” tanong ko at nag-tiptoe pa ako para maabot ko iyon. Nahirapan lang ako kasi inililipat niya lang. “Haze!”
Nang makita niyang naiinis na ako ay kusa naman niyang ibinalik iyon at ibinigay sa ’kin.
Hinarap ko na siya at awtomatikong napatingin siya sa bandang dibdib ko. Nag-iwas siya nang tingin at umigting pa ang panga niya. Natawa ako sa reaksyon niya.
Tiningnan ko rin ang ayos niya. Nakaitim na t-shirt lang siya at puting shorts. Magulo pa ang buhok niya pero guwapo pa rin naman siya sa paningin ko.
“Why are you wearing that kind of cloth, Avey?” he asked me in confused.
“We have a girls bonding but you can join us. Come on, Haze. Sa pool tayo,” pag-aaya ko at kumapit ako sa kanang braso niya habang nasa kanang kamay ko rin ang cookies. Napatikhim pa siya at huminga nang malalim.
“Hi, Kuya!” bati sa kaniya ng mga kapatid niya.
“Ano naman iyang suot niyo?” tanong niya at nagtataka rin talaga siya. Natawa ako.
“Top bikini, Haze,” sagot ko sa kaniya at pinakawalan ko na ang braso niya. Ibinigay ko kay Euzen ang cookies. “Here, Euzen.” Kinuha naman niya iyon at inilapag sa baba. May beach chair kami pero nasa poolside talaga kami. “Eh? Paano mo nalaman na ako si Euzen?” gulat niyang tanong at napakurap siya.
Lumubo ang pisngi ko at tiningnan ko rin si Euzel na may hawak ng sketching pad ko.
“Because Euzel borrow my sketching pad kanina, ’di ba?” tanong ko naman.
“Nakilala mo rin agad kung sino ang sumigaw kanina, Ate Avey.” Wala sa sariling napangiti ako at sinulyapan ko si Haze na parang naaaliw rin siya sa nakikita niya.
“Unti-unti ko na rin silang nakikilala, Haze,” aniko na parang achievement na iyon for me. He nodded at hinaplos pa niya ang pisngi ko.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at kumuha ng pasta. Lumapit na rin si Euza para kumain. Si Haze naman ay tinabihan niya ako.
“Sorry, Kuya. Hindi ka namin inaya kasi akala namin ay aalis ka ngayon. Just like what you always do naman,” ani Euzel. Na naglalagay ng strawberry jam sa bread at ibinigay niya ito sa kuya niya.
“Eh, noong last week naman ay nandito rin siya.” Tumango naman si Euzen sa sinabi ko.
“Ikaw nga lang ang kasama niya. Pinasyal ka niya sa Museum, right?” I nodded. Nagsunod-sunod nga ang paglabas namin ni Haze pero hindi naman iyon halos everyday.
Busy rin kasi siya dahil sa duty niya sa hospital. “Let’s date tomorrow then, Avey?” My eyes widened.
“Oh, yes!” hyper na sigaw ko at natawa ang mga kapatid niya.
“Bagay kayo, Kuya. Sana po ay kayo ang magkayuluyan,” komento naman ni Euza at mariin kong kinagat ang fork ko. Tiningnan ko ang reaction niya at nanulis lang ang labi niya.
“Kumain na lang tayo,” aniya. Siguro ay nahihiya lang siya.
Napapansin ko na rin kasi na madalas na siyang nakangiti at nagagawa na rin niya kaming sabayan sa pagtawa. Alam kong nagiging masaya naman siya kahit papaano. Huwag niya lang maalala ang ex-girlfriend niya at babalik lang ang sakit sa puso na dinulot nito sa kaniya and also ako rin naman.
But the important is ang nakikita ko naman siyang masaya ay ayos na ayos na.
“Water, please,” pakikisuyo ko kasi malapit lang kay Haze ang pitcher ng tubig. Nagsalin naman siya at ibinigay niya iyon agad sa ’kin. “Thanks,” I said at pinisil ko pa ang pisngi niya.
Tumayo naman si Euzen at tumalon agad siya sa tubig. Tumalsik pa ang tubig sa amin.
“Zen naman. Kumakain kami rito,” sita niya at nag-peace sign lang ang kapatid niya nang makahaon ito.
Pinunasan naman ni Haze ang pisngi ko kasi natalsikan ako ng tubig. “Maliligo ka rin, Haze?” I asked him.
“Yup,” sagot niya.
“Mag-race tayo, Kuya,” nanghahamon na sabi naman ni Euza.
“No, iiyak kapag natalo kita,” umiiling na sabi niya at sumimangot ang bunso nilang kapatid.
“Hindi, ah, Kuya. Sige na.”
“Nope.”
“Eh ’di tayo na lang, Haze,” pagsingit ko naman at nang balingan niya ako ay malalim ang gatla sa noo niya.
“Still no. No more racing, girls,” he said while shaking his head.
“Ate, gusto ko ang mga design mo. Baka po puwede akong um-order dito ay bigyan ng discount?”
“Sure, Euzel. Pagdating ko sa Europe ay ipapadala ko sa iyo agad and dress na gusto mo,” wika ko at napalakpak siya sa saya.
“Balik ka rito kapag graduation na namin, Ate. Magpapa-design ulit kami ng dress na susuotin namin. What do you think, Euzen?” tanong niya sa kakambal niya.
“Sure, nakita ko na ang mga design ni Ate Avey.
“Nah, gift ko na lang iyon sa inyo,” sabi ko.
“Ay, I’m excited!” Euzel exclaimed.
“Two days, babalik ka na sa Europe?” mahinang tanong naman ni Haze.
“Oo. Bakit? Pipigilan mo ba ako, Haze? Kasi magpapapigil ako,” biro ko. Mahinang pinitik niya lang ang noo ko.
“Let’s see,” sabi niya lang at pinanliitan ko siya ng mga mata.
“Ano’ng let’s see, ha?” Siniko ko pa siya at napahalakhak lamang siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top