CHAPTER 11

Chapter 11: Passionate kiss

WALA akong idea kung saang lugar ako dinala ni Haze. Ang nakita ko lang ay ang magandang two-floor green house at kumikinang sa ganda ang maliliit na ilaw nga mga ito, na shape ng mga kandila.

“Wow! This is amazing, Haze! I love it!” tuwang-tuwang bulalas ko.

Okay, fine. Inaamin ko na nagsimula iyon sa joke pero hindi ko inaasahan na mauuwi rin pala iyon sa katotohanan. Inaya niya nga talaga akong mag-date at dinala pa niya ako sa ganitong klaseng lugar. I highly appreciated.

Kinikilig na ako nang sobra nito at baka nga ay hindi na ako makatulog pa sa labis-labis na saya. Ikukuwento ko ito sa family ko.

“Let’s get inside, Avey.” He reached out his hand and I accepted it.

Malaki ang place at walang katao-tao sa loob. Parang isa rin itong tambayan at amoy na amoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak. All I can say ay isa ito sa pinupuntahan ng mga couple.

“Ano ang tawag sa place na ito, Haze?” I asked him at akala ko sa loob lang kami mananatili pero may sliding door pa dulo nito at lumabas kami. Sumalubong tuloy sa amin ang malamig na simoy ng hangin at punong-puno pa rin ito ng makukulay na ilaw. Mas na-appreciate ko ang view nito.

May table roon sa may gitna. “A Fairytale Green House,” he answered and I nodded kasi agree ako na ganoon dapat ang itawag kasi mala-fairytale nga ang buong lugar niya. Fit na fit naman siya.

Hindi pa pasko pero may Christmas tree na siya pero sa halip na star ang nasa tuktok nito ay isang malaking hugis na puso ang nandoon.

Pinaupo ako ni Haze at inilapag ko ang bag ko. I rested my arms on the round table at nang marahan na tinapik niya ang balikat ko ay nilingon ko siya.

“Oh, tulips!” I shouted happily. He handed me a bouquet at agad kong inamoy-amoy iyon. “Thank you for this, Haze,” I told him and stood up just to kissed him on the cheek.

Tumikhim pa siya bago siya umupo sa tapat ko at mayroon ng isang lalaki ang nag-serve ng food namin.

There is a five dishes at mukha pa lang ng mga ito ay masarap na. May champagne rin kami at nagsalin na siya sa wineglass namin. Ibinigay niya sa akin ang isa.

“Cheers,” he uttered at itinaas niya iyong kaniya.

“Cheers,” sambit ko naman.

“Now, eat.” I nodded at ibinaba ko ulit ang wineglasses ko.

“This is the romantic date I ever had, Haze. Thank you for letting me experience this wonderful dinner date with you,” malambing na sabi ko at nakita ko pa ang pagkislap ng mga mata niya. Napakaguwapo niya talagang tingnan sa suot niyang light blue longsleeves and white pants. Casual lang iyon pero ang guwapo-guwapo pa rin niya sa paningin ko.

“You’re welcome, Avey and even me, nagtataka rin ako kung bakit dito kita naisipan na dalhin. Tayo lang ang nag-rent ng place na ito at nasa kabilang street lang ang restaurant nila,” he explained.

“Ni-rent mo ito?” namamanghang tanong ko.

“Yes, pinapa-book pa ito ng iba. Exclusive lang para sa couple na kapag gugustuhin nila na mag-dinner dito.” Umawang na lamang ang labi ko sa gulat. King ganoon ay kaming dalawa lang talaga ang nandito.

“I wonder kung magkano mo ito ni-rent, Haze?” curious na tanong ko.

“It’s worth it, Avey. Basta makita ko lang na nakangiti ka at masaya. Hindi ko na iisipin pa ang binayad ko and I don’t mind kung gagastos ako para sa ’yo. I want to make you happy,” sabi pa niya at bumilis na naman ang  tibok ng puso ko. Ang makasama ka lang ngayon o makita ka ay masayang-masaya na ako, Haze.

“Mas lalo akong mahuhulog niyan sa iyo, Haze. Masyado kang sweet,” nakangusong sabi ko at ngumiti lamang siya.

I think, aware na rin siya sa feelings ko. Ayaw niya lang i-open up kasi ayaw niya ring pag-usapan namin kung alam niya siguro na masasaktan ako kapag tinanggihan niya ako. Kaya ko naman siyang hintayin na maka-move on.

“After this ay isasayaw kita.” Lumubo ang pisngi ko.

“Sige ba. Isa iyon sa gusto kong mangyari. It’s a part of the romantic date,” I told him.

Having a romantic dinner with him ay parang gusto ko nang humimlay agad. Kidding aside. Sana lang ay maulit pa ito para maging masaya na rin talaga ako.

After naming kumain ay sumayaw nga kaming dalawa at nakita ko na lang na may isang babae na ang nagpapatugtog ng violin at ang sarap lang pakinggan.

I didn’t expected this to happens talaga. Biro-biro lang pero nagkatotoo naman siya. Kaya nga sabi nila lahat ng imposible ay puwedeng maging posible.

Na kumbaga ang mga bagay na gusto mo ay magiging imposible na. Kung nangangarap ka naman at manalangin ay tiyak ko na pagbigyan naman tayo.

“You are so sweet and handsome, Haze,” papuri ko sa kaniya at hinaplos ko ang panga niya. Napapikit pa siya sa ginawa ko at naramdaman ko na lamang na mas hinapit niya ako palapit sa kaniya. Gustong-gusto ko ang pagiging malapit ng aming katawan.

Nakahawak sa balikat niya ang isa kong kamay. Tumingkayad pa ako para lang abutin ang lips niya at hinalikan ko siya. Yes, hindi ako nahiya na gawin iyon. Kasi una kong ginawa iyon noong sinundo niya ako sa airport.

Nabigla pa siya kasi nanigas na naman ang katawan niya. Lumalamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin at sinapo niya rin ang pisngi ko. Mainit ang palad niya.

I smiled at him kaya napako na naman ang eyes niya sa mga labi ko. Hanggang sa unti-unting bumababa ang mukha niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay ko ang pagdampi ng lips niya sa akin. Ngunit wala naman akong naramdaman. Nang magmumulat na sana ako ay saka niya lang ako siniil nang halik.

Nag-init ang magkabilang pisngi dahil siya na nga ang kusang humalik sa ’kin. Idiniin pa niya ako sa katawan niya at nasa batok ko na ang malaki niyang kamay.

I snaked my arms around his neck and kissed him back. Mabagal sa una ang paghalik niya na parang tinitikman niya lang ito. Pero nang sumasabay naman ako ay bumilis ang bawat galaw nito. Napapahalinghing ako nang kinakagat niya ang lower lip ko at kusang bumuka ang bibig ko.

Palalim nang palalim ang halikan namin at parang nawawala na rin kami sa huwisyo. I can even feel na namamaga na rin ang labi ko at nang pareho na kaming kinakapos nang hangin ay saka lang natigil ang halikan namin.

“I love you, Haze. I fell in love when I first saw you,” I confessed my feelings at pinagkiskis niya lang ang tungki ng aming ilong. Maliliit na patak ng halik ang ginagawa niya.

“I love you, Kreza.” Natigilan ako sa narinig na sinabi niya at napatitig ako sa mukha niya. Maski siya ay nagulat. It seems like hindi niya rin inaasahan.

Hindi ako nakapagsalita dahil mariin na kirot ang gumuguhit sa aking dibdib. Hanggang sa inaya na niya akong umuwi. Nasaktan ako sa sinabi niya, nasaktan ako dahil mahal pa rin niya ang babaeng iyon ay baka nga, nagawa niya lang akong halikan ay dahil din sa ex-girlfriend niya.

Wala kaming imikan nang nasa biyahe na kami kasi hindi ko rin naman alam kung paano magsisimula ng conversation between us. But I’m really tired. Mas pinili ko na lang ang magtulog-tulugan.

Nang makarating kami sa mansyon nila ay nauna na akong bumaba at walang salitang namutawi mula sa aking bibig. Basta na lamang ako pumasok sa loob ng bahay nila.

“Avey,” narinig kong sambit niya sa pangalan ko. Huminga ako nang malalim bago ko siya hinarap.

Nakikita ko ang guilt sa mga mata niya. “I’m sorry.” Tipid na ngumiti ako.

“I understand, Haze. Huwag ka nang mag-sorry sa akin. Nag-enjoy naman ako sa kissing scene natin kanina at kung ano man ang sinabi ko ay totoo iyon,” sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Masama talaga ang loob ko sa pagbanggit niya ng pangalan ng ex niya. Baka nga habang hinahalikan niya ako ay ang Kreza na iyon ang inisip niya.

***

ISASARA ko na sana ang pintuan ng guestroom nang may kamay ang pumigil doon. Napakunot ang aking noo.

“Haze?” gulat na sambit ko sa pangalan niya.

“You forgot this, Avey. ” I pouted nang makita ko ang bouquet na bigay niya. Nakangiting kinuha ko iyon.

“Thanks,” I uttered. Ilang segundo pa niya ako tinitigan. He kissed my cheek.

“Good night, Avey,” he whispered.

Sa good night kiss lang niya ay parang napawi agad ang sakit at lungkot sa dibdib ko. Puwede na, pinatawad ko na agad siya at oo, marupok talaga ako.

Napaupo ako sa kama at ibinaba ko sa bedside table ang tulips ko saka ako huminga. Worth it ang pagod ko ngayong gabi dahil masayang-masaya naman ako. Napahawak pa ako sa labi ko.

I really love you, Haze. Hindi kita susukuan agad-agad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top