t w e n t y - n i n e


"guanlin!" kumaway ako sa lalaking nakasandal malapit sa pintuan habang nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay niya. napaka-gwapong pambungad ng araw, shems!

"aga nating pumasok ah?" sabi ko nang makalapit at napatawa nalang siya, ang bright lang ng gums niya.

"I've been waiting for you for about ten minutes," sabi niya habang nakatingin sa relong suot niya

"taray, hinintay mo ako? you wait me? ayiiie--"

"good morning!" bati ni jihoon sakin saka binaling ang tingin kay guanlin

"morning," sabi ni guanlin at ngumiti naman si jihoon. akala ko may sasabihin pa si jihoon pero bumati lang pala siya at pumasok na sa room nila.

"guanliiiiin!!" tumakbo sa direksyon namin ang sisiw na akala mo may sunog kung makasigaw

"guanlin! is it true? you're lea-"

"seonho!" inakbayan siya ni guanlin habang nakangiti ng bongga na halos mawala na yung mata

"ah.. hehe" nag peace sign naman si seonho. ano bang meron sa dalawang to? konti nalang iisipin ko nang may relasyon silang dalawa

pagkatunog ng bell ay pumasok na kami sa mga room namin para makinig ng mahabang lecture. hindi ko maiwasang mapatingin sa likuran ng row, sa direksyon ni guanlin.

English naman yung klase namin ngayon pero parang lutang ang isip niya. nang magtama ang tingin namin ay nginitian niya lang ako at ganoon din naman ginawa ko kaso..

"miss lim, mr. lai?" shoot!

"p-po?" tanong ko sa teacher naming may hawak na mahabang stick.

"pay attention, hindi ito oras para magtitigan, oras ng klase!" sabi niya at napakamot naman ako sa batok ko, siya naman nag kibit balikat.

pagpatak ng alas-dose ay lumabas na kami para maglunch. naghihintay na si seonho sa labas kaya sabay-sabay na kaming nagpunta sa canteen. ewan ko ba at nagkayayaan ang dalawang 'to.

"nakakahiya nilibre pa tayo ni guanlin.." inirapan ko nalang si seonho, nahiya pa siya ng lagay na yan eh ang dami-dami niyang in order.

habang kumakain kami, daldal ng daldal itong si seonho. minsan English, minsan Tagalog. ang daldal niya talaga!

"are you done eating now?" tanong ni guanlin Kay seonho. wala pa sa kalahati ang nakakain ni guanlin tapos yung sisiw wala nang laman ang plato.

"yep, I'm done. bakit?" tanong ni seonho at sinenyasan naman siya ni guanlin.

"ha? di ko gets" sabi ni seonho at napabuntong-hininga naman si guanlin.

"leave us first.." mahinahong sabi niya at muntikan ko nang maibiuga ang kinakain ko.

"why?" tanong ni seonho, parehas kami ng tanong.

"we have something to talk about.." sagot ni guanlin na nagpataas sa kilay ko

"about what--" magtatanong pa sana si seonho pero nginitian nalang siya ni guanlin.

"tsk, sige na nga. babye" pagpapaalam niya samin ni guanlin

"bakit?" tanong ko sa kaharap ko.

"ah.. eat first," sabi niya. napakurap pa ako ng ilang beses bago itinuloy ang pag-kain ko. medyo awkward na nakakakilig dahil nakatingin lang siya sakin habang kumakain ako.

"bakit hindi ka--" nanlaki ang mata ko nang ilapat niya ang daliri niya sa gilid ng labi ko.

"you have something on your face," sabi niya matapos itong punasan. saglit akong napalunok at napakurap bago bumalik sa katinuan ang isip ko.

"guanlin.. okay ka lang ba--"

"jia, I don't think I can attend the class tomorrow."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top