t w e n t y


"oy class 10-C bilisan niyo nga ang lakad, mahiya kayo sa class 10-A!" napakagandang bungad samin ng adviser namin. nakakainis lang yung fact na may favoritism yung mga teacher!

umakyat na ako ng bus at umupo sa tabi ng bintana. nasa may parteng gitna ako ng bus dahil sabi ni mama dito daw safe in case na maaksidente ang sinasakyan namin. maya-maya lang aalis na ang bus pero yung katabi ko wala pa, baka natraffic na yun o ano.

"jia pwede ba dito umupo?" napakunot ang noo ko at hinarap ang lalaking na mamay-ari ng boses na yun.

"kanina pa kitang hinihin-- jihoon?" hindi nga pala magaling magtagalog si guanlin, bakit ba inisip kong siya to?

"good morning, pwedeng tabi tayong dalawa? wala na kasing vacant seat" pagkasabi nya nun ay aad akong napatayo at nilibot ng tingin ko ang loob ng bus, wala na ngang bakante!

"ah jihoon kasi, may nakaupo na dito. hinihintay ko lang, baka natraffic sa daan," paliwanag ko sakaniya pero hindi naalis ang nguti sa labi niya

"baka naman hindi na yun dadating--" naputol na ang sasabihin ni jihoon nang biglang may umupo sa tabi ko. hindi man lang nag excuse si koya at basta na umupo.

"I'm sorry I'm late" sabi niya at ngumiyi sakin. naramdaman ko naman ang pamumula ng mga pisngi ko na para bang mamaya lang sasabog na ako sa kilig. katabi ko si guanlin like-

"i still can't accept your rejection. let's just do this this way," sambit ni jihoon

naging tahimik ang byahe namin. yung iba maingay at nagkakantahan pa samantalang ang iba naman ay tulog.

ako? sobrang awkward lang naman dahil pinag-gigitnaan ako ni guanlin at jihoon.

oo, magkakatabi kami ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top