t h i r t y - t w o
"kita nalang tayo mamayang lunch," nagpaalam na sakin si jihoon bago siya pumasok sa classroom nila.
sabay kaming pumasok ngayon dahil nag-abang pala siya sa labas ng bahay namin kanina. nagulat nga ako eh, paano naman niya nalaman bahay ko?
medyo boring yung klase kasi wala yung lalaking tinitingnan ko sa likuran. parang isang bwan na siyang wala kahit halos wala pa namang isang araw. nag te-text ako sakanya kagabi pero hindi naman siya nagrereply, siguro maaga natulog yun.
gaya ng napag-usapan, sabay kami ni jihoon kumain. oo, medyo awkward pero siya naman kasi yung tipong awkward lang sa una pero mamaya okay na uli. magkatapat kami ngayon sa table namin at maraming camera ang nakatutok, sakaniya.
bukod kasi sa siya ang president ng student council, sikat rin siya sa school at tinatawag na wink boy.
"nakaka-op naman," biro ko at napatawa naman siya. nagsimula na kaming kumain at sa pagitan noon ay may kwentuhan.
"mabait ba si guanlin?" nagulat naman ako sa biglaang tanong niya. napa-kwento tuloy ako.
"oo naman. sa una mukhang snobber pero mabait yun, hindi lang talaga pala-imik kasi alam mo na, englishero." napatawa naman siya. ang gwapo naman niya-- hoy! kay guanlin ka lang!
"naalala ko nga, nung first day niya. tinext ko siya nun para magpaturo sa assignment namin sa English kasi nga magaling siya, kaso di ko kinaya, dinugo ilong ko eh, haha"
"may gusto ka ba sakaniya?" halos maibuga ko ang iniinom kong juice dahil sa tanong niya.
"a-anong sinasabi mo dyan?"
"you won't reject me in the first place kung hindi dahil sakaniya" sabi nya't uminom.
"agad na? malay mo naman si hyunbin pala ang crush ko? ang gwapo kaya nun! o di kaya ay si seongwoo! guanlin agad?"
"you can say that, but.." may kinuha siya mula sa bag niya, isang maliit na kahon na kulay pink.
"here.." iniabot niya 'to sa akin at pagbukas ko..
"isa 'tong.." bracelet..
"jihoon, akala ko ba napag usapan na natin--"
"that day.. nung nireject mo ako sa cafe, nagpunta rin doon si guanlin. as soon as you got out of the cafe, he went to me and gave that. gusto niyang ibigay ko sayo yan,"
"ano? pwede namang siya na ang magbigay sakin ah? bakit pinaabot niya pa sayo?"
"he wanted to make you happy. akala niya ako ang gusto mo."
"shunga pala siya eh, manhid ba talaga siya?" pagkasabi ko nun ay napangiti nalang si jihoon.
"inamin mo rin. jia.."
"bakit?"
"he told me not to tell you this but.. dapat mong malaman"
"uy jihoon, wag mo nga akong pinapakaba!"
"the reason why he's absent now is because.."
"paki-tagalog, please lang"
"nag-aayos na siya ng gamit niya,"
"ha? di ko gets."
"aalis na siya, bukas. papuntang korea."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top