t h i r t y - t h r e e
"supposed to be bukas ang flight niya pero dahil napabalitang may parating na bagyo bukas, na-move ang flight niya ngayon. you still have one hour to go to him, mag-ingat ka."
wala na akong naiintindihan sa nagyayari, tanging si guanlin lang ang laman ng isip ko ngayon. pagkasabi nun ni jihoon ay tumakbo na agad ako pauwi sa bahay at nagpaalam kay mama para sundan si guanlin. dahil nakilala niya na si guanlin, hindi niya na ako kinontra pa.
hindi gaano kalayo ang airport dito sa bayan namin pero natraffic kami sa daan. konting minuto nalang ang meron ako!
"manong, bababa na po ako ito po ang bayad" hindi ko na kinuha pa ang sukli ay bumaba ng ng taxi. tirik na tirik ang araw ngayon pero hindi nun inalintana ang kagustuhan kong maabutan siya.
tinakbo ko na papuntang airport dahil medyo malapit naman na ito. muntik pa akong mabangga! lagot ka talaga saking gilagid ka!
patuloy sa pagtulo ang pawis ko hanggang sa makarating ako sa airport. wala na akong oras pa para makipag diskusyon sa mga guard kaya binigay ko nalang sakanila ang lahat ng gamit ko at ID maliban sa maliit na box. Hindi ko akalaing hindi pa pala sapat yun dahil hinabol pa ako ng dalawang guard.
"please kuya, mabilis lang ako. may hinahabol akong importanteng tao sa buhay ko, mabilis lang 'to.. please." pagmamakaawa ko sakanila
"bata, sinabi na kasing hindi ka basta pwedeng pumasok ng ganun nalang. mahigpit ang seguridad ng NAIA ngayon kaya mabuti pa, lumabas kana" hinawakan na nila ang magkabilang braso ko pero nagpumiglas parin ako hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang lalaki..
"guanlin.. GUANLIN!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top