III

"I'm always at your side, no matter how hard the battle or war that we will encounter."

[TWINS]

« III »

"Nasaan na tayo?" Tanong ni Celina habang lumilinga-linga pa sa paligid. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan. Tulog na tulog pa rin ang boyfriend niya. Ito lang ang hindi nagising sa pagsigaw kanina ni Rupert. "Sleepy head, wake up," utos nito kay Henry. Sa ilang pagyugyog niya ay nagising na rin ito.

"Where are we?" pupungas-pungas pa nitong tanong at pag-irap lang ang naging sagot niya rito.

Tinitigan naman ni Drew ang paligid, tamang-tama lang pala ang lugar kung saan sila nasiraan ng sasakyan.

"Nandito na pala tayo," nakangiti nitong wika.

"Seriously, Drew? Ito na 'yung sinasabi niyo! What the heck? Walang signal dito!" Iritableng angal ni Kayleen matapos bumaba ng sasakyan. Nakailang hampas na siya sa kanyang braso dahil sa dami ng lamok. Idagdag pa ang maputik na daan na lalong naging dahilan ng pagkainis niya. "Gross!" nandidiri niyang tinignan ang boots niyang lumubog na sa putik. "Galing pa itong Paris tapos-eww! Hindi ko na magagamit!"

"What the-ew!" Segundang pandidiri rin ni Sophia.

"Are you serious?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Britanny. "This place is hell! Hindi ako mabubuhay dito!"

"Ang aarte niyo," nakairap na wika ni Lian. Unang bumaba si Liam at binakay ang kakambal.

"Kami pa ang maarte ha?" Natatawa namang sambit ni Sammy kay Lian.

Nakigaya rin ang iba at nagpakarga sa mga kasintahan.

"Nandoon ang bahay na sinasabi ni Professor Rosales," itinuro ni Drew ang may kalakihang bahay sa tuktok ng hagdan. Mabuti na lang at napasok niya pa ang sasakyan sa loob ng gubat bago sila masiraan.

Pinagmasdan ni Sammy ang paligid. Mapuno sa pinaglalagakan nila. Tahimik, at tanging huni ng ibon lamang ang maririnig.

"Shit!" Nakuha ni Dustin ang lahat ng atensyon dahil sa lakas ng pagmumura nito. "Lumubog ang kalahating gulong ng mini bus!"

Ganon na lamang ang paglukot ng mukha nila at nanlalaki naman ang mata ng iba 'nung lalo pang lumubog ang sasakyan at hindi na nakita pa ang gulong nito sa likuran.

Mabilis namang bumalik sa loob si Paul at kinuha ang mga gamit ng kasama. Mas mabuti kung ito na lang ang kukuhang mag-isa ng mga gamit upang hindi na lalong lumubog pa ang sasakyan.

Kinagat-kagat na naman ni Rupert ang daliri. Ganito siya kapag may bumabagabag sa kanyang isipan o kinakabahan.

"Mamatay na—" hindi naituloy ni Rupert ang pagsasalita matapos dumapo ang kamay ni Ella sa kanyang pisngi.

"Shut up! Will you? You already giving me a nightmare!" Lahat sila ay nagulat sa ginawa nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagsalita ito ng ganon kahaba. Maging si Sammy na bestfriend niya ay hindi ito inaasahan. Kita rin ang pagkainis sa mukha ng dalaga. Kilala nila itong tahimik at walang pakialam kaya ganoon na lamang ang pagkabigla nila. "Drew, carry me!" utos pa nito. Kita nila ang pagtataka at gulat sa mukha ng binata ngunit kinarga pa rin nito si Ella at nagpatiuna na sa paglalakad.

"Is that, Ella? She's so creepy talaga!" Maarteng konyo ni Sophia. "Bigla-biglang nagbabago ng ugali kada-semester!"

"Shut up, Sophia, if you don't want to rip out your precious tongue!" nakangisi namang utos ni Britanny. "The protective bestfriend is staring at you to death."

Napalunok naman si Sophia matapos makita ang nakamamatay na tingin ni Sammy.

"Tsk," ang tangi lang nasabi ni Sammy at sumunod kila Drew. Isang backpack lamang ang dala niya. Ipinasa niya ang maleta kay Dustin at ito ang pinagdala niya.

Si Rupert at Dustin lang ang walang kargang babae. Kahit natatakot ay dinala ni Rupert ang mga gamit ng kasama. Pero kung kukunin pa ang iba ay hindi na siya sasama. Baka atakihin na kase siya ng takot at ayon pa ang dahilan ng pagkamatay niya. Pilit niyang iwinawaksi sa isipan ang nakakagimbal na pangitain. Ayaw niya ng isipin pa. Ikinakaila niya rin sa sariling may kaibigan siyang magiging dahilan ng pagkamatay ng iba. Sa ngayon, iisipin niya na lang na nagkamali sa unang pagkakataon ang kanyang pangitain.

KINABUKASAN, patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan. Hindi tuloy nila magawa ang mga gustong gawin. Nahuli namang nagising si Dustin. Kahit na napagod silang dalawa ni Paul sa paghahakot ng gamit ay hindi pa rin siya nakatulog dahil sa mga sinabi ni Rupert. Mga bandang alasdos na siya dinalaw ng antok kaya naman pupungas-pungas siya na pumunta sa kusina nung magising ng umaga.

"Good afternoon!" Bati sa kanya ni Kayleen. Tinanguan niya lamang ito at hindi pinansin ang pagkakayapos nito sa kanyang braso. Inaantok pa kase siya at walang siyang balak magsalita.

"Linta talaga," pabulong na wika sa hangin ni Sammy habang nakamasid sa pangalawang palapag ng bahay. "Daig talaga ng malandi ang maganda. Malandi siya, maganda lang ako, kaya talo pa rin ako sa totoong buhay!"

"Kapag sinabi ang salitang Kayleen, kasunod niyon ang salitang linta kaya wala kang magagawa, Sammy."

"Tama. Wala nga," sang-ayon ni Sammy nang wala sa sarili.

"Akitin mo na kase. Sabi mo nga daig ng maganda ang linta 'di ba? Tama?"

"Tama."

"Naiinis ka ano?" Gusto ng humagalpak ng tawa ni Lian habang nire-record sa cellphone ang pag-amin ni Sammy. Wala ito sa sarili at inaantok pa kaya sumasagot ng ganito. Ito ang wirdong ugaling mayroon si Sammy. Kung ang iba ay napapaamin kapag lasing, si Sammy naman ay kapag kulang sa tulog.

"Tama."

"Nagseselos?"

"Tama."

"Mahal mo pa ba?"

"Tam—what the hell?" Nanlaki ang mata ni Sammy matapos mapagtanto ang mga sinasabi kay Lian. "Kanina ka pa diyan?" Tila nabuhusan siya ng isang baldeng tubig at nawala ang antok.

"Yeah," tatango-tango nitong wika.

"Narinig mo?"

"Yeah."

"Ni-record mo?" nanlaki lalo ang mga mata niya.

"Yeah." Tuluyan ng humagalpak ng tawa si Lian at tumakbo pabababa ng hagdan.

"Aysh! Are you nuts? Give me that lunatic phone!" Nanggigil niyang utos dito habang hinahabol ito.

Pagkababa ng hagdan ni Lian ay nagtago ito sa likod ng kapatid nang makasalubong ito at muling tumakbo sa likod naman ni Dustin na tumayo dahil halatang naalibadbadbaran kay Kayleen.

Nakasimangot lamang si Dustin habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Article number three section two, the privacy of communication and correspondence shall be inviolable, except upon the lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise as prescribe by law!" Litanya ni Lian habang nasa likod pa rin ni Dustin. Hindi naman makalapit si Sammy dahil hindi siya sanay sa presensya ni Dustin. Isang metro ang layo niya sa mga ito.

"Nice," humarap naman si Dustin kay Lian at ginulo ang buhok nito.

"Kuya Dustin, take care of my precious phone." Lalong napasimangot si Sammy matapos walang pag-aalinlangang kunin ni Dustin ang cellphone at ilagay sa bulsa. Halatang wala pa sa sarili si Dustin dahil bumaba ito ng hagdan na gulo-gulo ang buhok. Pumunta ito sa refrigerator at naghahalungkat ng makakain.

Lumapit naman si Lian kay Sammy at bumulong, "ang gwapo ni Kuya Dustin sa suot niyang sando at beach short ano?"

Tinitigan niya ito nang masama, "I will cut your tongue, ripped your skin, and burn you to death!" Nag-uusok na yata ang taynga niya dahil sa matinding inis.

Pinilit na matawa ni Lian kahit na natakot siya sa nanlilisik nitong mata. "Hindi ka kamo mabiro!" pabiro niya itong hinampas. "Hindi ako nag-record!"

"Hey!" Lumapit naman si Liam dahil nakita niyang natatakot ang kakambal. "Article number three section twelve, no torture, force, violence, threat, intimidation, or any means—"

"Shut up, Liam! Cut that articles, alam ko na iyang lahat! Give me specific! Ang OA niyo pareho. Kung makabanggit kayo ng article kala nila inaapi ko kayo. Nakakainit kayo ng ulong magkapatid! Magsama kayo sa korte at magpakulong kayo sa mental!" Pagkatapos nitong sabihin iyon ay nag-walk out ito.

"Anong nangyari doon?" nagtatakang tanong ni Liam.

"Mali yata ang sinabi mong article," wala sa sariling sagot ni Lian habang nakangiti. "Confirm! Dapat pala detective ang kinuha ko at hindi law." Tila may mga bituin pa ang mata ni Lian habang hawak ang dalawang braso ni Liam.

"Hoy! Ayos ka lang?" Takang tanong ng kakambal. Kinakabahan siya sa takbo ng utak ng kapatid. Malayo pa naman ang mental hospital sa lugar na iyon kung sakaling matuluyan ito na ipinag-aalala niya nang labis.

Tinapik-tapik naman ni Lian ang balikat ng kapatid, "don't worry, bradah! I won't leave you behind. I'm always at your side no matter how hard the battle or war that we encounter kaya hindi pa ako masisiraan ng bait 'no! Kahit ilan pang article iyan, haharapin ko para sa'yo. Payakap nga!"

Napangiti naman si Liam at niyakap din ang kapatid. "This is the best thing ever for having a twin sister!"

"For having a twin sister na maganda," dagdag ni Lian.

"Na maganda at mahangin pa!" Natawa na lang si Lian sa kapatid.

"Geez! So cheesy!" Pagpapuputol naman ni Britanny sa usapan ng dalawa. Kumalas naman sa pagkakayakap si Lian at humarap dito.

"Back off!" at hinila ang kakambal. Ayaw niyang nadidikit ang kapatid na si Liam sa linta. Nagiging tigre siya na handang lumapa kapag napapalapit ito sa ganoong uri ng babae. Baka makapatay din siya kapag nasaktan ang kapatid kaya habang kaya niya pang iiwas ito sa mga ganoong tukso ay gagawin niya.

Umakyat sila ng hagdan at pumunta sa balkonahe para mag-aya ng laro sa mga kasama.

"Aysh! Paano ko kaya makukuha ang puso ni Liam?" Naka-simangot na tanong ni Sophia sa sarili. Lagi kase itong binabantayan ng kapatid kaya hindi siya makaporma dito.

"Hay... seduce him. Period."

"Ha?" Nagulat si Sophia sa biglaang pagsulpot ni Kayleen. Hindi niya na lang ito pinansin at nagkibit-balikat paakyat ng hagdan.

☜☆☞

END OF CHAPTER THREE

Thank you for reading! 😘

©PORTALMENTIS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top