II

"I prefer to be true to myself, rather than to be loved for something I am really not."

[TRIP]

« II »

"Great, Sammy! Wala na bang mas ibabagal pa iyan?" tanong ni Drew habang paulit-ulit na pinipindot ang busina ng mini bus.

"Great too! Seriously? Early in the morning, you knocked at my door a thousand times and says 'Sammy, mag-empake ka. Sasama ka sa amin' good job guys! Nag-planking ang kaluluwa ko! Ang galing niyo pong magyaya!" Sarkastiko niyang sagot habang hinihila ang kanyang maleta.

Sa totoo lang ay hindi niya na alam kung anong damit ang nadala niya dahil sa biglaang pagkatok ng mga kaibigan sa tapat ng apartment niya bandang alas-tres ng madaling-araw. Noong isang linggo, mukha na ng mga ito ang huli niyang nakita, at ngayon sa paglabas niyang muli ng kanyang apartment ay mga ito na naman ang bubungad sa kanya.

Hindi niya na rin nasabi na natakot siya kanina at inisip na multo ang kumakatok o magnanakaw.

"For hundred times and for Pete's sake! Biglaan lang ito, Sammy, okay?" Inirapan pa siya ng maarteng si Sophia na katabi ni Britanny, ang bitchfriend in crime nito. "Kung plinano na ito dati, baka hindi pa natuloy, so stop nagging and bring your things. Period!"

Speaking of bestfriend. Iginala niya ang kanyang mga mata habang umaasa na makikita ang hinahanap niya parati sa tuwing may lakad sila.

"Ella! Nandito ka?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa kanyang bestfriend. Hindi kase ito sumasama sa kahit na anong lakad ng barkada. First time iyon. Gusto niya yatang maluha. Tumango lang ito. Wala na talagang magbabago sa pagiging tahimik nito. "Ella!" Dinamba niya ito ng yakap.

"Aray," walang emosyon nitong sabi.

"Ay sorry." Napakamot pa siya. Nasaktan ng walang emosyon. Ayos, magiging isang magaling talagang lawyer ito balang-araw dahil sa pagiging kalmado. Suot-suot na naman nito ang nerdy glass na sobrang kapal at mahabang palda. Kung dati t-shirt lang ang upper get up nito, ngayon, level up na sapagkat long sleeves naman. Lamig na lamig ata ang bestfriend niya?

Nawala na ang atensyon niya kay Ella matapos magsalita ni Drew.

"Get in, Sammy. Inabot na tayo ng liwanag sa daan." Napakamot siya ng batok. Lumabas nga pala siyang muli habang lumilipad pa ang isip.

"Alam mo, Sammy? Masyado ka pa ring pa-importante. Until now, I'm still wondering kung bakit ka pa isinama dito ng mga iyan."

"Tss. Talk to yourself, Kayleen. Hindi kase ako nakikipag-usap sa linta. Don't get me wrong ha? Pero sila ang may gustong isama ako. Sabit ka nga lang din 'di ba? So shut up, will you? Nakakasira ka ng umaga." Pasalampak siyang naupo sa tabi ni Ella. Isa pang asungot ang nabungaran niya. Naroon si Dustin at nakatingin sa kanya. "What?" Iritable niyang tanong dito.

Hindi naman siya nito pinansin at nagsuot lang ng earphones. Kung sa ibang pagkakataon, masasabi niyang gwapo ito. Maganda kase ang mga pilikmata, matangos ang ilong at may mamula-mulang kutis dahil sa pagiging purong koreano nito. Bagong kulay pa ang buhok kaya mas lalong tumindi ang dating nito. Lumaki lang sa Pilipinas kaya napakagaling nito sa pananagalog. Kaso sobrang tahimik at yabang naman.

"Staring at me with no permission is rude. Sabihin mo na lang kung may gusto ka sa akin, sasagutin kita agad," wika nito habang nakapikit. Napangsinghap na lang siya dahil sa matinding inis. Nakalimutan niyang matalas nga pala ang pakiramdam nito.

"Mahangin," bulong niya. Sapat para marinig ni Dustin kahit may nakasalpak na sa taynga.

"Well. I prefer to be true to myself, rather than to be loved for something I am really not. I was just stating the fact, Sammy. Hindi 'yon kayabangan."

"Yeah, whatever, Dustin." Ayon lang ang tangi niyang nasabi habang nililinga-linga ang leeg at iniikot ang mata sa loob ng mini bus.

Nasa unahan si Drew at ito ang nagda-drive. Sabi ng mga kasama niya, ang binata na daw ang nagprisintang magmaneho imbes na magrenta sila ng driver. Sa ganoong paraan daw kasi ay magkakaroon sila ng privacy na magkakaibigan. Ngunit nasisigurado niyang umiral na naman dito ang pagiging sigurista sa pera at nagtitipid na naman.

Sabi ng mga ito, libre daw ng kanilang guro ang bakasyong iyon ngunit, wala naman ito at hindi nila kasama. Wala rin siyang ideya kung saan sila pupunta at wala na siyang balak na alamin pa. Natulog na rin ang katabi niyang si Ella kaya't pinilit niyang maidlip na rin. Hindi naman siya nabigo.

NAGISING naman siyang muli 'nung magtatakip-silim na. Aalukin niya sana si Drew na siya na muna ang magmamaneho para makapagpahinga ito ngunit mainit na tagpo ang naabutan ng kaniyang mga mata sa likod na bahagi kung saan pang-apatan ang upuan. Naroon si Celina na nakaupo sa hita ni Henry, ganon din si Kayleen kay Paul at parehong nagpapagalingan sa pakikipaghalikan. Napasimangot at iling na lang siya sa mga ito. Sa isip-isip niya'y wala talagang pinipiling oras ang mga kaklase niya. Sa likod naman nila Sammy ay naroon ang kambal na half-Chinese na si Lian at Liam. Katulad ng dati-COC pa rin ang inatupag ng dalawa na wala ng bago sa kanya. Tulog naman si Cleo na kanina ay kaharutan ni Liam. Katabi nito ang tulalang si William. Magsimula nung magbyahe ay ganito na ito. Nasa harap naman ang bitchfriend na nagbabasa pareho ng libro.

Napadako namang muli ang mata ni Sammy sa direksyon nila Dustin. Napansin niyang galaw nang galaw ang ulo ni Rupert at tila nanaginip ito. Pinagmasdan niya ito, tumayo siya mula sa pagkakaupo, at balak na sanang gisingin nung hindi na siya makatiis.

"Huwag!" sigaw ni Rupert. Nagulat ang lahat, at napako ang atensyon sa binata. Maging ang katabi nitong si Dustin ay nagising na rin. Muntik na ang pagkatumba ni Sammy dahil sa pagprenong biglaan ni Drew, mabuti na lang at napigilan iyon ni Dustin. Kumiskis ang gulong at gumawa ng matinding ingay.

"Hindi kase nag-iingat! Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dustin. Tumango naman si Sammy at inayos ang sarili. Binangga naman siya ni Britanny at sinugod si Rupert.

"What the the heck is wrong with you? Ha!" bungad nito kay Rupert at pumamaywang.

Habang nasa ganoong tagpo ay nagawa pang pagmasdan ni Sammy ang buong paligid. Umuulan pala sa labas at nasa liblib na lugar na sila.

"Hey?" Nag-aalalang tanong ni Dustin kay Rupert. "What happened, dude?" Hindi pa rin ito nagsasalita at kitang-kita ang takot sa mga mata. Tumayo pa ito at ang mga katagang binitiwan ang nagbigay kilabot sa kanila.

"Mamatay tayo! Ibalik mo ang sasakyan pauwi, Drew! Mamatay na tayo!"


☜☆☞

END OF CHAPTER TWO

Yow, guys! First time kong magsulat ng ganito (sobrang layo sa genre ko 😂). Medyo nag-eexpirement pa ako so please understand. By the way it's already finish! I think, fifteen chapters plus the prologue and epilogue only. Seeyaw!

-CJ

©PORTALMENTIS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top