DD0074
ART
ART:
Good morning, Chanchine
YOU:
Morning
ART:
Kumain na ba ng almusal?
YOU:
Kumakain pa lang
ART:
Owki, buti na lang walang pasok
Kasi ngayon lang ako nagising
YOU:
Bumangon ka na para makakain
ART:
Susubuan mo ba ako?
YOU:
Landi mo ha
ART:
HAHAHAHAH biro lang
YOU:
Pero anyway
ART:
Yes
YOU:
May tatanong lang ako
ART:
Yes?
YOU:
What if, meron kang isang file document or word file na nakalagay sa phone mo. Then lahat ng mga sinusulat mo dun, nangyayari. Ang kaso, may consequence. May nangyayaring masama.
ART:
Panong masama?
YOU:
Like death
ART:
Hmm. Interesting
YOU:
Gets mo ba?
ART:
May naalala lang ako
YOU:
Naalala?
ART:
Yes, pero baka iba lang yon.
Pero give ka nga ng example
YOU:
Okay, pero lame ito
For ex, gusto ko ng candy, yung pinakamahal na candy
Yan yung nilagay ko don sa word file, then kinabukasan, magkakaroon nga ako ng candy
Then, mababalitaan ko na lang na nasunog yung factory ng candy na yun
Ayan, gets na?
ART:
Yeah, so in every wish, may kapalit.
YOU:
Not like "kapalit", may nangyayaring masama doon sa pagkukunan ng wish ko. Para lang makuha yung wish ko
ART:
I understand now
YOU:
Ikaw, pano kung meron kang ganon?
ART:
Na nakalagay sa phone ko, ano?
YOU:
Oo
ART:
I think, di ko na lang sasagutan
YOU:
What if, you need to answer it, kasi pag di mo sinagutan yung form, ikaw naman ang mapapahamak
ART:
I guess, I will plan out what will I write. Then try to solve paano ko mare-reverse yung wish
YOU:
What do you mean by reverse?
ART:
Example, merong head or merong creator kasi parang impossible na nagkaganyan ka lang na walang naglalagay sa phone mo di ba? Then yung word file, imbis na sa you mag effect, dun mismo sa creator mag eeffect
Example - gusto ko ng candy, then imbis na yung factory ang masunog, ang masusunog ay yung bahay nung creator
YOU:
Pero how?
ART:
Kailangan mong alamin kung sino ang creator
For example ulit - habang busy sya sa pag tupad ng wish mo, busy ka naman para hanapin ang tirahan nya then dun mo na gawin
YOU:
Pano kung di mo alam kung sino ang creator
ART:
IP address
YOU:
Pano kung naka hide
ART:
I will still try anything
YOU:
Thank you
ART:
Para san?
YOU:
Wala
ART:
Grabe yang nasa isip mo ha
Nakakatakot
YOU:
Nakakatakot . . .
ART:
Speaking of nakakatakot, sana mahanap na si sir ram or kung nagbabakasyon man lang sya, magparamdam na sya
YOU:
Oo, kasi kung, if ever, tatlo na ang namatay ngayong school year sa university
ART:
Alam mo, nung junior high ako, marami ring mga namatay sa high school namin. Within two years, ang daming nangyari. Bumaba nga ang enrolled students dahil sa mga unexplained incidents. Hanggang ngayon, wala pa ring hustisya kung sino ang mga gumawa non
YOU:
JHS?
ART:
Ye, nung JHS ako
YOU:
Di ba, classmate mo si Jon noon?
ART:
Yes, then nung SHS, lumipat sya then kasabay non, parang nawala na rin yung mga patay incidents sa high school namin
YOU:
Hmm
Nong SHS ako, classmate ko sya then mayron din kaming maga patay incidents
Then ngayong college na kami, meron na naman.
ART:
Parang sinunusundan ng malas si Jon
YOU:
Weird
ART:
Pero you can read this link
Ito yung mga incidents na nangyari sa HS namin
fakebook.com/unexplained-deaths-and-unresolved-incidents-in-LNHS
YOU:
Thanks
ART:
Article din yung bawat points jan. Pwede mong basahin pero magegets mo rin naman base lang sa title ng mga article. Wala ka ring malalamang sagot sa bawat article dahil dinedescribe lang yung nangyari
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top