DD0062

Calling Jon

YOU:
Hello. . .

JON:
Anong dahilan bakit mo ako tinawagan?

YOU:
Naka-deactivate pa rin socmed mo at bihira ka na lang pumasok. Hindi ko ba alam kung ano mayro'n.

JON:
Ano ang pakay?

YOU:

*sighs* Gusto mong paalisin si sir Ram 'di ba?

JON:
Bakit?

YOU:
Tinatanong kita. Umayos ka ng sagot.

JON:
Oo, gusto ko. Bakit nga?

YOU:

E 'di, gagawin natin.

JON:
Ano'ng pumasok sa utak mo? Akala ko ba may mga morals kang kailangan sundin at ayaw mong may mangyaring masama?

YOU:

Oo, mayro'n pero natatakot ako.

JON:
Ano ba ang nangyayari?

YOU:
Pinagbantaan ako.

JON:
Ni? Ng?

YOU:
No'ng hacker. Pinagbantaan ako no'ng hacker.

JON:
Ano sabi?

YOU:
Naglabas siya ng bagong rule. Ang rule na 'yon ay kailangan kong sagutin ang form every three days. Kung hindi ko naman sasagutin, ako ang malalagay sa panganib. Oh 'di ba, ayaw ko naman may mangyaring masama sa akin.

JON:
Ano ba ang mas matimbang sa 'yo? Ang sarili mo o ang buhay ng iba?

YOU:
Ugh. Hindi ko alam. Pero minsan kailangan naman yata natin maging selfish 'di ba?

JON:
Kung 'yan ang gusto mo.

YOU:
Ano ba, Jon. Hindi helpful.

JON:
Ano ba ang gusto mong marinig? Sarili mo 'yan, Chasey. Ikaw ang kikilos. Ikaw ang gagawa. Nasa 'yo pa rin ang huling gawa.

YOU:
Kasi natatakot ako na may mangyaring masama kay sir Ram at natatakot din akong may mangyari sa akin.

JON:
Kung ako ikaw, I will save myself. Mas kailangan 'yong may hawak ng form na 'yon dahil kung wala siya, baka mapasa na naman sa iba at hindi na nalutas.

YOU:
So you mean–

JON:
Oo, gusto ko na mawala si sir Ram. Kaya sagutan mo na ang form.

YOU:
After I answer the form , I will talk do'n sa hacker. Sana wala siyang gawing masama kay sir.

JON:
Sana.

Call ended.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top